LUHA NG MAG KAKAPATID - Dula
LUHA NG MAG KAKAPATID - Dula
LUHA NG MAG KAKAPATID - Dula
MGA TAUHAN
Annaliza Bedia bilang Nanay Linet
Fatima Canon bilang Tiya Susan
Ivy Denosta bilang Mercedes
Irene Ramirez bilang Ning
Donna Mae Lagong bilang Tere/Judith
Rizalina Pequit bilang George
Shena Deilizo bilang Elena
Anna Marie Sayson bilang Maria
Rose Marie Sagayap bilang Rosa
Alona Marie Tecson bilang Katkat
Kizzy Soriano bilang Marisa
Unang Sinaryo
(sayaw: masayang pamilya)
Rosa: Nay! Tulungan na kita dyan
Nanay Linet : Sige anak salamat.
George : tere (hand shake) umuwi ka nanaman ng lasing
Tere : ha ? di ako lasing napa shot lang konti sa kanto ikaw nga umuwi kang tomboy
may narinig kaba sakin .
Nanay Linet : ang layo layo ko palang naririnig ko na mga boses nyo
George at Tere : (nag sisihin)
Tiya Susan : hay nako linet yang mga anak mo talaga ay may pinagmanahan , yung
isa Tibo yung isa lassinggera
Nanay Linet : sino naman ate ?
Tiya Susan : *bumusangot ang mukha * Edi sino paba edi yung tatay nilang nag
hanap ng ibang putahe kase nag sawa na adobong pechay mo
TAGAPAGSALAYSAY : Habang nag uusap ang magkapatid na sina Linet at susan
bigla naman lumapit si Ning .
Ning : Nay alis na po ako
Nanay Linet : sige anak ingat ka, siya nga pala baka naman may sobra ka dyan si
Aling Judith kase naniningil na kilala mo naman yun kung maningil
Ning : wala pa nay sa katapusan pa sahod ko , nasubukan mo na bang tumawag kay
Ate Clara baka naman pwede na sya mag padala kapos kase ako ngayon . sige nay alis
na ko
Maria : Nay bayaran napo ng tuition namin
Nanay Linet : ha ? kailan mo ba kailangan ?
Maria : sa lunes na po
Nanay Linet : *nag bugtong hininga* Sige gagawa ako paraan .
IKALAWANG SINARYO
TAGAPAG SALAYSAY: isang araw sa bahay nila Linet nag hahanda na ang
magkakapatid para sa kanilang pag pasok sa eskwelahan.
Elena : Gumising nakayo tanghali na Rosa, Maria,Tere
Maria: ano almusal ate ?
Elena: syempre yung pang mayaman nating ulam
Rosa: malunggay nanaman ?
Elena : naman!
Rosa/maria/elena : Dahil ang malunggay ay masustansya ,may bitamina at
nakakapag paganda.
Maria: Nasaan pala si nanay ate ?
Elena : nandon sa may poso pinapaligian si katkat.
TAGAPAG SALAYSAY : nang matapos maghanda ang magkakapatid para pumasok sa
paaralan napansin ni Elena na hindi gumagayak si Tere
Elena : oh tere ano pang hinihintay mo dyan bat di kapa gumagayak? Wala ka bang
pasok?
Tere: Ate umulan kagabi kaya napag isip isip ko na baka walang pasok kasi basa yung
chalk ng teacher ko.
Elena : hay nako puro ka kalokohan dyan bilisan mo na at pumasok ka at tsaka di
naman kayo nag chachalk white board marker gamit nyo.
Elena : nay ! tanghali na hindi kaba mag titinda ng gulay ngayon ? hinahanap kana ng
mga suki mo
Nanay Linet : oo nga pala si katkat kase pinapaliguan ko pa
Elena : ay ako na dyan nay .
Katkat : nay *pinipigilan umalis ang nanay at umiiling pa*
Nanay Linet : sige na katkat si ate na mag papaligo sayo kailangan ko ng mag tinda.
Elena : ako na daw balaha sayo. *pinang didilatan ng mata ang kapatid* bakit kase
pabigat ka ha laki laki mo na di ka naman baldado nakakagalaw naman mga kamay mo
bakit di ka maligo mag isa ha ?!
Katkat : ate tama na po masakit na
Elena : talagang masasaktan ka kapag di ka natuto gumalaw sa sarili mong paa.Letche
! mag banlaw ka mag isa mo!
Katkat: nanay! Nanay! *umiiyak*
TAGAPAGSALAYSAY: Labis ang pag hagulgol sa iyak ni katkat sa kadahilanang
pinagalitan nanaman ito ng kanyang ate dahil sa kapansanan nito.`Isang araw nakita
ni Line tang anak na si George na inumaga ng pag uwi .
IKATLONG SINARYO
Nanay Linet : o George bat ngayon kalang umuwi ?
Tere: e paano kasi nay nakita ko yan sa kanto nambababae ,kababaeng tao
nambababae
Nanay Linet : at ikaw naman tere bakit nandito kaba wala kabang pasok ?at saka si
George tinatanong ko bakit ikaw ang sumasagot ? at ikaw naman George ano tong
pinagsasabi ng kapatid mo na nambababae ka tomboy kaba ? bakit ?
Tere at George : *nagkatinginan mula ulo hanggang paa ng dalawang beses*
Tere : nay hindi ba halata ?
George : napaka daldal kasi nito e. ang totoo nyan nay kasintahan ko napo yung anak
ni aling pasing si marisa e wala nay e tinamaan anak nyo dito o *sabay turo sa puso*
burger si marisa sakin
Nanay Linet : bakit naman sa anak pa ni aling pasing ?
George : (kanta/don’t matter)
Lyrics: Oh, oh, oh, oh-oh-oh, oh, oh
Oh, oh, oh, oh-oh-oh, oh, oh
IKAAPAT NA SINARYO
(kring..kring..)
Ning : nay nay! Si ate mersedes tumatawag
Nanay linet : anak mercedes kamusta kana dyan?
mercedes : eto nay mabuti naman kamusta kayo dyan. Miss na miss ko na kayo ang
lungkot diot s aibang bansa
Maria : ate ! ate ! sapatos ko ah wag mong kalimutan
Rosa : ate yung damit ko din ha
Nanay linet : magsitigil nga kayo ngayon na nga lang ulit tumawag kapatid nyo puro
hingi pa pinag sasabi mo . nak yung alahas ko ah wag mo din kalimutan *tumawa?*
biro lang
mersedes: nanay talaga *tumawa*
Ning : kailan kaba uuwi dito ate ?
Mersedes : matagal pa kailangan kong tapusin kontrata ko bago ko makauwi dyan .
Ning : sabagay *kumanta*
(kanta/nag aabroad sila )
Lyrics : Napakaraming guro dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira?
Napakaraming nurse dito sa amin
Ngunit bakit tila walang natira? Nag-a-abroad sila
Mersedes : kailangan kong umalis para may panggastos kayo dyan at ipinangako ko kay
nanay na iaahon ko ang pamilya natin sa hirap at gagawin ko yon dahil panganay ako. At
dahil ..
(kanta/maria mersedez)
IKALIMANG SINARYO
TAGAPAGSALAYSAY : nag daan ang mga araw nasa katanghalian na ng buhay si linet
nakikitaan na ito ng sintomas ng panghihina dahil sa katandaan.
Elena : nay ! tanghali na hindi po ba kayo mag titinda ng gulay ngayon ?
Nanay linet : ngayon lang ako nagkaganito na tinanghali ng gising iba kase
pakiramdam ko ngayon . para kong hinang hi.. *natumba*
Elena : nay ! nay ! gumising ka nay ! tulong ! mga ate tulong si nanay !!!
George : ano nangyare kay nanay ?
Elena : ewan ko bigla nalang siyang natumba dalhin nanatin sya sa ospital .
Rosa : sige sige tatawag ako ng tricycle . TRICYCLEEE !
TAGAPAGSALAYSAY : nang makita ng magkakapatid ang nakatumba nilang nanay ay
dali dali nila itong dinala sa ospital.
(sa ospital.)
Rosa : Dok ano pong nagyari sa nanay namin.
Doctor: mabutit nadala nyo ang nanay nyo agad dito sa ospital at naagapan natin ang
namuong dugo sa ulo dahilan ng pag kakabagsak nya sa ngayon okay na sya at
hintayin nyo nalang siyang magkamalay .
Ning : salamat naman ok si nanay
Doctor : Pero hindi ang namuong dugo sa ulo nya kung bakit siya nahimatay . may
nakita kami mula sa mga test na ginawa namin na ang nanay nyo ay may sakit na
coronary heart disease
Tere: ha coronary heart disease dok ? ano yun dok ?
Doctor: ang ganitong uri ng sakit sa puso ay may kaugnayan sa pagbabara ng mga ugat na
nagdadala ng dugo sa puso mismo, na humahantong sa kakulangan ng dugo na dumarating sa
puso. At lalala ito kung di aagapan.
Elena : dok ano pong kakailanganin naming para matulungan nyo ang nanay namin?
Doctor : kakailanganin nyo ng malaking halaga para sa operasyon at may kamahalan di ang
mga gamot na iinumin nya siguro aabot ng 100k
George : bakit naman nagkasakit si nanay ? kung titingnan naman siya ang lakas lakas nya ha
elena ? ikaw lagi kasama ni annay di mo man lang napansin na may sakit na si nanay ?
Elena : teka bakit ako ? bakit parang kasalanan ko ? e kayo nga tong laging wala sa bahay
ikaw George lagi kang nandon sa kasintahan mo at ikaw naman ate ning napaka workaholic mo
ni di mo man lang maka bonding si nanay at kayo kambal rosa at maria puro pag aaral
inaatupag nyo di nyo man lang kamusatahin si nanay at ikaw naman tere
Tere : o ano ako ? teka teka nga wag na tayo mag sisihan dito ang isipin natin saang kamay
ng diyos natin kukunin yung pang paopera kay nanay .
Ning : at paano natin sasabihin kay ate Mercedes ang nangyari kay nanay.
IKA ANIM NA SINARYO
TAGAPAGSALAYSAY : matapos nilang dalhin sa ospital ang kanilang nanay, nag aalala padin
ang mag kakapatid kung paano nila ibabalita ang nangyari sa kanilang ina.
Elena : paano natin sasabihin kay ate Mercedes panigurado ako mag aalala yun .
(kring… kring..)
Elena : sagutin mo na
Mercedes: bakit ba ang tagal nyo sagutin tawag ko . kamusta kayo si nanay nasaan ?
Mercedes : ano ba kayo bakit mga hindi kayo mapakali dyan ano bang nangyari ?
Rosa : may sakit si nanay na coronary heart disease ate kailangan nya maoperahan para
maagapan dahil kung hindi baka ikamatay nya
Mercedes: sige sabihin nyo sa doctor dyan na operahan na si nanay gagawan ko ng paraan
yung gastusin nya dyan mag papadala agad ako pag may nahanap akong pera . basta wag na
wag nyong papabayaan si nanay dyan ha naiintindihan nyo ba ?
Maria:*hinihipo ang ulo ng nanay* nay gagaling kana tutulungan tayo ni ate Mercedes
pakatatag kalang po .
(KINABUKASAN….)
(kring.. kring…)
Ning : ate ? ate may pasok ako sa trabaho ngayon di ko maaasikaso yan kay George mo
nalang ipadala *ibinigay ang telepono*
Mercedes : oh George malaking halaga to pinasobrahan ko yan para may pambili kayo gamot
ni nanay tsaka para pang gastos nyo na din .
George : sige ate salamat makakaasa ka na makakarating to kay nanay . kunin ko na ate.
(REMITTENACE CENTER )
(kring..kring..)
George : ha ? di mo pa kabuwanan ah
Marisa: lintek ka ! wag kana maraming tanong punatahan moko dito sa ospital !
(SA OSPITAL )
Marisa : malamang ikaw kaya umire , pero buti nalang normal ang bata kahit kulang siya sa
buwan na excite siguro lumabas si baby.
Marisa: *nag buntong hininga* babe may problema ko hindi ko na makontak si jonathan
nangako sya sakin na sya mag babayad ng bayarin ko dito sa ospital kapag nanganak nako
anong gagawin ko ?nahihiya naman aako manghingi sa nanay ko kase alam mo naman na
hindi nila tanggap relasyon natin .
George : *nagbuntong hininga* sige na wag kana mag isip dyan mag pahinga ka lang mahal
ko ako na gaagawa ng paraan *nagyakapan*
TAGAPAGSALAYSAY : nakaupo habang nakahawak sa ulo na nag iisip si George kung saan
kukuha ng pambayad sa ospital ng kasintahan .
George : san ako kukuha ng pera ? ayoko naman problemahin pa si marisa kakapanganak
lang nya . haysss .. George isip isip George !
TAGAPAGSALAYSAY : habang nag iisip si George naalala nya na may pera nga pala sila na
pinadala ng ate Mercedes nya nagtangkang ito na gamitin ngunit nagdalawang isip sya.
George : nay ate hiramin ko lang tong pera saglit papalitan ko din .
(KINABUKASAN..)
Kring … kring..
Mercedes : anong walang pera ? e kakapadala ko lang at may nag text sakin na nakuha na
daw pinadala ko
Mercedes : anong hindi umuuwi e nagpadala na nga ako ano ba naman yang si George
kailangan na kailangan pa naman yung pera nayun wala pa naman ako pera na dito kase
binale ko lang yan sa amo ko.
Tiya susan : alam nyo hindi ko din alam kung nasan si George
Maria : akala ko pa naman tyang alam mo kung nasaan nasa kanya kase yung pera ni nanay
para sa pang paopersayon
Tiya susan : galing kasi ako don sa kanto nila aling pasing nanganak na pala si marisa e diba
jowa yun ni George . hindi nyo ba naisip na baka nandon si George ?
TAGAPAGSALAYSAY: napaisip ang mag kakapatid sa sinabi ng kanilang tyang susan nab aka
nandon nga si George . naisip din nilang sugurin si George sa bahay ni marisa upang kunin ang
perang para sana sa nanay nila .
Tere : george !
Tere : hindi e Gago yang kapatid nyo pera ni nanay yan pero tinakbo nya ! george lumabas ka
dyan !
Marisa : ano bang pinaglalaban nyo dyan at sumisigaw kayo ? natutulog anak ko
Marisa : si George lang hinahanap nyo kung maka sigaw kayo parang wala ng bukas
Marisa: anong pera ? walang pera nanay mo sakin umalis na nga kayo kita nyong
kakapanganak ko lang inisstress nyo ko .
Rosa: yung pera na pinadala saamin ni ate Mercedes na kinuha ni George para sa pang pa
opera ni nanay yun kailangan nanamin yun
Marisa: wala talaga akong alam sap era nyo wala naman nasasabi sakin si George
Marisa: si George
TAGAPAGSALAYSAY: nag katitigan ang mag kakapatid sa nalaman nila dahil alam nila na
walang permanenteng trabaho si George para makapag bayad siya ng pampanganak ni
marisa . problemadong umuwi ang mag kakapatid nang biglang may tumawag sa kanila .
(kring..kring…)
Elena: ate ?
Elena : ate ?
Ning: sabihin mo pala kay nanay na bumale nako sa manager namin maooperahan na si nanay
wag nya na hintayin si George
Ning ; ano si nanay ? bakit parang nanginginig boses mo dyan ano bang nangayri
TAGAPAGSALAYSAY : dali daling tumakbo ang mag kakapatid papuntang ospital dahil sa
kanilang nabalitaan . punong puno ng kalungkutan ,iyakan,at pag hihignagpis nang makita ang
inang nakataklob ng kumot ang buong katawan
ning : nay bakit di ka nag hintay ? may pera nako maooperahan kana e bakit naman bumitaw
kana
(kring.. kring)
Elena : ate
Mercedes: kamusta si nanay ? alam mob a ang sama ng panaginip ko kala ko wala na si
nanay buti nagising ko pero kamusta naba si nanay ?
Mercedes : ano ?!
Mercedes : ano ba naman yang si nanay di man lang ako hinintay makauwi . sige hintayin nyo
ko dyan uuwi nako
(sa burol )
TAGAPAGSALAYSAY : sa burol ng kanilang una dumalaw ang mga kamag anak at malalapit
na kaibigan maging ang mga suki ni Linet sa gulay ay nakiramay . at dumating na din si
Mercedes mula sa ibang bansa
Suki 1: kawawa naman si linet no naiwan tong mga mag kakapatid e ang babata pa nito
Tiya Susan : kawawa talaga si linet . tara na mga mare maupo muna kayo don at mag kape
Mercedes: (nakatingin sa inang naka burol ) nay ang daya mo naman di moko hinintay diba
nga iaahon ko pa kayo sa hirap pano na kami nay ? pano na si katkat ? paano ko ipapaliwanag
kay katkat kung bakit ka nandyan ? nay? Masyado ba kong makupad kumilos ? patawad nay
ginawa ko naman ang makakaya ko . nay patawad patawad po talaga .
Rosa: ate magpahinga ka muna kami na mag babantay at mag aasikaso sa mga nakikiramay
alam ko pagod ka pa sa byahe kaya mag pahinga ka muna.
Tere: ang kapal naman ng mukha nyong pumunta sa burol ng nanay umalis ka !
katkat : (umiiyak)
(nagsabunutan)
Tere: ikaw ang dahilan bakit namatay ang nanay tapos iiyak iyak ka dito na parang walang
nagyari ha?
Tere : hinding hindi ka naming mapapatawad sana ikaw nalang ang namatay hindi si nanay
sana ikaw yung naka burol dyan hindi si nanay !
Mercedes : George tingnan mo si nanay dapat wala pa sya dyan dapat nakakasama pa natin
siya George bakit ? bakit ?
George : ate patawad alam ko yung pag kakamali ko kaya sana mapatawad nyo ko.
Mercedes: hindi porket pinagtanggol kita kay tere ayos na satin ang lahat anak ka din ni
nanay karapatan mong makiramay gusto ko bigyan si nanay ng burol na tahimik pero
pasensya kana din ngunit masakit talaga yung ginawa mo di ko alam kung kalian kita
mapapatawad sa ginawa mo .
Tere : nay miss na kita dalawin mo naman ako kahit sa panaginip lang
WAKAS.