Filipino Karunungang Bayan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Bugtong

1. Kung dumating ang bisita ko. Dumarating dini sa inyo. (Araw)


2. Baston ni Adan, Hindi mabilang. (Ulan)
3. Baka ko sa Maynila, abot dito ang unga, Baka ko sa Balanga, abot dito ang unga.(Kulog)
4. Langit sa itaas, Langit sa ibaba, Tubig sa gitna. (Niyog)
5. Balat ay berde, buto ay itm, laman ay pula, ano siya? (Pakwan)
6. Isang tabo, lama ay pako (Suha)
7. Kayumanggi ang balat ko, kasiya-siya ang bango ko(Chico)
8. Munting bolang itim, Katas ay nakakalalasing (Ubas)
9. Palayoko ni Isko, Punong puno ng bato (Bayabas)
10. Dalawa ang katawan, Tagusan ang tadyang (Hagdan)
11. Dumaan si negro, Namatay ang mga tao (Gabi)
12. Naabot na ng kamay, Iginawa pa ng tulay (Kutsara at Tinidor)
13. Nakatindig ng walang paa, May tiya'y walang bituka (Baso)
14. Takbo rito, takbo roon, di makaalis sa tayong ito (Duyan)
15. May puno walang bunga, my dahon walang sanga (Sandok)
16. May apat na paa, ngunit hindi lumalakad (Mesa)
17. Ang ina ay gumagapang pa, ang anak ay umuupo na. (Kalabasa)
18. Ang labas ay tabla tabla, ang loob ay sala sala. (Patola)
19. Munting tampipi, puno ng salapi. (Sili)
20. Bahay ni Ka Huli, haligi'y bakli-bakli, Bubong ay kawali. (Alimango)
Salawikain
1. Gaano man ang tibay, ng piling abaka; ay wala ring lakas, kapag nag iisa.
Sa buhay ng isang tao, hindi tayo mabubuhay ng tayo lang mag-isa. Kakailanganin din natin angtulong ng iba kahit gaano
tayo kahusay o kagaling.
2. Huwag magpakadalas sa pagpanhik sa kapitbahay, at baka ka kasuyaan at tuloy kayamutan.
Naniniwala ako na kapag sobra na ang isang bagay ay masama na. Ang lubusang pag-asa natinng ating buhay sa ating
kapwa ay hindi na maganda. Bukod sa natututo tayong maging tamad,ay nagiging perwisyo pa tayo sa kapwa.
3. Iba ang may natutuhan, kaysa may pinag aralan.
Iba pa din ang mga natutunang bagay mula sa tunay nating karanasan kaysa sa mgananggagaling lamang sa mga
babasahin at aklat.
4. Lumilipas ang kagandahan, ngunit hindi ang kabaitan.
Mas bigyan nating halaga at pansin kung ano ang nasa kalooban ng isang tao kaysa sa mgabagay na nakikita ng ating
mga mata lamang.
5. Kung ikaw ay napakalambot, ay mapipilipit kaagad. Kung ikaw nama'y tuyot, ay mababakliagad.
Ang tunay na mundo ay hindi puro kaligayahan. Kailangan nating maging matatag upangmakatagal dito. Kung lalambot-
lambot tayo, mabilis tayong susuko sa mga problema.
6. Kung hindi mo kaya'y huwag pangahasan, upang sa ginawa mo'y di ka masumbatan.
Ito ay para sa mga taong mahilig magyabang. Kung hindi kayang gawin ang isang bagay, wag
nating ipagmalaki na kaya natin para lang magyabang dahil sa ulo, tayo din ang mahihirapan.
7. Huwag mong hatulan ang isang aklat, sa pamamagitan ng kanyang pabalat.
Napakapamoso ng kasabihang ito. Hindi lahat ng ating nakikita ay tunay at totoo. Minsan, may mas malalim itong
tinatago na dapat nating pagtuunan ng pansin.
8. Magpala ka sa magnanakaw, ikaw ang pagnanakawan.
Hindi dapat tayo agad agad na magtitiwala sa ibang tao. Minsan, may mga tao talagang kahit anong kabutihan ang gawin
natin, ay sinusuklian pa din tayo ng kasamaan.
9. Pag ikaw ay nagparaan, pararaanin ka naman.
Kung gumawa ka ng mabuti sa iyong kapwa, susuklian ka din naman. Ngunit kung ikaw ay
gumawa ng kasamaan, babalik at babalik din iyon sayo.
10. Papuri sa harap, sa likod paglibak.
Hindi lahat ng mga ngiting pinapakita ng mga tao sa atin ay totoo. Kaya dapat, matuto tayongkumilatis sa totoong tao at
sa nagkukunwari lamang.
Sawikain
1. Itaga mo ito sa bato. (Ipangako)
2. Para kang natuka ng ahas. (Hindi makakibo)
MGA KARUNUNGANG BAYAN
Ang Karunungang Bayan ay isang sangay ng panitikan kung saan nagigigng daan upang maipahayag ang mga kaisipan
na nakapapabilang sa bawat kultura ng isang tribo.
Ang Karunungang Bayan ay may kahalagahan sa pagbasa ng panitikan, maangkin ng mga mag-aaral ang isang
kamalayan para sa katutubong tradisyon na magiging gabay sa pagbasa at pagpapahalaga sa panitik, sa anumang wika
naisusulat ito, sa pananaw ng isang Pilipino. sa gayo'y napatibay ang mga pagpapahalaga sa mga kultura't kabihasnan.
masasabi niyang mayroong siyang sariling tradisyon ng ibang pook sa daigdig. makikintal din sa kanyang isipan na
nararapat na pagyamanin ang magagandang kinagisnan at higit na pagbutihain ang kasalukuyang hinaharap.
Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping "pang"ay ginamit at
hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura (literature), na ang literatura ay galing sa
Latin na littera na nangunguhulugang titik.
Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at mga karanasang may kaugnay ng ibat
ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam,
sindak at pangamba.
Sa pinakapayak na paglalarawan, ang panitikan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Subalit upang
maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam
na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis,
may punto de bista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan. Nagsasalaysay ng
buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng
damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at
pangamba. Ito ang isang dahilan kung bakit pinag-aaralan ang larangan ng literatura sa mga paaralan. Ang Iliad ni
Homer, ang isang halimbawa ng mga mabuting likhaing pampanitikang kanluranin, maging ang Aeneid ni Vergil.
Dalawang Uri ang Panitikan
Patula Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng maaanyong salita sa mga taludtod na may sukat o
bilang ng mga pantig at pagtutugma ng mga salita sa hulihan ng mga taludtod sa bawat saknong. Kabilang ditto ang mga
sumusunod: tulang liriko, tulang pasalaysay, tulang pangtanghalan, at patnigan.
Tuluyan o Prosa Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng malayang pagsasama-sama ng mga salita sa mga pangungusap.
Hindi limitado o pigil ang paggamit ng mga pangungusap ng may-akda. Kabilang ditto ang mga sumusunod: maikling
kwento, nobela, dula, alamat, pabula, talambuhay, sanaysay, balita at editoryal.
Dahilan sa Pag-aaral ng Panitikang Pilipino
1. Upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating minanang yaman ng kaisipan at taglay na katalinihan ng
lahing ating pinagmulan.
2. Upang matalos natin na tayoy may marangal at dakilang tradisyon na nagsilbing patnubay sa mga impluwensya ng
ibang mga kabihasnang nanggaling sa ibat ibang mga bansa.
3. Upang mabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at makapagsanay upang maiwasto ang mga ito.
4. Upang malaman an gating mga kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang ito ay mapagbuti at mapaunlad.
5. Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling kultura ay dapat nating pag-aralan an gating
panitikan. Tayo higit kanino man ang dapat magpahalaga sa sariling atin.
Salawikain Ito ay mga butil ng karunungang hango sa karanasan ng matatanda, nagbibigay ng mabubuting payo
tungkol sa kagandahang-asal at mga paalala tungkol sa batas ng mga kaugalian at karaniwang patalinhaga.
Bugtong Inilalarawan ang bagay na pinahuhulaan, ito ay nangangailangan ng mabisang pag-iisip.
Palaisipan Ito ay nakapupukaw at nakahahasa ng isipan ng tao, katulad ng bugtong, ito ay nangangailangan ng talas ng
isip.
Kasabihan o kawikaan Ang mga salawikain, kawikaan, at kasabihan ay mga maiiksing pangungusap na lubhang
makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pangaraw-araw na pamumuhay. Pinalalaganap ng mga
nakatatanda ang mga salawikain, kawikaan, at kasabihan upang imulat at turuan ang mga nakakabata ukol sa angkop na
pagkilos, tamang pag-uugali, mabuting pakikitungo sa kapwa, at sa tahimik at masayang pamumuhay.
noong unang panahon,ang ita,ayta,negrito at iba pa ay meron ng sariling kwentong-bayan at alamat pero dahil wala pa
silang masyadong kaalaman nag-pasalin-salin sa bibig pero nang dumating ang indones matapos ang 800 na taon ang
indones ay may panulat na habang lumilipas ang panahon mas moderno o masasabin natin na kahit kaunti ay may
pagbabago dahil ng dumating ang mga malay may sarili na silang batas at pamahalaan...
Paano nagsimula ang bugtong?
Sa totoo lamang, nagsimula ang Bugtong sa panahon ating mga ninuno noong sila ay bumuo ng mga karunungang
bayan. Nagbigay sila ng mga nakakalitong tanong na parang patula, at hindi nila direktang ibinibigay ang pinahuhulaan.
Sino ang nag simula ng pabula at paano ito lumaganap sa buong mundo?
Ang pabula o kathang-isip ay gawa-gawa lang ng mga nagkwekwento upang, mapalawak ang mga imahinasyon ng mga
bata at kung minsa'y ang mga karakter nito ay mga hayop...Ang Pabula din ay nagbibigay aral o moral sa huli ng kwento
upang lumaki magalang.
Karunungang Bayan
Ang karunungang bayan ay nagsimula noong panahon ng katutubo. Mga halimbawa ng karunungang bayan:
-Awiting Bayan
-Alamat
-Salawikain
-Sawikain
-Kasabihan
-Epiko
-Mito
Salawikain- mayroong tugmaan, mayroong aral, matatalinhaga ang mga salita, mayroong sukat
Sawikain- idyomatiko, patambis na paraan ng pagsasalita ang ginagamit
Kasabihan- katangian, ugali, gawa/gawi, kilos

You might also like