Maikling Kuwento-Kathang-Isip

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KATHANG-ISIP

Isinulat ni: Tresha May R. Villarba


Grade 7- Cambaloctot High School , San Jose District

Malalim na ang gabi ng bumuhos ang napakalakas na ulan na sinamahan ng kulog at


kidlat, halos hindi na makita ang daan subalit ang lahat ng ito ay hindi alintana ng babae. Labis
na kasiyaan ang kanyang naramdaman habang binabaybay ang gilid ng daan bitbit ang damit ng
sanggol na hindi pa nasusuot.Nakita niya ng liwanag na nakasisilaw sa kanyang mga mata na
lalong nagpalakas ng tibok ng kanyang puso, ilang saglit lang ay wala na siyang maramdaman.

Sa gabing iyon ipinanganak ang isang batang babae na si Scarlett.Naging masaya ang
buhay ng mga magulang niya lalo na ng kanyang ina na si Ivy. Si Ivy ay ulila sa mga magulang
kaya bata pa lamang ay nais na niyang magkaroon ng kumpletong pamilya.Simula ng mamatay
ang kanyang lola na tanging nagpalaki sa kanya ay naging malungkutin at mapag-isa siya
hanggang sa dumating sa kanyang buhay si Harvey. Napakasuwerte niya dahil ipinaramdam nito
sa kanya na hindi siya nag-iisa,na may taong magmamahal sa kanya na kayang manatili at
tatratuhin siya ng tama. Kaya noong dumating si Scarlett sa buhay nila ay mas lalong naging
masaya si Ivy dahil matutupad niya ang pangarap na inaasam-asam na magkaroon ng
kumpletong pamilya.

Lumaki si Scarlett na naging isang makulit at bibong bata na sobrang minamahal ng


kanyang magulang lalong lalo na ni Ivy. Lahat ng luho ay ibinibigay ng mag-asawa sa anak
anuman ang hilingin nito. Minsan habang naglilinis si Ivy sa kanilang sala ay may kumalabog na
ingay galing sa kwarto nilang mag-asawa .Pinuntahan niya ito at nahuli niya si Scarlett na
binubuksan ang safe nila kung saan nakatago ang kanilang pera.Ngunit pinalagpas lang ito ni Ivy
sapagkat nangako naman si Scarlett na hindi na ito mauulit.

Labinlimang taon ang lumipas at nag-iba na rin ang ugali ni Scarlett, madalas na siyang
tumatakas sa kanilang bahay at gumagala tuwing gabi.Isang gabi ay naalimpungatan si Ivy dahil
sa malakas na tunog ng kulog at kidlat na naging dahilan upang magising ang kanyang diwa
mula sa pagkakahimlay. Bumangon siya sa higaan upang patayin ang kuryente ng bahay subalit
hindi niya inaasahan ang kanyang nasaksihan. Palabas pa lamang siya ng kuwarto ng may makita
siyang anino. Si Scarlett na nakatakong at hapit na hapit sa katawan ang mababa at maliit na
damit na halos iluwa na ang kanyang pagkatao.

“Saan ka pupunta?Diyes oras na ng gabi?” tanong niya na galit ang tono


“Saan pa ba tanda?hindi mo ba nakikita na may gala ako?”Sarkastikong sagot niya habang
umiirap ang mata.
“Ngayon ka talaga gagala na masama ang panahon? At ano yang damit mo? Bakit ganyan ka
magdamit? “ Bulyaw ng ina na inaatake na ng galit.
“Pwede ba ma! Tumahimik ka nga ,wala ka ng ibang ginawa kun’di ang punahin ang mga
ginagawa ko.Nakakahiya ka sa mga kaibigan ko” Sumbat niya sa ina.
“Kaibigan? Nasaan yang kaibigang sinasabi mo? Iharap mo sa akin, ang kaibigang yan ang
dahilan kung bakit ka naging walang modo!”
“Mabuti pa ang mga kaibigan ko tanggap ako. Ayaw ko ng manatili sa impyernong bahay na’to!”
pagbabanta ni Scarlett sa ina.
“Matapos ka naming palakihin at alagaan ganyan na ang ibabalik mo sa amin?”Tumahimik ka’t
baka maisubsob ko iyang pagmumukha mo sa sahig!”Pagbabanta ni Scarlett sa ina.
Isang mabigat na palad ang dumapo sa pisngi ni Scarlett na talagang nakapagpagulat sa
kanya.Tumakbo siya papasok sa kanyang kwarto habang sapo niya ang namumula niyang pisngi.
Nabigla din si Ivy sa kanyang ginawa dahil sa nagpupuyos niyang damdamin.Nadurog man ang
puso ng ina sa inasal ng kanyang pinakamamahal na anak ngunit siya’y isang nagmamahal na ina
kaya’t minabuti niyang kumatok sa pinto upang kausapin ang anak.
“Nak,buksan mo itong pinto at mag-uusap tayo” pagsusumamo ng ina
“Hindi mo ako anak! Hindi mo ako mahal,” sumbat ni Scarlett mula sa loob ng silid.
“Nak, kaya ko lang naman nagawa na pagalitan ka dahil ayaw kong mapariwara ka nak”
pagpapaliwanag ng ina.
Bumukas ng pinto ng silid at siya’y nagulantang sa kanyang nasaksihan kaya’t siya’y
napasigaw.Subalit huli na ang lahat.Matatanaw mula sa bintana ang nagkalasog-lasog na
katawan ni Scarlett mula sa pagkakahulog sa ikatlong palapag ng kanilang bahay. Labis na
pighati ang nararamdaman ni Ivy na naging dahilan upang siya’y mawalan ng malay.

Nagising si Ivy sa ospital mula sa mahigpit na pagkakawak ng kanyang kamay ng kanyang


asawang si Harvey.Nang maimulat niya ang mata ay hindi niya nakita sa silid ang kanyang anak.
“Nasaan si Scarlett? Si Scarlett? Gusto ko siyang makausap.” Saad niya sa asawa.
“Sinong Scarlett mahal?”pagtataka ni Harvey.
“Si Scarlett yung anak natin, gusto ko siyang makausap mahal.” Pagsusumamo ni Ivy.
“Mahal.... kakagising mo lang...” mahinahon nitong tugon
“Gusto kong kausapin ang anak ko! Nasaan na siya!” pagpupumilit ni Ivy.
“Mahal..... walang Scarlett, kagigising mo lang mula sa pagkakacomatose, anim na buwan kang
nakaratay.”pagpapaliwanag ng asawa.
“Hindi ako naniniwala sayo, kausap ko pa si Scarlett kahapon sa bahay”saad niya habang pilit na
nilalabanan ang pait ng katotohanan .
Kinuha ni Harvey ang kamay ni Ivy at hinalikan ito, tumabi siya sa asawa at buong pag-unawang
ipinaliwanag ang buong pangyayari.
“Mahal, nakunan ka habang pinagbubuntis mo ang magiging anak natin, hindi mo ito
matanggap kaya sa umaga ay iyak ka ng iyak at sa gabi naman ay parati kang lasing .Hanggang
isang gabi ay naisipan mong lumabas ng bahay dulot ng kalasingan.Masama ang panahon ng
gabing yaon at hinanap kita kahit saan hanggang sa nabalitaan ko na may aksidenteng naganap.
Nasagasaan ka mahal habang nasa kamay mo ang damit ng anak natin. Sabi ng doktor milagro
na raw kung magigising ka pa.” Mangiyak-iyak at buong pagmamahal na paliwanag ni
Harvey.Muling nanumbalik sa ala-ala ni Ivy ang naganap noong gabi ng aksidente. Wala pala
siyang anak, hindi rin niya matanggap na bungang-isip lang pala niya ang katauhan ni Scarlett at
ito ang katotohanan.Humagulgol na lamang siya ng iyak. Matamis na halik sa noo ang kanyang
natanggap mula sa asawa habang pinapatahan siya. Nakatulog siyang muli at alam niyang sa
paggising niya ay sasalubungin niya ang araw na may bagong pag-asa kapiling ang asawa.

***

You might also like