Revolt of The Masses Reflection

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Joan R.

Doctor Southeast Asian Historiography


MAHIS - 11693630 Dr. Jose Rhommel Hernandnez

Ang mga aklat na titignan para sa sanaysay na ito ay ang mga sumusunod: ​Revolt of
​ i Teodoro Agoncillo, ​Memoirs ​ni Artemio Ricarte, at ​Kabayahan ni Bonifacio ​ni
the Masses n
Zeus Salazar.

Sa libro ni Teodoro Agoncillo na ​The Revolt of the Masses, s​ inimulan niya ang
paglalarawan mula sa pagtatatag ng Katipunan hanggang sa pagkamit nito ng kalayaan.
Ipinakita dito ang iba’t ibang paraan na ginamit ng mga tao bilang pagtaliwas sa kolonyal
na pamamahala ng mga dayuhang mananakop – pagsusulat ng akda, paglilimbag ng mga
pahayagan, pagtatatag ng lihim na samahan, atbp. Makikita na ang pangunahing layunin na
gustong makamit dito ay pagkakaisa ng mga tao upang makamit ang minimithing kalayaan.

Sa ​Memoirs ​naman ni Heneral Artemio Ricarte ipinapakita dito ang personal na


karanasan ng may-akda ukol sa kanyang direktang pakikibahagi sa Himagsikan 1896. Ang
mga ulat ay nakabatay sa pansarili niyang obserbasyon at perspektiba noong rebolusyon.
Sinimulan niya ito sa pamamagitan ng pagkikwento ng simulain ng Insureksyon hanggang
sa maitatag ang Katipunan at magkaroon ng rebolusyonaryong pamamahala. Nagtapos ang
kanyang kwento sa mga pag-aalsa na ginanap sa mga siyudad gaya ng Bigaa, San Rafael,
Angat, Bocaue, Malolos, Pagsanjan, Santa Cruz, San Pablo, at Los Banos.

Ibinahagi naman ni Zeus Salazar sa kanyang aklat na ​Andres Bonifacio at ang


Kabayanihang Pilipino a​ ng kanyang konsepto ng inang bayan at nacion, himagsikan at
rebolusyon, at bayani at heroe. Sa kabuuan ng kanyang akda, binibigyang diin niya dito na
makakamtan lang ang pagkabansa kung titignan ito sa konteksto ng “loob”.

Kung titignan ang mga ito at paghahambingin, ang dalawang primaryang batis ay
tumatalakay sa direktang partisipasyon ng may akda sa rebolusyon samantalang ang ​Revolt
of the Masses ​naman ay nagkikwento ng pagsusumikap ng mga Pilipino na makamit ang
kalayaan na ito. Maaari nating tignan na ang pagsusumikap ng mga Pilipino na ito gaya ni
Ricarte at Canseco, bagama’t magkakaiba ng pamamaran, ay may iisang malalim na ugat na
pinanggalingan at iyon ay ang paglaya sa mga dayuhang mananakop. Ngunit, kung
pagbabatayan ang konsepto ni Zeus Salazar tungkol sa Inang Bayan at Nacion, hindi ito
masasabing pakikipaglaban para sa Inang Bayan, bagkus ay sa ​nacion ​lamang. Bagamat nais
makalaya ng mga Pilipino, hindi naman naging possible ang pagkakaisa ng buong kapuluan
dahil na rin sa katangiang heograpikal na taglay ng Pilipinas. Dagdag pa rito, ang mga
Pilipino ay humarap rin sa mga panloob na problema gaya ng pagkakaroon ng mga
paksyon. Gayunpaman, kung titignan ang pangunahing layunin ng Katipunan, masasabi
naman na ang pakikipaglaban ni Andres Bonifacio na inilahad sa ​Revolt of the Masses ​ay
para sa Inang Bayan. Nagkakaroon lamang ng hindi pagkakasunduan sa kapwa Pilipino
kaya hindi nakamit ang pagkakaisa, partikular na sa binanggit sa mga tala ni Ricarte at
Agoncillo na mga Katipunerong taga-Kabite na hindi sumuporta sa pagsalakay ng
Katipunan sa Maynila at ng mga burgis at mga ilustrado na naghahangad na ipagpatuloy
ang kolonyal na estado ng pamahalaan.

Samakatuwid, makikita natin ang pagbubuwis ng buhay ng mga Pilipino upang


makamit ang kalayaan na tinatamasa natin sa kasalukuyan. Bagamat imposible o mahirap
para sa atin na tanggalin ang kolonyal na impluwensya ng Kastila na sumakop sa atin ng
300 taon at ng mga Amerikano na nag-iwan pa rin ng kolonyal na mentalidad sa atin
hanggang sa kasalukuyan, nawa’y magsilbing hamon ito upang bumuo ng “pagkabansa” ng
hindi na kinakailangan pang tumingin sa labas.

You might also like