0 10
0 10
0 10
a. Natutugunan ang suliranin sa kakulangan sa pagkain b. Nalilinang ang likas na yaman c. Pinauunlad ng katutubong pamamaraan ng pagsasaka 2. Paglalapat Para sa inyo, ano ang kabutihang dulot ng patakarang pangkabuhayan? IV. Pagtataya Punan ng tamang sago tang bawat patlang. 1. Noong 1870, itinatag ni Gobernador-Heneral Jose Basco ang ________ upang maakit ang mga Pilipino sa pagsasaka. 2. Itinatag ni Basco an gang monopoly ng ________ upang mapalaki ang kita ng pamahalaan. 3. Isang patakarang pangkabuhayan noong panahon ng Espaol ang pagtatanim ng punong _________ na pinag-aalagaan ng uod na pinagkukunan ng hibla ng seda. 4. Itinaguyod nina Gob. Corcuera at Raon ang mga ordinansa o kautusan sa mabuting ________ upang mapaunlad ang kabuhayan. 5. Kapag nagkukulang ang bigas bago ang anihan, hinihikayat ng mga Espaol ang mga Pilipino na magtanim ng __________. V. Takdang Aralin Itala ang mga gawaing pansakahan at gawaing pang-industriya na kaugnay sa patakarang pangkabuhayan ng mga Espaol. Punan ng sago tang talahanayan sa ibaba. Gawaing Pansakahan Gawaing Pang-industriya
Alin sa mga binanggit na gawain ang makikita ngayon? Ikalawang Araw A. Panimulang Gawain 1. Tingnan ang talaang ginawa ng mga bata sa talahanayan bilang takdang aralin. Talakayin ang mga gawaing ito bilang kaugnay ng kasalukuyang pangkabuhayan. 2. Pagbalik-aralan ang mga patakarang pangkabuhayan ng mga Espaol, B. Panlinang na Gawain 1. Pakikinig ng mga bata sa tape ukol sa pangkabuhayan sa ilalim ng pamamahala ng mga Espaol na may kaugnayan sa patakarang pangkabuhayan tulad ng pagbubuwis, sistemang sedula, polo y servicio at kalakalang galyon.
2. Ang Pangkabuhayan sa Pamamahala ng mga Espaol Pagbubuwis Sistemang sedula Polo y Servicio Kalakalang Galyon
3. Talakayin ang mga pangyayaring kaugnay ng mga nabanggit na patakarang pang kabuhayan ng mga Espaol. C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat a. Nagpatupad ang mga Espaol ng mga patakarang pangkabuhayan upang higit na mapaunlad ang pamumuhay ng mga Pilipino. b. Ang mga patakarang pangkabuhayan ng mga Espaol ay may mahalagang papel sa kabuhayan ng mga Pilipino. 2. Paglalapat Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong. a. Nakatulong ba ang kalakalang galyon sa kabuhayan ng mga Pilipino? b. Bakit pinapatawan ng buwis ang mga Pilipino ng mga Espanol? Bakit walang buwis ang mga kalakal na nanggagaling sa Mehiko papuntang Pilipinas? IV. Pagtataya Tukuyin ang sumusunod na mga patakaran o programang pangkabuhayan ng mga Espaol. 1. Anu-ano ang kauna-kaunahang patakarang pangkabuhayan ang pinairal ng mga Espaol pagkatapos nilang maihayag ang pag-aangkin sa Pilipinas? 2. Ang mga kalalakihang may edad 16 hanggang 60 ay sapilitang pinagtatrabaho ng mabibigat na gawain para sa bayan. Ano ang tawag sa paggawang ito? 3. Ito ay kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Mehiko na nagdulot ng malaking pakinabang sa mga nangangalakal na Espaol at mga namamahala nito. Ano ito? 4. Pagtatanim lamang ng tabako at wala ng iba ang ginawa noon sa lalawigan ng Cagayan, Nueva Ecija, Ilocos, Marinduque, Abra at Isabela. Ano ang tawag sa sistemang ito na nagbigay ng malaking kita sa pamahalaan? 5. Ano ang tawag sa sistemang kahalintulad ng residence tax na binabayaran ng mga residenteng may 18 gulang pataas? V. Takdang Aralin Ihambing ang patakarang pangkabuhayan noong panahon ng Espaol sa kasalukuyang panahon. Sa anong patakaran sila nagkatulad? Sa anong patakaran sila nagkaiba? VI. Karagdagang Gawain Pagkakaroon ng debate ukol sa patakarang pangkabuhayan noon at ngayon.
Sistemang Kasama I. Layunin A. Panlahat y Naipaliliwanag ang sistemang kasama at ang epekto nito sa pamumuhay ng mga magsasaka B. Tiyak y Natutukoy ang mga taong naglilingkod sa sistemang kasama y Nasasabi kung paano naaapektuhan ang mga magsasaka sa sistemang kasama y Naiguguhit ang larawan ng sistemang kasama y Paggalang, pagkamatapat, pagkakapantay-pantay Paksang Aralin Pinag-isang Tema Paksa Kaisipan Sanggunian Kagamitan
II.
: Dakilang Lahi: Kultura at Kaunlaran : Sistemang Kasama at Epekto Nito sa Pamumuhay ng mga Magsasaka : Ang sistemang kasama ay may mabuti at di-mabuting epekto sa pamumuhay ng mga magsasaka. : Ang Pilipinas sa Iba t Ibang Panahon, pp.104-105 : Larangan ng malalawak na lupain, may-ari ng lupa o taong mayaman at Magsasaka; tsart
III.
Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Balik-aral Laro: Paghati sa bata sa dalawang pangkat Bawat pangkat ay paramihan ng pagsasabi ng mabubuting epekto ng patakarang pangkabuhayan sa pamumuhay ng mga Pilipino. Ang pinakamaraming nasabi o naisulat ay siyang panalo. 2. Pagganyak Hatiin ang mga bata sa dalawang pangkat. Ang unang pangkat ay ama ang magsasaka. Ang ikalawang pangkat ay di-magsasaka. Pagtatanong sa pangkat ng magsasaka. a. Sino ang may-ari ng lupa na kanyang sinasaka? b. Ano ang kasunduan nila sa paghahati ng ani? B. Panlinang na Gawain 1. Sa pamamagitan ng larawan, pag-uspan ang sistemang kasama at ang epekto nito sa pamumuhay ng magsasaka. 2. Pag-uulat ng piling mag-aaral tungkol sa sistemang pagsasaka at ang epekto nito sa pamumuhay ng mga magsasaka. Maaaring padula o ibang paraan. 3. Pagbibigay ng mga tanong na maaari nilang maging gabay sa pagtatalakayan tulad ng sumusunod. a. Sino ang nagmamay-ari ng malalawak na lupain? b. Ano ang ginagawa sa gusting magsaka sa lupain nila? c. Ibigay ang kasunduan ng dalawang panig. d. Ano ang kabutihang dulot ng sistemang kasama?
4. Bigyan ng pagkakataong magamit ang webbing na medaling pagpapaliwanag. Halimbawa: Sistemang Kasama
Kasunduan
May-ari ng Lupa
Umuupa ng lupa
Hindi maaaring paupahan sa iba kung hindi makabayad ang magsasaka sa loob ng dalawang magkasunod na ani
5. Pagtatalakay Palitang-kuro tungkol sa mabuti at di-mabuting epekto ng sistemang kasama. EPEKTO NG SISTEMANG KASAMA Buti 1. Mayroon siyang masasaka 2. May mapagtataniman 3. Makukunan ng pagkain Di-mabuti 1. Lugi sa kita 2. Di-sapat sa hirap ang dami ng ani 3. Hindi makatarungang paghahati ng kita
C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat a. Ano ang sistemang kasama? b. Ano ang kasunduan ng sistemang kasama? c. Ano ang mabuting epekto nito sa pamumuhay ng magsasaka? 2. Paglalapat Panuto: Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel. a. Makatarungan ba ang paghahati ng anis a umuupa at ng kasama? Bakit? b. Ano ang kinalaman nito sa paghihirap ng magsasaka? c. Ano ang natutuhan ng mga Pilipino noon at ngayon sa karanasang ito? d. Paano nilulunasan ng pamahalaan ng suliraning kasama? e. Ano kaya ang mangyayari sa kabuhayan ng mga Pilipino? Ipaliwanag ang inyong sagot. IV. Pagtataya Sagutin ang mga tanong. 1. Anong sistema ang kasama?
2. Alin sa tatlong kasunduan sa sistemang kasama ang makatutugon sa pangangailangan ng mga magsasaka? 3. Ano ang mabuti at di-mabuting epekto ng sistemang kasama? V. Takdang Aralin Magtanong sa mga magsasaka tungkol sa patakaran ngayon sa paghahati ng anis a pagitan ng may-ari ng lupa at ng magsasaka. May kaugnayan ba ito sa patakaran sa patakaran noon? Ipaliwanag. VI. Karagdagang Gawain Sumulat ng isang talata ukol sa patakaran ngayon sa paghahati ng ani ng may-ari at magsasaka. Magdaos ng isang eksibit sa pagguhit na sistemang kasama. Polo y Servicio I. Layunin A. Panlahat y Nasusuri ang patakarang pangkabuhayan ng mga Espaol sa Pilipinas B. Tiyak y Nailalarawan ang polo y servicio o sapilitang paggawa y Naimumulat ang kaisipan ng mga bata sa kanilang mga karapatan y Napahahalagahan ang manggagawa y Pagkakapantay-pantay ng mga Gawain at pagkamatiisin II. Paksang Aralin Pinag-isang Tema Paksa Kaisipan
: Dakilang Lahi: Kultura at Kaunlaran : Sapilitang Paggawa : Ang polo y servicio o sapilitang paggawa ay tungkulin ng mga kalalakihang mula 16 hanggang 60 taong gulang. Nagbibigay sila ng serbisyo na umaabot sa 40 araw sa loob ng isang taon. : Ang Pilipinas sa Iba t Ibang Panahon, pp. 95-96 Pilipino Ako, Pilipinas ang Bayan Ko, pp.39-40 : Larawan ng taong nagkakaloob ng polo y servicio
Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Balitaan 2. Balik-aral a. Pagwawasto ng takdang aralin b. Ano ang sistemang kasama? Ano ang epekto nito sa pamumuhay ng mga magsasaka? c. Laro: Mabuti at di-mabuting epekto ng sistemang kasama. B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Ano ang binabayaran ng mga magulang ninyo sa munisipyo? Nagbabayad din ba kayo ng buwis? Bakit? 2. Paglalahad Ano ang kaugnayan ng pagbabayad ng buwis sa polo y servicio?
3. Buzz session 4. Pag-uulat ng mga pangkat 5. Pagtalakay Isulat sa kahon ang mga sagot sa pagtatalakayan.
a. b. c. d. e.
Ano ang tinatawag na sistemang polo? Sinu-sino ang naglilingkod sa polo? Ano ang tawag sa Pilipinong naglilingkod sa sistemang polo? Paano nagbibigay ng serbisyo ang mga polista? Paano sila nakaiwas sa sistemang polo?
C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Ilarawan ang sistemang polo. 2. Paglalapat Anong katangian ng mga Pilipino sa paggawa ang iyong binibigyang-halaga? IV. Pagtataya Isulat ang sagot sa paglalarawan sa sumusunod. 1. Edad ng mga lalaking sakop ng sapilitang paggawa. 2. Bilang ng araw ng paggawa 3. Pag-iwan sa sapilitang paggawa V. Takdang Aralin Ilarawan sa pamamagitan ng isang color etching ang polo y servicio. VI. Karagdagang Gawain Makatarungan ba ang sapilitang paggawa? Bakit? Bakit hindi? Epekto ng Sapilitang Paggawa I. Layunin A. Panlahat y Natatalakay ang epekto ng sapilitang paggawa sa mga Pilipino B. Tiyak y Naiisa-isa ang epekto ng sapilitang paggawa sa mga Pilipino y Nabibigyang-halaga ang epekto sapilitang paggawa sa mga Pilipino y Pagiging masunurin
: Dakilang Lahi: Kultura at Kaunlaran : Ang Pilipinas sa Panahon ng mga Espaol Kabuhayan sa Pamamahala ng mga Espaol : May epekto ang sapilitang paggawa sa mga Pilipino : Pamana, pp. 82-83 : Mga larawan ng iba t ibang Gawain sa sapilitang paggawa
III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain Balik-aral Ano ang sapilitang paggawa? Ano ang ibang tawag ditto? Paano ito naiba sa bayanihan? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Maraming tao ang nalipat ng tirahan dahil sa patakaran ng sapilitang paggawa. Bakit ito nangyari? Ano ang mga reaksyon ng mga tao tungkol dito? May epekto ba ito sa mga Pilipino? Sa paanong paraan? 2. Pagkakaroon ng talakayan ng guro at mga bata sa epekto ng sapilitang paggawa sa mga Pilipino. Pagbabayad ng buwis Paano umuunlad ang bayan sa buwis na naibayad na?
3. Anong mga kaugaliang Pilipino ang nalinang sa pagbabayad ng buwis? C. Pangwakas ng Gawain Paglalahat 1. Sa ginagawang talakayan, may nagging epekto ba ang sapilitang paggawa ng mga Pilipino? 2. Sikaping masabi ng bata ang epekto ng sapilitang paggawa sa mga Pilipino. IV. Paglalapat Isulat ang kabutihang nagawa ng sumusunod sa mga Pilipino. 1. Pagpapagawa ng daan 2. Pagpapatayo ng paaralan 3. Pagpapagawa ng gusaling pampamahalaan 4. Pagpapagawa ng simbahan 5. Pagpapagawa ng tulay V. Takdang Aralin Sumulat ng isang sitwasyon na nagpakita ng naging epekto ng sapilitang paggawa ng mga Pilipino. VI. Karagdagang Gawain Pangkatang pagsasadula ng epekto ng sapilitang paggawa. Mga Reaksyon Laban sa Polo y Servicio I. Layunin A. Panlahat y Nasusuri ang mga patakarang pangkabuhayan ng mga Espaol sa Pilipinas B. Tiyak y Nailalarawan ang sistemang polo y servicio o sapilitang paggawa y Natatalakay ang epekto ng sapilitang paggawa ng mga Pilipino. y Naipaliliwanag ang nagging reaksyon ng mga Pilipino sa polo y servicio tulad ng pagiwas nila rito y Nagagamit ang mosaic sa paglalarawan ng mga Pilipino tungo sa pag-unlad ng kanilang pamumuhay y Nakapagbabahagi at nakatutugon sa mga gampanin at tungkulin sa isang Gawain y Pagbabayad ng buwis II. Paksang Aralin Pinag-isang Tema Paksa Kaisipan Sanggunian Kagamitan
: Dakilang Lahi: Kultura at Kaunlaran : Ang Pamamahala ng mga Espaol : Ang polo y servicio o sapilitang paggawa ay isang uri ng buwis na ginagampanan ng kalalakihan bilang isang tungkulin. : Pilipinas: Bansang Malaya, p.78 Ang Pilipinas sa Iba t Ibang Panahon, pp. 95-96 : Larawan ng nagbabayad ng buwis, tsart, lathalain
III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Balik-aral 2. Ibigay ang tungkulin ng Audiencia, Residencia at Visita. B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Ano ang binabayaran ng iyong ama, ina, o kapatid sa munisipyo? 2. Paglalahad Ilahad ang aralin sa pamamagitan ng larawan o pagsasadula. Ipakita ang mga gawaing ipinagawa sa sistemang polo at ang kahalagahan nito. 3. Pagtatalakayan a. Ano ang nakita sa larawan? Bakit nila ito ginawa? Ginagawa rin ba ito ng mga tao sa ngayon? Ano ang tawag sa gawaing ito? b. Ano ang buwis? Paano nagbabayad ng buwis ang mga tao noong panahon ng mga Espaol? Snu-sino ang nagbabayad ng buwis? Paano ito tinawag ng mga tao? Nagustuhan ba ng mga Pilipino ang sapilitang paggawa? Bakit? Kung ikaw ay isang polistana salungat sa patakarang ito, ano ang gagawin mo? c. Ipakita sa mga bata. Polo y servicio Lalaki 16 Polista
Lalaki 16 Polista
40 araw
40 araw
- Mayroon bang nakaligtas sa sapilitang paggawa? - Ano ang tawag sa mga taong nakaligtas sa sapilitang paggawa? - Ano ang dapat gawin kapag may mga punong pinuputol sa mga bundok? - Bakit dapat palitan ang mga punong pinutol? e. Paano makaliligtas sa sapilitang paggawa?
Binabayaran ang gobernadorcillo Gobernadorcillo Humahanap ng makahahalili ng polista Babayaran ang kahalili para sa 15 araw lamang
4. Paglalahat Ang polo y servicio o sapilitang paggawa ay isang paraan ng pagbubuwis kung saan ito ay ginagampanan ng mga kalalakihan bilang isang tungkulin. 5. Paglalapat Pangkatang Gawain: Ipakita ang sistemang polo na ipinatupad ng mga Espaol. Ipasabi ang mabuti at di-mabuting bunga nito. IV. Pagtataya A. Basahin ang mga tanong o pangungusap. Isulat ang mga kasagutan sa papel. 1. Isang uri ng buwis ang sapilitang ipinapagawa sa mga kalalakihang Pilipino. Ano sng tinutukoy mo? 2. Kung ang mga kasapi sa Katipunan ay tinatawag na katipunero, ano naman ang tawag sa Pilipinong naglilingkod sa sistemang polo? 3. Isang uri ng buwis ang sistemang polo. May tungkuling magbigay ng serbisyo ang mga kalalakihan. Ilang taong gulang ang nasasakop dito? 4. Iba-iba ang gawain sa sistemang polo. Ito ay mabibigat at mababang uri ng Gawain. Anong gawain ang itinuturing na isang tungkulin sa sapilitang paggawa? B. Isulat kung tama o mali ang sumusunod. Punan ng wastong sago tang bawat maling kasagutan. 1. Isang uri ng buwis na nangangailangan ng sapilitang paggawa ang ______________. 2. May tungkuling magbigay ng serbisyo ang kalalakihang mula sa ______________. 3. Ang polo y servicio at tumatagal ng ________ na araw. 4. Ang polo ay ang tinuturing na isang tungkulin at paggawa _____________. 5. Sa sapilitang paggawa, kumita nang malaki ang _________________. V. Takdang Aralin Sang-ayon ka bas a sistemang polo? Bakit? Ibigay ang pangangatwiran sa pamamagitan ng pagsulat ng isang artikulo. VI. Karagdagang Gawain 1. Ipaguhit ang isang proyekto na pinaglalaanan ng pamahalaan ng buwis. 2. Anu-anong magagandang kaugalian ang ipinakikita ng mga Pilipino sa sapilitang paggawa?
3. Debate tungkol sa pagganap ng mga Pilipino sa kanilang tungkulin. Kahalagahan ng pagtugon o pag-iwas sa mga gawaing ipinagkatiwala ng isang tao sa sistemang polo. 4. Gumawa ng paghahambing sa paraan ng pagbabayad ng buwis noon at sa ngayon. Pagbabayad ng Buwis Noon Ngayon