Aralin 1. Intro Sa Pag-Aaral NG Wika

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

YUNIT 1: SAMU’T SARING KABATIRAN SA WIKA

Pangkalahatang Ideya:

Sa Modyul 1 natin matutunghayan ang iba’t ibang kabatirang pangwika. Inaasahan

nating ang mga aralin sa modyul na ito ay tutugon sa mga pangangailangan ng mga
mag-aaral na maintindihan ang katuturan at kahalagahan ng wika. Inaasahang
pagkatapos ng Modyul na ito, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas ng pag-unawa
at pagpapahalaga sa teorya na pinagmulan ng wika sa tulong ng teknolohiya at mga
estratehiya na gagabay sa mga mag-aaral sa higit na malalim at kapakipakinabang na
pagkatuto.

Mga Paksa:
1.Kahulugan ng wika

2. Tungkulin ng wika

3.Katangian ng wika

4.Kahalagahan ng wika

5. Teoryang Pangwika

a. Pinagmulan ng Wika

6.Uri ng Varayti at Varaysyon ng Wika

Pangkalahatang Layunin:
1. Natatalakay ang iba’t ibang kabatirang pangwika
2. Natutukoy ang katuturan at kahalagahan ng wika.
3. Nabibigyang paliwanag ang baryasyon ng wika.
ARALIN 1: KAHULUGAN NG WIKA

I. Inaasahang
Pagkatuto:

Sa katapusan ng aralin na ito kayo ay inaasahang:

A. Natutukoy ang kahalagahan ng wika.
B. Natatalakay ang kahalagahan ng wika.
C. Nakapagbibigay ng sariling katuturan ng wika.

II. Panimulang Gawain( ACTIVATE)

SIMULAN NATIN

Konseptong Mapa

a. Kompletuhin ang concept map ng mga salitang maaaring iugnay sa wika.

kultura

WIKA
III. Pagtatamo (Acquire)

TALAKAYIN NATIN

WIKA
Ano nga ba ang kahalagahang naidudulot ng wika sa buhay ng tao? Ang bawat
nilikha ay naghahangad na magkaroon ng kahusayan sa wika.
Isa sa mga pinakadakilang biyayang ipinagkaloob ng Diyos sa tao ay ang
wika.Ang wika ay umuunlad at patuloy na nagbabago. Kailanman ito’y hindi static.
Nang dahil sa wika ay naitala at nailarawan ng mga unang tao ang kanilang mga
karanasan noong unang panahon. Sa pamamagitan ng wika ay nasasalamin ng tao ang
uri ng pamumuhay ng ninunong pinagmulan ng mga mamamayan ng isang bansa
(Marquez, et al., 2010).

Iba’t ibang Pakahulugan sa Wika

Ayon kay Edward Sapir, ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng
paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at
Monolinggwal- kung isang
mithiin . Ibig sabihin, ang wika ay tao lamang ang
makagagawa wika lang naman ang alam
ng isang tao.
Lachica (1993) matatagpuan sa wika ang mga
Bilinggwal- ang taong
tanda o simbolo na nagkakaroon ng kahulugan
ayon sa mga gumagamit nito. Ang mga simbolo o marunong magsalita ng
tanda ay maaring salita, bilang, drowing larawan o dalawang wika.Halimbawa
anumang hugis na kumakatawan sa konsepto,
nito ay ang taong marunong
ideya o bagay.
magsalita ng Filipino at
Caroll (1964) ay nagpahayag na ang wika ay Ingles.
isang sistema ng mga sagisag na binubuo at Polyglot- kung ang isang
tinatanggap ng lipunan.
tao ay nakapagsasalita ng
Todd (1987)-set o kabuuan ng mga sagisag na higit sa dalawang wika tulad
ginagamit sa komunikasyon. Ang wikang ni Dr. Jose Rizal.
ginagamit ng tao ay hindi lamang binibigkas na tunog kungdi ito’y sinusulat din.
Ang mga tunog at sagisag na ito ay arbitrary at sistematiko.

Ayon naman kay Bram, ang wika ay nakabalangkas na sistema ng mga

arbitraryong simbolo at tunog na binibigkas at sa pamamagitan nito’y
nagkakaroon ng interaksyon ang isang pangkat ng tao.

Ang wika ang pangunahin at pinakatiyak na anyo ng simbolikong gawaing

pantao ayon kay Archibald Hill.

Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang

tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga
taong kabahagi at kasama sa isang kultura.

KATANGIAN NG WIKA
1. May masistemang balangkas
2. Ang Wika ay Sinasalitang Tunog
3. Ito ay Arbitraryo
4. Nakabatay ito sa Kultura
5. Ang Wika ay dinamiko- namamatay, nabubuhay
6. Ito ay Midyum sa Komunikasyon
7. Ito ay Makapangyarihan
8. May Pulitika ang Wika
9. Walang Wikang Superior

1. May Masistemang Balangkas

 May sinusunod na tuntuning gramatikal
 Pagsasama-sama ng tunog
 Nakalikha ng mga panlapi
 Salitang-ugat
 Maging ganap na salita

2.Ang wika ay sinasalitang tunog

 Lahat ba ng tunog ay wika?
 Kailangan ng aparato sa pagsasalita
 Tanging tao ang nakalikha ng tunog na sa kalaunan ay nabubuong ganap bilang
wika
 Ito ang pinagkaiba ng tao sa iba pang nilalang

3. Ito ay Arbitraryo
 Nakasanayan sa text messaging ang mga baybay na “d2 na me at san n u?”.
 Napagkasunduan ng tao.

Halimbawa:
Ang salitang rice sa Ingles, ay arroz sa Kastila, bugas sa Bisaya, bigas sa
Tagalog at abyas sa Kapampangan.

4. Nakabatay ito sa Kultura

 Batay sa aklat nina Alcaraz, et al. (2005), ayon kay Salazar (1996), gumaganap
ang wika bilang tsanel/ daluyan, tagapahayag, impukan at imbakan ng kultura.
 Naging bahagi ng wikang Pilipino ang mga katawagang ate- a-relasyon (ci)-older
sister, kuya, ditse- pangalawang kapatid na babae, sanse- ikatlo (sa means
third), atbp.
 Maraming itinutumbas ang mga pinoy sa rice ng mga kano. May palay, bigas at
kanin, binhi, punla, malagkit, sinuman, nilugaw atbp.

5. Ang Wika ay dinamiko- namamatay, nabubuhay

 Ipinanganak ang katawagan at barayti ng wika na maituturing na buhay na buhay
na minsan naman ay namamatay kapag walang tumatangkilik.
 Lumang salita: lelong- matandang lalaki, salipawpaw- eroplano.
 Ilan pang halimbawa ay ang mga katawagang 50-50, mag 5-6, nag 1, 2, 3, KSP,
KKB (De Vera, Astorga , et al).

6. Ito ay Midyum sa Komunikasyon

 Sinasabi nina Alcaraz, et al. (2005) ayon kay Otanes (1990), na ang wika ay
kasangkapan sa pakikipagtalastasan.
 Swanson (1976), ang gampanin ng wika sa naturang gawain ay sa paghahatid,
pagtanggap, at komprehensyon ng kabuuan ng mensahe o teksto.
 Kailangang patuloy itong ginagamit upang mapanatili itong masigla at buhay.
 Nagagamit ang wika sa komunikasyong berbal- pagsasalita at pagsusulat.
 Nakapagsasalita at nakasusulat ang mga tao gamit ang kanyang wika.

7. Ito ay Makapangyarihan
 Kapag nakapaghahatid at nakapagpapalabas ng ibat ibang emosyon, positibo
man o negatibo.
 Napapagalaw nito ang isip, napasisigaw nito ang puso at napasusunod nito ang
tao.
8. May Pulitika ang Wika
 Tinukoy ni Almario (1997) ang pulitika sa wika sa mga sitwasyong dinanas ng
wikang pambansa upang kilalanin at isulong bilang komon na wika (isyu sa
pagitan ng mga puristang Tagalog) o higit na makiling sa tagalog, hindi tagalog
( maaaring buhat sa ibang mga wikain sa Pilipinas/ kasama ang mga kiling sa
Ingles at Espanyol.
 May tagisan ng kapangyarihan kung wika ang pag-uusapan.
9. Walang Wikang Superyor
 Ingles, susi ng kapangyarihan. Malaking kamalian ang ganoon.Ayon sa Kartilya
ng Wikang Filipino bilang Wika ng Edukasyon (2004), ang anumang wika ay
imbakan ng karunungan at ang Ingles ay isa lamang sa mga iyon.
 “Language Matters”- Bawat wika ay mahalaga (De Vera, et al., 2010)
 Walang nakatataas at wala ring dapat na ituring na napakababa.

Iba Pang Katangian ng Wika

1. Dinamiko ang wika
2. May lebel o antas
3. Ang wika ay komunikasyon
4. Ang wika ay kaugnay ng kultura
5. Ang wika ay gamit sa lahat ng uri ng disiplina o propesyon

1. Dinamiko ang Wika

Dapat ay nagbabago ito kasabay ng pagbabagong nagaganap sa daigdig

2. May Lebel o Antas

Ang wika ay maaaring pormal o di- pormal

3. Ang Wika ay Komunikasyon

Sinasalita ang tunay na wika. Dapat nating tandaan na ang wikang pasulat ay
paglalarawan lamang ng wikang sinasalita. Samakatuwid, mahalagang gamitin ang
wika sa pakikipagtalastasan.

4. Ang Wika ay Kaugnay ng Kultura

Ang iba’t ibang larangan ng sining, paniniwala, kaugalian, karunungan at
kinagawian ang siyang bumubuo sa kultura. Ang mga taong kabahagi ng isang kultura
ay lumilinang ng isang wikang naaangkop sa kanilang mga pangangailangan sa buhay.
5. Ang Wika ay Gamit sa Lahat ng Uri ng Disiplina o Propesyon
May isang partikular na wikang ginagamit sa bawat disiplina o propesyon. Ito ang
nagpapalawak sa gamit ng wika upang maging mabisang instrumento sa pagsulong ng
isang lahi.

Pitong (7) Tungkulin ng Wika

Ayon kay Halliday (1973) na inilahad niya saExplorations in the Functions of
Language (1973).
Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa
pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo ang komunikasyon.Ang araling
pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya kung saan pinag-aaralan ang
pakikipagtalastasan.

1. Pang-instrumental
Tungkulin ng wika na matugunan ang mga pangangailangan ng tao gaya ng
pakikipag-usap sa iba lalo na kung may mga katanungan na kailangan sagutin.
Halimbawa:
 Pasalita:pag-uutos
 Pasulat:liham pang-aplay
2. Panregulatori
Tumutukoy sa pagkontrol ng ugali o asal ng ibang tao. Saklaw ng tungkuling ito
ang pagbibigay ng direksyon gaya ng pagtuturo kung saan matatagpuan ang isang
partikular na lugar, direksyon sa pag-inom ng gamot, direksyon sa pagsagot ng
pagsusulit at direksyon sa paggawa ng anumang bagay.
Halimbawa:
 Pasalita:pagbibigay ng direksyon
 Pasulat:panuto

3. Pang-interaksyon
Ang tungkuling ito ay makikita sa paraan ng pakikipagtalakayan ng tao sa
kanyang kapwa, pakikipagbiruan, pakikipagtalo tungkol sa isang partikular na isyu,
pagsasalaysay ng malungkot o masayang pangyayari sa isang kaibigan o
kapalagayang loob, paggawa ng liham pangkaibigan at iba pa.
Halimbawa:
 Pasalita:pangangamusta
 Pasulat:liham pang-kaibigan

4. Pampersonal
Naipapahayag sa tungkuling ito ang sariling pala-palagay o kuru-kuro sa
paksang pinag-uusapan. Kasamadito ang pagsulat ng talaarawan o journal. Dito
naipahahayag ang pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan.
Halimbawa:
 Pasalita:pormal o di-pormal na talakayan
 Pasulat:liham sa patnugot
5. Pang-imahinasyon
Tumutukoy ito sa malikhaing guni-guni ng isang tao sa paraang pasulat o
pasalita. Karaniwang mababasa ang imahinasyong nilikha ng isang tao sa mga akdang
pampanitikan gaya ng tula, maikling kwento, dula, nobela at sanaysay.
Halimbawa:
 Pasalita:malikhaing pagsasabuhay/pamamaraan
 Pasulat:mga akdang pampanitikan

6. Pangheuristiko
Tumutukoy sa pagkuha o paghanap ng impormasyon na may kinalaman sa paksang
pinag-aaralan.
Halimbawa:
 Pag-iinterbyu sa mga taong makasasagot sa mga tanong na kailangan sa
paksang pinag-aaralan, pakikinig sa radyo, panonood sa telebisyon, pagbabasa
ng pahayagan at mga aklat..
 Pasalita:pagtatanong
 Pasulat:survey

7. Pang-impormatibo
-ito naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraan pasulat at
pasalita. Kabilang sa bahaging ito ang ulat, pamanahong papel, tesis, panayam at
pagtuturo.
Halimbawa:
 Pasalita:pag-uulat
 Pasulat:balita sa pahayagan

Iba Pang Tungkulin ng Wika

 Sa pamamagitan ng wika ang tao ay makabuluhang makapamuhay sa lipunan.

 Nakikilala ang tao sa wikang kanyang sinasalita dahil ang wika ay bahagi ng
pagkatao.
 Ang wika ay kasangkapan sa pakikipag-ugnyang pandaigdig.
 Sa wika, inilalahad at ipinakikilala ng pangkat ang sariling identidad na nagiging
daan ng pagkakaisa, katatagan, pagpapahalaga at pagmamalasakit ng bawat
kasapi ng pangkat o grupo na kinaaniban nito.

Iba’t Ibang Gamit ng Wika

Batay sa pag-aaral ni Jacobson (2003),may anim na paraan ng paggamit ng
wika.
1. Pagpapahayag ng Damdamin(Emotive)- ginagamit ang wika upang palutangin
ang karakter ng nagsasalita.
Halimbawa: Mayaman dapat ang mapangasawa mo para mahango tayo sa hirap.
2. Panghihikayat(Conative)- ginagamit ang wika upang mag-utos, manghikayat o
magpakilos ng taong kinakausap.
Halimbawa: Magkaisa tayong lahat upang maging ganap ang katahimikang ating
ninanais.

3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan(Phatic)- ginagamit ang wika bilang

panimula ng isang usapan o pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Halimbawa: Una sa lahat, ikinagagalak kong makasama ka sa aming mga krusada.

4. Paggamit bilang Sanggunian(Referential)- ginagamit ang wikang nagmula sa

aklat at iba pang babasahin bilang sanggunian o batayan ng pinagmulan ng
kaalaman.
Halimbawa: Ayon kay Dor Gabor, sa kanyang aklat na Speaking Your Mind in 101
Difficult Situation, may anim na paraan kung paano magkakaroon ng maayos na
pakikipagtalastasan.

5. Pagbibigay ng kuro-kuro(Metalingwal)- ginagamit ang wika sa pamamagitan ng

pagbibigay ng komentaryo sa isang kodigo o batas.
Halimbawa: Itinadhana nang walang pasubali sa Batas ng Komonwelt Blg. 184 ang
pagkakatatag ng surian ng Wikang Pambansa na ngayon ay Komisyon ng Wikang
Filipino. Kung gayon ano na ang nagawa ng komisyon kaugnay sa
pagpapalaganap at pagpapaunlad ng wikang Filipino?
6. Patalinhaga(Poetic)- ginagamit ang wika sa masining na paraan ng
pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay, at iba pa.
Halimbawa: Isa-isa mang mawala ang mga bituin sa langit, hindi pa rin niya maikakaila
na nananalaytay sa kangyang mga ugat ang dugong maghasik ng lagim sa puso ng
bawat Pilipino noong panahon ng digmaan. (panimula ng isang sanaysay).

IV. Paglalapat (Apply):

SUBUKIN MO
Sagutin o gawin ang hiniingi ng mga sumusunod:
1. Ano ang wika? Ibigay ang katuturan ng wika batay sa pagpapakahulugan ng
mga sumusunod na eksperto o dalubhasa. Ipahayag sa sariling pangungusap.

a. Carol -
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_______________________
___________________________________________________________
b. Alcantara-
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_______________________

c. Todd-

________________________________________________
2. Anu-ano ang mga tungkulin ng wika ayon sa pagsusuring ginawa ni Gordon
Wells? Ipaliwanag ang bawat isa.
________________________________________________________________

________________________

V. Pagbigay Halaga (Assess):

PALAWAKIN NATIN

Sagutin ang sumusunod na katanungan.

a.Ano nga ba ang kahalagahan naidudulot ng wika sa buhay ng tao?

______________________________________________________________________

__________________________________________________________________

You might also like