Komunikasyon G11 Q1 M1 WK1-2 PDF

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Sangay ng mga Pampaaralang Lungsod ng Paranaque

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

UNA AT IKALAWANG LINGGO

KWARTER 1

ANG WIKA AY YAMAN NG ISANG TAO

Mga Kasanayang Pampagkatuto

Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika

Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggan/napanood na


sitwasyong pang komunikasyon sa radyo, talumpati, mga panayam at telebisyon

Mga Layunin
May mga tiyak na kompetensing dapat linangin sa pag-aaral ng modyul na
ito kaya sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang;

• Naibibigay ang mga datihang kaalaman na may kaugnayan sa wika


• Naipaliliwanag ang mga mahahalagang ideya tungkol sa konseptong
pangwika
• Nakapagbibigay ng simbolismo at kahalagahan ng mga konseptong
pangwika
• Nakabubuo ng isang tula na nagpapakita ng pagpapahalaga sa sariling
wika

Tayo na at sasamahan kitang alamin ang mga paksang may kaugnayan sa


konseptong pangwika.

Balikan Natin

1
Ang wika ay pangunahing behikulo sa komunikasyon ng dalawa o mahigit pang
taong nag-uusap . Ginagamit ang wika upang ipahayag ang pangangailangan ,damdamin
at ang iniisip sa pakikipag-uganayan sa lahat ng pagkakataon.
Kailangang malaman at maunawaan ang kahulugan ng wika upang magamit ito
nang tama, angkop at wasto. Kaya naman upang maunawaan natin ang konseptong may
kaugnayan sa wika muli nating balikan kung ano-ano ang kahulugan at katangian ng wika.
Sa tulong nag concept map, isulat sa loob ng bilog ang mga konseptong alam na
tungkol sa wika batay sa ating napanood , narinig, nabasa at nasaksihan sa ating paligid.
Pumili ng dalawang salita mula sa naisulat at ipaliwanag kung bakit ito may kaugnayan sa
wika.

WIKA

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2
Unawain Natin

Ayon kay Henry Gleason: Ang wika ay masistemang balangkas ng mga tunog
na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng tao sa komunikasyon. Ito ay
nagbabago-bago batay sa lugar at mga taong gumagamit nito.
Sa kahulugang binigay ni Gleason ay nakapaloob ang ilan mga pangunahin at
pangdaigdigang katangian ng wika: masistemang balangkas , sinasalitang tunog , pinili at
isinaayos sa paraang arbitraryo , ginagamit sa konunikasyon , pantao at nakaugnay sa
kultura.
Mga Katangian ng Wika
 Masistemang Balangkas – Ang ibig ipakahulugan nito ay kaayusan o order .
Bawat wika kung ganoon ay may kaayusan o order ang istruktura. May dalawang
masistemang balangkas ang wika: ang balangkas ng tunog at balangkas ng
kahulugan. Ang wika may tiyak na dami ng mga tunog na pinagsamasama sa
isang sistematikong paraan upang makabuo ng makahulugang salita na kailangan
sa pagbuo ng parirala at pangunguap.
 Sinasalitang Tunog – Maraming mga tunog sa paligid na makahulugan ngunit
hindi lahat ay maituturing na wika. Ang mga tunog ng isang wika ay nabubuo sa
tulong ng iba’t ibang sangkap ng pagsasalita tulad ng dila , labi babagtingang tinig
, ngalangala at iba pa. Ang wika ay sinasalita samantalang ang pagsulat at
representasyon ng wika na gumagamit ng simbolo tulad ng letra.
 Ginagamit sa Komunikasyon – Ang komunikasyon na mula sa salitang
communis na ang ibig sabihin ay to work publicly with ay nagbibigkis sa mga tao
upang magkaisa. Ito ay nagsisilbing pandikit upang ang mga mamamayan ay
magsama-sama tungo sa pagkakaisa.
 Pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo – Ang kahulugan ng arbitraryo ay
nakapagkasunduan. Ang bawat wika ay pinipili at isinasaayos sa paraan
napagkasunduan ng pangkat ng mga taong gumagamit nito.
 Pantao - Malinaw ang sinasabi ni Gleason na ang wika ay pantao. Naiiba ang
wikang pantao sa tunog na nililikha ng mga insekto at hayop. Ang wika ng tao ay
may sistema at kahulugan.
 Nakaugnay sa Kultura – Sa payak na pagpapakahulugan ang kultura ay paraan
ng pamumuhay. Kung paanong ang isang pangkat ng tao sa isang partikular na
lugar ng mga tao sa partikular na lugar ay nag-iisip at nakikibahagi sa mga
pangyayari at penomang nakapaloob sa realidad ng kanyang buhay.

3
 Natatangi - Ang bawat wika ay may sariling set ng tunog , mga yunit
pangramatika at sistema ng palaugnyan.
 Dinamiko – Ang panahon ay patuloy na nagbabago kaya ang pamumuhay ng
tao ay nagbabago rin dulot ng agham at teknolohiya at dahil dito ang wika ay
nagbago.
 Malikhain- Taglay ng wika ang mga tuntunin na makabuo ng salita , parirala,
sugnay at pangungusap.

Ang wika ay midyum ng pakikipagtalastasan. Ginagamit ito upang epektibong


makapagpahayag ng damdamin at kaisipan.
Kakambal ng wika ang kulturang pinagmulan nito, kung kaya mahalaga rin ang papel na
ginagampanan ng wika sa pagpapalaganap at pagpapayabong ng kulturang
pinanggalingan nito. Maaaring ang kalikasan ng wika ay maging homogenous o
heterogenous.
Mayroong mahigit sa 100 wika ang ginagamit sa 17 rehiyon sa Pilipinas. Bawat wika ay
mayroong kani-kaniyang katangian. Gayun pa man, bilang behikulong ginagamit upang
magkaunawaan ang mga tao, nagtataglay ang mga wikang ito ng mga pagkakatulad. Ito ang
tinatawag na homogeneous na kalikasan ng wika.
Ang salitang heterogeneous ay mula sa mga salitang Griyego na hetero, na
nangangahulugan"magkaiba,"at genos, nanangangahulugang "uri o lahi."Ang heterogeneous
na kalikasan ng wika ay tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng wika bunga ng paggamit ng iba’t
ibang indibiduwal, at pangkat na may magkakaibang uring pinagmulan, edad, kasarian, gawain,
tirahan, interes, edukasyon, at iba pa.

Ang isang tao ay gumagamit ng unang wika at pangalawang wika sa


pakikipagtalastasan upang maging masigla at tuloy-tuloy ang daloy ng komunikasyon.
Alamin natin ang pagpapaliwanag sa konseptong nabanggit tungkol sa wika upang mas
maging makabuluhan ang ating pagkatuto.

Unang Wika (Mother Tongue ) Pangalawang Wika (Second


Langugae )
Natutuhang gamitin ng isang tao magmula
Wikang natutuhan ng isang tao matapos
sa kaniyang pagkabata o sinusong wika.
matutuhan ang kaniyang unang wika.

Ayon kay Lev Vygotsky (1978), isang Rusong sikolohista, “ang katalinuhan ay ang
kapasidad na makinabang mula sa pagtuturo, kung saan may mahalagang papel sa pag-
unlad ang wika.” Kung gayon, kinikilala ang wika bilang kasangkapan sa pagkatuto at
pantulong sa pag-unawa. Sa pamamagitan ng wika, naipaaabot ng nagtuturo ang kaalaman sa

4
kaniyang tinuturuan. Maaaring maging mainam na tulay ang wika kung bihasa ang tinuturuan
sa wikang panturo. Sa kabilang banda, maaari namang maging balakid sa pagkatuto ang
kawalan o kaunting kaalaman ng tinuturuan sa wikang panturo. Kung gayon, kritikal sa
pagbibigay at pagtanggap ng kaalaman ang pagpili ng wikang gagamitin bilang midyum
napanturo. Dito papasok ang konseptong pangwika tungkol sa Bilingguwalismo at
Multilingguwalismo.

Bilingguwalismo Multilingguwalismo.
Malayang paggamit ng dalawang Malayang paggamit ng higit pa sa
wika sa pagtuturo at dalawang wika sa pagtuturo at
pakikipagtalastasan pakikipagtalastasan

Pilipinas, Amerika
- Filipino ang ating wikang - English ang wikang pambansa at
pambansa, at Ingles na maraming wika tulad ng Filipino ,
wikang global. Mandarin, Spanish , Latin,
Nihonggo at iba pang mga wika
ang ginagamit sa pagtuturo at
pakikipagtalastasan.

Kapag ikaw ay nakapapagsalita ng Si Jose P. Rizal na isang bayani ay


iyong diyalekto (wika sa isang maituturing na multilingguwal dahil sa
rehiyon ) at nakapagasasalita ka ng kakayahan niyang makapagsalita ng higit
Filipino maituturing kang bilingual pa sa dalawang wika.

Ang pagtalakay sa mga konseptong pangwika ay nakatutulong upang mas maging


mayabong ang ating kaalaman sa wika . Ito ay magiging instrumento upang mas madali
nating maunawaan ang mga konsreptong may kaugnyan sa wika.
Mahalaga sa lipunan at kultura ang edukasyon. Isa sa mga sangkap ng edukasyon
ang wikang ginagamit sa pagtuturo. Sa mga dalubwika, ang wikang panturo ay wikang
ginagamit o itinatalaga ng pamahalaan para sa edukasyon. Ang wikang ito ang siyang
mahalagang ginagamit ng guro, mga administrador, at mag-aaral sa loob ng kani-kanilang
paaralan.

Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino ang wikang panturo ay opisyal na (mga)


wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa loob ng pormal na sistemang pang-

5
edukasyon. Batay sa Artikulo XIV, Seksiyon 9, ng Konstitusyon ng 1987, Filipino at Ingles ang
mga wikang opisyal ng Pilipinas. Noong 2009, ipinalabas naman ang DepED Order no. 74 na
nagsasaad na gagamitin na sa pag-aaral ang mother tongue o ang unang wika ng bata.

Lahat ng bansa ay mayroong opisyal na wika. Kinakailangan ito upang magkaroon ng


pagkakaisa at pagkakaunawaan sa mga desisyon, patakaran, at korespondensya ng
pamahalaan. Ginagamit ang opisyal na wika sa talastasan at mga transaksyon ng pamahalaan
sa loob at labas ng mga ahensyang kabilang nito. Sa bisa ng isang batas na nakapaloob sa
Saligang Batas, napipili ang isang wikang siyang magiging opisyal na wika.

Ang Wikang Pambansa ay isang wikang magiging daan ng pagkakaisa at pag-


unlad bilang simbolo ng kaunlaran ng isang bansa. Ito ang kinikilalang pangkalahatang
midyum ng komunikasyon sa isang bansa. Ayon sa Seksyon 6 ng Artikulo XIV ng 1987
konstitusyon, ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay
dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba
pang mga wika. Ito ay ibinatay sa Tagalog sapagkat ang Tagalog ay isang diyalektong
naunawaan,nahahawig ang salita sa Ingles at mas maraming babasahin ang nalimbag dito.

Ang iba pang pangunahing wikain ng Pilipinas ay Bikol,Ilokano,Hiligaynon,


Pampanggo, Pangasinan, Cebuano, at Waray (Samar-Leyte). Malimit ding tawagin ang
mga ito na wikang rehiyonal.

Ang talahanayan sa ibaba ay nagpapakita ng gamit ng opisyal na wika, wikang


panturo, at wikang pambansa at maging ang itinakdang mga batas.

6
Ilapat Natin
Matapos nating matalakay ang mga konseptong pangwika ,subukan natin ang
iyong natutuhan sa araling ito. Panuto: Punan ng angkop na sagot ang patlang sa loob
ng bawat kahon.
.

Ang kilala ko na bilingguwal ay

_________________
Ang aking unang wika

_________________
Ang kilala ko na

multilingguwal ay

_________________
Ang pangalawang wika ay
__________________
Ang mga diyalektong

ginagamit sa aming tahanan

_________________

Ang mga katangian ng wika na aking natuklasan ay


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Suriin Natin
Magagamit ko ito upang
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Suriin Natin

Ang ating kapaligiran ay may malaking gampanin sa mga konseptong ating


natutuhan tungkol sa wika. Sa tulong na mga kasama natin sa ating tahanan. Pumili ng
bagay na maaring sumimbolo sa mga konseptong pangwikang tinalakay sa araling ito.
Ipaliwanag din kung bakit ito ang napiling simbolo.

7
Konseptong Pangwika Simbolismo Paliwanag tungkol sa Kahalagagahn ng
napiling simbolo Konseptong
Pangwika para sa iyo

Wika

Unang Wika

Pangalawang Wika

Bilinggwalismo

Multilnggwalismo

Binabati kita! Ngayong natapos mo na ang mga gawain sa modyul na ito.


Inaasahan kong handa ka nang pag-aralan ang susunod na modyul.
Maligayang paglalakbay!!!

8
Sangay ng mga Pampaaralang Lungsod ng Paranaque
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

UNA AT IKALAWANG LINGGO

KWARTER 1

ANG WIKA AY YAMAN NG ISANG TAO

Panuto: Mula sa bahaging ito, sasagutan at ibabalik sa paaaralan sa itinakdang petsa

Tayain Natin
Halina’t tasahin natin ang ating natutunan tungkol sa konseptong pangwika.
PAGSASANAY 1

Panuto: Isulat letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa masistemang balangkas ng tunog na isinaayos sa paraang


arbitraryo ?
A. Bayan B. Lingwistika C.Wika D. Gramatika
2. Tumutukoy sa wikang natutuhan ng isang tao matapos matuto ng kaniyang unang
wika?
A. Mother Tongue C. Pangalawang Wika
B. Wikang Banyaga D. Wikang Panlipunan
3. Tinatawag nilang “wikang sinuso sa ina” o “inang wika”?
A. MTB B. Unang Wika C. Wikang Pansarili D. Pangalawang Wika
4. Ano ang tawag sa taong may kakayahang gumamit at magsalita ng dalawang
wika?
A. Bilingguwal B. Multilingguwal C. MTB D. Lingua Franca
5. Si Dr. Jose P. Rizal ay may alam na dalawampu’t dalawang wika, dahil siya ay may
kakayahang magsalita ng mga ito siya ay tinatawag na ____.
A. Makabayan B. Multilingguwal C. Mahusay D. Bilingguwal

PAGSASANAY 2

Panuto: Isulat ang sumussunod na tamang letra sa sagutang papel batay sa


diskripsyon

9
A. Tama ang unang pahayag at mali ang ikalawa
B. Mali ang unang pahayag at tama ang ikalawang pahayag
C. Parehong tama ang una at ikalawang pahayag
D. Parehong mali ang una at ikalawang pahayag

1. A – Ang wika ay masistemang balangkas ng mga salita hindi na kailangang isaayos

B. – Ang wika ay midyum sa pakikipagtalastasan pasulat man o pasalita

2. A – Ang Homogenous ay katangian ng wika nagtataglay ng mga pagkakatulad.

B – Ang Heterogenous ay kalikasan ng wika ay tumutukoy sa pagkakahawig ng wika.

3. A- Ang panahon ay patuloy na nagbabago kaya ang pamumuhay ng tao ay


nagbabago dahil dito ang wika ay nagbago kaya ito ay tinatawag na dinamiko o
buhay
B- Malikhain ay isang katangian taglay ng wika kaya ito ay makabubuo ng salita ,
parirala, sugnay at pangungusap.

4. A- Ang Pangalawang wika ay natutuhang gamitin ng isang tao magmula sa kaniyang


pagkabata o sinusong wika sa ina

B- Ang Unang wika ay natutuhan pagkatapos ng iba pang wika sa kapaligiran.

5. A- Tinatalakay sa konseptong pangwika ang lingguwistika at gramatika ng isang


paksa

B- Ang konseptong pangwika ay tumutukoy sa wika at mga katangian ng wika.

PAGSASANAY 3

Paanuto: Isulat ang sagutang papel ang salitang TAMA kung tama ang salitang may
salungguhit at isulat naman ang tamang salita kung mali ang bahagi ng
pangungusap na may salungguhit.

1. Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Tagalog na ibinatay sa Cebuano.


2. Ibinatay sa Artikulo IV Seksyon 5 ng 1887 konstitusyon ang wikang
pambansa ng Pilipinas.
3. Ang Tsabakano ang kasama sa pitong pangunahing wikain sa Pilipinas.
4. Ang wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at Ingles.
5. Ang Pilipinas ay nagtataglay ng maraming wikain kaya mayabong ang ating
kultura.

10
Likhain Natin

Panuto: Batay sa natalakay ng mga konseptong pangwika bumuo ng isang maikling tula
na naglalaman ng mensahe kung paano natin magagamit at mapapahalagahan ang
sariling wika sa midya tulad ng radyo , social media o sa telibisyon. Ang tula ay may
tatlong saknong na may apat na taludtod at malaya.

Isa kang mahusay na na makatang blogger . Naimbitahan ka na magapahayag ng isang

tula sa SunValley National High School upang magbigay ng mensahe kung paano

mapapahalagahan at magagamit ang ating sariling wika ang Wikang Filipino sa iba’t

ibang midya. Ito ay isang hakabang mo upang mahikayat ang mga kabataan na gamitin

ang ating sariling wika.

Pamantayan sa Pagbuo ng Tula

Gumamit ng simbolismo / pahiwatig 2puntos

Kaugnayan sa paksa 3 puntos

Mensahe 3 puntos

Orihinalidad 2 puntos

Kabuoan 10 puntos

11

You might also like