Q2-Week 8-ESP 4
Q2-Week 8-ESP 4
Q2-Week 8-ESP 4
Kaaya-ayang Kapaligiran:
Sa Sarili at Kapuwa
ELAINE T. ARCANGEL
Teacher III
Balik-Aral
Panuto: Pag-aralan ang larawan sa ibaba. Tukuyin ang
pangalan ng pasilidad na ito. Isulat sa iyong sagutang papel
kung paano mo ito gagamitin nang maayos.
Tuklasin Natin!
Pangarap ng bawat isa ang tahimik, malinis, at kaaya-
ayang kapaligiran. Ang ideyal na paligid ay
makakamtam kung ang lahat ay magtutulong-tulong.
Makakamit mo ito kung magiging bahagi ka sa
pagpapanatili ng kalinisan, katahimikan at
kagandahan nito.
Disiplina ang
Kailangan
Isang hating-gabing payapa, banayad ang hangin
Sa higaa’y nakalagak ang katawang nahihimbing
Pamamahinga’y natigil, natutulog na diwa’y
nagising
Ingay ng mga tao at sasakyan sa labas ang gumising.
Isang magandang tanawin, matatagpuan sa hardin
Paruparo’y umaaligid, sumasayaw sa hangin
Sa isang iglap ay napawi magandang tanawin
Walang awang sinira ng batang kay hirap
disiplinahin.
Pipiip! Pipiip!, busina ng trak ng basura
Hahakutin ang naipong kalat ng pamilya
Pero teka muna, tila ang iba’y walang nakikita!
Sa kanal at ilog pa rin itinatapon ang basura.
Paligid na tahimik, payapa, at paraiso
Sa isang iglap naglaho gandang taglay nito
Nasaan ang disiplina, bakit ganito ang tao?
Kailan kaya matututong alagaan ang paligid na
noo’y isang kaaya-ayang paraiso?
Mga Tanong:
1. Bigyang pansin ang iyong damdamin matapos basahin
ang tula.
Ano ang mensahe ng binasang tula?
https://forms.gle/jq85hkHA639bMYxk7
Summative Assessment
Google
classroom
Salamat
Sa
Pakikinig!