Diagnostic Test Filipino 8

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Diagnostic Test

Filipino 8
Pangalan: __________________________________________ Marka:____________
Taon at Pangkat: ________________________ Lagda ng magulang:___________
I. Panuto: Isulat ang letrang S kung ang pahayag ay salawikain, SB kung ang pahayag ay
kasabihan, B kung ang pahayag ay bugtong. Isulat ang iyong sagot sa nakalaang patlang.

__________1. Walang umaani ng tuwa, na hindi sa hirap nagmula.


__________2. Kung ano ang puno, siya ang bunga.
__________3. Langit sa itaas, langit sa ibaba, tubig sa gitna.
__________4. Magbiro ka sa lasing, huwag lang sa bagong gising.
__________5. Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan at wala sa kasaganaan.

II. Panuto: Basahin ng mabuti ang mga linyang hango sa iba’t-ibang akda at tukuyin kung ano
ang isinisimbolo o ipinapahiwatig ng mga pangungusap at mga salitang may salungguhit. Piliin
ang titik ng iyong sagot at isulat sa linyang inilaan.

_____6. Ang buhay ay guryon: marupok, malikot, Dagiti’t dumagit saan man sumuot…
(Ildefonso Santos, Ang Guryon)
a. pagsubok sa buhay b. problema/suliranin c. isang laruan d. pangarap

_____7. At sa kubong butas-butas ay naglagos ang pangarap.


(Teo T. Antonio, Kasal ni Kikay)
a. tahanan/bahay b. pamilya
c. kahirapan d. kayamanan

_____8. Walang nakakaalam kung gaano na katanda ang gilingang bato. Ito’y nagisnan na
naming magkakapatid. (Edgardo M. Reyes, Ang Gilingang Bato)
a. katandaan b. panahon
c. pamana d. kabuhayan

_____9. Sa bawat tao ay may naghihintay na lupa ng sariling baying sinilangan.


(Rogelio Sicat, Sa Lupa ng Sariling Bayan)
a. lupang sinilangan b. lupang sakahan
c. lupang lilibingan d. lupang pagkukunan ng kabuhayan

_____10. May mga taong bukod sa hangad na tularan ang lalong walang habas na ibon: ang
Agila, ay may mga palatandaan pa rin ng buwitre, ng kuwago at ng malaking bayakan na
sumisipsip ng dugo ng tao.
(Amado V. Hernandez, Mga Ibong Mandaragit)
a. katakawan b. kabulastugan
c. gahaman sa yaman d. kasakiman
III. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Bilogan ang titik ng
tamang sagot. Piliin ang titik ng iyong sagot at isulat sa linyang inilaan.

_____11. Ano ang tawag sa grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang
ihatid ang isang salaysay o kuwento?
A. Komiks B. Magasin C. Tabloid D. Radyo

_____12. Anong uri ng popular na babasahin ang naglalaman ng balita, impormasyon at


patalastas na kadalasang inilathala ng araw-araw?
A. Komiks B. Magasin C. Pahayagan D. Radyo

_____13. Ito ay itinuturing na pahayagang pangmasa na inilalako sa lansangan.


A. Komiks B. Magasin C. Pahayagan D. Tabloid

_____14. Ano ang tawag sa sistema ng pakikipag-ugnayan ng mga tao kung saan sila ay
lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na
komunidad at mga network?
A. Internet B. Online Selling C. Social Media D. WIFI

_____15. Ano ang tawag sa isang paraan ng pagkuha ng larawan sa iyong sarili na ikaw lamang
ang may hawak ng kamera o selfon?
A. Groufie B. Jumpshot C. Selfie D. Portrait

_____16. Sa kanya inialay ni Baltazar ang Florante at Laura.


A. Ma. Ana Ramos B. Ma. Asuncion Rivera C. Ma. Ana Rivera

_____17. Sa kanila nakiusap si Balagtas na huwag babaguhin ang tula.


A. Manunulat B. Makata C. Mambabasa

_____18. Siya ang taong tinukoy ni Balagtas na malimit magbago ng tula na sa kalauna’y lalong
pumangit ang ginagawang tula.
A. Sigesmundo B. Lope K. Santos C.Joseng Sisiw

_____19. Ito ay kasingkahulugan ng salitang kulang sa unang saknong.


A. Pagod B. Kapos C. Bukal

_____20. Ito naman ay kasingkahulugan ng salitang kulang sa ikalawang saknong.


A. Mura B. Bubot C. Hilaw

You might also like