Detailed-Lesson-Plan (SOCIAL STUDIES)

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan I

I- Layunin:

1. Natutukoy ang mga tungkulin at gawain na dapat gampanan ng isang mahusay na pamahalaan.
2. Napahahalagahan ang pagtupad ng pamahalaan sa mga tungkulin nito.

II- Nilalaman:

A. Paksa: Ang Pamahalaan: Gawain at Tungkulin Nito


B. Sanggunian: Pilipinas: Isang Sulyap at Pagyakap, pp 290-291
C. Konsepto: tungkulin, Gawain, pamamahala, pamahalaan
D. Kagamitan: mga kaugnay na larawan

III- Pamaraan:
Gawain Ng Guro Gawain Ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain:

1. Panalangin
2. Pagbabatian
3. Pagtsek ng Attendance

B. Balik-aral sa nakaraang paksa:


1. Tungkul saan ang paksang tinalakay natin Ang paksang tinalakay natin kahapon ay tungkul sa
kahapon? Hudikatura.

2. Bakit mahalaga ang Hudikatura sa isang Ito’y mahalaga sapagkat nabibigyang pantay na
malayang pamahalaan? paglilitis ang mga mamamayan sa kanilang mga
kaso.

C. Pagganyak:
Ipaskil sa pisara ang mga kaugnay na larawan
na nagpapakita ng mga Gawain ng pamahalaan sa
pagtupad ng tungkulin nito.

Ano ang nakikita ninyo sa mga larawan? Naipapakita sa mga larawan kung paano
nagtatrabaho at nagtutulungan ang mga tao.

Ano sa palagay ninyo ang kahulugan nito? Sila po ay nagkakaisa at masayang gumagawa ng
tungkulin.

D. Paglalahad:

Batay sa mga larawang ito, ano sa palagay ninyo Titser, ang paksang tatalakayin natin ngayon ay
ang paksang tatalakayin natin ngayon? tungkul sa pamahalaan.

E. Paglinang ng Aralin:

1. Hatiin ang klase sa apat na pangkat. Ang bawat


grupo ay bibigyan ng Gawain.

Pangkat I- Pangkaligtasan
Pangkat II- Kagalingang Panlipunan
Pangkat III- Kaunlaran
Pangkat IV- Pampulitikal
Panuto: Ipakita sa pamamagitan ng isang
pantomime ang mga Gawain at tungkulin ng
pamahalaan.

Rubric na gagamitin sa pagmamarka:

Nilalaman- 10 puntos
Partisipasyon- 5 puntos
Kaayusan- 5 puntos

Bibigyan ng 5 minuto ang bawat pangkat para sa


presentasyon.

Mga Gabay na tanong:


1. Ano ang masasabi ninyo sa ginawang Mahusay po titser dahil nagtulungan ang mga
pantomime ng bawat pangkat? miyembro ng bawat grupo.

2. Paano naipakita ang Gawain ng pamahalaan? Naipakita ang tungkulin ng pamahalaan sa


pamamagitan ng tamang aksyon at ekspresyon ng
bawat miyembro.

3. Meron pa ba kayong naiisip na iba pang


tungkulin ng pamahalaan na dapat nitong Wala na po.
gampanan?

F- Pangwakas na Gawain:

1. Paglalahat:

Kailangan bang tuparin ng pamahalaan ang mga Opo. Kailangan nitong tuparin ang mga tungkulin
tungkulin at Gawain nito sa mamamayan? Bakit? nito sa mga mamamayan upang mapanatili ang
kaayusan ng lipunan.

2. Pagpapahalaga:

Gaano kahalaga ang pamahalaan bilang estado Ang pamahalaan ay napakahalaga dahil ito ang
ng lipunan? nangangalaga sa mga mamamayan at nagbibigay
ng maayos na kapaligiran.

3. Paglalapat:
Bilang isang mamamayan, tutulong ako sa
Bilang isang mamamayan, ano ang inyong papel paglilinis n gating kapaligiran. Hindi po ako
upang makatulong sa pamahalaan? magtatapon ng basura kahit saan-saan.

IV- Ebalwasyon:

Panuto: Suriin ang bawat pahayag at isulat sa patlang ang mga sumusunod na titik batay sa uri o
tungkulin ng pamahalaan.
A- Pangkaligtasan o siguridad C. Kapaligirang Panlipunan
B- Kaunlarang pang-ekonomiya D. Pagtutugunang Pulitikal

______ 1. Pagpapatayo ng murang pabahay


______ 2. Pagkakaloob ng hanapbuhay
______3. Pakikipagkasundo sa opinion ng taong bayan
______4. Pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad
______5. Pagkakaloob ng benepisyong medical

V- Takdang Aralin:

Maghanap/mangalap ng mga artikulo sa pahayagan at magasin na nagsasaad ng ahensya ng


pamahalaan na tumutulong sa mga nasalanta ng kalamidad. Mula sa mga artikulo, sagutin ang mga
sumusunod na tanong:
1. Anong ahensya ng pamahalaan ang tumulong sa mga biktima?
2. Sino ang namuno sa pagsasagawa ng mga proyekto?
3. Ano ang naging epekto ng ginawa ng ahensya sa mga nasalanta ng kalamidad.

Sanggunian:
Nakalap na Artikulo, Pahayagan
Magasin
Banghay Aralin
Araling Panlipunan- Grade 5

I- Layunin:
1. Naiisa- isa ang mga pangunahing suliraning pangkabuhayan ng bansa.
2. Napapahalagahan ang mga programa ng pamahalaan upang malutas ang mga suliraning
pangkabuhayan ng bansa.

II- Nilalaman:

A. Paksa: Mga Suliraning Pangkabuhayan ng Bansa


B. Sanggunian: BEC-PELC V. B 2 at 3, Batayang Aklat sa HEKASI 5
C. Konsepto: suliranin, pangkabuhayan, programa
D. Kagamitan: mga kaugnay na larawan
CG, p.
III- PAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag- aaral
A. Panimulang Gawain
Pagbabatian
Maikling Panalangin
Pagtsek ng attendance

B. Balik- aral sa nakaraang paksa:


1. Bakit mahalagang malaman ang mga Mahagang malaman natin ang mga
hakbang na ginawa ng pamahalaan hakbang na ito upang matanto natin ang
tungo sa pagbabago? ating maaring magawa para sa ikauunlad
ng bansa.
C. Pagganyak
Ipaskil sa pisara ang mga kaugnay na
larawan na nagpapakita ng mga suliraning
pangkabuhayan ng bansa.

Mga gabay na tanong:


1. Ano ang mga nakikita ninyo sa mga Ang nakikita ko po ay malawak na
larawan? taniman ng palay.

2. Maliban sa malawak na palayan, ano pa? Ang iba ay taniman ng tubo, at niyog.
Meron din po na palaisdaaan.

3. Saang mga lugar matatagpuan ang mga Makikita po nating ang mga nasa larawan
nasa larawan? kahit saang lugar sa Pilipinas.

D. Paglalahad:

Batay sa mga larawang ito, ano sa palagay Batay po sa mga larawan, ang tatalakayin
ninyo ang paksang tatalakayin natin ngayon? nating ngayon ay tungkol sa suliraning
pangkabuhayan.

E. Paglinang ng Aralin:
Hatiin ang klase sa dalawang pangkat:
I- Ang mga babae
II- Ang mga lalaki
Hatiin din ang pisara sa dalawa, sulatan
ito ng lalaki at babae.
Panuto: Isulat sa inyong pisara ang mga
nararanasang suliranin ng mga tao sa
mga nabanggit na kabuhayan. Gagawin
ito ng mga bata sa loob ng labing limang
minuto.

Hayaan ang bawat pangkat na ipresenta


sa buong klase ang kanilang mga naisulat.

Mga gabay na tanong: Ang mga may pagkakapareho ay ang ,


1. Anu- ano ang mga magkakapareho kulang sa patubig, kulang sa puhunan,
na naisulat ng bawat grupo? walang binhi, walang suporta sa
pamahalaan, at walang interes sa
pagsasaka.

2. Bakit nasabi ninyo na walang suporta Kung minsan po walang bumibili ng mga
ang pamahalaan? produkto ng mga magsasaka.

3. Bakit walang interes sa pagsasaka Ang gusto po kasi nila ay magkaroon ng


ang iba nating kababayan? trabaho sa loob ng mga opisina.

F- Pangwakas na Gawain:

1. Paglalahat: (generalization)
Bakit kailangang pagtuunan ng pansin ng Dapat pagtuunan ng pansin ng
pamahalaan paglutas ng mga suliraning pamahalaan ang mga sulirinaning
pangkabuhayan? nabanggit para matulungan sila na
magkaroon ng hanapbuhay.

Dahil ito po ang mga pinagkukunan natin


ng kabuhayan.

2. Pagpapahalaga: (valuing)
Bakit mahalagang malaman ng bawat Kailangan nating malaman ang mga ito
Pilipino ang mga nangyayari sa aspeto ng para alam din natin an gating maaring
pangkabuhayan ng bansa? gawin upang matulungan ang
pamahalaan na maibalik ang sigla ng
pinagkukunang kabuhayan ng bansa.

3. Paglalapat: (application)
Bilang isang mamamayan, paano ka Sasabihin ko po sa mga magulang ko na
makakatulong para malutas ang mga magtanim ng palay at iba pang
suliraning pangkabuhayan? pagkukunan ng pagkain.
IV- Ibalwasyon
Muling ipakita isa-isa ang mga larawan tunkol sa suliraning pangkabuhayan ng bansa.
Sabihin kung ito ay pangingisda, agrikultura, pagmimina.

V- Kasunduan
1. Gumawa ng isang tula kung paano malulutas ang suliraning pangkabuhayan.

Sanggunian:

You might also like