Week 9 (10.2)

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

Banghay-Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao VI

Ikatlong Markahan

Ikasiyam na Linggo, Aralin 10.2

I. LAYUNIN:

A. Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pagmamahal sa bansa at pandaigdigang pagkakaisa tungo sa
isang maunlad, mapayapa at mapagkalingang pamayanan

B. Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ang mga Gawain na may kaugnayan sa kapayapaan
at kaayusan tungo sa pandaigdigang pagkakaisa

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto:


Naisasakilos ang pagtupad sa mga batas pambansa at
pandaigdigan EsP6ppp-IIIh-i-40

II. NILALAMAN Pagtupad sa mga Batas Pambansa at Pandaigdigan


Batayang Pagpapahalaga: Kapayapaan at Kaayusan(Peace and Order)

KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian:
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro:

2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag-aaral:

3. Mga pahina sa Teksbuk:

4. Karagdagang Kagamitan mula sa

portal ng Learning Resources:

B. Iba pang Kagamitang Panturo


Multimedia,news clippings hinggil sa batas, metastrips, youtube,1/4 illustration
board, lapis, pentel pen, krayola, ruler , props

II. PAMAMARAAN

Alamin Natin

Unang Araw

A. Balik- Aral
Ano-ano ang mga batas pambansa at pandaigdigan na dapat nating matupad para sa
kaligtasan sa:

- Daan

- Pangkalusugan

- Pangkapaligiran

- Pag-abuso sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

B. Paghahabi sa layunin ng Aralin


Panimula(lakip#1)

Bilang mamayang Filipino, ang pagmamahal sa bansa ay isa sa kaugaliang


dapat nating pagyamanin .Isang katangian ng isang mabuting mamayan ay ang
pagsunod sa mga tuntunin at patakaran na pinaiiral ng batas. Dapat nating maunawaan
na ang batas ay itinalaga hindi upang tayo ay pahirapan. Ito ay ginawa , pinag-aralan at
ipinatutupad ng ating pamahalaan para sa kabutihan ng bansa lalo na ng ating sarili.

Marahil ay naitanong mo na sa iyong sarili kung ano ang magagawa mo sa


pagpapatupad ng batas gayong ikaw ay nasa Ikaanim na Baitang pa lamang sa
mababang paaralan . Bakit nga ba itinuturo na sa inyo ang araling ito? Marami kang
maaaring maging bahagi sa pagpapatupad ng mga tuntuntunin at batas. Maaari mong
ipaalaala sa mga nakatatanda sa inyong tahanan ang mga batas na umiiral ngayon sa
ating bansa
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
Ipapakita ng guro ang mga larawan ng pag-aabuso sa hayop at ang epekto ng
paninigarilyo sa kalusugan.

https://ph.images.search.yahoo.com/yhs/search;_ylt=A2oKiauAy.xXgWYAcjMGIYpQ;_yl
u

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong


kasanayan
pababasa ng guro sa mga mag-aaral ang mga batas na umiiral pambansa at
pandaigdigan

- Republic Act No.8485 (lakip #2)

Republic Act No. 8485(lakip#2)

AN ACT TO PROMOTE ANIMAL WELFARE IN THE PHILIPPINES, OTHERWISE


KNOWN AS “THE ANIMAL WELFARE ACT OF 1998”

Taon ng Pagsasabatas: 1998, pirmado ni Pangulong Fidel V. Ramos

Ang RA 8485, na mas kilala bilang Animal Welfare Act, ang unang batas na
komprehensibong nagtadhana sa tama at makataong pangangalaga ng mga
mamamayan sa lahat ng hayop sa Pilipinas. Binuo ng batas na ito ang Committee on
Animal Welfare na siyang mamumuno sa pagpapatupad ng batas.

Sinasabi ng batas na dapat mabigyan ang lahat ng hayop ng wastong pangangalaga, at


maaaring maparusahan ang sinumang mapatunayang lumalabag dito.

Sa Sec. 6 ng batas, ipinagbabawal ang pagmaltrato at pag-torture sa mga hayop.


Ipinasa rin sa bahaging ito ng batas na hindi maaaring pumatay ng hayop, maliban sa
mga hayop na kinakain tulad ng baka, baboy, kambing, tupa, manok at iba pang
poultry, kuneho, kalabaw, kabayo, usa at buwaya.

Isang paglabag sa batas ang pagpatay sa mga hayop na hindi nabanggit liban na
lamang kung ito ay dahil sa ritwal ng isang relihiyon, malubhang sakit ng hayop, at
animal control kung saan nasa bingit ng panganib ang hayop o mga taong malapit dito.

Itinuturing na isang landmark law ang Animal Welfare Act dahil ito ang unang kumilala
ng kalupitan sa hayop bilang isang paglabag sa batas.
- Batas Republika 9211(lakip #3

2. Ipagpatuloy natin

3. Magkaroon ng maikling talakayan tungkol sa Artikulong binasa hinggil sa Republic


Act No. 8485 at Batas Republika 9211 hinggil sa PANINIGARILYO gamit ang
sumusunod na mga tanong:

Batas Republika 9211(lakip#3)

Ang Batas Republika 9211, higit na kilala sa taguring Tobacco Regulation Act of
2003 (Batas ukol sa Pagkontrol sa Paggamit ng mga Produktong Tabako), ay
ipinagtibay upang isulong ang pagkakaroon ng isang kapaligirang nakabubuti sa
kalusugan, palaganapin ang impormasyon tungkol sa masasamang epekto ng
paninigarilyo, ilayo ang kabataan sa bisyo ng paninigarilyo at iba pa.

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)

Talakayin ang mga tanong

(lakip#4)

- Tungkol saan ang ating binasang artikulo #1?

- Sino sa inyo ang may mga alagang hayop?

- Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita ang iyong pangangalaga at


pagmamahal sa inyong mga alagang hayop?

- Tungkol saan ang ating binasang artikulo #2?

- Bilang isang bata, papaano mo maipapapaalaala sa mga nakatatanda sa


inyong tahanan ang mga batas na umiiral ngayon sa ating bansa at
pandaigdigan hinggil sa kampanya sa masamang epekto naidududlot ng
paninigarilyo sa ating kalusugan ?
H. Paglalahat ng Aralin
Abstraksyon

Sa kabuuan, ano ang isinasaad ng Republic Act No.8485? (lakip #2)

Batas Republika 9211(lakip #3)

I. Pagtataya ng Aralin

Ipaliwanag(Pasalita)

Republic Act No.8485 Batas Republika 9211

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

Magbigay ng 3 epekto ng paninigarilyo sa kalusugan ng tao. Isulat ito sa kwaderno

ISAGAWA NATIN

IKALAWANG ARAW

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Itatanong ng guro ang mga sumusunod:

Ano ang batas ng pamahalaan hinggil sa pananakit sa hayop?


Paninigarilyo?
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
Ilalahad ng guro ang layunin para sa araw na ito.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
Ipapasulat ng guro sa metastrips ang masamang epekto ng paninigarilyo

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong


kasanayan
Ipanonood ng guro ang video clip patungkol sa DOH at WORLD LUNG
FOUNDATION Campaign hinggil sa PANINIGARILYO

https://ph.video.search.yahoo.com/yhs/search;_ylt=A2oKmNGtGutXiFMAQfPfSQx
.?p=tagalog+no+smoking+campaign+in+the+philippines&f

Ano ang ipinakita sa video?

Magbigay ng sariling pahayag higgil sa pinanood na video.

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungosa Formative Assessment)

Ano ang ipinakita sa video? Magbigay ng sariling pahayag higgil sa pinanood na


video.

(Malayang talakayan)

H. Paglalahat ng Aralin

Itatanong ng guro

Ano-anong ahensya ng pamahalaan ang gumagawa ng mga batas o programa


hinggil sa paninigarilyo?

I. Pagtataya ng Aralin

Itatanong ng guro;

Bilang mag-aaral, papaano ka makatutulong sa kampanya o programa ng


gobyerno sa paninigarilyo?

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

Gumupit ng mga signage o paalaala hinggil sa batas sa paninigarilyo. Idikit sa


kwaderno.

ISAPUSO NATIN
IKATLONG ARAW

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin


itatanong ng guro;

Sa iyong palagay naaayon lang ba na ang ating pamahalaan maging ang


pandaigdigan ay maging istrikto sa pagpapatupad ng batas hinggil sa
paninigarilyo? Bakit?
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
Ilalahad ng guro ang layunin para sa araw na ito.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Ipapakita ng guro ang mga larawan ng mga hayop at kahalagahan nito.

https://ph.images.search.yahoo.com/yhs/search;_ylt

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong


kasanayan #2

Ipanood ng guro ang video clip Republic Act No. 8485 o Animal Welfare Act

http://www.gmanetwork.com/news/story/334614/publicaffairs/imbestigador/mga-batas-
na-nangangalaga-sa-kapakanan-ng-mga-hayop#sthash.UQ2wS3iE.dpuf

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)

Ano ang ipinakita sa video? Magbigay ng sariling pahayag higgil sa pinanood na video.

(Malayang talakayan)

G. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay

Itatanong ng guro kung papaano alagaan ang mga alagang hayop.

H. Paglalahat ng Aralin

Itatanong ng guro
Ano ang ipinahahayag sa Animal Welfare Act?

I. Pagtataya ng Aralin

Magbibigay ang guro ng sitwasyon

Nakita mo ang iyong kapitbahay na sinisipa o inaabuso ang alagang pusa, papaano mo
matutulungan ang inaabusong hayop?

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

Pagninilay

Isulat sa iyong journal kung papaano ka makakatulong sa mga pangangalaga sa hayop.

ISABUHAY NATIN

IKAAPAT NA ARAW

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin


Bilang mag-aaral sa ikaanim na baiting may magagawa ka ba para makatugon
sa mga programa ng pamahalaan higgil sa paninigarilyo? Pananakit sa hayop?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Ipaunawa sa mga mag-aaral na ang batas ay itinalaga hindi upang tayo ay pahirapan
bagkus para sa kabutihan ng bansa lalo na ang sarili.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong


kasanayan

Ipahanda ang mga kagamitan para sa gawain.

Hihikayatin ng guro na ang bawat mag-aaral ay makapagpakita ngt talento o kakayanan


hinggil sa napiling gawain.

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)


Pangkatang Gawain

Gabay para sa Gawain (lakip #5)

Pangkatin ang klase sa dalawang pangkat:

Unang Pangkat - Pangkat ng mga lalaki(Batas sa Paninigarilyo) Hatiin sa dalawang


pangkat ang una para gumawa ng ISLOGAN, pangalawa para gumawa ng POSTER
CAMPAIGN DRIVE

Pangalawang Pangkat - Pangkat ng mga babae(Batas sa pananakit sa hayop) Hatiin


sa dalawang pangkat ang una para gumawa ng ISLOGAN, pangalawa para gumawa
ng POSTER CAMPAIGN DRIVE

(Gawing malaya sa mga bata ang pagpili ng gagawin ayon sa kani-kaniyang


kakayahan)

Manalaysay-Ikwento Mo(lakip#6)
Bilang isang bata, papaano mo maipapapaalaala sa mga nakatatanda sa inyong
tahanan ang mga batas na umiiral ngayon sa ating bansa at pandaigdigan hinggil sa
kampanya sa masamang epekto naidududlot ng paninigarilyo sa ating kalusugan ?
pananakit sa mga hayop? (Group Sharing)

Gawing malaya sa mga bata ang pagpili ng gagawin ayon sa kani-kaniyang kakayahan

H. Paglalahat ng Aralin

RUBRIC SA ISLOGAN

10 7 4 1
Content Ang mensahe Di gaanong Medyo Walang
ay mabisang naipakita ang magulo ang mensaheng
naipakita. mensahe. mensahe naipakita.
Creativity Napakaganda Maganda at Maganda Di maganda
at malinaw ang ngunit d at Malabo
napakalinaw pagkakasulat gaanong ang
ng ng mga titik. malinaw ang pagkakasulat
pagkakasulat pagkakasulat ng mga titik
ng mga titik ng mga titik.
Relevance May malaking Di gaanong Kaunti lang Walang
kaugnayan sa may ang kaugnayan
paksa ang kaugnayan kaugnayan sa paksa ang
islogan. sa paksa ang ng islogan sa islogan
islogan. paksa
Kalinisan Malinis na Malinis ang Di gaanong Marumi ang
malinis ang pagkakabuo. malinis ang pagkakabuo.
pagkakabuo pagkakabuo.

Tandaan Natin(lakip#7)

Iugnay ang mga sumusunod na kataga sa kahalagahan ng pagsunod sa


batas ng mga mamamayan:

“Walang sapat na kahulugan , hindi sapat ang dami ng pulis, kulang ang mga
korte para ipatupad ang mga batas kung ang mga batas na ito ay hindi suportado
ng tao.”

Salin na sinulat ni

Hubert H. Humphrey
“Ang pagiging masunurin ang Ina ng lahat ng kagandahang asal.”

Salin mula sa sinulat ni

Saint Agustine

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation


Magdala ng mga props para sa isang dula -dulaan hinggil sa paksang
tinalakay.Humanda sa isang pagpapakitang palabas.

SUBUKIN NATIN

IKALIMANG ARAW

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin


Hihikayatin ng guro ang mga mag-aaral na makapagbigay ng isang konsepto
natatandaan nila sa nagdaang aralin.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Ipapaliwanag ng guro na ang bawat mamamayan bata o matanda ay may
responsibilidad sundin ang mga tuntunin at patakaran na pinaiiral ng batas

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Hihikayatin ng guro ang mag-aaral na itanong sa sarili kung ano ang magagawa sa
pagpapatupad ng batas kahit nasa Ikaanim na Baitang pa lamang

Ipakita sa isang maikling dula dulaan.

I. Pagtataya ng Aralin

Artista-Iakto Mo (Pangkatang Gawain) lakip#8

Bilang isang bata, papaano ka makikilahok sa mga kampanya at programa para sa


pagpapatupad ng batas na umiiral ngayon sa ating bansa at pandaigdigan hinggil sa
kampanya sa masamang epekto naidududlot ng paninigarilyo sa ating kalusugan ?
pananakit sa mga hayop?

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation


Gumupit ng larawan na nagpapakita ng pakikilahok sa mga kampanya at programa
para sa pagpapatupad ng mga batas tulad ng:

-Pagbabawal sa paninigarilyo

-Pananakit sa mga hayop

You might also like