Alamat at Pabula

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Si Langgam at si Tipaklong

Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa lamang ay gising na si Langgam.
Nagluto siya at kumain. Pagkatapos, lumakad na siya. Gaya nang dati, naghanap siya ng
pagkain. Isang butil ng bigas ang nakita niya. Pinasan niya ito at dinala sa kanyang bahay. Nakita
siya ni Tipaklong.

“Magandang umaga, kaibigang Langgam”, bati ni Tipaklong. “Kaybigat ng iyong dala. Bakit ba
wala ka nang ginawa kundi maghanap at mag-ipon ng pagkain?”

“Oo nga. Nag-iipon ako ng pagkain habang maganda ang panahon”, sagot ni Langgam.

“Tumulad ka sa akin, kaibigang Langgam”, wika ni Tipaklong. “Habang maganda ang panahon
tayo ay magsaya. Halika! Tayo ay lumukso, tayo ay kumanta.”

“Ikaw na lang, kaibigang Tipaklong”, sagot ni Langgam. “Gaya nang sinabi ko sa iyo, habang
maganda ang panahon, ako ay maghahanap ng pagkain. Ito’y aking iipunin para ako ay may
makain pagsumama ang panahon.”

Lumipas pa ang maraming araw. Dumating ang tag-ulan. Ulan sa umaga, ulan sa hapon at sa
gabi ay umuulan pa rin. At dumating ang panahong kumidlat, kumukulog at lumalakas ang
hangin kasabay ang pagbuhos ng malakas na ulan.

Ginaw na ginaw at gutom na gutom ang kawawang Tipaklong. Naalaala nilang puntahan ang
kaibigang si Langgam.

Paglipas ng bagyo, pinilit ni Tipaklong na marating ang bahay ni Langgam. Bahagya na siyang
makalukso. Wala na ang dating sigla ng masayahing si Tipaklong.

Tok! Tok! Tok! Bumukas ang pinto.

“Aba! Ang aking kaibigan”, wika ni Langgam. “Tuloy ka. Halika at maupo.”

Binigyan ni Langgam ng tuyong damit si Tipaklong. Saka mabilis na naghanda siya ng pagkain.

Ilan pang sandali at magkasalong kumain ng mainit na pagkain ang magkaibigan.

“Salamat, kaibigang Langgam”, wika ni Tipaklong. “Ngayon ako naniwala sa iyo. Kailangan nga
pa lang mag-ipon habang maganda ang panahon at nang may makain pagdating ng taggutom.”

Mula noon, nagbago si Tipaklong. Pagdating ng tag-init at habang maganda ang panahon ay
kasama na siya ng kanyang kaibigang si Langgam. Natuto siyang gumawa at natuto siyang mag-
impok.
Si Kuneho at si Pagong

Isang araw ay nagkasalubong sa daan ang Kuneho at ang Pagong.


Ngingisi-ngising inaglahi ng Kuneho ang Pagong.
“Hoy, Pagong,” sigaw ng Kuneho, “pagkaikli-ikli ng mga paa mo at pagkabagal-bagal
mong lumakad.”
Hindi ipinahalata ng Pagong na siya ay nagdamdam. Upang patunayang may
maipagmamalaki din naman ay sinagot niya ang mayabang na kalaban.
“Aba, Kuneho, maaaring mabagal nga akong maglakad pero nakasisiguro akong
matatalo kita sa palakasan. Baka gusto mong pabilisan tayong makaakyat sa tuktok
ng bundok pagsikat ng araw bukas. Tinatanggap mo ba ang hamon ko?”
Tuwang-tuwa ang Kuneho sa hamon ng Pagong. Nakasisiguro siyang sa bagal ng
Pagong ay tiyak na mananalo siya. Upang mapahiya ang Pagong ay pinagtatawag ng
Kuneho ang lahat ng kamag-anak niya.
Nang sumisikat na ang araw ay pinaghanda na ng Alamid ang maglalaban. Ang
mabilis na pagbababa ng kaniyang kanang kamay ang hudyat na simula na ang laban.
Sabay na gumalaw paakyat ng bundok ang magkalaban. Mabilis na tumalun-talon ang
mayabang na Kuneho paitaas na parang hangin sa bilis. Nang marating na niya ang
kalahatian ng bundok at lumingon paibaba ay natanawan niya ang umiisud-isod na
kalaban.
Maraming naawa sa mabagal na Pagong.
“Kaya mo yan! Kaya mo yan!” pagpapalakas ng loob na sigaw ng kaniyang tatay,
nanay, kuya, ate, at mga pinsan.
“Talo na yan! Talo na yan! Pagkabagal-bagal!” sigaw na panunudyo ng mga kamag-
anak ni Kuneho.
Kahit kinukutya ay sumige pa rin si Pagong. Buong loob siyang nagpatuloy sa pag-
isod.
Malayung-malayo na ang naakyat ni Kuneho. Nagpahinga ito ilang sandali upang
tanawin ang anino ng kalaban. Nang walang makitang anumang umuusad ay ngingisi-
ngising sumandal ito sa isang puno at umidlip.
Kahit na sabihing napakabagal umusad ay pinagsikapan ng Pagong na ibigay ang
lahat ng lakas upang unti-unting makapanhik sa bundok.
Nang matanawang himbing na himbing sa pagtulog ang katunggali ay lalong
nagsikap umisud-isod pataas ang pawisang Pagong.
Palabas na ang araw nang magising si Kuneho. Nanlaki ang mga mata nito nang
matanawang isang dipa na lamang ang layo ng Pagong sa tuktok ng bundok.
Litong nagtatalon paitaas ang Kuneho upang unahan si Pagong. Huli na ang lahat
sapagkat narating na ng masikap na Pagong ang tuktok ng tagumpay.
Ang Daga at ang Leon

Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na


leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay
nagpapadausdos siya paibaba.

Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon


ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at
kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.

“Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa


pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na
maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin,” ang sabi ng daga.

Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.

“Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain ang


pagtulog ko,” sabi ng leon. “Salamat kaibigan. Balang araw ay
makagaganti rin ako sa kabutihan mo,” sagot ng daga.

Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa


kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno.
Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli
sa loob ng lambat na ginawang bitag ng nangagaso sa kagubatan.

Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na


nakatali sa lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang
lambat kasama ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at
tinulungan ang leon na nakawala sa lambat.

“Utang ko sa iyo ang aking buhay,” laking pasasalamat na sabi ng leon sa


kaibigang daga.
Alamat ng Pakwan

Humigit-kumulang sa tatlong daan taong namalagi sa Pilipinas ang mga Kastila. Layunin ng
Espanyang sakupin ang mga katutubo. Naging kasangkapan ng mga Espanyol ang
Katolisismo upang lalong mapadali nila ang pamamalakad dito. Bagamat sa Limasawa,
Leyte nagdaos ng unang misa, may isang paring Kastilang nagngangalang Padre Novelles
ang nakarating sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Sinikap niyang kumbinsihin ang mga katutubo upang maging Katoliko. Upang magawa ito,
pinag-aralan niyang makapagsalita ng kanilang wika. Madali naman siyang natuto.
Sapagkat matagal na ring sumasamba sa mga anito ang mga katutubo, hirap na hirap si
Padre Novelles na manghikayat.

Lalong pinagsikapan ng paring Kastila ang pagtuturo ng buhay at mga aral ni HesuKristo.
Binigyang diin niya ang pagpapasakit ng Anak ng Diyos. Isinalaysay niya ang pagkapasan
sa krus upang iligtas lamang ni Hesus ang mga makasalanang tao sa daigdig.

Sapagkat misyunero, marami ang naliwanagan sa katotohanan. Pero kahit marami ang
sumunod sa itinuturo ng paring Espanyol ay may isang barangay na bulag pa ring
sumasamba sa mga anito. Ito ang barangay na pinamumunuan ni Datu Diliwariw. Ayaw ng
Datung paniwalaan ang mga aral na itinuturo sa Katolisismo. Sa labis na pagkagalit
ipinadakip mismo ng datu sa mga nasasakupan ang misyunerong nangangaral.

Sapagkat batay sa turo ng Katolisismo ay nagpasan ng krus at ipinako sa kabundukan si


HesuKristo. Ito rin ang parusang ipinataw ng di binyagang datu sa paring Katoliko.
Awang-awa ang maraming katutubo sa pagpapasan sa krus si Padre Novelles. Ang
maalikabok at baku-bakong lansangan ng Nueva Ecija ay kangyang dinaanan. Sa bundok
ng mga anito na ngayon ay kilala bilang bundok ng Caraballo itinindig ang krus. Habang
nagbabaga ang araw ay isinakripisyo ng misyunero ang abang buhay. Katulad ni Kristo,
isang matulis na sibat ang tumapos sa hininga ng paring Katoliko. Ang sariwang dugo sa
dibdib nito ay mayamang umagos sa lupang pinagtindigan ng krus.
Upang makatiyak, isinama ng datu ang pinakamatapat na kawal nang dumating ang
ikatlong gabi. Ginimbal sila ng katotohanan, ang bangkay na kanilang iniwan ay nawala sa
kanyang kinapapakuan. Napaluhod ang datu kasama ng kawal. Inalala nila ang mga aral na
itinuro ng misyunero tungkol kay Kristo. Taos puso silang humingi ng tawad. Sa kanilang
pagyuko at pagluha ay may napansin silang munting halaman sa lupang dinilig ng dugo ng
kabanalan. Ang nasabing halaman ay nagbunga ng animo makinis na ulo ng paring
misyunero na kapag biniyak mo ay may lamang tila mapulang dugo ng kabanalan, matamis
at nakaaalis ng uhaw. Magmula noon, ang nagging Katolikong datu ay lagi nagng
dumadalaw sa pinagpakuang kabundukan. Ang panata niyang iyon ay kalakip ng
pagtanggap ng kaparusahan sa malaking kasalanang nagawa niya sa paring ipinapatay.
Ang Alamat ng Bayabas

Noong unang panahon, may isang Sultan na lubos na kinatatakutan ng lahat. Sobra sa
lupit ang nabanggit na pinuno na tinatawag sa pangalang Sultan Barabas.

Marami na siyang pinapatay. Hindi na rin mabilang ang pinakulong niya sa piitan. Lagi at
lagging nangangamba ang mga tao na sa maliliit na pagkukulang ay napakalaking parusa
ang ipataw sa kanila. Matanda man o bata ay takot na takot kapag nababanggit ang
pangalang Sultan Barabas. Para sa nakararami, ang Barabas ay kasingkahulugan ng
kawalan ng katarungan.

Hindi lamang malupit si Sultan Barabas. May kayabangan din siya. Gusto niyang
yumuyuko ang mga tao kapag ipinatatawag niya.

Nais niyang isipin ng lahat na lagi siyang nakatataas sa kanila. Ito ang dahilan kung bakit
laging nakasubsob ang korona niya sa makinang na korona. Ang nabanggit na korona ay
lagging suot niya saanman siya magpunta. Kahit sa pagtulog ay mahigpit na yakap-yakap
pa rin niya ang koronang lalong nagpapayabang sa katauhan niya.

Nangunguna rin sa kasakiman si Sultan Barabas. Ang malawak na hardin niya na


pinamumugaran ng iba’t ibang prutas ay hindi niya pinapapasukan kaninuman.
Gugustuhin pa niyang mangabulok ang mga makopa, mangga, at chesa na bunga ng mga
puno kaysa sa sinumang maralitang kumamkalam na ang tiyan.

Ang kawalan ng katarungan ni Sultan Barabas ay minsan na namang napatunayan. Ayaw


na ayaw ng Sultan na gabi na ay nasa lansangan pa ang sinuman sa kanyang mga
nasasakupan. Isang maningisda noon ang minalas ng abutan siya ng hatinggabi sa
panghuhuli ng isda. Sapagkat walang awa sa kapwa, pinadakip ni Sultan Barabas ang
maningisda, at pagkatapos ay patawarik na niloblob ito sa tubig, at ipinakulong pa ni
Barabas ang pobre.

Ilang taon din ang nakaraan at nagging malaking puno ang halaman. Nagtataka ang Sultan
nang mamunga ang puno sapagkat mukha itong ulo ng tao na may korona at tuktok.

Magmula noon, tinawag ng Barabas ang berdeng prutas na may nakapatong na korona.
Minsang nanungkit ng berdeng prutas ang ilang paslit na bata at tanungin ng mga
nakatatanda kung ano ang tawag sa nabanggit na bunga ay sabay-sabay silang nagsisagot
na, “Barabas, Barabas, Bayabas!”
Diyan nagsimula ang alamat ng Bayabas.
Alamat ng Ampalaya

Noong araw, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may
kanya-kanyang kagandahang taglay.

Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at malasutlang kutis,


si Luya na may anghang, si Labanos na sobra ang kaputian, si Talong na may lilang
balat, luntiang pisngi ni Mustasa, si Singkamas na may kakaibang lutong na taglay,
si Sibuyas na may manipis na balat, at si Patola na may gaspang na kaakit-akit.

Subalit may isang gulay na umusbong na kakaiba ang anyo, siya si Ampalaya na may
maputlang maputlang kulay, at ang kanyang lasang taglay ay di maipaliwanag.

Araw-araw, walang ginawa si Ampalaya kung hindi ikumpara ang kanyang itsura at
lasa sa kapwa niya gulay, at dahil dito ay nagbalak siya ng masama sa kapwa niyang
mga gulay.

Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng magagandang katangian
ng mga gulay at kanyang isinuot.

Tuwang-tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin ngayon ay


pinagkakaguluhan. Ngunit walang lihim na hidi nabubunyag nagtipon-tipon ang
mga gulay na kanyang ninakawan.

Laking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala ang kabayaran sa
ginawa niyang kasalanan. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay nag-iba ang
kanyang anyo.

Ang balat niya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni upo at kamatis
ay nag-away sa loob ng kanyang katawan. Maging ang mga ibat-ibang lasa ng gulay
ay naghatid ng hindi magandang panlasa sa kanya kung kaya’t pait ang idinulot nito.
Ang kanyang kulay ay naging madilim na luntian.

Ngayon, kahit masustansiyang gulay si Ampalaya, marami ang hindi nagkakagusto


sa kaniya dahil sa pait na kanyang lasa.
BUGALLON INTEGRATED SCHOOL
Bugallon, Pangasinan
S.Y. 2019 – 2020

Inihanda ni:

KERVIN TROY C. VIRAY


Grade IV - 1

Ipinahanda ni:

____________________
Guro

You might also like