Maikling Kwento

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Anting-anting (Maikling Kwento)

Ang init ng panahon, si nanay abala na naman sa pagluluto ng pagkain. Malapit na din kasi
magtanghalian at medyo kumukulo na rin ang tiyan ko pero kaya ko pa namang hintayin ang oras ng
kainan. Sobrang init talaga ng panahon, bakit kaya ganun? Sana may kapangyarihan akong
gumawa ng yelo para maging malamig sa bahay namin para naman di ganitong tagaktak na naman
ang aking pawis. Basang-basa na ang sando ko sa pawis at di na din maganda ang pakiramdam ko
dahil sa malagkit na kapit ng pawis sa aking di kaputiang balat.
Ahh teka, ako nga pala si Jojo, Jonathan sa totoong buhay. Eto ako ngayon at nag-iisip kung
anong magandang kapangyarihan ba ang magandang taglayin pag naging super hero na ako pero
ang pag-iisip na iyon ay naudlot ng bigla akong tawagin ni lolo na nakaupo sa kanyang tumba-
tumba.
Oh Lo bakit nyo po ako tinawag? banggit ko pagkalapit ko sa kanya. Wala naman apo,
nais ko lang iwan sa iyo ang isang regalo na magpapabago sa iyong buhay. Natawa na lang ako, si
Lolo talaga mapag-imbento. Wala na naman siyang lupa na maipapamana sa amin dahil mahirap
lang ang lahi namin, ano naman kayang pamana ang sinasabi ng lolo ko. Eh ano ba yung ibibigay
nyo sa akin Lolo?
Kinuha niya ang kaliwa kong kamay at ipinatong ang isang tila maliit na bato. Nang tingnan
ko kung ano ang kabuuan ng batong iyon, napagtanto ko na isa palang kwintas na may palawit na
bato ang ibinigay ni lolo. Ahhh. Ang inyong anting. Bakit nyo naman po ito ibinibigay sa akin Lo?
Apo, tapos na ang pangangalaga sa aking ng anting anting na yan. Dapat lang na akoy lumisan na
upang magkita na kaming muli ng iyong Lola. Mali na pahirapan ko pa kayo sa aking katandaan
kaya apo tanggapin mo ang aking handog at itoy pangalagaan. Sabi niya sabay ngiti sa akin.
Nakita ko pa tuloy ang bungal niyang bibig. Ngumiti na lang din ako bilang tugon at tinitigang muli
ang kwintas. Pagkatapos noon ay sabay-sabay na kaming nananghalian kasama ang buong
pamilya.
Kinagabihan, lumisan na si Lolo. Iniwan na nga niya kami at marahil ay masaya na silang
magkasama ni Lola sa langit. Ilang araw na ibinurol si Lolo at sa kanyang libing ay isinuot ko na ang
kanyang regalo bilang tanda ng paggalang kay Lolo at sa kanyang iniwang paniniwala.
Lunes ng umaga, may pasok na naman. Pagkatapos ng dalawang klase ay narinig kong
nagkaayaan ang mga lalake kong kaklase. Nagtipon sila sa likuran ng silid aralan at nag-usap.
Maya-maya pa ay lumapit sa akin ang isa sa aking mga kaklase at sinabi, Jo, sama ka sa amin
mamaya. Bakit naman? Saan ang gala? tanong ko. Inom. Napaisip ako. Mainit ang panahon,
hindi magandang uminom ng mga ganitong oras at saka tinatamad ako kaya sabi ko na lang, Pass
muna ako tol. KJ mo naman Jo. Minsan lang to. Udyok ng kaklase ko. Ayoko talaga bro. Sa
susunod na lang. Init ng panahon oh.
Kinagabihan pagkatapos naming kumain nakatanggap ako ng text mula sa nanay ng kaklase
ko, hinahanap niya ang anak niya dahil hanggang ngayon ay hindi pa daw ito nauwi. Hindi naman
ako nakasagot dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Ayoko namang mapagalitan
ang tropa dahil sakin pero ayoko din namang magsinungaling sa mga magulang niya.
- Nagkayayaan po ang barkada na uminom ng konti. Hindi ko lang po alam kung
nasaan sila ngayon.
Yan na lang ang naisagot ko sa mensahe ng nanay ng kabarkada ko. Kinabukasan nalaman
ko na lang sa klase na napaaway pala ang mga kabarkada ko at mga nasa ospital ngayon dahil sa
mga sugat na natamo nila sa pakikipag-away sa isang grupo. Naisip ko tuloy, buti na lang tinamad
ako at hindi sumama.
Dumaan pa ang mga araw at ilan pang mga insidente ang nalagpasan ko. Isa na dito yung
nagkayayaang magswimming ang buong klase, sumama ako dahil nandun ang crush ko pero
nagkaroon ng aberya, naiwan ko yung anting ni lolo sa school kaya kinailangan kong bumalik.
Hinintay naman ako ng buong klase sa sakayan pero pagdating ko, ayaw na nilang lahat tumuloy.
Nabalitaan ko na nagkaroon daw ng banggaan sa daan na dapat tatahakin ng sasakyan namin
papunta sa paliliguan namin. Dahil sa takot nagsiurungan na sila sa pagtuloy. Sabi pa ng isa kong
kaklase, buti na lang naiwan ko yung kwintas ko ung hindi baka isa din kami sa mga namatay at
nasugatan sa banggaan kung nagkataon.
Hanggang ngayon na akoy nagbibinata na maraming beses na akong nakaiwas sa
maraming aksidente. Hindi ko alam kung talaga bang epektibo ang anting ni lolo pero ang alam ko
lang, ginagawa ko lang kung ano ang nararamdaman kong dapat. Dikta man ng anting o hindi,
susundin ko kung ano ang aking kutob. Di pa din ako desidido sa kapangyarihan ng anting pero mas
mabuti na din na nasa akin ito. Mas panatag ang aking damdamin dahil pakiramdam ko,
ginagabayan ako ni Lolo kasama si Lola mula sa itaas.
Aral : Bilang mga Pilipino mapagpaniwala tayo sa mga pamahiin at mga anting-anting.
Mahirap maniwala sa mga bagay na hindi kapani-paniwala pero wala namang masama kung ating
susubukan ang mga ito. Gayunpaman lagi nating tandaan na ang mga mangyayari sa atin sa
hinaharap ay bunga ng mga desisyon na ginawa natin sa nakaraan. Ikaw ang humuhulma sa iyong
kapalaran kung kayat dapat mong matutunang pangalagaan ito.

Bagong Kaibigan

(Ang maikling kwentong ito ay mula sa panulat ni G. Bernard Umali)
May napulot akong papel. Nakasulat doon na may matatagpuan daw akong isang kaibigan.
Kinakailangan ko raw sumakay para matagpuan ito. Umuwi ako agad sa amin dahil baka
naroon na ang kaibigang tinutukoy sa papel.
Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang bagong kaibigan. Binuksan ko ang
binatana at nakita ko ang aming hardin. Maraming halaman at insekto doon. Masaya silang
naglalaro pero hindi ko sila maintindihan. Lumabas ako sa likod-bahay at nagpunta sa
dagat. Sumakay ako ng bangka upang hanapin ang aking kaibigan pero walang ibang tao sa
dagat. Ah alam ko na. Sumisid ako sa ilalim ng dagat, sumakay ako sa likod ng dolphin at
doon nakita ko ang ibat-ibang hayop at halaman, pero hindi ako mabubuhay doon. Kaya
bumalik na lamang ako sa amin.
Gabi na ng makauwi ako. Mula sa aking silid ay may natanaw ako na maliwanag sa langit.
Mayroong isang bituin na ubod ng laki. Ahah! Pupuntahan ko ang bituin. Kumapit ako sa
lobo at pinuntahan ko ito. Pero walang tao roon. Mula sa itaas ay tanaw na tanaw ko ang
daigdig na bilog at nagliliwanag. Ang ganda ng kulay. Para itong bolang umiilaw. May kulay
bughaw, luntian at kulay lupa. Naisip kong bumalik na, mula sa itaas ay nagpalundag-
lundag ako sa mga ulap, ang sarap! Parang mga bulak! Nagpadulas ako sa bahaghari!
Subalit wala pa rin akong kalaro kaya gumamit ako ng isang malaking payong at ginawa
kong parachute. Napunta ako sa kagubatan. Doon ay nagpupulong ang mga hayop. Hindi ko
sila maintindihan kaya bumalik na ako sa amin sakay-sakay ng isang elepante. Maya-maya
ay kinalabit na ako ni inay.
Gising na anak, may pasok ka ngayon
Nay, nanaginip ako na may makikilala akong bagong kaibigan!
Oo, meron nga, doon sa inyong paaralan kaya gumising ka na at darating na angschool
bus.

Lamok
Introduction:
Ang kwentong ito ay nangyari sa isang estudyante sa isang matandang unibersidad.

Story:
Si Edna ay freshman sa isang matandang unibersidad sa maynila. Isang araw habang sa kalagitnaan ng
klase ay biglang tinawag siya ng kalikasan. Tumayo si Edna at lumapit sa kanyang prof. upang
magpaalam sandali. Napili ni Edna na gamitin ang pinakamalayong bahagi ng kubeta. Habang nakaupo,
biglang nakaramdam ng pagka-irita si Edna dahil pakiramdam niya ang daming lamok na paikot-ikot sa
kanyang ulunan. Hawi dito, hawi doon. Nang matapos ang babae sa paggamit ng banyo ay dumiretso
siya sa hugasan. May nakita siyang naglilinis sa may lababo at ang kanyang wika "sakto nandito si
Manang, mapagsabihan nga".

Si Manang ay isang janitress at matagal na siya nagtratrabaho sa unibersidad na iyon. Ang unang bati ni
Edna ay "Manang, mag-spray naman kayo dito sa banyo, ang daming lamok doon sa huling bahagi ng
banyo. Ikot ng ikot sila sa buhok ko." Ang tugon naman ng matanda "Iha walang lamok sa banyong ito
kasi lagi ko tong nililinis". Biglang nakaramdam ng pagkayamot si Enda at winika na lang sa sarili, "Eh
ako mismo naramdaman ang mga lamok sa aking ulunan, Ano ba yan!". Nang palabas na si Edna ng
banyo biglang nagwika ang matandang janitress at sinabing "Iha sa gawing hulihan ng banyong ito may
isang babaeng nagbigti noong nakaraang taon dahil sa depresyon"


Realization:
Hindi pala lamok ang humahaging sa ulunan ni edna kundi ang paa noong babaeng nagbigti noong
nakaraang taon.

1. Kung Bakit Dinadagit ng Lawin ang mga Sisiw

Taga-lunsod sina Roy at Lorna. Ibig na ibig nila ang pagtira sa bukid nina Lola Anding at
Lolo Andres tuwing bakasyon. Marami at sariwa ang pagkain sa bukid. Bukod dito, marami
rin bagong karanasan at kaalaman ang kanilang natutuhan.

Isang tanghali, habang nangangakyat ang magkapatid sa punong bayabas, ay kitang-kita
nila ang lawin na lumilipad pababa. Nagtakbuhan ang mga sisiw sa ilalim ng damo. Naiwan
ang inahing manok na anyong lalaban sa lawin.

Mabilis na bumaba sa punong bayabas ang magkapatid at sinigawan nila ang lawin na
mabilis na lumipad papalayo. Natawag ang pansin nina Lola Anding at Lolo Andres sa sigaw
ng magkakapatid. Mabilis silang nanaog ng bahay at inalam kung ano ang nangyayari.

Kitang-kita po namin na dadagitin ng lawin ang mga sisiw ng inahing manok kaya sumigaw
po kami, paliwanang ni Roy.

Lolo, bakit po ba dinadagit ng lawin ang mga sisiw ng inahing manok? tanong ni Lorna.

May magandang kuwento ang inyong Lola Anding na sasagot sa inyong tanong na iyon,
sagot ni Lolo Andres.

Halina na kayo sa upuang nasa lilim ng punong bayabas, wika ni Lola Anding. Makinig
kayong mabuti. Ganito ang kuwento.

Noong araw, magkaibigan si Inahing Manok at si Lawin. Minsan, nanghiram ng singsing si
Inahing Manok kay Lawin upang gamitin niya sa pista sa kabilang nayon. Naroroon si
Tandang at ibig niyang maging maganda sa paningin nito. Tinanggal ni Lawin ang suot
niyang singsing at ibinigay niya ito kay Inahing Manok.

Ingatan mong mabuti ang singsing ko, Inahing Manok. Napakahalaga niyan sapagkat bigay
pa iyan sa akin ng aking ina.

Maluwag sa daliri ni Inahing Manok ang hiniram sa singsing ngunit isinuot pa rin niya ito.

Salamat, Lawin, wika ni Inahing Manok. Asahan mong iingatan ko ang iyong singsing.

Kinabukasan, maaga pa lamang ay nagbihis na si Inahing Manok. Isinuot niya ang hiniram
na singsing at pumunta na sa kabilang nayon. Maraming bisita si Tandang at nagsasayawan
na sila nang dumating si Inahing Manok. Nang makita ni Tandang si Inahing Manok ay
kaagad niyang sinalubong nito at isinayaw. Masaya ang pista. Sari-sari ang handa ni
Tandang. Tumagal ang sayawan hanggang sa antukin na si Inahing Manok.

Pagkagising ni Inahing Manok ng umagang iyon ay napansin niyang nawawala ang hiniram
niyang singsing kay Lawin. Natakot si Inahing Manok na baka tuluyang mawala ang
hiniram niyang singsing. Kaya hanap dito, hanap doon, kahig dito, kahig doon ang ginawa
ni Inahing Manok. Ngunit hindi niya makita ang nawawalang singsing. Nagalit si Lawin at
sinabi na kapag hindi nakita ni Inahing Manok ang singsing ay kukunin at kanyang
dadagitin ang magiging anak na sisiw ni Inahing Manok.

Araw-araw ay naghahanap si Inahing Manok ng nawawalang singsing. Maging ang iba pang
inahing manok ay naghahanap na rin ng nawawalang singsing upang hindi dagitin ni Lawin
ang kanilang mga sisiw. Ngunit hindi nila makita ito hanggang tuluyan nang magkagalit si
Lawin at si Inahing Manok.
Namatay na si Inahing Manok at namatay na rin si Lawin ngunit magkagalit pa rin ang
humaliling mga inahing manok at lawin. Magmula na noon hanggang sa kasalukuyan ay di
pa nakikita ang nawawalang singsing kaya dinadagit pa ng lawin ang mga sisiw ng inahing
manok.




2. Bakit May Pulang Palong Ang Mga Tandang

Nakapagtataka kung bakit may pulang palong ang mga tandang. Kapansin-pansin din na
kapag pulang-pula ang palong ng tandang ay magilas na magilas ito. Para bang binata na
nagpapaibig sa mga dalaga.

Ayon sa kuwento, may mag-ama raw napadpad ng bagyo sa isang baryo sa pulo ng Masbate.
Ang ama ay nakilala ng mga tao sa nayon dahil sa kawili-wiling mga palabas nito na mga
salamangka o mahika. Tinawag nilang Iskong Salamangkero ang kanilang bagong kanayon.
Bukod sa pagiging magalang, masipag, mapagkumbaba ay mabuting makisama sa mga taga
nayon si Iskong Salamangkero. Madali siyang nakapaghanap ng masasakang lupa na siyang
pinagmulan ng kanilang ikinabubuhay na mag-ama.

Kung anong buti ng ama ay siya namang kabaliktaran ng anak nitong si Pedrito. Siya ay
tamad at palabihis. Ibig ni Pedrito na matawag pansin ang atensyon ng mga dalagita. Lagi
na lamang siyang nasa harap ng salamin at nag-aayos ng katawan. Ang paglilinis ng bahay
at pagluluto ng pagkain na siya lamang takdang gawain ni Pedrito ay hindi pa rin niya
pinagkakaabalahan ang pag-aayos ng sarili. Kapag siya ay pinagsasabihan at
pinangangaralan ng ama ay nagagalit siya at sinagot-sagot niya ito.

Isang tanghali, dumating sa bahay si Iskong Salamangkero mula sa sinasakang bukid na
pagod na pagod at gutom na gutom. Dinatnan niya na wala pang sinaing at lutong ulam si
Pedrito. Tinawag niya ang anak ngunit walang sumasagot kaya pinuntahan niya ito sa silid.
Nakita niya sa harap ng salamin ang anak na hawak ang pulang-pulang suklay at
nagsusuklay ng buhok.

Pedrito, magsaing ka na nga at magluto ng ulam. Gutom na gutom na ako, anak, wika ni
Iskong Salamangkero.

Padabog na hinarap ni Pedrito ang ama at kanyang sinagot ito.

Kung kayo ay nagugutom, kayo na lamang ang magluto. ako ay hindi pa nagugutom. At
nagpatuloy ng pagsusuklay si Pedrito ng kanyang buhok.

Nagsiklab ang galit na si Iskong Salamangkero sa anak. Sinugod niya si Pedrito at kinuha
ang pulang suklay. Inihampas niya ito sa ulo ng anak at malakas niyang sinabi Mabuti pang
wala na akong anak kung tulad mong tamad at lapastangan. Sapagkat lagi la na lamang
nagsusuklay ang pulang suklay na ito ay mananatili sana iyan sa tuktok ng iyong ulo. At
idiniin ni Isakong Salamangkero ang pulang suklay sa ulo ni Pedrito.

Dahil sa kapangyarihang taglay ni Isko bilang magaling na salamangkero, biglang naging
tandang ang anak na tamad at lapastangan. At ang suklay sa ulo ni Pedrito ay naging pulang
palong. Hanggang sa ngayon ay makikita pa natin ang mapupulang palong sa ulo ng mga
tandang.



3. Nakalbo ang Datu

Ang kuwentong ito ay tungkol sa ating kababayang Muslim. May katutubong kultura ang
mga Pilipinong Muslim tungkol sa pag-aasawa. Sa kanilang kalinangan, ang isang lalaki ay
maaaring mag-asawa nang dalawa o higit pa kung makakaya nilang masustentuhan ang
pakakasalang babae at ang magiging pamilya nila.

May isang datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod sa kanyang mga nasasakupan.
Lagi siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook. Nalimutan ng datu ang mag-asawa.
Siya ay pinayuhan ng matatandang tagapayo na kinakailangan niyang mag-asawa upang
magkaroon siya ng anak na magiging tagapagmana niya.

Napilitang mamili ang datu ng kakasamahin niya habang buhay. Naging pihikan ang datu
dahil sa dami ng magagandang dilag sa pinamumunuang pamayanan. Sa tulong ng
matiyagang pagpapayo ng matatandang bumubuo ng konseho, natuto ring umibig ang datu.
Ngunit hindi lamang iisang dilag ang napili ng datu kundi dalawang dalagang maganda na
ay mababait pa. Dahil sa wala siyang itulak-kabigin kung sino sa dalawa ang higit niyang
mahal kaya pinakasalan niya ang dalawang dalaga.

Ang isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin. Siya ay batang-bata at
napakalambing. Kahit na matanda na ang datu, mahal ni Hasmin ang asawa. Mahal na
mahal din siya ng datu kaya ipinagkaloob sa kanya ang bawat hilingin niya. Dahil sa
pagmamahal sa matandang datu, umisip si Hasmin ng paraan upang magmukhang bata ang
asawa.

Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng datu. Sa ganito, magmumukhang
kasinggulang ko lamang siya.

Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin. Sa tuwing mamamahinga ang datu, binubunutan ni
Hasmin ng puting buhok ang asawa. Dahil dito, madaling nakakatulog ang datu at
napakahimbing pa.

Mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa. Maganda, mabait si Farida ngunit
kasintanda ng datu. Tuwang-tuwa si Farida kapag nakikita ang mga puting buhok ng datu.
Kahit maganda siya, ayaw niyang magmukhang matanda.

Tuwing tanghali, sinusuklayan ni Farida ang datu. Kapag tulog na ang datu, palihim niyang
binubunot ang itim na buhok ng asawa.

Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa, siyang-siya sa buhay ang datu.
Maligayang-maligaya ang datu at pinagsisihan niya kung bakit di kaagad siya nag-asawa.
Ngunit gayon na lamang ang kanyang pagkabigla nang minsang manalamin siya, Hindi niya
nakilala ang kanyang sarili.
Kalbo! Kalbo, ako! sigaw ng datu.

Nakalbo ang datu dahil sa pagmamahal ni Hasmin at ni Farida.




4. Ang Punong Kawayan

Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian. Mabunga ang
santol, mayabong ang mangga, mabulaklak ang kabalyero, tuwid at mabunga ang niyog.
Ngunit sa isang tabi ng bakuran ay naroroon ang payat na kawayan.

Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.
Tingnan ninyo ako, wika ni Santol. Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga bata.

Daig kita, wika ni Mangga. Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa bunga kaya
maraming ibon sa aking mga sanga.
Higit akong maganda, wika ni Kabalyero. Bulaklak ko'y marami at pulang-pula. Kahit
malayo, ako ay kitang-kita na.

Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at mabunga, wika ni
Niyog. Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan. Payat na at wala pang bulaklak at bunga.
Tingnan ninyo. Wala siyang kakibu-kibo. Lalo na siyang nagmumukhang kaawa-awa.

Nagtawanan ang mga punungkahoy. Pinagtawanan nila ang Punong Kawayan.
Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy. Pinalakas niya nang pinalakas
ang kanyang paghilip. At isang oras niyang pagkagalit ay nalagas ang mga bulaklak, nahulog
ang mga bunga at nangabuwal ang puno ng mayayabang na punungkahoy. Tanging ang
mababang-loob na si Kawayan ang sumunud-sunod sa hilip ng malakas na hangin ang
nakatayo at di nasalanta.





5. Si Mariang Mapangarapin

Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino rin siya. Ano pa't
masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin. Umaga o
tanghali man ay nangangarap siya. Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo,
waring nag-iisip at nangangarap nang gising. Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang
Mapangarapin. Hindi naman nagalit si Maria bagkos pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang
bansag na ikinabit sa pangalan niya.

Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang manok. Tuwang-
tuwa si Maria! Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng iisang manliligaw
niya. Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga manok niya. Higit sa
karaniwang pag-aalaga ang ginawa ni Maria. Pinatuka niya at pinaiinom ang mga ito sa
umaga, sa tanghali at sa hapon. Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng gamot at pataba. At
pinangarap ni Maria ang pagdating ng araw na magkakaroon siya ng mga inahing manok na
magbibigay ng maraming itlog.

Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nag-itlog ang lahat na inahing
manok na alaga ni Maria. Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok araw-
araw. At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng labindalawang alagang
manok sa loob ng pitong araw sa isang linggo. Kitang-kita ang saya ni Maria sa kanyang
pangarap.

At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw. Nabuo ito sa
limang dosenang itlog. At isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria. Sunong niya
ang limang dosenang itlog. Habang nasa daan ay nangangarap nang gising si Maria.
Ipagbibili niyang lahat ang limang dosenang itlog. Pagkatapos, bibili siya ng magandang
tela, ipapatahi niya ito ng magandang bistida at saka lumakad siya ng pakendeng-kendeng.
Lalong pinaganda ni Maria ang paglakad nang pakendeng-kendeng at BOG!

Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan. Saka siya
umiyak nang umiyak. Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng pagbagsak ng limang
dosenang itlog na kanyang sunung-sunong.



6. Si Juan at ang mga Alimango

Isang araw si Juan ay inutusan ng kanyang inang si Aling Maria. "Juan, pumunta ka sa
palengke at bumili ng mga alimangong maiuulam natin sa pananghalian. "Binigyan ng ina si
Juan ng pera at pinagsabihang lumakad na nang hindi tanghaliin.

Nang makita si Juan sa palengke ay lumapit siya sa isang tinderang may tindang mga
alimango at nakiusap na ipili siya ng matataba. Binayaran ni Juan ang alimango at
nagpasalamat sa tindera.

Umuwi na si Juan ngunit dahil matindi ang sikat ng araw at may kalayuan din ang bahay
nina Juan sa palengke ay naisipan ni Juan na magpahinga sa ilalim ng isang punungkahoy
na may malalabay na sanga. Naisip niyang naghihintay sa kanya ang ina kaya't naipasya
niyang paunahin nang pauwiin ang mga alimango. "Mauna na kayong umuwi,
magpapahinga muna ako, ituturo ko sa inyo ang aming bahay. Lumakad na kayo at
pagdating sa ikapitong kanto ay lumiko kayo sa kanan, ang unang bahay sa gawing kaliwa
ang bahay namin. Sige, lakad na kayo."

Kinalagan ni Juan ang mga tali ng mga alimango at pinabayaan nang magsilakad ang mga
iyon. Pagkatapos ay humilig na sa katawan ng puno. Dahil sa malakas ang hangin ay
nakatulog si Juan. Bandang hapon na nang magising si Juan. Nag-inat at tinatamad na
tumayo. Naramdaman niyang kumakalam ang knyang sikmura. Nagmamadali nang umuwi
si Juan. Malayu-layo pa siya ay natanaw na niya ang kanyang ina na naghihintay sa may
puno ng kanilang hagdan. Agad na sinalubong ni Aling Maria ang anak pagpasok nito sa
tarangkahan. "Juan, bakit ngayon ka lang umuwi, nasaan ang mga alimango?" "Bakit po?
Hindi pa po ba umuuwi?" Nagulat ang ina sa sagot ni Juan. "Juan, ano ang ibig mong
sabihin?" Nanay, kaninag umaga ko pa po pinauwi ang mga alimango. Akala ko po ay narito
na."

"Juan, paanong makauuwi rito ang mga alimango? Walang isip ang mga iyon." Hindi
naunawaan agad ni Juan ang paliwanag ng ina. Takang-taka siya kung bakit hindi nakauwi
ang mga alimango. Sa patuloy na pagpapaliwanag ng ina ang mga alimango ay hindi katulad
ng mga tao na may isip ay pagpapaliwanag ni Juan na mali nga ang ginawa niyang
pagpapauwi sa mga alimango.




7. Naging Sultan si Pilandok

Ang kinagigiliwang Juan ng katagalugan ay may katumbas sa mga Maranaw - si Pilandok.

Si Pilandok ay nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon sa dagat dahil sa isang
pagkakasalang kanyang ginawa.

Pagkalipas ng ilang araw, ang sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok sa kanyang
harap na nakasuot ng magarang kasuotan ng sultan. Nakasukbit sa kanyang baywang ang
isang kumikislap na ginituang tabak.

"Hindi ba't itinapon ka na sa dagat?" nagtatakang tanong ng sultan kay Pilandok. "Siya pong
tunay, mahal na Sultan," ang magalang na tugon ni Pilandok. "Paanong nangyaring ikaw ay
nasa harap ko at nakadamit nang magara? Dapat ay patay ka na ngayon," ang wika ng
sultan.

"Hindi po ako namatay, mahal na sultan sapgkat nakita ko po ang aking mga ninuno sa
ilalim ng dagat nang ako'y sumapit doon. Sila po ang nagbigay sa akin ng kayamanan. Sino
po ang magnanais na mamatay sa isang kahariang masagana sa lahat ng bagay?" ang
paliwanag ni Pilandok. "Marahil ay nasisiraan ka ng bait," ang sabi ng ayaw maniwalang
sultan. "Nalalaman ng lahat na walang kaharian sa ilalim ng dagat."

"Kasinungalingan po iyan! Bakit po naririto ako ngayon? Ako na ipinatapon ninyo sa gitna
ng dagat. Ako na ikinulong pa ninyo sa hawla ay naririto ngayon at kausap ninyo," ang
paliwanag ni Pilandok. "May kaharian po sa ilalim ng dagat at ang tanging paraan sa
pagtungo roon ay ang pagkulong sa hawla at itapon sa gitna ng dagat. Ako po'y aalis na at
marahil ay hinihintay na ako ng aking mga kamag-anak." Umakmang aalis na si Pilandok.

"Hintay," sansala ng sultan kay Pilandok. "Isama mo ako at nais kong makita ang aking mga
ninuno, ang sultan ng mga sultan at ang iba ko pang kamag-anak." Tatawagin na sana ng
sultan ang mga kawal ngunit pinigil siya ni Pilandok at pinagsabihangwalang dapat
makaalam ng bagay na iyon. Dapat daw ay mag-isang pupunta roon ang Sultan sa loob ng
isang hawla.

"Kung gayon ay ilagay mo ko sa loob ng hawla at itapon mo ako sa gitna ng dagat," ang sabi
ng sultan. "Sino po ang mamumuno sa kaharian sa inyong pag-alis?" ang tanong ni
Pilandok. "Kapag nalaman po ng iba ang tingkol sa sinabi ko sa inyong kaharian sa ilalim ng
dagat ay magnanais silang magtungo rin doon."

Sandaling nag-isip ang sultan at nakangiting nagwika, "Gagawin kitang pansamantalang
sultan, Pilandok. Mag-iiwan ako ngayon din ng isang kautusang ikaw ang pansamantalang
hahalili sa akin." "Hintay, mahal na Sultan," ang pigil ni Pilandok. "Hindi po ito dapat
malaman ng inyong mga ministro."

"Ano ang nararapat kong gawin?" ang usisa ng sultan. "Ililihim po natin ang bagay na ito.
Basta't ipagkaloob ninyo sa akin ang inyong korona, singsing at espada. Pag nakita ang mga
ito ng inyong kabig ay susundin nila ako," ang tugon ni Pilandok.

Pumayag naman ang sultan. Ibinigay na lahat kay Pilandok ang hinihingi at isinakay sa
isang bangka. Pagdating sa gitna ng dagat ay inihagis ang hawlang kinalululanan ng sultan.
Kaagad lumubog ang hawla at namatay ang sultan. Mula noon si Pilandok na ang naging
sultan.



8. Ang Diwata ng Karagatan

Sa isang nayon, ang mga tao ay masaya at masaganang namumuhay. Mapagpala ang
kalikasan sa kanila. Ang pangunahing hanapbuhay nilay ay ang pangingisda. Sagana sa
maraming isda ang karagata. May isang diwatang nagbabantay at nag-aalaga sa mga isda at
ito'y nalalaman ng mga taganayon. Ngunit may mga taong sakim, ibig nilang makahuli ng
maraming-maraming isda upang magkamal ng maraming salapi. Gumamit sila ng dinamita
kaya't labis na napinsala ang mga isda, pati ang maliliit ay namatay.

Nagalit ang diwata sa kasakiman ng mga tao kaya't mula noon ay wala nang mahuli kahit na
isda ang mga tao. Naghirap at nagutom ang mga tao at naging pangit na rin ang karagatan
na dati'y sakdal ganda. Nagpulong ang mga taganayon at napagpasyahan nilang humingi ng
tawad sa diwatang nangangalaga sa karagatan. Nakiusap din silang ibalik na ang dating
ganda ng karagatan at gayundin ang mga isda. Nangako sila na hindi na gagamit ng
anumang makasisira sa kalikasan.

Mula nang sila'y humingi ng tawad sa diwata ay bumalik na ang ganda ng karagatan at
muling dumami ang mga isda. Nanaganang muli ang kabuhayan ng mga tao.

You might also like