Grade 7 Lesson

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 29

MAGANDANG HAPON

IKAPITONG BAITANG!!!
Sino sino sa inyo ang naka-
pamasyal na sa simbahan
ng Quiapo?

Ano- ano ang maaaring Maaari ka bang mag-


makita sa simbahan ng bahagi ng iyong naging
Quiapo? karanasan sa pagbisita
dito?
PNG FILE

"Ang Mabangis
na Lungsod"

" Ang Bagong


Paraiso"
"MABANGIS NA
LUNGSOD"
( Maikling Kwento )

ni:
Efren Abueg
Ano ang Maikling
Kwento?

Ang maikling kwento ay isang masining na anyo ng


panitikan na naglalaman ng isang maiksing
salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari
na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag-iiwan
ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mam-
babasa.
Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguri-
ang Ama ng Maikling Kuwento ay isang
akdang pampanitikang likha ng guniguni
at bungang – isip na hango sa isang tu-
nay na pangyayari sa buhay. • Ito ay
nababasa sa isang tagpuan, naka-
pupukaw ng damdamin, at mabisang
nakapagkikintal ng diwa o damdaming
may kaisahan.
Panuto: Hanapin sa kahon ang mga kasingkahulugan ng mga
salitang nakasalungguhit.
1. Waring umuuntag sa kaniya na gumawa ng isang marahas
na bagay.
2. Dali – daling inilagay niya ang mga barya sa kaniyang
lukbutan.
3. Pumulas siya ng takbo.
4. Sumandal siya sa poste ng ilaw-dagitab.
5. Niluluray niya ang munting lakas na nagkakaroon ng ka-
pangyarihang maghimagsik.
Kumaripas Kumikinang na ilaw
Inuubos Nagpapaalala
Supot
Pagkilala sa may Akda
Siya ay isang nobelista, kuwentista, man-
anaysay, at krititiko ng kaniyang panahon.
Sumulat at nag edit ng maraming mga
sangguniang.aklat si Abueg.at ginagamit
hanggang sa kasaluyukan sa kapwa pribado
at publikong paaralan, mula sa elementarya,
sekundarya hanggang sa kolehiyo
Bukod dito, malimit ilahok ang kaniyang
mga kuwento sa mga teksbuk na sinulat ng
ibang awtor. At isa sa mga akdang Efren
kanyang mga naisulat ay ang Mabangis na Abueg
Lungsod.
GABAY NA TANONG:

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kukwento?


2. Ano ang mayroon na katangian sina Adong, Aling Ebeng at
Bruno?
3. Ano ang kaugnayan ni Bruno at Adong sa iba pang mga pulubi sa
Quiapo?
4. Bakit labis na nagrerebelde ang kalooban ni Adong sa kaniya?
5. Sa inyong palagay, ano ang nangyari kay Adong matapos siyang
saktan ni Bruno?
6. Kung kayo ang bibigyan ng pagkakataon na wakasan ang
kuwento, ano ang nais niyong wakas
7. Ano ang mensahe na nais maipabatid ng kuwento?
Mabangis na Lungsod ni Efren Abueg

Maagang-maaga gumigising si Adong upang mag-


tungo sa tapat ng Simbahan ng Quiapo at siya ay namalimos up-
ang magkaroon ng pagkain na ipantatawid niya sa gutom na
kaniyang nararamdaman. Habang nagdaraan sa kaniyang harap
ang mga taong malamig, walang awa, walang pakiramdam,
nakadama siya ng kung anong bagay parang apoy sa kaniyang
kalooban.
Lingid sa kaniyang kaalaman kung bakit gayon ang nararamdaman
niya matapos mapawi ang kaniyang gutom at pangamba. Kung ilang
araw na niyang nadarama iyon, at hanggang sa ngayon ay naroroon
pa’t waring umuuntag sa kaniya na gumawa ng isang marahas na
bagay. Ilang barya ang nalaglag sa kaniyang palad, hindi inilagay
kung inilaglag, sapagkat ang mga palad na nagbibigay ay nandidiring
mapadikit
sa marurusing na palad.
Dali -daling inilagay ni Adong ang mga barya sa kaniyang lukbutan.
Ilan pang barya ang nalaglag sa kaniyang palad. At sa Kaabalahan
niya’y hindi napansing kakaunti na ang mga taong lumalabas mula sa
simbahan. Nakita na naman ni Adong ang mga mukhang malamig,
mga kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang bahala, ang mga
hakbang ng nagmamadaling pag iwas. “ Adong… ayun na si Bruno”
narinig niyang wika ni Aling Ebeng. Tinanaw ni Adong ang ininguso sa
kaniya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang malapad na katawan, ang
namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot na
gora.
Dinama niya ang mga barya roon. Malamig. At ang lamig na iyon
ay waring dugong biglang umagos sa kaniyang mga ugat. Ngunit
ang lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na
nararamdaman niya kanina pa ay mamamatay. Mahigpit niyang
kinulong sa kaniyang palad ang mga baryang napaglimusan. “
Diyan na kayo, Aling Ebeng… Sabihin niyo kay Bruno na wala
ako!” Mabilis niyang sinabi sa matanda.” Ano? Naluluko ka na
Nakita ka ni Bruno! “ Narinig man ni Adong ang sinabi ng
matanda, nagpatuloy parin sa paglalakad, sa simula’y marahan
ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahan ay
pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na
mabagal sa pagtakbo. Sumiksik siya sa mga taong salu-salubong
sa paglalakad. At akala niya’y nawala na siya sa loob ng sinuot
niyang mumunting iskinita. Sumandal siya sa poste ng ilaw-
dagitab.
Dinama niya ang tigas niyon sa pamamagitan ng kaniyang
likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig ang
tagumpay ng isang musmos na paghihimagsik ng paglayo kay
Bruno, ng paglayo sa Quiapo, ng paglayo sa gutom, sa
malalamig na mukha, sa makatunghay na simbahan, sa ka-
bangisang sa mula’t pa’y nakilala niya at kinasusuklaman.
Muling dinama niya ang mga barya sa kaniyang bulsa. At iyon
ay matagal din niyang ipinakalansing. “Adong!” Sinundan iyon
ng papalapit na mga yabag. Napahindik si Adong. Ang basag
na tinig ay naghatid sa kaniya ng lagin. Ibig niyang tumakbo.
Ibig niyang ipagpatuloy ang kaniyang paglayo. Ngunit ang mga
kamay ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kaniyang
bisig, niluluray ang munting lakas na nagkakaroon ng kapang-
yarihang maghimagsik laban sa gutom, sa pangamba at ka-
bangisan.
Bitawan mo ako! Bitawan mo ako!” Naisigaw na lamang ni
Adong. Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na
tinig. Naramdaman na lamang niya ang malupit na palad ni
Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali,
hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang
biglang kumandong sa kaniya.
MGA KATANUNGAN:

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?


2. Ano ang mayroon na katangian sina Adong, Aling Ebeng at Bruno?
3. Ano ang kaugnayan ni Bruno at Adong sa iba pang mga pulubi sa
Quiapo?
4. Bakit labis na nagrerebelde ang kalooban ni Adong sa kaniya?
5. Sa inyong palagay, ano ang nangyari kay Adong matapos siyang
saktan ni Bruno?
6. Kung kayo ang bibigyan ng pagkakataon na wakasan ang kuwento,
ano ang nais niyong wakas
7. Ano ang mensahe na nais maipabatid ng kuwento?
Panuto: Punan ng angkop na salitang ginagamit sa pagsusunod
sunod ng pangyayari upang mabuo ang diwa ng pagsasalaysay.
Piliin ang tamang sagot. Salamat, Hindi nagtagal, Isang araw, Maya
Maya pa'y, Agad

________ sumakay ng kaniyang motorsiklo si Rodrigo papunta sa


kaniyang trabaho _________ bumangga ang kaniyang mutor sa isang
puno kaya't bumagsak siya at nawalan ng malay ________ ay dumaan
ang isang taong staff pala ng baranggay na naka off duty _________
siyang dinala ng taong ito sa pagamutan kahit pa hindi naman siya ki-
lala nito ___________ sa isang nagmamalasakit na estranghero. Utang
niya ang buhay sa makabagong mabuting samaritano.
Mga Pang ugnay sa
pagsasalaysay at pag-
susunod sunod ng mga
pangyayari ( isang araw,
samantala, at iba pa)
Pagsunod-sunod ng mga Hakbang o Panuto
- Gumagamit ng mga salitang una, ikalawa, at huli para
masundan ng mambabasa ang mga hakbang na inilalahad.

Pagsasalaysay
- gagamitin ng mga salitang nagpapakita ng pagkakasunod
-sunod ng mga pangyayari sa kuwento. Tulad ng mga sali-
tang Isang araw, samantala, maya-maya, hindi nagtagal,
agad, salamat, sa wakas at iba pa.
Sa kabuuang pangyayari,
Bakit kaya Mabangis na
Lungsod ang ibinigay na
pamagat ng may akda?
PANGKATANG
GAWAIN
Pangkat 1 - ipapakita ang mga katangian ng mga
tauhan sa pamamagitan ng tableau.

Pangkat 2 - Mula sa kuwento gumuhit ng mga kara-


patang ipinagkait kay Adong.

Pangkat 3 - Sa pamamagitan ng Skit pagsunod-


sunurin ang mga mahahalagang pangyayari sa
kuwento.

Pangkat 4- Bumuo ng isang Concept Web at itala


ang ibat- ibang karapatang pambata.
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA:

May kaugnayan ang presentasyon


10 puntos
sa paksang tinalakay

Pagkakaisa ng bawat kasapi 5 puntos

Nakapupukaw ng atensyon at
5 puntos
damdamin

Nilalaman 10 puntos

KABUUAN 30 puntos
 Paano matutulungan ng pamahalaan ang mga pulubi?
Kung ikaw ang nasa sitwasyon ng pangunahing
tauhan, ano ang iyong gagawin? Gagawin mo rin ba
ang ginawa ni Adong?

 Bilang isang kabataan, ano ang maaari ninyong


gawin para tulungan ang mga batang gaya ni
Adong?
 Paano matutulungan ng pamahalaan ang mga pu-
lubi?
Panuto: Batay sa kuwento ng "Mabangis na Lungsod "
Punan ng mga salita ang mga patlang upang mabuo ang
mga pangungusap.

 
Tagpuan Tauhan
Naganap ang kuwento Si _________ ang pangunahing
sa ________ tauhan. Siya ay __________
noong__________ Sa palagay ko si _________
Ipinahihiwatig ito ng ang may katangiang
mga _________at__________ dahil
salitang__________. sa _________
    
Banghay
Nagsimula ang kuwento sa ________. Pagkatapos ________ .

Sinundan ito ng _________ .

Pagkatapos ay_________ . Nalutas ang problema nang


___________ .

Nagwakas ang kuwento nang _________.


Takdang Aralin:

Pag aralan sa inyong tahanan ang ating pak-


sang tinalakay sa araw na ito at maghanda sa
susunod nating pagkikita.
SALAMAT SA
PAKIKINIG!!!

You might also like