Unang Markahang Pagsusulit Sa Filipino 8 S.Y. 2020-2021

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

SAN LORENZO CHRISTIAN SCHOOL

Main Road Phase1-A San Lorenzo South


Lungsod ng Santa Rosa City

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO


Baitang 8

Pangalan : _____________________________ Petsa : ______________ Iskor : ____________

Basahing mabuti ang mga tanong. Pumili ng pinakatamang sagot para dito.
1. Si Alex ay mag-aaral sa Baitang 8. Mahilig siyang sumulat at bumigkas ng tula. Paano
malilinang sa paaralan ang kaniyang talento sa pagtula?
a. Mag-aral ng asignaturang Pamamahayag.
b. Dumalo sa mga sa mga seminar-worksyap ng Samahan ng Mambibigkas sa paaralan.
c. Laging lumahok sa mga patimpalak ng pagbigkas ng tula.
d. Maghanap ng masasalihang samahan ng mga manunula.
2. Ano ang ipinapakahulugan ng salawikaing “ Ano man ang tibay ng piling abaka ay wala ring
lakas kapag nag-iisa”?
a. pakikisama c. pagkakaisa
b. pagtitiis d. pakikipagkapwa
3. Usong- uso sa mga kabataan ang “fliptop”. Nais mong maging “in “ sa bagong henerasyon na
iyong kinabibilangan ngunit gusto mong maging makabuluhan ang nilalaman ng fliptop na iyong
ibabahagi. Ano ang dapat mong gawin?
a. Humalaw ng makabuluhang kaisipan mula sa mga karunungang-bayan ng ating panitikan.
b. Gayahin ang estilo ng isang sikat na rapper.
c. Magpagawa ng fliptop sa mahusay bumuo nito.
d. Mangopya ng mga fliptop na napanood sa video.

4. Namatay siyang malayo sa bayang sinilangan dahil sa pag-asam ng isang mas mabuting buhay
para sa kaniyang mga minamahal. Anong salita ang binibigyang turing ng mga salitang nakahilig
sa pangungusap?
a. siya b. namatay c. malayo d. pag-asam

5. Alin sa sumusunod na pahayag ang ginagamitan ng eupemistikong pahayag?


a. sumakabilang buhay para sa namatay
b. magbuburo sa asin para sa hindi mag-aasawa
c. buto’t balat para sa payat
d. papatay-patay para sa hipong tulog

6. Bakit mahalagang maunawaan ang mga detalyeng nagbibigay – suporta sa pangunahing ideya?
a. nagbibigay ng tulong sa pag-unawa sa mga halimbawa
b. madalas na itinatanong sa pagsusulit
c. nagbibigay- daan upang matandaan ang mga detalye
d. susi para sa lubusang pagkilala at pag-unawa sa pangunahing ideya

7. Ano ang magiging bunga kapag ang isang anak ay lumaki sa isang huwarang pamilya?
a. may kapanagutan sa anumang gawain
b. magiging sikat na mamamayan.
c. hindi masasangkot sa anumang gulo sa pamayanan
d. magkakaroon ng disiplinang pansarili

8. “Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng
kanyang dibdib at nakikinig sa pintig ng kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa
malalim na paghinga niya,sa kanyang malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi…”
Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag?
a. may problemang hinaharap ang kanyang kaibigan
b. isang sanggol sa piling ng isang ina
c. nararamdaman niya ang suliraning pampamilya
d. binabalikan ang mga pangyayari

Suriin kung ang sumusunod ay salawikain, sawikain o kasabihan pagkatapos ay ipaliwanag ang
mensahe o kaisipang nais nitong iparating.
9. Ang magtanim ng hangin, bagyo ang aanihin.

10. Ang taong walang kibo nasa loob ang kulo.

11. Ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga.

Basahin ang wakas ng akda, pagkatapos ay sagutin ang mga tanong hinggil dito.

Nagluksa ang Rajah at ang buong palasyo. Ipinag-utos niya na ang dalawa'y ilagak na
magkasama sa isang hukay.
Lumipas ang mga araw. Himala ng mga himala. Ang lupa sa puntod ng libing ay tumaas
hanggang sa itoy maging bundok. Napakaganda at perpekto ang hugis. Tinawag itong Bundok ng
Mayon bilang alaala kay Daragang Magayon.
Halaw sa Alamat ng Bulkang Mayon

12. Ano ang napuna mo sa naging daloy ng wakas?


13. Kapani-paniwala ba ang ganitong uri ng wakas? Ipaliwanag.
14. Sa iyong palagay, bakit karaniwan na sa mga alamat na magkaroon ng kaparusahan o
pagkamatay ng pangunahing tauhan?

Bumuo ng pangungusap na nagpapakita ng sanhi at bunga


mula sa larawan.
15.
16.

Bumuo ng pangungusap ayon sa hinihinging uri ng pang-abay.


17. pamanahon
18. panlunan
19. pamaraan
20. pang-agam

Mula sa binasang alamat ng Bundok Pinatubo, ilahad ang mga pangyayari ayon sa mga sumusunod:
I. Simula:
II. Saglit na kasiglahan:
III. Kasukdulan:
IV. Wakas:
V. Mahalagang kaisipan:

Sumulat ng isang talata na may limang pangungusap tungkol sa iyong hindi makalilimutang
karanasan sa buhay. Pagkatapos ay bilugan ang pangunahing ideya at salungguhitan naman ang
pansuportang ideya sa talatang isinulat.

Magbigay ng paliwanag sa mga sumusunod na tanong sa 3 pangungusap lamang.


1. Ano ang malaking impluwensiya ng panitikan sa iyong buhay bilang Pilipino? Paano mo ito
pinahahalagahan?

2. Sa iyong palagay, bakit kailangang unawain ang mga akdang pampanitikan na umusbong sa
panahong naisulat ito? Paano mapananatili at mapauunlad ang panitikang minana pa sa ating
mga ninuno ng kasalukuyang panahon?

3. Naniniwala ka ba na ang kasaysayan at panitikan ay magkaugnay? Bakit/bakit hindi?

4. Nakatutulong ba ang alamat upang maging malinaw ang pinagmulan ng mga bagay? Makikita ba
sa bawat paksa nito ang tatak ng pagiging mamamayan? Patunayan.
5. Paano nakatutulong ang paggamit ng mga pang-abay na pamaraan sa kilos ng tauhan sa mga
pangyayari sa isang epiko? Patunayan.

6. Bakit mahalagang isaalang-alang mga salik sa tamang pagbigkas ng tula? Paano magagamit ang
mga ito sa pakikipagtalastasan?

Puntos Pamantayan ( Nilalaman ng Sagot at Balarila)


3 Malinaw na nailahad ang sagot sa bawat tanong at nabigyan ng patunay batay
sa paksang inilahad o napakinggan/napag-aralang akda , at higit sa lahat ay
naipaliwanag nang mabuti.
2 Nailahad ang sagot sa bawat tanong at nabigyan ng patunay mula sa paksang
inilahad o napakinggan/napag-aralang akda.
1 Nailahad ang sagot sa bawat tanong ngunit walang paliwanag at patunay mula
sa paksang inilahad o napakinggan/napag-aralang akda.

You might also like