Pagbasa 2

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

Ang Pala ni Tata Pito

Ang pala ay panghukay


ng lupa. Iba-iba ang laki
ng pala. Si Tata Pito ay
may mga pala. Pito ang
kanyang pala.
1. Sino ang may pala?

2. Ilan ang pala ni Tata Pito?

3. Saan ginagamit ang pala?


Ang Mapa
Ang mapa ay mahalaga.
Makikita sa mapa ang lahat ng
lugar sa Pilipinas. Nakatira sa
Pilipinas ang mga Pilipino. Ang
mapa ay mahalaga sa mga bansa.
Dito sila makikilala.
1. Ano ang ibig sabihin ng mapa?

2. Ano ang makikita sa mapa?


3. Saan nakatira ang mga
Pilipino ?
4. Bakit mahalaga ang mapa?
Ang mga Pito
Itatago ni Mila ang mga
pito. Lima ang pito. Ito ay sa
ama ni Mila. Pulis ang ama
niya. Mahalaga sa pulis ang
pito.
1. Sino ang nagtatago ng pito?
2. Kanino ang mga pito?
3. Ilan ang pito ng ama ni Mila?

4. Ano ang tawag sa ama ni MIla ?

5. Bakit mahalaga sa pulis ang


pito?
Ang Upo
Si Ama ay may upo.
Malaki ang upo ni Ama.
Niluluto ito ni Ina. Malasa
ang upo na luto ni Ina.
1.Sino ang may upo?
2. Ano ang meron si Ama?
3. Ano ang hitsura ng upo ni Ama?

4. Ano ang ginagawa ni Ina sa


upo?
5. Ano ang lasa ng upo na luto ni
Ina?
Ang Suso sa Sapa
Maraming suso sa sapa. Si Ama
ay na nguha ng mga suso sa sapa.
Iluluto ni Ina ang mga suso.
Malasa ang mga suso na luto ni
Ina. Masarap na ulam ang suso.
1.Ano ang kinuha sa sapa?
2. Sino ang nanguha ng suso?
3. Ano ang gagawin sa suso?
4. Sino ang nagluto ng suso?
5. Ano ang lasa ng nilutong mga
suso?
Mga Puso sa Laso
May maliliit na puso sa laso.
Pito ang puso sa bawat laso.
Itatali ang laso sa kahon ng
regalo. Ang regalo ay para
kay Oscar. Bigay ito ni Pilar.
1.Ano ang nasa laso?
2. Ilan ang bilang ng puso ?
3. Saan ilalagay ang laso na may
puso?
4. Para kanino ang regalo?
5. Sino ang nagbigay ng regalo?
Ang Pusa ni Pilar
Si Pilar ay may pusa. Ang pusa ni
Pilar ay puti. Ang pusa ni Pilar ay nasa
sapa. May laso sa leeg ang pusa ni Pilar.
Ang laso sa leeg ng pusa ay pula. Ang
pusa ay si Ming-ming. Katabi sa kama
ni Pilar si Ming-ming. Mahal nito ang
pusa.
1.Kanino ang pusa?
2. Ano ang kulay ng pusa ?
3. Ano ang nasa leeg nito?
4. Ano ang kulay ng laso?
5. Ano ang pangalan nito?
6. Sino ang katabi ng pusa sa
kama?
Ang Nota
Si Nena ay nag-aaral bumasa ng
nota. Nais niyang matutong
kumanta. May musika na itinuturo
sa paaralan. Magaling ang guro
nila sa pagbasa ng nota. Iba-iba
ang nota sa musika.
1.Ano ang pamagat ng binasa?
2.Sino ang nag-aaral ng nota ?
3. Ano ang itinuturo sa paaralan?

4. Saan magaling ang guro?


5. Bakit nais matutong bumasa ng
nota ni Nena?
Ang Mani
May nilagang mani sa tasa.
Ang mani sa tasa ay kay
Mimi. Niluto ito ng ina niya.
Matamis ang lasa ng mani.
Masarap ang nialgang mani.
1.Ano ang nasa tasa?
2.Kanino ang mani sa tasa ?
3. Sino ang nagluto ng mani?
4. Ano ang ginawa ng ina sa mani?

5. Ano ang lasa ng mani?


Ang Manika ni Ana
Si Ana ay may manika. Ang
manika ni Ana ay nasa kama. Ang
pangalan ng manika ni Ana ay
Nila. Ang manika ni Ana ay
Malaki. Itinatago ni Ana sa kahon
ang manika.
1.Sino ang may manika?
2.Nasaan ang manika ?
3.Ano ang pangalan nito?
4.Ano ang hitsura ng manika?
5.Paano mo ingatan ang iyong
laruan?

You might also like