Mr. Ramoneda's LE For Demo-Teaching
Mr. Ramoneda's LE For Demo-Teaching
Mr. Ramoneda's LE For Demo-Teaching
II. NILALAMAN
A. Paksang Aralin
a. PanitiKan: Mga Reperensyang Panghalip: Anapora at Katapora
b. Gramatika/
Retorika:
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Filipino MELC, pah. 247;
Gabay ng Guro PIVOT 4A BUDGET OF WORK (BOW) IN FILIPINO pah. 89
b. Mga Pahina sa Filipino 10 - Modyul sa Unang Markahan para sa Mag-aaral, pah. 39
Kagamitang
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa
Teksbuk
d. Karagdagang
Kagamitan mula sa
Portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga https://www.youtube.com/results?search_query=15+minutes+countdown
Kagamitang Panturo +timer+with+sound+effect
para sa mga Gawain https://quizizz.com/admin/quiz/6168f2890714bc001e332e19/keyboard-warrior
sa Pagpapaunlad at https://quizizz.com/admin/quiz/616c9f4b86aa58001eb13016/tick-me
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
Paunang Pagtataya
“Keyboard Warrior”
Sa pamamagitan ng larong “Keyboard Warrior” gamit ang Quizizz Online App,
Ita-type ng mga mag-aaral ang angkop na panghalip upang punan ang bawat
pahayag.
Mga Pahayag:
1. Sina Jose Rizal at Andres Bonficio and mga bayaning Pilipino. ______ ay
mga dakilang Pilipino.
2. _____ ay isang dakilang lungsod. Ang Maynila ay may makulay na
kasaysayan.
3. Si Mina ay naglalakad sa kalye ngunit nadapa ________.
4. Patuloy __________ dinarayo ang Boracay dahil ang mga turista'y totoong
nagagandahan dito.
5. Si Lea Salonga ang sikat at kilala sa buong mundo sa larangan ng pagkanta.
Hinahangaan _______ ng lahat.
Pangganyak
“Pic at Panghalip”
- Bubuo ng dalawang pangungusap na paglalarawan ang mga mag-aaral,
tungkol sa litratong ipakikita ng guro, gamit ang isang Panghalip na
mapipili nila sa loob ng kahon.
Mga Larawan
A. Panimula
Mga Panghalip
- Siya - Dito/rito - Sila -Ito - Iyon - Kami - Ako
“RepresentaShape”
B. Pagpapaunlad - Bago talakayin ng guro ang paksang-araling Anapora at Katapora, bibigyan muna
ng katuturan ng mga mag-aaral ang Panghalip sa pamamagitan ng pagbuo sa
pahayag gamit ang mga geometrikong hugis na kumakatawan sa bawat letrang
bubuo rito.
H U M A L
I S G N P
Halimbawa ng Katapora
1. Tuwang-tuwa sila nang marinig sa balita na sisimulan na ang pagpapabakuna
sa mga menor de edad. Sa wakas kasi, makapapasyal na rin sina Jhay-jhay at
ang kaniyang mga kaibigan.
2. Maaga na siyang dumalaw sa puntod ng kaniyang yumaong lolo upang
makapaglinis. Ayon kay Mark, mainam nang agahan na niya dahil baka hindi
buksan ang mga sementeryo sa araw ng undas dahil sa umiiral pang virus.
3. Nagpunta pa rin sila sa Quiapo kahit na umuulan. Ayon kina Aling Marta at
kaniyang mga anak, hindi raw matitinag ang kanilang pananampalataya ng
kahit ano pa man.
Gabay na Tanong:
1. Sa mga nabasang halimbawang pahayag ano ang mas nauuna, ang Panghalip
na tumutukoy o ang Pangngalang tinutukoy?
2. Kung ang Panghalip ang nauuna kaysa sa Pangngalan, anong uri iyon ng
reperensyang Panghalip?
3. Kung ang Pangngalan ang nauuna kaysa sa Panghalip, anong uri iyon ng
reperensyang Panghalip?
4. Batay sa mga halimbawang pahayag, paano mo bibigyan ng kahulugan ang
Panghalip na Anapora at Katapora?
5. Magbigay ng halimbawang pahayag na may reperensyang Panghalip na
Anapora at Katapora.
Pangkatang Gawain
Bibigyan ang bawat pangkat ng 15 minuto para maghanda at 1 minuto naman upang
ipresenta ang kanilang gawa.
Pamantayan Marka
(5 – 1)
Mahusay na nakagagamit ng mga Reperensyang Panghalip na
Anapora at Katapora sa pagbibigay-turing sa Pangngalan
Mahusay na naipakikita ang kaisipan hinggil sa pagharap at di
pagsuko sa anumang hamon o pagsubok ng buhay
Mahusay na nailalahad ang nakaatang na gawain
Mahusay na nagkakaisa ang miyembro ng pangkat
Kabuuang Marka
Panapos na Pagtataya
“Tick Me”
Gamit ang “Tick Me Game” mula sa Quizizz Online App, tutukuyin ng mga mag-aaral
ang angkop na reperensyang Panghalip na siyang pupuno sa bawat pahayag.
Inaasahang Pagganap
Gawain:
Pamantayan Marka
(5 – 1)
Mahusay na nakagagamit ng mga Reperensyang Panghalip na
Anapora at Katapora sa pagbibigay-turing sa Pangngalan
Mahusay na naipakikita ang kaisipan hinggil sa pagharap at di
pagsuko sa anumang hamon o pagsubok ng buhay
Malikhain ang pagkakalahad ng buong kuwento sa pamamagitan
ng pagpili at paggamit sa mga salita
Komprehensibo ang daloy ng mga tagpo at mga bahagi ng
kuwento
Kabuuang Marka
Takdang Aralin