Fil8 Q1 Mod1-Karunungang-bayan

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

8

Unang Markahan – Modyul 1:


KARUNUNGANG - BAYAN
Salawikain, Sawikain at
Kasabihan
Aralin KARUNUNGANG - BAYAN

1 (Salawikain, Sawikain at
Kasabihan)

Balikan

Suriin ang mga larawan. Ano ang iyong napansin sa paraan ng pamumuhay
noon at paraan ng pamumuhay ngayon? Pagkumparahin ito gamit ang
pormat sa ibaba.

Noon

Ngayon

NOON NGAYON
Tuklasin

KARUNUNGANG BAYAN
(SALAWIKAIN, SAWIKAIN AT KASABIHAN)
PANITIKAN
Ang panitikan ay nanggaling sa salitang “pangtitikan”.
Ito ay nagsasabi, nagpapahayag ng mga kaisipan, ng mga damdamin, karanasan
at diwa ng mga tao.
Ito rin ay itinuturing na kayamanan ng ating lahi dahil bahagi ito ng ating
kasaysayan.
Bakit mahalagang pag-aralan ang panitikan?
Upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating minanang yaman at
kaisipan at taglay na katalinuhan ng ating lahing pinagmulan.
Upang malaman ang ating mga kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang ito ay
mapagbuti at mapaunlad.
Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling kultura ay
dapat nating pag-aralan ang ating panitikan sapagkat tayo higit kanino man ang
dapat magpahalaga sa sariling atin.
KARUNUNGANG BAYAN
Ito ay sangay ng panitikan kung saan nagiging daan upang maipahayag ang mga
kaisipan na nabibilang sa bawat kultura ng tao. Ilan sa karunungang-bayan o
kaalamang bayan ay ang salawikain, sawikain, kasabihan.
1. SALAWIKAIN – ito ay nakaugalian nang sabihin at nagsilbing tuntunin ng
kagandahang asal ng ating mga ninuno na naglalayong mangaral at umakay sa mga
kabataan sa pagkakaroon ng kabutihang asal.
Mga Halimbawa:
 Kung ano ang itatanim ay siya ring aanihin.
Kahulugan: Kung ano ang ginagawa mo sa iba, mabuti man o masama, ay
babalik rin sa iyo.
 Pulutin ang mabuti, iwaksi ang masama.
Kahulugan: Ang mga mabubuting aral o gawain ay isabuhay o ipagpatuloy
samantalang ang mga masama at hindi kaaya-aya ay huwag gawin.
 Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
Kahulugan: May awa ang Diyos sa tao at nais nitong tulungan sa mga
problema niya sa buhay. Subalit, nasa tao pa rin kung kikilos siya o hindi.
Tuklasin

2. SAWIKAIN - Ang sawikain o idiom sa wikang Ingles ay salita o grupo ng mga salitang
patalinghaga na nagsasaad ng hindi tuwirang paglalarawan sa isang bagay,
kaganapan, sitwasyon o pangyayari.
Mga Halimbawa:
 Agaw-dilim
Kahulugan: Malapit nang gumabi
Ginamit sa pangungusap: Agaw-dilim ng umuwi si Ben sa kanilang bahay.
 Anak-dalita
Kahulugan: Mahirap
Ginamit sa pangungusap: Ipinanganak kaming dalita.
 Asal-hayop
Kahulugan: Masama ang ugali
Ginamit sa pangungusap: Hindi lahat ng mayaman ay asal hayop.

3. KASABIHAN - Ang kasabihan o saying ay isang makaluma at maiksing pariralang


nagpapahayag ng ideya na pinaniniwalaan ng nakararami na tunay o totoo. Ito ay
maaaring magmula sa mga kilalang tao o kaya naman sa mga kasabihan ng mga
ninuno na naipasa mula sa isang henerasyon noon hanggang sa kasalukuyang
panahon.
Mga Halimbawa:
 Ang batang matalino, nag-aaral ng husto.
 Kung ayaw mong maghirap, ikaw ay magsikap.
 Ang anak na magalang ay kayamanan ng magulang.
 Ang tunay na kaibigan sa ligaya at kalungkutan, ikaw ay sasamahan.
Suriin

A. Basahin at unawain ang mga halimbawa ng salawikain, sawikain at


kasabihan. Isulat ang kahulugan ng mga ito at gayahin ang pormat.

KARUNUNGANG BAYAN

Salawikain Sawikain
“Kung ano ang puno, siya ang “Bukas ang palad”
bunga”
Kahulugan:
Kahulugan:
__________________________________
_________________________________ __________________________________
_________________________________

Kasabihan

“Ang hindi marunong magmahal


sa sariling wika, ay mahigit pa sa
mabaho at malansang isda.

Kahulugan:
______________________________
______________________________

B. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang salawikain, sawikain at


kasabihan sa buhay ng tao? Ilahad mo ang iyong sagot gamit ang hanay
sa ibaba.

KARUNUNGANG BAYAN KAHALAGAHAN

1. Salawikain

2. Sawikain

3. Kasabihan
Pagyamanin

A. Ilagay sa tamang hanay ang mga sumusunod. Suriin kung ito ay


nabibilang sa salawikain, sawikain o kasabihan.

1. Pulutin ang mabuti, 6. Kung ano ang itinanim, siya


iwaksi ang masama. ring aanihin.
2. Asal hayop 7. Kung ayaw mong maghirap,

3. Ang gumagawa ng kabutihan, ikaw ay magsikap.


hindi matatakot sa kamatayan. 8. Ikurus sa noo

4. Bilang na ang araw 9. Kung ano ang puno,

5. Ang mabuting ugali, siya ang bunga.

masaganang buhay ang sukli. 10. Butas ang bulsa

SALAWIKAIN SAWIKAIN KASABIHAN


B. Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na sawikain.

1. Hulog ng langit
Kahulugan: biyaya o suwerte
Pangungusap: ___________________________________________________
2. Ilaw ng tahanan
Kahulugan: ina o nanay
Pangungusap: ___________________________________________________
3. Bukas ang palad
Kahulugan: matulungin
Pangungusap: ___________________________________________________
4. Di-makabasag pinggan
Kahulugan: mahinhin
Pangungusap: ___________________________________________________
5. Balitang kutsero
Kahulugan: maling kuwento o hindi totoo
Pangungusap: ___________________________________________________
C. Mula sa mga nalaman mong impormasyon, gamitin ang venn diagram
upang ipaliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng salawikain,
sawikain at kasabihan.

Salawikain Sawikain

Pagkakatulad

Kasabihan
Isaisip

Batid kong ikaw ay nawiwili sa mga gawain! Malinaw ba ang mga


impormasyon na iyong nakalap sa ating aralin? Halina at dagdagan pa natin
ang iyong kaalaman.

Karagdagang kaalaman…

Karunungang - Bayan

 Kasama sa kabang-yaman ng karunungang-bayan ng ating bansa


bago dumating ang mga Espaῆol ay ang salawikain,
sawikain/kawikaan, at kasabihan.
 Ang karunungang-bayan ay isa sa mga naging libangan ng mga
sinaunang Pilipino.
 Ang karunungang-bayan ay isang klase ng panitikan na
nangangailangan ng malalim na pag-iisip dahil ito ay nagtataglay
ng malalalim na salita na may ibang kahulugan at hindi literal.

SALAWIKAIN
 Ito ay mga butil ng karunungang hango sa karanasan ng
matatanda, nagbibigay ng mabubuting payo tungkol sa
kagandahang-asal at mga paalala tungkol sa kaugalian.
 Karaniwan itong patalinhaga o yung mas may malalim na
kahulugan.
SAWIKAIN
 Ito rin ay mga patalinhagang salita na nagpupukaw at naghahasa
ng kaisipan ng mga tao.
 Ito ay paraan din ng pagsasalita na hindi gumagamit ng marahas
na salita na hindi makakapagpasakit ng loob o upang mapaganda
ang isang pahayag.
KASABIHAN
 Ito ay mga tulang pambata o tugmang walang diwa o mababaw
ang isinasaad na kahulugan.
 Kung tawagin ito sa Ingles ay Mother Goose o Nursery Rhymes.
Isagawa

Ngayon, nasisiguro ko na malawak na ang iyong kaalaman sa aralin na


ito. Subukin naman natin ang iyong galing sa paggawa ng iskrip/diyalogo.
Gamit ang larawan sa ibaba, bumuo ka ng iskrip/diyalogo na nakikipag-usap
ka sa isang kaibigan na gamit ang mga karunungang bayan (salawikain,
sawikain at kasabihan). Maari kang kumuha ng mga halimbawa sa mga
nakaraang gawain o magbigay ng ibang halimbawa. Itala sa ibaba ng larawan
ang mga ginamit na karunungang bayan.

Mga ginamit na karunungang bayan:


1. _________________________________________
2. _________________________________________
3. _________________________________________
4. _________________________________________
5. _________________________________________

PAMANTAYAN SA PAGGAWA NG ISKRIP/DIYALOGO


Malinaw na usapan o diyalogo 5
Kaangkupan ng mga ginamit na 5
karunungang bayan

May nabuong kuwento/maaring 3


iangkop sa tunay na buhay
Orihinalidad 2
Kabuuan 15

You might also like