Pre-Reading Assessment Grade 5

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

PRE-READING

ASSESSMENT
Grade 5
Phil-IRI Pangkatang Pagtatasa sa Pagbasa, Baitang 5
Panuto: Basahin nang tahimik ang bawat kuwento. Pagkatapos, basahin ang
mga tanong at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
A. Ang Regalo kay Lea
May biglang sumigaw sa labas ng bahay nina Lea. Narinig niya ang malakas na
ungol ni Dagul, ang alaga niyang tuta.
Dumungaw si Lea sa bintana. Nakita niya ang kanyang tuta sa daan. Nakahiga at
may dugo ito sa mukha. Tumakbo siya sa labas.
“Patay na si Dagul. Nasagasaan siya ng dyip,” malungkot na sabi ng kanyang
kapatid na si Bong.
“May bibilhin ako sa tindahan. Sumunod siya sa akin,” paliwanag
ni Bong.
Bumalik si Lea sa bahay. Ayaw niyang kumain at maglaro. Naiisip niya si Dagul.
Kinabukasan ay Pasko na! Nagising si Lea sa ingay. Sa tabi niya ay may basket na
may kard. Nakasulat sa kard ang “Para kay Lea, mula kina Daddy at Mommy.”
Inalis ni Lea ang takip ng basket. Nakita niya ang isang magandang tuta. Ito ay
katulad na katulad ni Dagul.
Inakap ni Lea ang tuta!

Bilang ng mga salita: 146


(Pagsulong sa Pagbasa 1, Ortiz-Baterna, 1990)
1. Ano ang nangyari kay Dagul? (Literal)
a.natapakan ng bata
b.nabundol ng kotse
c.nasagasaan ng dyip
d.nawala sa tindahan
2. Nasaan si Lea nang maaksidente ang tuta? (Paghinuha)
a.nasa tabi ng sa tindahan
b.nasa loob ng bahay
c.nakasakay sa dyip
d.nasa paaralan
3. Ano ang naramdaman ni Lea nang pumasok siya sa bahay? (Paghinuha)
a.nagalit
b.natakot
c.nalungkot
d.nangamba
4. Kailan nangyari ang aksidente?
(Paghinuha)
a.sa araw ng Pasko
b.pagkatapos ng Pasko
c.sa araw ng Bagong Taon
d.isang araw bago mag-Pasko
5. Bakit kaya inisip ni Tatay regaluhan si Lea ng isa pang tuta?
(Pagsusuri)
a.dahil ito ang nasa tindahan
b.dahil mura lang bilhin ang tuta
c.para maibigay kay Lea ang hiningi niya
d.para makalimutan ni Lea ang nangyari
B. Ang Regalo kay Lea
“Kuya! May napulot ako sa daan.” Tuwang-tuwa si Luis. “Anong napulot mo?”
tanong ni Jun.
“Nakapulot ako ng pitakang may lamang pera.” “Pera? Magkano ang pera,
Luis?” tanong ni Jun.
“Sandaang piso, Kuya. May sandaang piso na ako. Mapalad ako, hindi ba?” tuwang-
tuwang sabi ni Luis.
“Hindi, Luis. Hindi iyo ang perang iyan. Isasauli natin ang pitaka
sa may ari,” sabi naman ni Jun.
“Kuya, napulot ko ito sa daan. Akin na ito, hindi ba?” Nagtataka si
Luis.
“Pero kawawa naman ang may-ari ng pitaka. Hala, tingnan mo ang loob ng pitaka.
Baka may pangalan sa loob,” utos pa ni Jun.
Tiningnan ng dalawa nang mabuti ang loob ng pitaka. Isang tarheta ang nakita ni
Luis.
“Isabelo Santos. Labing-isa, daang Sta. Elena, Sampalok.” Ito
ang nabasa ni Jun.
“Kilala ko ang may-ari ng pitaka, Kuya. Nakikita ko siya tuwing umaga. Alam ko rin
ang kanyang bahay. Sige, isauli natin ang pitaka,” yaya ni Luis.

Bilang ng mga salita: 156


(Yaman ng Panitik 1, Resuma et al, 1987)
6. Ano ang napulot ni Luis? (Literal)
a.pera
b.piso
c.pitaka
d.tarheta
7. Magkano ang laman ng pitaka? (Literal)
a.piso
b.dalawampiso
c.sampung piso
d.sandaang piso
8. Ano ang nakita nila sa tarheta? (Inferential)
a.pangalan at tirahan ng may-ari
b.listahan ng bibilhin
c.pera ng may ari
d.tatak ng pitaka

9. Ano ang pinakitang ugali ng magkapatid sa katapusan ng kuwento? (Inferential)


a.matapat
b.masakim
c.matalino
d.palakaibigan

10.Bakit kaya sinulat ang kuwentong “Napulot Ko!”? (Critical)


a.Hatid nito ang isang balita.
b.Nais nitong magbigay ng mungkahi.
c.Nais nitong magbigay ng aliw sa mga bata.
d.Gusto nitong magbigay ng mabuting halimbawa.
C. Ang Matanda
Tanghaling tapat na. Marami sa mga mag-aaral ang nagmamadali
nang umuwi. Walang lilim na masisilungan kahit saan.
Sa gitna ng initan ay may isang matandang babaeng may dalang malaking balutan. Palinga-
linga ang matanda. Parang may hinahanap ito. Maraming batang mabilis na nagdadaan sa tabi
niya.
“Mga bata, ” ang sabi ng matanda. Nguni't hindi siya pinapansin ng mga bata. Paminsan-
minsan, may ilang batang napapalingon sa kanya, ngunit patuloy pa rin ang matulin nilang
lakad.
Dumating si Nelia. Nagmamadali rin si Nelia na makauwi.
Nagugutom na kasi siya.
Napansin niya ang matanda. Nakita niya ang nakakaawang ayos
nito.
“Bakit po, Lola?” ang tanong ni Nelia.
“Ay Ineng” ang sagot ng matanda. “Naligaw ako. Saan ba ang papunta sa istasyon ng
bus?”
“Doon lang iyon sa kabilang kanto, Lola.”
Kahit na pagod si Nelia, inihatid niya ang matanda.
Bago sumakay sa bus ang matanda ay hinaplos si Nelia sa ulo. “Pagpapalain ka ng Diyos,
Ineng,” ang sabi nito sa kanya.
11.Saan naligaw ang matanda sa kuwento? (Inferential)
a.sa sakayan ng bus
b.sa labas ng paaralan
c.sa bahay nina Noel
d.sa labas ng simbahan

12.Ano ang panahon nang maganap ang kuwento? (Literal)


a.maaraw
b.mahangin
c.maulan
d.maulap

13.Ano-ano ang hindi pinansin ni Nelia habang kinakausap ang matanda?


(Paghinuha)
a.gutom at pagod
b.nanay at tatay
c.ang bitbit niyang mga gamit
d.kung saan ang istasyon ng bus
14. Anong ugali ang ipinakita ni Nelia? (Paghinuha)
a.malinis
b.madasalin
c.matulungin
d.mapagmahal

15. Bakit kaya sinulat ang kuwentong “Ang Matanda”? (Pagsusuri)


e.Hatid nito ang isang balita.
f.Nais nitong magbigay ng mungkahi.
g.Nais nitong magbigay ng aliw sa mga bata.
h.Gusto nitong magbigay ng mabuting halimbawa.
D. Sinaunang Sistema ng Pagsulat at Panitikan
Ang sistema ng pagsulat ng sinaunang Pilipino ay ang baybayin. Binubuo ito ng 17
na titik – 14 na katinig at tatlong patinig. Ang pagsulat ay mula itaas pababa at
mula kaliwa pakanan. Ang sinusulatan ay balat ng puno, buho ng kawayan, malapad
na dahon, o hinabing himaymay ng halaman. Ang panulat ay matulis na kawayang
patpat o kahoy. Ang tinta at tina ay mula sa dagta ng mga halaman.
Ang panitikan ay binubuo ng mga awiting bayan, kuwentong bayan, alamat,
pabula, salawikain, bugtong, at epiko. Halimbawa ng ating mga alamat ay ang
“Alamat ni Mariang Makiling,” “Alamat ni Malakas at Maganda” at “Alamat ni
Mariang Sinukuan.” Ang epiko naman ay isang mahabang tula tungkol sa
pakikipagsapalaran ng isang bayani. Nabibilang sa mga epiko ng ating mga ninuno
ang “Biag ni Lam-ang” nga mga Ilocano, “Ibalon” ng mga Bicolano, at “Batugan” ng
mga Maranao.

Bilang ng mga Salita: 148


(Agno, L. et. al. Kultura, kasaysayan at kabuhayan: Heograpiya, kasaysayan at sibika.
(2007). QC: Vibal Pub.)
16.Alin sa sumusunod ang nagsasabi tungkol sa sinaunang sistema ng pagsulat?
a.Binubuo ito ng 17 katinig at 3 patinig.
b.Matulis na kawayang patpat ang panulat.
c.Malapad na dahon at papel ang sinusulatan.
d.Mula itaas pababa at mula kanan pakaliwa ang pagsulat.

17.Alin sa sumusunod ang halimbawa ng sinaunang panitikan? (Literal)


a.kuwentong awit at epiko
b.tula at awiting salawikain
c.awiting bugtong at pabula
d.kuwentong bayan at alamat

18.Ano ang tinutukoy na baybayin sa seleksyon? (Paghinuha)


a.Ang direksyon ng pagsulat ang tinutukoy nito.
b.Ito ang paggamit ng panulat na mula sa kawayan.
c.Sistema ito ng pagsulat ng ating ninuno gamit ang 17 titik.
d.Ito ang sistema ng pagsulat na gamit natin sa kasalukuyan.
19. Ano ang sinasabi ng seleksyon tungkol sa mga ninuno natin? (Pagsusuri)
a.Mahilig sila sumulat ng mga alamat at epiko.
b.Nagtulungan sila kaya nabuo nila ang baybayin.
c.Hindi madali ang paghanap nila sa pansulat at susulatan.
d.Pinakita nila ang pagiging malikhain sa maraming paraan.
20.Ano ang ginamit ng may-akda ng seleksyon upang ipaabot ang mensahe
nito?
(Pagsusuri)
a.Naglarawan ito at nagbigay ng mga halimbawa.
b.Binanggit ang kasaysayan ng sinaunang sistema ng pagsulat.
c.Nakasaad ang mga dahilan ng sinaunang sistema ng pagsusulat.
d.Tinalakay nito ang sanhi at bunga ng sinaunang sistema ng pagsusulat.

You might also like