Aralin 1 Batayang Kaalaman Sa Wika

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 29

Aralin 1 :

Batayang
Kaalaman sa
Wika
Gng. CAREN T. PACOMIOS-LUCERO
Guro sa Filipino 11-A
Wika
Wika ay ...
• kakayahan ng tao na mag-angkin

• gumamit ng mga komplikadong sistemang


pangkomunikasyon

• sa espesipikong pagkakataon
ang wika ay tumutukoy sa kognitibong pakulti na
nagbibigay-kakayahan sa mga tao upang matuto at
gumamit ng mga sistema ng komplikadong
komunikasyon
Henry Gleason (1999)
– Ito’y masistemang balangkas ng mga sinasalitang
tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong kabilang sa isang
kultura.
Bernales (2002)
– Ito’y ang proseso ng pagpapadala at pagtanggap
ng mensahe sa pamamagitan ng cues na maaaring
berbal o di-berbal.
Mangahis (2005)
– Ito ay midyum na ginagamit sa maayos na
paghahatid at pagtanggap ng mensahe na susi
sa pagkakaunawaan
Bienvenido Lumbera
(Pambansang Alagad ng Sining sa
Literatura)
– Parang hininga ang wika. Gumagamit tayo ng wika
upang kamtin ang bawat pangangailangan natin.
Alfonso O. Santiago
(2003)
– Ito’y sumasalamin sa mga mithiin, lunggati, pangarap,
damdamin, kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman at
karunungan, moralidad, paniniwala, at mga kaugalian ng
tao sa lipunan.
Ang wika ay masistemang balangkas.

Ang wika ay arbitraryo.

Katangian ng Wika
Ang wika ay dinamiko.

Ang wika ay nakabatay sa kultura.


Ang wika ay
masistemang balangkas.
Lahat ng salita ay nakabatay sa makabuluhang tunog o
ponemang nakalilikha ng mga yunit ng salita na kapag
pinagsama-sama sa isang maayos at makabuluhang
pagkakasunod-sunod ay nakabubuo ng mga parirala,
pangungusap, at talata.
Ang wika ay arbitraryo
Ito ay pinagkasunduang gamitin ng mga grupo ng tao
para sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Ang wika ay dinamiko
Ang isang wikang stagnant ay maaari ding mamatay tulad
ng hindi paggamit niyon. Ang isang wika ay maaaring
nadaragdagan ng mga bagong bokabularyo.
Ang wika ay nakabatay sa
kultura
Ito ang paliwanag kung bakit may mga kaisipan sa isang
wika ang walang katumbas sa ibang wika sapagkat wala sa
kultura ng ibang wika ang kaisipang iyon ng isang wika.
Kahalagahan ng Wika
Ang wika ay instrumento sa komunikasyon. Mahihirapang
magtagumpay ang komunikasyon kapag walang wikang
ginagamit. Kailangan naman ang komunikasyon hindi lamang sa
pagpapalitan ng mensahe kundi sa pagkatuto at sa pagkalat ng
karunungan at kaalaman sa mundo.
Mahalaga ang wika sa pagpapanatili,
pagpapayabong, at pagpapalaganap ng kultura ng
bawat grupo ng tao.
Ang wika ang nagsisilbing tagapag-ingat at
tagapagpalaganap ng mga karunungan at kaalaman.
Ang mga nakaimbak na karunungan at kaalaman sa
isip at dila ng sinaunang mamamayan ay
nagagawang magpasalin-salin sa mga susunod na
henerasyon dahil sa wika.
Mahalaga ang wika bilang lingua franca o bilang tulay
para magkausap at magkaunawaan at iba’t ibang
grupo ng taong may kani-kaniyang wikang ginagamit.
Mas nagkakaunawaan ang mga tao sa isang bansa at
nakabubuo ng ugnayan ang bawat bansa sa daigdig
sapagkat may wikang nagsisilbing tulay ng
komunikasyon ng bawat isa.
Antas ng
Wika
Porm
al
Ito ang mga salitang istandard dahil kinikilala,
tinatanggap, at ginagamit ng higit na nakararami
lalo na ng mga nakapag-aral ng wika.
Pambansa
Ito ang wikang kadalasang ginagamit ng
pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan.
Pampanitikan o
Panretorika
Ito ang mga salitang gamitin ng mga
manunulat sa kanilang mga akdang
pampanitikan.
Imporma
l
Ito ang mga salitang karaniwan, palasak, pang-araw-
araw na madalas gamitin sa pakikipag-usap at
pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan.
Lalawiganin
Ito ang mga bokabularyong dayalektal. Gamitin ang
mga ito sa mga partikular na pook o lalawigan
lamang.
Kolokyal
Ito’y pang-araw-araw na salita na ginagamit sa
pagkakataong impormal. Ang pagpapaikli ng isa o
dalawang salita at ang pagbabaligtad nito sa mga
pasalitang komunikasyon.
Balb
al
Ito ang tinatawag sa Ingles na slang. Sa mga pangkat-
pangkat nagmumula ang mga ito upang ang mga pangkat
ay magkaroon ng salitang codes.
© Sanggunian

[1] Batnag, A. E., et al. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wikang Filipino. Rex
Book Store, Inc.
[2] Bernales, R. A., et al. (2010). Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Mutya
Publishing House, Inc.

You might also like