LP15 Alamat

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Masusing Banghay Aralin

I.Mga Layunin
Sa loob ng isang oras na talakayan,ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a)nasasagutan nang wasto ang mga katanungan sa larong Maalaala Mo
Kaya?

b)nasusuri at naibibigay ang ibat ibang elemento ng alamat, gaya ng


tagpuan, tauhan, suliranin at iba pa;

c)nakasasali nang masigasig ang mga mag-aaral sa talakayan;

d)nababasa ang Alamat ng Paruparo sa pamamagitan ng Readers


Theater.

e)nakapagtatanghal ng mga gawaing iniatas ng guro;

f)at nakikintal sa puso ng mga mag-aaral ang aral na mapupulot sa alamat


at ang kahalagahan ng alamat sa panitikan sa pamamagitan ng
pagtatanghal.

II.Paksa
Alamat ng Paruparo
Sanggunian: Modyul ng Filipino Baitang 7
III.Kagamitan
Pisara at Panulat
Malaking Paruparo
Malaking Hanap-Salita
Bulaklak
Bell
Manila Papers
Kopya ng Alamat ng Paruparo
Rubrik

Inihanda ni: Mariano, Leri Mae P. BSEd4B-Filipino


IV.Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

- Maaari bang tumayo ang lahat para sa - Opo Maam.


pambungad na panalangin?

- Pangunahan mo (pangalan ng mag- (Pagdadasal ng mga mag-aaral)


aaral)

- Magandang Umaga! -Magandang Umaga rin po!

-Bago kayo maupo maaari bang pulutin


niyo muna ang mga kalat na inyong na
nakikita sa inyong paligid? At ayusin
ninyo ang inyong mga upuan.

-Maaari niyo bang tingnan ang inyong


mga katabi upang ating malaman kung (Pag-tsek ng attendance)
sino ang lumiban sa klase? Sino ang
lumiban sa hanay na ito? Sa kabilang
hanay naman?

B. Pagbabalik-Aral
-Bago tayo dumako ngayon sa ating
susunod na aralin ay magkakaroon muna
tayo ng pagbabalik-aral sa ating napag-
aralan kahapon.

-Ano ang naging aralin natin noong


nakaraang araw? -Ponemang Suprasegmental po Maam.

-Ano naman ang kahulugan ng ponema? -Ito po ang pinakamaliit na yunit ng


tunog.

-Mahusay! Sino naman ang


makapagbibigay ng tatlong uri ng -Ito po ay ang diin,tono at antala.
ponemang suprasegmental?

-Magaling! Ano ang dalawang simbolo na


-Tuldok at dalawang bar po.

Inihanda ni: Mariano, Leri Mae P. BSEd4B-Filipino


ginagamit upang malaman natin ang diin
ng isang salita?

-Mahusay! Sa antala ano naman ang


simbolong ginagamit? -Kuwit at tuldok po.

-Mahusay! Talagang nauunawaan niyo na


nga ang ponemang suprasegmental.

B.Pagganyak

- Ngayong araw na ito ay magkakaroon


naman tayo ng isang laro na tatawagin
nating Maalaala Mo Kaya? Handa na ba
kayong makinig sa panuto? -Opo Maam.

-Kung gayon, habang ako ay nagsasalita


lahat kayo ay dapat na nakikinig,
-Opo.
maliwanag ba?

-Alam niyo ba ang awiting bayan na -Opo Maam.


paruparong bukid?

-Ngayong araw na ito ay mayroon akong


isang bulaklak dito na ipaiikot natin sa
klase sa pamamagitan ng pagpasa-pasa,
kapag sinabing pasa ibig sabihin ibigay
ito nang maayos at hindi dapat ihagis.
Ang sinomang makita ko na hindi
sumunod sa panuto nang dalawang
beses ay hindi na makasasali at
mawawalan ng karapatan na makakuha
ng recitation points. Habang umiikot ang
bulaklak ay aawitin ninyo ang paruparong
bukid at kapag narinig niyo ang tunog ng
bell ibig sabihin ang sinomang may
hawak sa bulaklak ang siyang sasagot at
hahanap ng kasagutan sa ating Hanap
Salita. Kapag nakasagot ng wasto ay
makakatanggap kayo ng recitation point.
May katanungan ba? -Wala po.

(LARO)

-Maaari niyo bang bigyan ng tatlong


bagsak ang inyong mga sarili dahil

Inihanda ni: Mariano, Leri Mae P. BSEd4B-Filipino


nasagutan niyo nang wasto ang mga
tanong sa laro.

C.Paglalahad

- Base sa mga katanungan na sinagutan


ng inyong mga kamag-aral ano kaya sa
tingin ninyo ang ating magiging aralin -Alamat po Maam?
ngayong araw?

-Siyang tunay! Ang ating aralin ngayong


araw na ito ay Alamat. Ngayon sino ang - Ang alamat po ay tungkol sa
nakakaalam ng kahulugan ng alamat? pinagmulan ng mga bagay-bagay sa
mundo.

-Mahusay! Ngayong araw na ito sa tulong


ng ating paruparo ay malalaman natin
ang elemento ng alamat. Ang bawat bilog
sa pakpak niya ay magbibigay ng clue
upang mabuo natin ang limang elemento.

-Upang magsimula na, sino ang -Si Captain Barbell, Pirenha at Princess
nakakakilala sa mga taong narito? Sarah po Maam.
-Tama! Ano naman ang pagkakatulad -Mga tao po Maam.
nila?

-Magaling! May makakahinuha na ba


ngayon kung ano ang unang elemento ng -Tauhan po Maam.
alamat?

-Tama! Ang unang elemento ay tauhan.


May nakakaalam ba dito kung ano ang -Sila po ang gumaganap sa alamat
tungkulin ng tauhan sa kwento? Maam.
-Mahusay! Ating tandaan na hindi lamang
tao ang maaaring maging tauhan sa
isang alamat maaari ring hayop,kathang
isip o kung minsan pa nga ay mga bagay
na walang buhay.

-Mayroon bang may ideya sa inyo kung


ano ang dalawang uri ng tauhan?Base sa -Bida at kontrabida po Maam.
inyong mga nababasa at napapanood sa
telebisyon.

Inihanda ni: Mariano, Leri Mae P. BSEd4B-Filipino


-Mahusay!Bida at Kontrabida o ito ay
tinatawag ding Antagonista o ang
kontrabida at ang Protagonista o bida.

- Ngayon ay tumungo naman tayo sa


ating ikalawang larawan.Ano ang iyong
nakikita sa larawan? -Mga lugar po.

-Tama.Mga lugar

-Mayroon pa ba? -Karaniwang pook po sa kwento.

-Mahusay.

-Ano kaya sa tingin mo ang ikalawang


elemento base sa mga larawan at
deskripsyon ng iyong mga kamag-aral? -Tagpuan po.
-Tagpuan,mahusay! May nakakaalam ba
sa kahulugan ng tagpuan? -Ito po ay ang lugar na pinangyarihan ng
pangyayari.
-Mahusay!Maaari ba natin siyang bigyan
ng tatlong palakpak? (Tugon ng mag-aaral)
-Ngayon ay dumako na tayo sa ikatlong
bilog. Base sa larawan na
Nakapaskil,ano ang inyong reaksyon? -Nag-aaway po Maam.

-Mag nag-aaway,tama! -Nagtutunggali po/May problema po.

-Ano pa?

-May nagtutunggali,mahusay!

-May problema.

-Sino ang may lakas ng loob na sumagot


kung ano ang ikatlong elemento base sa
clue na ibinigay ni Paruparo? -Suliranin po Maam?

-Tama!Maaari ba natin siyang


palakpakan? (Tugon ng mag-aaral)

-Ang sagot ay suliranin, ito naman ay ang


problema sa loob ng isang alamat.

Inihanda ni: Mariano, Leri Mae P. BSEd4B-Filipino


-Para sa ating ikaapat na bilog. Maaari ka
bang tumayo? Maaari ba kayong
magbigay ng obserbasyon sa iyong
nakikita? -Finish Line po.

-Ending po.
-Mahusay.Ano pa?

-Batay sa kanilang mga sinabi,ano kaya


ang ikaapat na elemento? -Wakas po Maam.
-Mahusay! Sino ang makapagbibigay ng
kahulugan nito? -Dito po nagtatapos ang alamat Maam.

-Tama,dito na nagtatapos ang kwentong


isinulat ng manunulat.

-Para sa pinakamahalagang elemento,


narito naman ang larawan. Ano ang
nakikita ninyo? -Nag-aaral po Maam.

-Mayroon pa ba? -Pinapangaralan po yung bata.

-Sino kaya ang makakahula ng


pinakamahalagang elemento gamit
lamang ang mga clues ng paruparo? -Aral po?
-Tama! Sa parteng ito ating nakukuha
ang aral na nais ihatid ng alamat sa mga
tao.

-Ngayong nabuksan na natin ang lahat ng


mahiwagang bilog.Maaari ba ninyong
basahin nang sabay sabay ang mga - Tauhan,Tagpuan, Suliranin, Wakas at
nilalaman nito? Aral.

D.Paglalahat
-Para naman sa ating paglalahat,maaari
mo bang ulitin ang limang elemento ng
alamat? -Tauhan,Tagpuan, Suliranin, Wakas at
Aral.
-Mahusay.

-Ano ang kahulugan ng tauhan? - Ito ay kung kanino nakasentro ang mga
pangyayari at mga pantulong na tauhan.

Inihanda ni: Mariano, Leri Mae P. BSEd4B-Filipino


-Magaling!Ngayon ano naman ang -Ito ay kung saan at kailan naganap ang
kahulugan ng tagpuan base sa ating pangyayari sa alamat.
diskusyon?

-Magaling!Ano na nga ulit ang ikatlong -Suliranin po.


elemento?

-Tama!Ano ang kahulugan nito? -Ito po ay ang problema sa loob ng isang


Alamat Maam.

-Mahusay!At ang ikalima?Ano ang -Wakas po Maam. Ito po ay ang


kahulugan nito? kinalabasan ng pangyayari.

-Magaling! Ano naman ang


pinakamahalagang elemento? -Aral po Maam.

E.Paglalapat
-Upang malaman natin kung tunay nga
ninyong nauunawan ang ating aralin ay
magkakaroon kayo ng isang gawain.
Base sa nakadikit sa pisara ano kaya sa
tingin ninyo ang babasahin nating alamat
ngayon? -Alamat ng paruparo po Maam.

-Bago ko ibibigay ang panuto ay pumunta


muna kayo sa inyong mga pangkat sa
Filipino.

-Bawat grupo ay bibigyan ko ng kopya ng


Alamat at tayo ay magkakaroon ng
Readers Theater. Ang kopyang ito ay
nakahati sa lima. Ang unang grupo ay
babasahin ang may kulay berde ang
ikalawa namn ay ang kulay lila, ang
ikatlong grupo ang kulay asul, ang
ikaapat na grupo ang kulay pula at ang
huling grupo ay ang kulay rosas.

-Handa na ba ang lahat para sa Readers -Opo Maam.


Theater?

-Ang alamat ng paru-paro...

(Pagbasa ng mga mag-aaral)

Inihanda ni: Mariano, Leri Mae P. BSEd4B-Filipino


-Ngayong nabasa niyo na ang kwento ay
magbibigay ako ng gawain sa bawat
grupo. Handa na bang makinig?

-Para sa unang grupo gagawa kayo ng


isang Flow Chart. Sa ikalawang grupo
naman ay gagawa kayo ng isang Graphic
Organizer na nagpapakita ng elemento
ng alamat. Sa ikatlong grupo kayo ay
gagawa ng dula patungkol sa nais niyong
wakas sa ating nabasang alamat. Sa
ikaapat na grupo kayo ay gagawa ng
isang taludtod na tula patungkol sa aral
na nakuha ninyo sa alamat. At ang huling
grupo naman ay ibibigay ang
kahalagahan ng alamat sa panitikan sa
pamamagitan ng slogan.

-Narito ang inyong mga materyales na


gagamitin sa likod niyan ay ang rubrik
kung saan isusulat ninyo ang pangalan
ng inyong mga kagrupo at ipapasa ninyo
sa akin kapag kayo ay nagtanghal na.

-Maaari niyo ng umpisahan, mayroon -Opo Maam.


kayong sampung minuto upang gawin ito.
Pupuntahan ko ang bawat grupo upang
sagutan ang inyong mga katanungan.

(Paggawa ng mga mag-aaral)

-Tapos na ba ang lahat? -Opo.

-Magsisimula na tayo sa inyong


presentasyon.

(Presentasyon ng mga grupo)

-Maaari niyo bang palakpakan ang inyong


mga sarili dahil ang lahat ay nagpakita ng
kahusayan sa presentasyon.

F.Pagtataya
-Ngayong lubos niyo ng naintindihan ang
ating aralin ay maghanda kayo para sa

Inihanda ni: Mariano, Leri Mae P. BSEd4B-Filipino


inyong pagsusulit bukas.

G.Takdang Aralin
-Para sa inyong takdang aralin ay inyong
babasahin ang Hari Ng Sinukuan.

-Maaari na bang tumayo ang lahat para (Panalangin ng mga mag-aaral)


sa pangwakas ng panalangin?

-Maraming Salamat sa pakikinig at


Magandang Araw!

Inihanda ni: Mariano, Leri Mae P. BSEd4B-Filipino

You might also like