Filipino
Filipino
Filipino
Ipinanganak siya sa Sta. Cruz, Maynila noong Pebrero 11, 1961. Nag-aral at nagtapos siya sa
Santo Tomas ng batsilyer sa pilosopiya at letras. Nagsimula siyang magsulat sa Tagalog noong
1902. Ang kanyang dulang RIP na nanuligsa sa moro-moro ay siyang tinutukoy na dahilan ng
panghihina ng moro-moro sa Pilipinas.
Si Severino Reyes din ang unang patnugot ng lingguhang Liwayway kaya tinawag din siya ng
ibang manunulat na ama ng Liwayway. Dahilan sa akda niyang Mga Kuwento ni Lola
Basyang sa Liwayway, si Severino Reyes ay tinawag na Lola Basyang.
Mga Akda ni Severino Reyes:
1.
2.
3.
4.
Walang Sugat Kauna-unahan niyang dula at siya rin niyang obra maestro.
R.I.P. Ang dula niyang nanuligsa sa moro-moro.
Ang Kalupi Dula niyang pumapaksa sa banidad at kamunduhan ng mga lalaki.
Cablegrama Fatal Ipinakita sa dulang ito ang kawalang-katarungan ng paglilitis kay
Rizal.
5. Los Martires de la Patria Itoy ang dulang pasalubong niya sa mga pensyonadong
Pilipino na galing sa Amerika.
6. Filipinas para los Filipinos Ipinakikita sa dula ang kabalbalang ugali ng ilang
Amerikano lalo na ang pagtutol ng mga may kapangyarihang makasal sa isang Pilipina
ang isang Amerikano.
7. Puso ng Isang Pilipina Nangangaral ang dula sa bayan na ang tawag ng pagmamahal sa
bayan ay nasa pagpapakadunong, pagpapakabait, at pagpapakasipag.
8. Bagong Fausto Pinuna ng dula ang maraming sakit na panlipunan sa Pilipinas.
9. Alma Filipina Inilalarawan dito ang paglalaban ng kasakiman at kagandahang-asal.
10. Tatlong Babae Naglalarawan ang dula ng tatlong uri ng babaing Pilipina: ang
makaluma, ang modernista at ang babae sa kinabukasan.
11. Filotea Nanunuya ang dulang ito sa pagiging panatiko ng tao.
12. Mga Pusong Dakila Ipinakikita ng dula ang mga pang-akit ng materyalismo sa tao.
13. Opera Italiana Tinutuya ng dula ang mga Pilipinong mahilig sa mga bagay na dayuhan.
14. Tatlong Bituin Ipinakita sa dula na hindi lahat ng baylarina ay masama.
15. Minda Mora Isinadula ang buhay ng isang mora na nakipagsapalaran sa Maynila.
Hermogenes Ilagan
Kilala sa lahat ng dako si Hermogenes Ilagan sa tawag na Ka Mohing. Masasabing hindi
lamang siya kapanahon kundi kapantay ni Severino Reyes sa pagsulat ng sarswela.
Isinilang si Hermogenes sa Bigaa, Bulacan noong Abril 19, 1873.
Kilala siya hindi lamang sa pagkatha kundi gayundin sa pagiging artista at sa pag-aari ng
Compana Ilagan na nagtanghal ng maraming dula sa buong Luzon.
Mga Akda ni Hermogenes Ilagan:
1. Dalagang Bukid Ito ang itinuturing pinakatanyag niyang dula. Ito rin ang kanyang obra
maestro.
2. Despues de Dios el Dinero
3. Dalawang Hangal
4. Biyaya ng Pag-ibig
5. Ilaw ng Katotohanan
6. Kagalingan ng Bayan
7. Punyal de Rosas
8. Wagas na Pag-ibig
9. Ang Mangkukulam
10. Ang Buhay Nga Naman
Patricio Mariano
Mandudula, kwentista, makata, mamamahayag, pintor at biyolinista si Patricio Mariano.
Ipinanganak siya sa Sta. Cruz, Maynila noong Marso 17, 1877 sa isang angkang mayaman. Siya
ay nagtapos ng pagka manananggol.
Nagsulat at namatnugot sa maraming pahayagan gaya ng Los Obreros, Renacimiento Filipino,
Katwiran, Lunas ng Bayan, La Vanguardia at Taliba. Dahil dito, tinawag siya ni G. Artigas y
Cuervas na anak ng pahayagang Tagalog. Sa kapanahunan niya, tinawag din siyang puno ng
mandudulang Tagalog.
PANULAAN
Lope K. Santos
Si Lope K. Santos ang Ama ng Balarila ng Wikang Pambansa. Siya ay isang makata,
nobelista, kuwentista, guro, pulitiko at lider ng manggagawa. Isinilang siya sa Buwayang Bato,
Pasig, Rizal noong Setyembre 25, 1879. Nagtapos siya ng pagkaguro at pagkaabogado. Bilang
dalubwika, siya ang humalili kay Jaime de Veyra na Patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa.
Naging patnugot din siya ng sumusunod na mga pahayagan: Ang Mithi, Bayang Pilipino, Ang
Watawat, Lipang Kalabaw, Sampaguita at Mabuhay. Bilang guro, siya ay naging propesor ng
wika sa UP. Bilang pulitiko, siya ay naging gobernador ng Rizal at senador ng ikalabindalawang
purok-senadoryal ng Pilipinas.
Ilan sa ginamit niyang sagisag sa pagsusulat ang mga ito: Sekretang Gala, Verdugo, LakanDalita, Taga-Pasig, Kulodyo, Gulite, Duktor Lukas, Anak-Bayan, Poetang Peperahin, at iba pa.
Mga Akda ni Lope K. Santos:
1. Banaag at Sikat Nobela at itinuturing na obra maestra niya.
Teodoro Gener
Isinilang siya sa Norzagaray, Bulacan noong Nobyembre 9, 1892. Nagtapos siya sa
pagkamanananggol.
Nagtamo siya ng may 10 gantimpala sa panunulat.
Mga Akda ni Teodoro Gener:
1.
2.
3.
4.
5.
Ildefonso Santos
Ipinanganak siya noong Enero 23, 1899 sa Baritan, Malabon, Rizal. Nagtapos siya ng
pagkaguro at kauna-unahang superbisor ng Pilipino ng Kawanihan ng mga Paaralang Bayan.
Ginamit niyang sagisag ang Ilaw Silangan.
Mga Akda ni Ildefonso Santos:
1. Sa Hukuman ng Pag-ibig
2. Ang Ulap
3. Ang Guryon
4. Tagailog
5. Simoun
6. Tatlong Inakay
7. Sa Tabi ng Dagat
8. Alamat ng Buho
9. Tanaga
10. Ang Mangingisda
Cirio H. Panganiban
Isanilang siya sa Bukawe, Bulacan noong Agosto 21, 1895. Naging patnugost siya ng Surian
ng Wikang Pambansa noong 1947. Naging propesor ng wikang Tagalog sa FEU.
Ginamit niya ang sagisag na Crispin Pinagpala.
Mga Akda ni Cirio H. Panganiban:
1.
2.
3.
4.
5.
Sa Likod ng Altar
Hiwaga ng Buhay
Karnabal ng Puso
Ang Panday
Sa Habang Buhay
NOBELA
Valeriano Hernandez at Pena
Ipinanganak si Valeriano Hernandez at Pena sa San Jose, Bulacan noong Disyembre 12, 1858.
Siya si Tandang Anong sa mga kakilala at kaibigan, maging sa pinapasukan niyang pahayagan,
Ang Muling Pagsilang.
Ginamit niya ang sagisag na Kinting Kulirat.
3.
4.
5.
6.
7.
Hatol ng Panahon
Pahimakas ng Isang Ina
Kasawian ng Unang Pag-ibig
Bungan g Pag-iimbot
Dangal ng Magulang
noong 1941.
Madaling Araw
Kung Magmahal ang Dalaga
Sampaguitang Walang Bango
Ang Dalaginding
Ilaw na Pula
May Lasong Ngiti
Faustino Aguilar
Si Faustino Aguilar anf tinawag na Alexander Dumas ng panitikang Pilipino sapagkat siya
ang sumulat ng kauna-unahang nobelang panlipunan, ang Pinaglahuan.
MAIKLING KUWENTO
Deogracias A. Rosario
Siya ay ipinanganak sa Tundo, Maynila noong Oktubre 17, 1894 at sumakabilang-buhay
noong Nobyembre 26, 1936. Naging patnugot siya ng Taliba at ditoy nakapaglathala siya ng
mga kuwento.
Siya ang kinikilalang Ama ng Maikling Kuwento.
Mga Akda ni Deogracias A. Rosario:
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
Macario G. Pineda
Isinilang siya sa Malolos, Bulacan ngunit sa Bigaa, Bulacan maluwat na nanirahan hanggang
sa bawian ng buhay noong 1951. Isa siya sa mga pangunahing manunulat ng mga kuwento ng
katutubong-kulay.
Mga Akda ni Macario G. Pineda:
1. Talambuhay ng Aming Nayon
2. May Landas ang mga Bituin
3. Suyuan sa Tubigan
4. Lalaging Liwayway
5. Sinag sa Dakong Silangan
6. Kasalan sa Malaking Bahay
7. Ang Langit ni Ka Martin
8. Siste Nito
9. Halina sa Ating Bukas nobela
10. Ang Ginto sa Makiling nobela
Brigido C. Batungbakal
Sumilang siya sa PUlilan, Bulacan noong Mayo 5, 1910. Naging kabilang siya sa patnugutan
ng Liwayway at kasapi sa Panitikan; naging katulong ng patnugutan ng Ngayon, Balita at Ang
Bayan; nagkamit ng unang gantimpala sa timpalak ng maikling katha sa Balita noong 1937;
nagkamot ng gantimpala sa Commonwealth Award noong 1940.
Mga Akda ni Brigido C. Batungbakal:
1.
2.
3.
4.
May dalawampung taong gulang nang sulatin at maipalathala ang kathang kalakip ng aklat na
ito. Bunsong kapatid ni Jesus A. Arceo, na gayong binawian ng buhay sa gulang na dalawamput
tatlo taon ay nakapag-iwan ng mga di-malilimot na maikling katha. Nag-aral sa Torres High
School, naging isang tinig sa radio, at pagkatapos ay inangkin ang pelikulang Tagalog.
Akda ni Liwayway A. Arceo:
1. Uhaw ang Tigang na Lupa
N. V. M. Gonzales
Isinilang sa Romblon. May dalawamput walong taong gulang. Nagsimulang magsulat noong
1933. Ang isa sa kanyang mga kauna-unahang kuwento, ang Pioneers, ay ipinahayag ni jose
Garcia Villa na siyang pinakamabuting maikling kathang Pilipino sa Ingles noong 1934. Ang
kanyang nobelang The Winds of April ay nagtamo ng tanging gantimpala ng Commonwealth
noong 1940.
Akda ni N. V. M. Gonzales:
1. Lunsod, Nayon, at Dagat-dagatan
E. Ang Panitikan sa Panahon ng Republika - Kasalukuyan
Kalagayan: Nagdaan ang ating bansa sa pamamahala ng ibat ibang pangulo na pawing ang
hangad sa kanilang panunungkulan bilang pangulo ay maiahon an gating bansa sa mga kahirapan
bunga ng salantang iniwan ng digmaan.
Katangian: Ang panitikan sa panahong ito, sa ano mang kaanyuan ay pumaksa sa kahirapang
dinanas ng mga mamamayan, ang ugnayang Pilipinas-Amerika.