Alamat NG Basey

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 21

Alamat ng Basey

Dahil sa ipinakitang kalupitan ng mga tulisang-dagat, ang mga naninirahan sa Balud, sa pangunguna ng
mgamisyonerong Heswita ay nagtungo sa Binongtoan, isa sa kalapit na nayon. Doon ay nagsimula silang bumuo
ngpanibagong nayon at matatag nakuta na yari sa mga batong adobe. Pinatatag nila ang kanilang nayon. Naglagaysila ng
mga pamigil na harang laban sa marahas na pananalakay ng mga tulisang-dagat. Ang mga tagapamunong Binongtoan ay
sina Ambrocio Makarumpag, Francisco Karanguing, Juan Katindoy at Tomas Makahilig.
Sa pagpupulong ng mga tagapamuno na dinaluhan ng mga misyonerong Heswita, silay nagkasundo na
pangalananang lugar na Baysay na may kahulugang maganda bilang parangal at sa alaala ng kanilang magandang
siBungangsakit. Samantala, ang mga taga-Omit na nakasalamuha ni Bungangsakit nang kanyang kabataan ayhindi
sumama sa pagtatatag ng bayan ng Baysay.
Sa halip silay nagkaisa at nagtatag ng kanilang sariling barangay na pinangalanang Guibaysayi,na may
kahulugang Ang Pinakamaganda bilang pagbibigay parangal din sa kagandahan ng kanilang si Bungangsakit.Ang mga
naninirahan sa Baysay ay nagtatag ng pangkat ng mga tagapagtanggol na binubuo ng matatapang nakalalakihan sa
kanilang lugar na pinamumunuan ni Katindoy, isang matapang na mandirigma. Batid nilang angmga tulisang- dagat ay
muling babalik kayat nagtayo sila ng kuta na yari sa matitigas na bato sa Bungal na matatagpuan sa bukana ng ilog. Sa
kutang ito magtitipon ang matatapang na tagapagtanggol ni Katindoy upangplanuhin ang kanilang mga gagawing depensa
laban sa mga tulisang-dagat atupang mamatyagan ang paparatingna mga vinta. Nuong 1832, ang ilang piling lugar sa
Bungal ay inihanda para sa pagtatayo ng SimbahangKatoliko ng mga Heswita. Subalit sa kakapusang-palad , ang walowalo ay dumating at sinalanta ang buong kuta.Ang walo-walo ay walong araw na walang tigil na pag-ulan nang malakas na
may kasamang malalakas nahangin. Pagkalipas ng ilang araw, dumaan pa ang napakalakas at nagngangalit na bagyo sa
lugar na kumitil sanapakaraming buhay at sumira ng napakaraming ari-arian.Sapagkat walang matirahan at sinalanta ng
bagyo, ang mga natirang buhay na naninirahan sa Baysay ay aynagpasyang muling kumilos upang humanap ng lugar na
may mga burol na magsisilbing pananggalang samalalakas na hangin. Napili nila ang kasalukuyang kilalalagyan ng bayan
ng Baysay. Malapit sa lugar na ito aymatatagpuan ang mga burol na isa sa mga ito ay tinayuan ng mga katutubo ng mataas
na tore. Mula sa tore aymatatanaw ang paparating na mga vinta at ang mga burol ay maaaring mapaglikasan sa mga
panahon ngpagbaha at kublihan kapag may malalakas na bagyo.

Alamat ng Bundok Kanlaon


Sa bahaging Bisaya ay may isang bundok ng humahati sa Silangan at Kanluran. Ito ang bundok Kanlaon.
Noong unang panahon, may isang malupit na namiminsala sa mga tao. Ito ay ang ulupong na may pitong ulo.
Nagbubuga ito ng apoy. Wala itong patawad. Waring walang makakagapi sa ulupong na ito na nakatira sa bundok. Marami
na siyang napatay dahil sa pagbubuga ng apoy kapag nagagalit. Kumunsulta si Haring Matog sa mga pantas. May
manggagamot na nagmungkahing mag-alay sila sa ulupong ng isang magandang dalaga upang matigil ito sa pamiminsala.
Ipinaabot naman ng kura paroko sa mga mamamayan ang balita. Sa takot ng mga kababaihan na baka sila ang
ialay ay pinintahan nila ang kanilang mga muka. Pumangit ang itsura nila dahil sa mga pinta. Makalipas ang isang buwan,
bigong bumalik ang pari. "Wala na pong natitirang magandang dalaga. Nasunog po ang kanilang mukha nang abuting sila
nang ibinugang apoy ng ulupong."
Nalungkot ang hari sapagkat maging si Datu Sagay ay nagpatunay sa mga ibinalita ng pari. Tanging si Prinsesa
Talisay na lamang ang natitirang magandang dalaga rito.
Samantala, isang banyaga ang nagkataong nakabalita sa pananalanta ng ulupong. Inalok ng binata ang hari ng
kanyang tulong. Anito ay siya ang pupuksa sa ulupong.
"Matapang ka, binata. Kung mapapatay mo ang salot na ulupong ay ibibigay ko sa iyo ang kalahati ng aking
yaman. At ipakakasal ko rin sa iyo ang kaisa-isa kong anak na si Prinsesa Talisay," may paghangang wika ng hari.
Naglakbay si Laon, ang binatang banyaga. Sa paglalakbay niya patungong bundok ay nakasalubong niya ang
isang langgam.
"Hoy, Langgam! Ako si Laon. Pakisabi mo kay Haring Langgam may utos ang panginoon ninyong si Laon. Lahat ng
sundalong langgam ay papuntahin sa bundok. Papatayin natin ang namiminsalang salot na ulupong. Ito ay pata na rin sa
ating kapayapaan."
Gayundin ang sinabi ni Laon kay Haring Bubuyog at kay Haring Lawin na handa ring tumulong. Lahat sila ay
nagtungo sa bundok.
Doon naganap ang umaatikabong bakbakan. Halos matabunan na ang ulupong sa rami ng umatakeng mga
langgam. Pinagkakagat nila ang ulupong. Tinusok naman ng mga bubuyog ang mga mata ng salot. Hindi nila pansin ang
ibinubugang apoy ng ulupong. Patuloy sila sa laban nila.
Samantala, sa kaharian ay hindi mapalagay ang mga tao. Umiiyak si Prinsesa Talisay. Humingi siya ng tulong sa
kanyang amain na si Datu Sagay. Nagpasya si Datu Sagay na sundan si Khan-Laon upang pigilan ito sa iba pang
binabalak. Ipinagsisigawan naman ng mga tao na si Prinsesa Talisay ang iaalay sa ulupong kapag nabigo si Khan-Laon sa
labanan.
Nakarating sa bundok si Datu Sagay at ang kanayang mga kawal. Kitang-kita nila na diniudukot ng lawin ang mga
mata ng halimaw at pinagtatagpas ni Khan-Laon ang mga ulo ng ulupong.
Tuwang-tuwa nang bumalik sa kaharian sina Khan-Laon at ang kanyang mga kaibigan. Tuwang-tuwa rin si Datu
Sagay na ibinalita ang kagitingan ni Khan-Laon.
"Ang lahat pong ito ay hindi ko kayang gawin kung wala ang aking mga kaibigan, Mahal na Hari. Kaya ang hiling ko
lamang ay huwag silang patayin sapagkat tulad din natin sila na nilikha ng Diyos," pakiusap ni Khan-Laon.
Agad namang ibinigay ng hari ang kanyang ipinangako. Ipinikasal din niya ang anak na prinsesa kay Laon. Mula
noon ay masyadong nagsama ang mag-asawa. Tinawag nilang Kanlaon ang bundok bilang pagkilala sa kabayanihan ni
Laon.

Alamat ng mga Burol ng Tsokolate


Noong unang panahon sa pulo ng Bohol, ang lupa ay tigang. Namimitak ang bukirin kapag tag-init. Kung tag-ulan
nama`y putikan ito. Sa tagsibol lamang lumalamig sa paningin mula sa mga tanim na palay ng mga luntian dahon nito.
Ayon sa mga ninuno natin, sa magkabilang ibayo ng pulo ay may nakatirang higante. Ang isa ay taga timog at ang
isa ay taga hilaga. Sa di inaasahang pagkakataon ang dalawa ay nagkatagpo. Ang mga tao ay nangatakot at lumisan.
Nagtungo sila sa ibang dako ng pulo.
Ang higanteng taga timog ay nagwika, "Hoy! Higanteng bubo, Akin ang lugar na ito". "Humanap ka ng sariling
lupain mo"
Sumagot ang higanteng taga hilaga. "Hindi maari! Ako ang nauna sa lugar naito", "Kung gusto mo, ikaw ang
umalis".
"Hindi ako makapapayag!", sagot ng higanteng timog sabay padyad. Yumanig ang buong lupa.
"Lalo nanam ako!" patalon na sigaw ng higanteng hilaga. Nagpalitan sila ng matitigas at magagaspang na salita.
Walang ibig sumuko.
Dahil katatapos lamang ng ulan noon ang lupa ay malambot. Dumampot ng lupa si higanteng hilaga at binato si
higanteng timog. Gumanti si higanteng timog. Gumawa ng bolang putik at ibinato rin nito. Bakbakan umaatikabo! ! Wala sa
dalawa ang gustong sumuko. Patuloy ang pagbabatuhan nila hanggang isa man sa kanila ay hindi makaagapay sa pagod
at kapinsalaan. Kapwa natimbuwang ng wala ng buhay.
Ang naiwanan nila ay ang mga tumpok-tumpok ng mga bolang putik na pinagbabato nila. Ito ay naging
bulubundukin na kapag tag-araw ay animo`y tumpok-tumpok ng mga tsokolate kapag pinagmamasdan mula sa
himpapawid. Ngunit kung tag-ulan naman ay bulubunduking luntian na kaayaayang pagmasdan.
Bakit tinawag na bundok ng mga tsokolate? Kung tag-init ang mga damo ay natutuyo at ang lupa ay tigang. Unang
patak ng ulan, bago tumubo ang mga damo, ang lupa ay nagiging putik na animo`y tsokolateng

Alamat ng Capiz
Buhat nang lumunsad dito sa ating kapuluan ang bantog na si Magallanes, ang mga Kastila ay kumakalat na nang
kumakalat sa ibat-ibang pulo sa Kabisayaan. Bagamat napatay ni Lapu-lapu si Magallanes sa pulong Maktan ang gayon
ay hindi naging hadlang upang ang mga Kastila ay magpalipat-lipat sa ibat-ibang bayan at lalawigan.
May isang panahong ang maraming kawal na Kastila ay lumunsad sa malalaking pulo ng Panay. Ang mga kawal na
yaon ay pinamumunuan ng isang mabait na Heneral na ang pangalan ay Alejandro de la Cuesta. Ang mabait na Heneral at
ang kanyang mga kawal ay nagsisihimpil sa baybaying-dagat. Buhat dito ay gumawa sila ng mga paglalakbay hanggang
makarating sila sa isang pook na hindi nila alam kung ano ang pangalan ng pook na iyon.
Sa paglalakad ng mga kawal na pinangungunahan ni Heneral de la Cuesta ay natanaw sila ng isang babaing
naglalaba sa batis. Ang babaing iyon ay may kasamang dalawang anak na nang mga sandaling yaoy nagsisipaligo sa
malinaw na batis.
Naisipan ng pinunong Kastila na lapitan ang naglalabang babae upang itanong kung ano ang pangalan ng baying
kanilang kinaroroonan. Ngunit malayu-layo pa ang mga kawal na Kastila ay natanaw na sila ng naglalabang babae. Dalidali nitong tinungo ang dalawang anak na kambal na naliligo, kinilik ang isa at matapos akayin ang isa pa ay tinangkang
sumibad ng takbo.
Sa buong buhay ng babaing iyon ay noon lamang siya nakakita ng kawal na Kastila, kayat sa malaking takot ay
sinikap nitong makatakas agad. Ngunit nakaiilang hakbang pa lamang siya, au ubod galang na lumapit ang pinunong
Kastila at mapitagang nagtanong;
Como se llama esta provincial? na ang ibig sabihin ay Ano ba ang pangalan ng lalawigang ito?
Hindi naunawaan ng babaing iyon ang mga salitang yaon, ngunit nang makitang ang nagtatanong na pinunong
Kastila ay nakatinging mabuti sa kaniyang dalawang anak, na nooy nakakapit sa kaniyang mga hita, inakala ng natatakot
na ina na ang itinatanong sa kanya ay kung bakit magkamukhang-magkamukha ang dalawang bata. Dahil sa gayong akala
ay nangangatal pa ang tinig na tumugon siya sa wikang Bisaya.
-

Capid... Capid... an gang ibig sabihin, ang dalawa niyang anak ay

KAMBAL, kaya magkamukha ang mga iyon.


Yumukod pa ang pinunong Kastila at nagpasalamat bago nagpaalam sa babaing iyon. Sa pag-aakalang ang
isinagot nitong Capid, ay siyang katugunan sa kanilang itinanong.
Noon din ay itinala sa talaan ni Heneral de la Cuesta ang salitang CAPID at nagpapatuloy sila sa
paglalakbay sa buong lalawigan. Subalit nang silay nag-usap-usap na tungkol sa pangalan ng lalawigang kanilang
narrating ay nahihirapan silang bigkasin ang salitang Capid, sapagkat hindi angkop sa kanilang dila ang d. Kayat ang
titik na ito ay binago ni Heneral de la Cuesta at pinalitan ng titik na s.
Buhat noon, ang lalawigang iyon na naging isa sa mga lalawigan sa malaking pulo ng Panay sa
Kabisayahan, sa halip na maging Capid ay kinilala ngayon at tinatawag na KAPIS. Ang pangalang ito ng lalawigan ng
Kapis ay siyang naging bunga ng hindi pagkakaunawaan ng isang natatakot na ina at ng isang pinunong Kastila.

Alamat ng Si Lalak at si Babaye


Visayan Myth of the First Man and Woman
Nuong unang panahon, may 2 bathala na namamahay sa langit, si Kaptan at si Maguayan. Napa-ibig si Kaptan kay
Maguayan at sila ay nag-asawa.
Isang araw, tulad sa nangyayari sa mga mag-asawa pagkatapos ng unang pagsasama, nag-away si Kaptan at si
Maguayan. Sa bugso ng galit ni Kaptan, pinalayas niya ang kanyang asawa. Malaki ang paghihinagpis na umalis si
Maguayan. Nang wala na ang diyosa, ang diyos na Kaptan ay inabot ng lumbay. Nabagabag siya ng kamaliang ipinataw
niya sa kanyang asawa. Subalit huli na upang humingi siya ng patawad. Hinalughog niya ang buong kalangitan, subalit
hindi niya natagpuan si Maguayan. Tulad sa usok naglaho ang diyosa.
Upang mahupa ang kanyang lumbay, ang namimighating diyos ay lumikha ng daigdig at nagtanim ng kawayan sa
halaman na pinangalanang Kahilwayan. Nagtanim din siya ng palay, mais at tubo. Sa lahat ng mga tanim, ang kawayan
ang unang umusbong. Tumubo itong maganda puno na malambot ang mga sanga at mga dahon na parang balahibong
kumakaway sa daloy ng hangin.Nang makita ang ganda ng kanyang nilikha, napuno ng ligaya ang kaluoban ni Kaptan.
Ah, buntong hininga niya, kung narito lamang si Maguayan, malulugod siyang masdan itong magandang tanawin sa gitna
ng simoy ng hangin at kiskisan ng mga dahon! Patuloy ang pagtubo ng kawayan. Ang halamanan ay lalong gumaganda
araw-araw. Isang dapit-hapon, habang si Kaptan ay nanunuod ng kaway-kaway ng mga dahon sa simoy ng hangin, isang
sapantaha ang nabuo sa kanyang isip at, bago pa niya namalayan kung ano ang nangyayari, binulong na niya sa kanyang
sarili, Lilikha ako ng mga mag-aalaga nitong mga halaman.
Pagkatapos, mula sa kabilang bahagi ng biyak na kawayan lumitaw ang pangalawang nilikha. Bininyagan siya ng
diyos ng Sikabay, pangalang ibig sabihin ay katulong ng nilalang na malakas. Mula nuon, ang kanyang mga katulad ay
tinawag na sibabaye o babaye, sa palayaw.Magkasama, ang dalawang nilikha ay nagtanim sa halamanan at inalagaan ang
mga pananim. Sa kabilang dako, si Kaptan ay nagpunta sa malayo upang hanapin si Maguayan.
Isang araw, pagka-alis ng diyos, niyaya ni Sikalak si Sikabay na magpakasal sa kanya. Subalit ang babae ay
tumanggi. Hindi ba magkapatid tayo? pinagalitan niya ang lalaki. Tutuo ang sinabi mo. Subalit walang ibang tao dito sa
halamanan, nangatwiran si Sikalak. At kailangan natin ang mga anak na tutulong mag-alaga dito sa napaka-laking lupa
para sa ating panginoon. Hindi natinag ang babae. Alam ko, sagot niya, subalit ikay ay aking kapatid. Kapwa tayo
isinilang sa iisang puno ng kawayan, at kaisa-isang biyas ang nagkabit sa ating dalawa. Pagtagal-tagal, matapos ng
mahabang pagtatalo, humingi sila ng payo sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid. Ipinayo ng mga isda at ng
mga ibon na magpakasal sila. Hindi pa rin nahimok, sumangguni si Sikabay sa lindol, na sang-ayon din sa kanilang pagaasawa. Kailangang mag-asawa kayo, sabi ng lindol, upang magka-tao sa daigdig. Kaya nag-asawa sina Sikalak at
Sikabay. Ang una nilang anak ay isang lalaki, na pinangalanan nilang Sibu. Pagkatapos, nagka-anak sila ng isang babae,
na tinawag nilang Samar.

Si Amomongo at si Iput-Iput
(Ang Gorilya at ang Alitaptap)
Isang gabi, naglalakad si Iput-Iput, (ang alitaptap) patungo sa bahay ng kanyangkaibigan.Nang mapadaan siya sa
tapat ng bahay ni Amomongo (ang gorilya), tinanong siya nito.Hoy, Iput-Iput, bakit lagi kang may dala-dalang ilaw?
Sumagot si Iput-Iput. Dahil natatakot ako sa mga lamok.Ah, duwag ka pala, ang pang-uuyam ni Amomongo.Hindi ako
duwag! , ang nagagalit na sagot ni Iput-Iput. Kung hindi ka duwag, e bakit lagi kang may dala-dalang ilaw?, ang pangaasar niAmomongo.Nagdadala ako ng ilaw para kapag nilapitan ako ng mga lamok at kakagatin ay makikitako sila kaagad
at nang sa gayoy maipagtanggol ko ang aking sarili., ang tugon ni Iput-Iput.Tumawa nang malakas si Amomongo.
Kinabukasan, maaga utong gumising atipinamalita sa lahat ng kapitbahay na kaya daw laging may dalang ilaw si Iput-Iput
ay dahilduwag ito. Kaagad na kumalat sa buong bayan ang balita. Nang mabalitaan ito ni Iput-Iput,nagalit siya. Dali-dali
siyang lumipad patungo sa bahayni Amomongo. Gabi noon at natutulog na ang gorilya, ngunit itinapat niya ang kanyang
ilaw samukha nito hanggang sa ito ay magising.Hoy, gorilya, bakit ipinamamalita mong duwag ako? Upang mapatunayan
ko sayonghindi ako duwag, hinahamon kita sa isang labanan. Magkita tayo sa sa plasa sa susunod naLinggo ng hapon.
Pupunga-pungas na nagtanong ang gorilya. Mayroon ka bang mga kasama?Wala!, ang sigaw ni Iput-Iput. Pupunta
akong mag-isa. Nangiti si Amomongo sa tinuran ni Iput-Iput. Dilit isang maliit na insekto anghumahamon sa kanya ng
away. Nagpatuloy ang alitaptap. Hihintayin kita sa plasa sa susunod na Linggo sa ganap naikaanim ng hapon!
Magsama ka ng mga kakampi mo dahil magsasama ako ng libu-libong gorilya na masmalalaki pa sa akin. Sinabi
ito ni Amomongo upang takutin ang alitaptap, na sa pakiwari niyaay nasisiraan ng ulo. Ngunit sumagot si Iput-Iput: Hindi ko
kailangan ng kakampi. Darating akong mag-isa!Paalam!Dumating ang araw ng Linggo. Bago pa mag-ikaanim ng hapon ay
nagtipon na ang mgadambuhalang gorilya sa plasa ngunit nadatnan na nila ang alitaptap na naghihintay sa kanila.Mayamaya, tumunog ang kampana ng simbahan bilang hudyat ng oras ng orasyon o pagdarasal. Iminungkahi ni Iput-Iput sa
mga gorilya ma magdasal muna sila. Pagkataposmagdasal, agad sinabi ni Iput-Iput na nakahanda na siya. Inutusan ni
Amomongo ang kanyangmga kasama na humanay. Pumuwesto siya sa una bilang pagpapakilalang siya ang pinuno ngmga
ito.Dagling lumipad si Iput-Iput sa ilong ni Amomongo at inilawan niya ito. Hinampas ngkasunod na gorilya si Iput-Iput ngunit
kaagad itong nakaalis kaya ang tinamaan ng gorilya ayang ilong ni Amomongo na halos ikamatay nito. Dumapo si Iput-Iput
sa ilong ng pangalawanggorilya. Hinampas ng pangatlong gorilya si Iput-Iput ngunit kaagad itong nakalipad, kaya
angnahampas niya ay ang ilong ng pangalawa na ikinamatay nito. Muli, inilawan ni Iput-Iput angilong ng pangatlong gorilya.
Hinampas ng ikaapat na gorilya si Iput-Iput na kaagad na kalipad.Muli, namatay ang pangatlong gorilya dahil sa lakas ng
pagkakahampas ng ikaapat na unggoy sailong nito. Nagpatuloy ang ganitong pangyayari hanggang si Amomongo na
lamang ang natirang buhay na gorilya na halos hindi makagulapay dahil sa tinamong sakit. Nagmakaawa ito kayIputIput na
patawarin na siya, at huwag patayin. Pinatawad naman siya ni Iput-Iput, ngunitsimula ng hapong iyon, nagkaroon na ng
malaking takot ang mga gorilya sa mga alitaptap.

Pabula ng Kabayo ug ang Kabaw


(Pabula ng Kabayo at ng Kalabaw)

Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon niya ang kanyang mga
gamit at inilulan sa kanyang alagang kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang paglalakbay.
Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang- hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng
kanyang pasang gamit.
"Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit keysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at
pasanin mo yung iba?" pakiusap ng kalabaw.
"Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo," anang kabayo na lalo pang binilisan ang
paglalakad.
"Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang
kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang katawan ko,"
pakiusap pa rin ng kalabaw.
"Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo.
Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat
ng kanyang dala at siya ay pumanaw.
Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa
kabayo na bahagya naming makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin.
"Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito kabigat ang pasan ko ngayon," may
pagsisising bulong ng kabayo sa kanyang sarili.

Ang Agila ug ang Langgam


(Ang Agila at ang Maya)

Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang iniladlad at ibinukaang kanyang
malalapad na pakpak. Habang patuloy siya sa kanyang paglipad ay nakasalubongniya ang isang maliit na ibong Maya at
hinamon niya ito."Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa ang mabilis lumipad?"
buongkayabangan ni Agila, kaya naipasya niyang tanggapin ang hamon nito para maturuan niya ngleksyon."Sige!
Tinatanggap ko ang hamon mo. Kailan mo gustong magsimula tayo?"Natuwa ang Agila, himdi niya akalain na tatanggapin
nito ang hamon niya."Aba, nasa sa iyon 'yan. Kung kailan mo gusto," buong kayabangang sagot ni Agila.Napatingin ang
Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim ang kalangitan, natitiyak niyangang kasunod niyon ay malakas sa pagulan."Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera ngayon na. Pero, para lalong magingmasaya ang paligsahan
natin ay kailangang bawat isa sa atin ay magdadala ng kahit ano ngbagay. Halimbawa ang dadalhin ko ay asukal ikaw
nman ay bulak."Tumawa ang Agila sa narinigna sinabi ni Maya. Tuwang-tuwa talaga siya, bakit nga naman hindi eh, mas
hamak na magaanang bulak na dadalhin niya kumpara sa mabigat na asukal na dadalhin naman nito."O ano, Agila, payag
ka ba?" untag ni Maya."Aba oo, payag na payag ako."" Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na 'yon at doon tayo hihinto sa
ituktok ng mataas nabundok na iyon," wika pa ni Maya.Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil tiyak na angpanalo
niya, subalit hindi siya nagpahalata.At sisimulan nga nila ang paligsahan.Habang nasakalagitnaan na sila ng kalawakan ay
siya namang pagbuhos ng malakas na ulan. Nabasa angbulak na dala-dala ni Agila kaya bumigat ito ng husto. Nahirapan si
Agila , kaya bumagal anglipad niya.Samantalang ang mabigat sa asukal na dala-dala naman ni Maya ay nabasa din
ulankaya natunaw ito. Napabilis ang lipad ni Maya.Dahilan sa pangyayari, unang nakarating si Mayasa ituktok ng mataas
na bundok at tinalo niya ang mayabang na Agila.

Ang Banog ug ang Himungaan


(Ang Uwak at Manok)

Noong Araw, magkaibigang matalik ang manok at ang Uwak.madalas dumalaw ang uwak sa manok upang
makipaglaro dito at sa mga sisiw nito.
Isang araw, sa paglalaro nila, napansin ng manok na may magarang singsing ang ibon. Uy! Pahiram naman ng
singsing mo, ang ganda-ganda! sabi ng manok.
Sige, iiwan ko nalang muna sayo. Bukas ko nalang kukunin sagot naman ng uwak.
Naglakad ang inahin at tuwang-tuwang ipinakita sa ibang hayop ang singsing nya. Nang lumapit ang isang
tandang. Bakit suot mo yang di sayo? Iyang uwak ay di manok na kagaya natin kaya wag kang makipagkaibigan sa kanya.
Itapon mo iyang sinsing sabi ng isa pang tandang.
Sa kapipilit ng tandang ay itinapon agad ng manok ang singsing.
Kinabukasan napansin agad ng uwak na hindi nya suot ito. Nasaan ang singsing ko tanong ng ibon.
Ewan ko takot na sagot ng manok. Naglalakad lang ako ng biglang nawala sa akin. Maluwag kasi.
Nahalata ng uwak na nagsisinungaling ang manok. Alam ko itinapon mo, siguro dahil ayw mo na sa akin. Hanapin
mo iyon at ibigay mo uli sa akin. Hanggang hindi mo naisasauli ang sising, kukuha ako ng makikita kong sisiw mo at ililpad
ko sa malayo
Simula noon, wala ng tigil ang paghawan ng mga manok sa lupa upang matagpuan ang nawawalang singsing.
Maging ang mga kapwa tandang ay nakitulong nadin sa kawawang manok upang maprotektahan ang mga sisiw.

Ang Lion ug ang Ilaga


(Ang Lion at ang Daga)
Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon
at pagdating sa itaas ay nagpapadausdos siya paibaba.
Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan sa buntot na wari
bagang balak siyang isubo at kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.
"Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog mo. Wala akong masamang
hangarin. Nakatuwaan ko lang na maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga.
Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa. "Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay
huwag mong gambalain ang pagtulog ko," sabi ng leon.
"Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, " sagot ng daga. Lumipas ang maraming
araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno.
Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli sa loob ng lambat na ginawang bitag ng
mga nangagaso sa kagubatan.
Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa lambat. Agad namang naputol ang
lubid at bumagsak ang lambat kasama ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na nakawala
sa lambat.
"Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa kaibigang daga.

Paalam sa Pagkabata

"Bawat yugto sa buhay ng tao ay nagdadala ng mga pagbabago"


Umiiyak lagi si Isidra at laging nakatingin sa lambat. Hindi maintindihan ni Celso kung bakit lagi iyon ginagawa ng
kaniyang ina at kung anong mayroon sa lambat.
Narinig niya ang isang malungkot na awit mula sa malapait na bahay-pawid.
Pumunta siya doon at nagulat dahil kamukha niya ang lalaking umaawit. Niyakap siya at sinabihang lagi siyang
bisitahin sa bahay-pawid.
Nakita si Celso ng kaniyang ama na galing doon. Pinagalitan siya ng kaniyang ama. Nakita niya ang kaniyang sarili
sa salamin at naalala ang lalaki. Naliwanagan siya sa lahat ng mga nangyrai sa kaniyang buhay. Sinira niya ang lambat
dahil sa galit.
Nagalit sa kaniya ang kaniyang ama at binugbog siya dahil sa ginawa niya. Lumipas ang sandal at siya ay
nagkamalay na muli. Niyakap siya ni Tomas ng kaniyang ama.

Si Pinkaw
(Maikling kwentong Hiligaynon)
Isabelo S. Sobrevega
Si pinkaw ay isang biyuda, ang asawa nito na dapat na katulong nito sa paghahanap buhay at pagtataguyod sa
pamilya nila ay sa kasamaang palad ay nasawi. Tangap na ni pingkaw ang buhay na tinatamasa nilang pamilya, binubuhay
niya ang kaniyang tatlong anak na sa balita ay iba-iba ang ama sa pamamagitan ng pangangalakal sa tambakan.
Isang marangal na tao si Pinkaw. Ayaw niyang umasa sa tulong ng iba. May paninindigan kasi siyang bakit niya
kinakailangang humingi ng tulong kung kaya naman niya. Mahal na mahal niya ang kanyang mga anak at hindi niya
pinapalo ang mga ito. Tuwing linggo ay nagsisimba siya at namimigay ng limos sa mga pulubi. Isang araw na pinakain niya
ang kanyang mga anak ng napanis na sardinas ay sumakit ang mga tiyan nito, dali-dali niyang isinakay sa kariton ang mga
ito at humingi ng tulong sa mga duktor na kilala niya ngunit hindi rin siya tinulungan. Huli na ng malaman niyang patay na
ang anak niyang panganay at sumunod ang pangalawa, masuwerteng naligtas ang gwapong anak nito na bunso ngunit ng
sumunod na mga araw ay namayapa rin ito. Sa labis na kasawiaan hindi natanggap ni pinkaw ang mga pangyayari na
nagdulot na kanyang pagkawala sa sarili.

Ang Pahigmata
Marcel M. Navarra

Tapos na ang pasukan at panahon na ng tag-init. Sa bayan ng Tuyom, Carcar , Cebu napagkasunduan ng
magkaibigang Diyak Elino Lino at Diyak Arsenio na dalhin sa kamagayan ang kanilang mga kalabaw para pakainin. Si Lino
labintatlong taon, kakatapos lang sa elementary samantalang si Arsenio,kasing-edad lang ng nauna ay hanggang Ikatlong
Baitang lang ang natapos nang dahil sa kahirapan. Habang tinatahak ang daanan patungo sa kamagayan, napag-usapan
ng dalawa ang kanilang inagahan. Ibinahagi ni Lino na kaya siya nahuli ay maatagal naluto ng kanyang ina ang
champorado na kanyang inagahan samantalang si Arsenio naman ay hindi kumain sapagkat walang maisaing ang
kanyang ina.
Nabaling ang kanilang pinag-uusapan sa kanilang kalabawkung saan ito pakakainin. Marami ring lugar ang
pinagpilian na puntahan ang magkaibigan ngunit hindi sila magkasundo. Si Diyak Arsenio ay hindi marunong matakot, kahit
hindi kanilang lupain;wala naman talagang nagmamay-ari sapagkat itoy walang titulo,panghihimasukan niya ito. May
pagkasutil na bata si Arsenio samantalang si Diyak Lino naman ay may pag-aalinlangan sa lahat ng mga sinasambit ng
nauana. Hanggang sa naisip ni Arsenio na puntahan ang kamagayan ng mag-asawang Simon at Amon, ayon sa kanila,
pagmamay-ari daw ng mag-asawa ang kamagayan sapagkat sila ang naglilinis at namumutol ng mga damo sa lupain iyon
kahit wala naman silang titulo. Pagkarating nila ay agad na inakyat ni Arsenio ang puno ng sineguelas at pinitas ang mga
namumutakting hinog na bunga nito. Pinaalahan siya ni Lino na baka manghilab ang tiyan nito sapagkat di pa ito nagagahan. Di naman ito pinansin ni Arsenio.
Aliw na ninanamnam ng dalawa ang bawat bunga na kanilang kinakain nang mapansin ni Lino ang isang basag na
boses na parang kinakapos sa hangin pag nagsasalita. Sa di kalayuan ay napansin niyang mayroong dalawang kalabaw
ang paparating sa bakuran ng mag-asawang Simon at Amon. Paparating pala si Tekya, ang nagbabantay ng lupain nila
Simon. Isang malaking babae, nakakatanda ng kaunti sa kanila at may kapansanan sa pagsasalita sapagkat siya ay may
hiwa sa labi. Ipinanganak na siyang ganoon. Hindi mapakali si Lino at di malaman ang kanyang gagawin dahil nahuli sila ni
Tekya. Bumaba sa puno si Arsenio at hinarap ang babae. Hinubad niya ang kanyang damit pang-itaas at walang pagaalinlangan sinuntok ang niya si Tekya. Dumampi sa pisngi ng babae ang kamao ni Arsenio ngunit di man lang natinag si
Tekya sa suntok ng batang lalake. Hinawakan ng batang babae ang leeg ng lalake na tila sinasakal. Ito ang pamamaraan
niya para mapigilan sa pagsuntok si Arsenio. Hindi naging hadlang kay Tekya ang kanyang kapanasan para maipahayag
ang nais niyang sabihin. Pinanood lamang ni Lino ang kanyang kaibigan na nakikipaglaban kay Tekya. Napansin niyang
tagilid ang kanyang kaibigan at nahihirapan sa kalaban nito.
Para mabitawan ni Tekya si Arsenio,sinubok ni Lino na kunin ang atensyon ng babae. Hinamon niya ang
nagngangalit na si Tekya para siya naman ang kaharapin nito.. Binitiwan ng babae si Arsenio at hinarap si Lino.
Samantalang,tusong patalikod na sinuntok ni Arsenio si Tekya sa likuran sabay pagtakbo papalayo nito. Nais sana siyang
habulin ni Tekya ngunit nabalin ang atensyon ng babae kay Lino. Hinawakan nito ang leeg ng lalake para di
makapumigwas subalit nadulas ito at nahulog sa lupa at nahatak si Lino. Hindi lumaban si Tekya ni gumanti sa kanya. Sa di
inaasahang pangyayari, nahipo ni Lino ang kaliwang dibdib ng babae. Biglang nanginig ang babae at inakala niyang itoy
dahil pilit nitong pumigwas ngunit itoy taliwas pala. Nang tingnan ni Lino si Tekya,mayroon siyang kakaibang napansin sa
mukha nito. Isang ngiti ang nakaguhit sa mukha ng babaeng si Tekya. Batid niyang itoy ngiti sa kabila ng hiwa nito sa labi.
Nagmadaling tumayo si Lino sa pagkakadapa niya sa katawan ni Tekya at tumakbong papalayo nito. Alam niyang iba ang

kanyang naramdaman sa ipinakitang motibo ni Tekya sa makahulugang ngiti nito sa kanya. Hindi siya lumingon sa kabila ng
pakakapos na boses na pagsigaw nitong hindi siya isusumbong kay Simon.
Nakita na lamang niyang wala na ang kanyang kalabaw sa bakuran ni Simon at wala na rin si Diyak Arsenio at ang
kalabaw nito sa paligid.

Pahabol
Marcel M. Navarra
Sa hindi malinaw na kadahilanan ay hindi matanggap ni Iyo Mino si Raul para kanyang anak na si Fe. Dahil dito,
masakit man ay napilitang lumayo ang binata sa kanyang sinisinta. Makaraan ang dalawang taon ay nakatanggap ng lihan
si Raul mula kay Fe na nagpapahiwatig ng pagnanais nito na muli silang nagkita, at dahil dito ay muling umuwi ang binata
sa kanilang bayan at lihim nilang itinakda ang kanilang pag-uusap. Habang nag-iisa si Fe sa kanilang bahay ay
napagpasyahan ng dalawa na doon mag-usap. Mula sa pag-uusap na ito, nabanggit ni Fe na marami ang 'nag-uudyok' sa
kanya na piliin si Max dahil sa karangyaang maibibigay nito sa kanya. Habang nag-uusap sina Fe at Raul ay biglang
sumulpot ang ama ni Fe sa kanilang harapan at sinaktan si Raul. Nakalimot ang binata at nasaksak niya ng lanseta ang
matanda.
Nangilabot si Fe at sumigaw, ngunit hindi na ito narinig ni Raul. Iniwanan ni Raul ang mag-ama at nagmadali sa
pagpanaog. Di na namalayan, ay tumakbo na si Raul ng mabilis. Kasabay ng kaniyang paghingal, nahulog ang ibat ibang
salita mula sa kaniyang mga labi at dinampot ng hangin.
Mabilis pa rin ang kaniyang pagtakbo. Ang kaniyang malalaking hakbang ang nagdala sa kaniya sa pintuan ng
munisipyo.

Si Manang Mering at ang Turumpo


Ni Marcelo Navarra
Habang naglalaro ng turumpo ang magkaibigang sina Dong at Arsenio ay may taong (hindi pinangalanan)
ang lumapit kay Dong at naghanap sa kanyang ate. Dinala niya ito sa kanyang ate at bumalik ang magkaibigan sa
paglalaro. Maya-maya pa'y naisipan ni Arseniong maglamaw (kinayod na buko na hinaluan ng sariling katas,
asukal, at kung minsan pa ay gatas). Nagpresenta si Dong na pumanhik sa bahay upang kumuha ng asukal na
kakailanganin nila sa lamaw, nagtaka siya kung nasaan ang kanyang Manang Merin nang marinig niyang magsalita
ito. Natukso siyang makinig sa usapan at sa kalauna'y sumilip sa butas ng dingding. Sa buong pag-uusap ng
kanyang manang at ng taong naghahanap dito ay narinig niyang may isang bagay na hinihingi ang tao (na isang
lalaki) sa kanyang manang ngunit ayaw ibigay nito. Pagbalik kay Arsenio ay naikwento ni Dong ang kanyang
narinig at bumalik ang dalawa sa kwarto at sabay na sumilip sa butas ng dingding. Nang sabihin ni Arseniong
umiiyak si Manang Merin, pinuntahan ito ng dalawa at tinanong ang dahilan ng pag-iyak nito ngunit sinabi ng
manang na binalitaan lamang daw siya ng lalaki na namatay na ang kanilang kaibigan.

Chocolate Hills

Chocolate hills ay isang burol.


Nagiging berde ito pag tag-ulan, at kulay
chocolate kung tag-araw. Ito ay matatagpuan
sa Bohol. Kilala ito dahil sa kulay tsokolate.
Maramin turista ang nagpupunta sa Bohol
para makita ang chocolate hills.
Ang Chocolate Hills ay isang malawak na lupain kng saan matatagpuan ang napakaraming burol. Ito ay tinawag na
Chocolate Hills dahil ito ay kulay tsokolate tuwing tag-init/tag-tuyot at ito naman ay kulay berde tuwing tag-ulan. Ito ay
makikita sa Brgy. Carmen sa Bohol. Ang dahilan kung bakit hindi ito tinutubuan ng kahit anong puno dahil sa ilalim nito ay
puno ng limestone. Umaabot ng 1,776 na burol ang matatagpuan na nakakalat.Ito ay makikita lamang sa pilipinas.

San Juanico Bridge

Ang San Juanico Bridge ay ang pinakamahabang tulay ng Pilipinas, na may habang 2km. Tinatawid nito ang San
Juanico Strait, na tumutulay sa isla ng Samar at Leyte. Kilala din itong Marcos Bridge, sinasabi na ito raw ay regalo at
"Testimonya ng Pag-ibig" ng Presidente ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos sa Unang Ginang, Imelda na taga Leyte.

Dinudugtong nito ang syudad ng Tacloban sa bahagi ng Leyte at bayan ng Sta. Rita sa bahagi naman ng Samar.
Meron itong magagandang tanawin lalo na ang San Juanico Strait na may libo-libong whirl pools at maliliit na isla.

Isla ng Boracay

Ang Boracay ay isang tropikal na pulo na tinatayang matatagpuan 315 km (200 milya) sa timog ng Maynila at 2 km
sa hilaga-kanlurang dulo ng pulo ng Panay sa Silangang Visayas sa Pilipinas. Isa ito sa mga sikat na destinasyon ng mga
turista sa bansa. Binubuo ang pulo ng mga barangay ng
Manoc-Manoc, Balabag, at nasa ilalim ng pamamahala ng
Philippine Tourism na may ugnayan sa Pamahalaang
Panlalawigan ng Aklan.
Ang Boracay ay unang tinirhan ng mga negrito o
ati, kung saan sila ay nagsaka at nangisda ng ilandaang
taon. Noong dekada '40 at '50, ang mga Boracaynon ay
umasa sa yamang dagat at sa mga plantasyon ng niyog sa
isla upang mabuhay. Ang kopra o pinatuyong laman ng
niyog ay ikinalakal nila sa mga taga-Aklan kapalit ng bigas
at iba pang mga produkto.
Pagsapit ng dekada '60, nagsimulang sumikat ang
Boracay sa mga pamilya sa Panay. Nang nailathala ng isang manunulat na Aleman ang isang aklat tungkol sa ganda ng
Boracay noong 1978, marami nang nagtungo sa Boracay mula sa iba't-ibang sulok ng daigdig. Simula noon, nabilang na
ang Boracay sa mga dinadayo ng mga turista at isa na ito sa mga sentro ng turismo sa bansa. Ang pinakasikat na
katangian ng Boracay ay ang pino at puting buhangin sa mga dalampasigan nito.
Maraming bersyon ng sanhi ng pagkakapangalan sa Boracay. May mga nagsasabi na galing daw ito sa isang
lumang salita mula sa lokal na diyalekto: borac, na maaaring may kaugnayan sa bulak, dahil ang buhangin ay simputi
nito. Isa pang bersyon ay nagsasabing galing daw ito sa bora o bula dahil naalintulad ng mga ati ang puting buhangin sa
mga puting bula ng mga alon. Mayroon ding haka-haka na noong dumaong sa isla ang mga Kastila, namulot sila ng mga
kabibe at sabi raw ng mga ati na sigay ang tawag sa mga iyon. Nang tinanong ng mga Kastila kung ano ang tinatanim ng
mga ati, sagot nila ay boray, na buto ng gulay. Pinagsama di umano ng mga Kastila ang dalawang salita upang mabuo
ang Boracay.

Magellans Cross

Ang Magellans Cross ay ang pinakatampok sa mga makasaysayang pook sa Lungsod Cebu na Sugbu pa ang
katawagan noong dumating ang grupo ng manunuklas at nabigador na Portuges na si Fernao Magalhaes (Fernando
Magallanes sa Kastila) o higit na kilala bilang si Ferdinand Magellan. Isang maliit na nayon ng mga mangingisda lamang
ang Cebu ng panahong iyon. Noong Abril 21, 1521 ay nagpabinyag ang bagong kaibigan ni Magellan na si Rajah
Humabon, ang kanyang asawa at higit sa 300 na mandirigma ng Rajah kay Padre Pedro Valderama.
Bilang
tagapagpagunita
ng
pangyayaring ito at upang ipagdiwang ang
pagtanggap at pagpapalaganap ng Katolisismo
ay nagtirik ng isang krus na kahoy si Magellan
sa dako kung saan makikita ngayon ang isang
krus na sinasabing kopya na lamang ng
orihinal na krus ni Magellan. Ayon sa nakasulat
sa lapida sa bandang ibaba ng krus,
nakapaloob sa krus na ito na gawa sa tindalo
ang tunay na krus.

Taoist Temple
Itinayo noong 1972, ang Cebu Taoist Temple ay matatagpuan sa Beverly Hills Subdivision sa Cebu City, Pilipinas.
Ang templo ay itinayo sa pamamagitan ng matibay na Chinese community sa Cebu.
Hindi tulad ng mga kalapit na Phu Sian Temple, ang Taoist templo ay bukas para sa mga sumasamba at disumasamba. Ang mga deboto ay nananalangin sa mga Diyos na ibigay ang kanilang mga nais. Kabilang sa ritwal ay ang
paghuhugas ng kamay, pagpasok sa templo nang walang suot sa paa at ang paghagis ng dalawang piraso ng kahoy. Kung
parehong mukha ang lumabas sa hinagis na kahoy, maaari nang humiling nang ninanais ngunit kung magkaiba ang
lumabas, ibig sabihin ay hindi pa ito ang tamang panahon upang humiling. Ang templo ay ang sentro ng pagsamba ng
Taoism, ang relihiyon na sumusunod sa mga aral ng sinaunang Tsino pilosopo, Lao Zi.
Ang isa pang ritwal na ginagawa ng isang deboto ay ang pag-akyat ng 81 na hakbang (na kumakatawan sa 81 mga
kabanata ng Taoism banal na kasulatan) tuwing Miyerkoles at Linggo upang magsindi ng insenso at ang kanilang kapalaran
ay basahin ng mga monghe.

PROYEKTO SA FILIPINO 7
(Ikalawang Markahan)

You might also like