Ikaapat Na Markahan - Aralin 27

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 9

Ikaapat na Markahan: Mga Sektor Pang-ekonomiya at mga Patakarang Pang-ekonomiya nito


Aralin Bilang 27

PETSA ORAS SEKSYON

I. LAYUNIN
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga sektor ng
A. Pamantayang ekonomiya at mga patakarang ekonomiya nito sa harap ng mga hamon
Pangnilalaman at pwersa nito sa pambansang pagsulong at pag-unlad.
Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na
B. Pamantayan sa pagpapatupad at pagpapabuti ng mga sektor ng ekonomiya at mga
Pagganap patakarang ekonomiya nito tungo sa pambansang pagsulong at pag-
unlad.
Natitimbang ang epekto ng mga patakaran pang ekonomiya na
nakakatulong sa patakarang panlabas ng bansa sa buhay ng
nakararaming Pilipino
AP9MSP-IVj-22
C. Kasanayan sa 1. Naipaliliwanag ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan sa
Pagkatuto pagsasakatuparan ng patakarang piskal ng bansa.
2. Nakapagsasagawa ng gawain hinggil sa kalagayan ng kalakalang
panlabas ng Pilipinas.
3. Naipahahayag ang pagpapahalaga sa pagiging mabuting kabahagi sa
pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa.
Kalakalang Panlabas
- Mga patakaran pang ekonomiya na nakakatulong sa patakarang
II. NILALAMAN panlabas ng bansa sa buhay ng nakararaming Pilipino-Policy on
ASEAN Economic Community 2015 -Policy on Trade
Liberalization.
III. KAGAMITANG 1. EASE IV Modyul 17
PANTURO 2. Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (Batayang Aklat) IV.2012.
A. Sanggunian pp. 292-294.
B. Iba pang Kagamitang
laptop, LM, projector, TV
Panturo
IV. PAMAMARAAN
Ano ang mga patakarang pang-ekonomiya na nakakatutulong sa
A. Balik Aral sa mga
patakarang panlabas ng bansa sa buhay ng nakararaming Pilipino?
unang natutuhan
B. Paghahabi sa layunin THE PRICE IS RIGHT!
ng aralin (Pagganyak) Aalamin ng mga mag-aaral kung ano ang mga kasalukuyang presyo ng
mga bilihin sa ating pamilihan base sa mga suggested retail price ng
bawat produkto. Matapos ang gawain ay sasagot ang mga mag-aaral sa
mga katanungan ng guro.
https://tinyurl.com/ycp5j9lx

Mga produktong huhulaan ang suggested retail price:


Bigas, Asukal, Sili, Carrot, Gasolina

Mga pamprosesong tanong:


1. Ano ang naging pagbabago sa mga presyo ng bilihin sa
kasalukuyang taon at nakaraang taon?
2. Bakit kaya nagkaroon ng pagbabago sa presyo ng mga bilihin?
3. Paano ito nakakaapekto sa ating mga mamamayan?
C. Pag- uugnay ng mga STATISTICAL DATA ANALYSIS
halimbawa sa bagong Ipasusuri sa mga mag-aaral ang statistical data analysis ukol sa planong
aralin rice self-sufficiency ng Pilipinas sa administrasyon ni Pangulong
Rodrigo R. Duterte at ipasasagot sa mag mag-aaral ang mga sumusunod
( Presentation)
na katanungan.

https://tinyurl.com/ycykte96

Mga gabay na tanong:


1. Bigyang kahulugan ang mga sumusunod na salita na matatagpuan sa
statistical data: Struggles, Self-Sufficiency, Ratio, Imported, at
Locally Produced
2. Base sa statistical data, aling taon ang may pinakamalaking bahagdan
na umaangkat ang Pilipinas ng bigas sa ibang bansa?
3. Anong bansa naman ang may pinakamaliit na bahagdan?
4. Ilang bahagdan ang ibinaba nito mula sa pinakamataas?
5. Ano ang implikasyon nito sa ekonomiya ng ating bansa at sa bansang
ating pinag-aangkatan?

BALITA ANALYSIS
Ipabasa ang balita tungkol sa pakikipagkalakalan ng Pilipinas na nasa
pahina 473 ng LM at pagkatapos ay sagutin ang mga pamprosesong
tanong.
Mga pamprosesong tanong:
1. Anong mensahe ang nais ipabatid ng balita?
2. Makatwiran ba ang isinasaad ng balita? Bakit?
3. Anu-anong pahayag mula sa balita ang nagpapahayag ng pakikipag-
ugnayan ng ating bansa sa larangan ng kalakalang panlabas?
4. Nakatutulong ba ang WTO sa ating bansa? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
D. Pagtatalakay ng THE FOOD PYRAMID
bagong konsepto at Ipapasuri sa mga mag-aaral ang healthy eating pyramid at ipasagot sa
paglalahad ng bago ng kanila ang mga sumusunod na katanungan.
kasanayan No I
(Modeling)

https://tinyurl.com/yah2v6n2

Mga gabay na tanong:


1. Ano-anong pagkain ang iyong napansin sa food pyramid?
2. Alin sa mga pagkaing ito ang dapat na mas kinakain ng tao at alin
dito ang dapat na mas kakaunti?
3. Ano ang nais ipahiwatig ng food pyramid na ito para sa atin?
4. Kung iuugnay ang ating aralin sa food pyramid at ang nilalaman
nito ay ang mga programa na magpapaunlad sa ating ekonomiya,
atin bang isinasagawa o sinusuportahan ang mga programang ito?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
5. Kung ating susuportahan ang mga programang pang-ekonomiya ng
ating bansa, ano kaya ang magiging resulta nito para sa atin?

Integrasyon: TLE – Ang sustansya at kahalagahan ng mga pagkain


sa food pyramid.

EDITORIAL CARTOONING:
Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Bawat pangkat ay guguhit ng isang
editorial cartoon na naglalahad ng kalagayan ng kalakalang panlabas ng
Pilipinas. Ang output ay mamarkahan gamit ang rubrik.
E. Pagtatalakay ng BRAND B—ANYAGA o BRAND L-OKAL: SURVEY
bagong konsepto at Sa tulong ng iyong mga kagrupo magsagawa ng isang sarbey sa 5 katao
paglalahad ng bagong gamit ang isang tseklist na sasagutan ng iyong mga respondents (kapwa
mag-aaral) na naglalayong malaman at masukat ang kanilang mga
kasanayan No. 2.
preference o pagpili ng tao sa ilalim ng kanilang pagkonsumo ng
( Guided Practice) kanilang mganais bilhin o ikonsumong mga produkto o serbisyo.
Gawing gabay ang halimbawang checklist form.

Mga pamprosesong tanong:


1. Ano ang naging batayan mo sa pagpili ng respondents?
2. Paano ka nagkaroon ng ideya kung anong mga produktong lokal o
banyaga ang iyong isasama sa tseklis?
3. Ano at alin sa mga aytem o brand name ang pinili ng nakararami?
4. Bakit kaya maraming pumili nito?
5. Sa kabuuan ano ang produktong mas marami ang pumili, gawang
banyaga o gawang lokal?
6. Sa iyong palagay, alin ang mas nakatutulong sa ating bansa, ang
pagpili sa mga produktong banyaga o pagpapahalaga sa mga
produktong gawa dito sa ating bansa?
F. Paglilinang sa Paano mo ilalarawan ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa
Kabihasan sa larangan ng kalakalan at ano ang bahaging ginagampanan nito sa
(Tungo sa Formative ekonomiya ng bansa?
Assessment)
( Independent Practice )
G. Paglalapat ng aralin sa Bumuo ng isang “panata” nanaglalaman ng kung papaano ka magiging
pang araw araw na mabuting kabahagi upang mapaunlad ang ekonomiya ng ating bansa.
buhay Gawing gabay ang talahanayan na nakabatay sa konsepto ng G.R.A.S.P.
(Application/Valuing)
Bigyang-tuon ang sumusunod sa paggawa ng Panata ng Mabuting
Mamamayan.
A. Komprehensibong nagpapahayag ng mga pamamaraan kung paano
magiging kabahagi sa kaunlaran ng bansa;
B. Napapangatwiranan kung bakit kailangan tayong maging kabahagi
upang isulong ang kaunlaran ng ating bansa.
C. Kahalagahan sa pagtataguyod at paghihimok sa pagiging
matalinong mamimili at mapanagutang negosyante.
TOWER OF KNOWLEDGE
Pasagutan sa mga mag-aaral ang tower of knowledge. Siguraduhing
kumpleto na ang nilalaman ng tower of knowledge.

H. Paglalahat ng Aralin
(Generalization)

I. Pagtataya ng Aralin ESSAY


Sagutan at ipaliwanag ang iyong kasagutan sa loob ng 3-5 na
pangungusap sa bawat katanungan. (10 puntos)
1. Magbigay ng isang sitwasyon kung saan ay iyong maipapakita ang
dahilan at epekto ng paghina ng ekonomiya sa aspetong local at
panlabas ng isang bansa.
2. Ano ang maaring solusyon para mapaigting at mapaganda ang
ekonomiya ng isang bansa upang hindi magdusa ang mga
mamamayan nito sa kahirapan?
J. Karagdagang gawain
para sa takdang aralin Pag-aralan ang Yunit IV para sa pangwakas na pagsusulit.
(Assignment) Sanggunian: LM pp. 340 - 477

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba ang
remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na
nasolusyunan sa tulong ng
aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

You might also like