Ang dokumento ay tungkol sa pagbibigay ng mahahalagang pangyayari o pag-uunawa sa mga binasang talaarawan, journal, talambuhay at anekdota. Binigyang-diin ang mga layunin ng aralin at ang pag-unawa sa mga binasang teksto. Nagbigay din ito ng mga gabay sa pagsulat ng talaarawan at pag-unawa sa iba't ibang anyo ng panitikan.
Ang dokumento ay tungkol sa pagbibigay ng mahahalagang pangyayari o pag-uunawa sa mga binasang talaarawan, journal, talambuhay at anekdota. Binigyang-diin ang mga layunin ng aralin at ang pag-unawa sa mga binasang teksto. Nagbigay din ito ng mga gabay sa pagsulat ng talaarawan at pag-unawa sa iba't ibang anyo ng panitikan.
Ang dokumento ay tungkol sa pagbibigay ng mahahalagang pangyayari o pag-uunawa sa mga binasang talaarawan, journal, talambuhay at anekdota. Binigyang-diin ang mga layunin ng aralin at ang pag-unawa sa mga binasang teksto. Nagbigay din ito ng mga gabay sa pagsulat ng talaarawan at pag-unawa sa iba't ibang anyo ng panitikan.
Ang dokumento ay tungkol sa pagbibigay ng mahahalagang pangyayari o pag-uunawa sa mga binasang talaarawan, journal, talambuhay at anekdota. Binigyang-diin ang mga layunin ng aralin at ang pag-unawa sa mga binasang teksto. Nagbigay din ito ng mga gabay sa pagsulat ng talaarawan at pag-unawa sa iba't ibang anyo ng panitikan.
Download as PPTX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19
Pagbibigay ng Mahahalagang
Pangyayari / Pagsagot sa Nabasang Talaarawan, Journal, Talambuhay at Anekdota Filipino 5 : Ikalawang Markahan-Modyul 1 Layunin ng araling ito na :
a. naibibigay ang mahahalagang pangyayari/nasasagot
ang mga tanong sa binasang talaarawan, journal, talambuhay at anekdota b. natutukoy ang mahahalagang pangyayari sa nabasang talaarawan, journal, talambuhay at anekdota c. napapahalagahan ang mga pangyayari sa nabasang talaarawan, journal, talambuhay at anekdota Basahin at unawain Ang TALAARAWAN ni Karen:
Lunes, Hunyo 1 , 2020
Maaga akong gumising upang maghanda sa pagpasok sa paaralan. Inihanda ko ang aking uniporme bago ako maligo. Kumain din ng masarap na almusal at uminom ng isang basong gatas. Ngumiti ang nanay ko sabay sabi niyang hindi pala tuloy ang klase dahil sa pandemya. Kaya bumalik ako sa aking silid at nagpalit muli ng aking pambahay. Martes, Hunyo 2, 2020 Tinuruan ako ng ate ko na magluto ng masarap na hotcake. Natuwa ang aming magulang dahil marami kaming natututuhan sa panahon ngayon. Kahit pa walang pasok, tuloy-tuloy din ang aming pagbabasa ng mga babasahin na binibili sa amin ng aming magulang. Pero mas gusto ko pa rin ang gaya ng dati na akong nakalalabas ng bahay at nakapupunta sa paaralan at sa iba pang lugar. Kaya bago ako matulog, pinagdadasal ko sa Panginoon na mawala na ang COVID-19 at bumalik na sa normal ang lahat.
-Gesille G. Grande, DepEd, Borongan City Division
Sagutin ang mga tanong:
1. Sino ang sumulat ng talaarawan?
2. Napansin mo ba kung paano siya sumulat ng kaniyang talaarawan? 3. Ano ang nilalaman ng kaniyang talaarawan? 4. Sumusulat ka rin ba ng gaya ng ganitong talaarawan? 5. Sa iyong palagay, bakit sumusulat ng talaarawan? Tandaan sa Pagsulat ng Talaarawan Sa pagsulat :ng talaarawan, isinusulat muna ang araw at petsa bago itala ang mga pangyayaring nagaganap sa araw-araw. Ginagamit ang bantas na kuwit sa pagitan ng araw at petsa, petsa at bilang ng taon. Ginagamit ang malaking titik sa simula ng pangalan ng araw at buwan.Ipinapasok ang unang pangungusap sa pagsasalaysay ng karanasan. Halimbawa: Huwebes , Nobyembre 25, 2021 Ang talaarawan ay isang pang-araw-araw na tala lalo na ng mga personal na karanasan, saloobin, obserbasyon at pananaw. Ito ay sinusulat na parang nakikipag-usap sa isang tao, na maaaring tawaging “Mahal kong Diary o Talaarawan” o maaari ring bigyan ng pangalan na parang isang tunay na tao ang sinusulatan. Maaaring pansariling karanasan at pananaw lamang ang karaniwang laman ng talaarawan, ngunit ito ay depende sa sumusulat at sa kapaligiran ng pagsusulat. Maaaring kapulutan ang talaarawan ng mahalagang impormasyon tungkol sa isang pangyayari sa kasaysayan. Basahin at unawain ang maikling talambuhay ni Dr. Jose P. Rizal.
ANG TALAMBUHAY NI DR. JOSE P. RIZAL ( Maikli)
Si Dr. Jose P. Rizal, na ang buong pangalan ay Jose Protacio Rizal
Mercado y Alonzo Realonda, ay ipinanganak sa Calamba, Laguna noong ika-19 ng Hunyo, 1861. Siya ay ikapitong anak nina Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda Y Quintos. Nang si Jose ay tumuntong sa napaka mura pang edad na tatlong taong 1864 ay tinuruan siya ng abakada ng kanyang ina, n a may di karaniwang talino at kaalaman. Dahil labis sa mga kailangang aklat ay nagawa ng ginang na ito ang paglalagay sa unang tuntungan na ginamit ng bayani sa pagtuklas ng iba’t ibang karunungan at agham sa loob ng maikling panahong darating. Sa ika siyam na taong gulang, si Jose ay ipinadala sa Bingung, dito siya nag-aral sa pamamahala ni Ginoong Justiniano Aquino Cruz. Ika-20 ng Enero 1872 nang si Jose ay pumasok sa Ateneo Municipal de Manila. Dito nagpamalas ng kahanga-hangang talas ng isip, at natamo ang lahat ng mga pangunahing Medalya at notang Sobresaliente sa lahat ng aklat. Ika-14 ng Marso,1877, ay tumanggap siya ng Katibayan Bachiller en Artes at notang Sobresaliente, kalakip ang pinakamataas na karangalan.Taong 1844, nag-aral siya ng wikang Ingles, Italyano, Aleman pagkat naghahanda siyang maglakbay sa iba’t ibang bansa. Isinulat ni Rizal ang unang kalahati ng Noli Me Tangere sa Madrid, noong matatapos ang 1844. Taong 1855 ikaapat na bahagi ay isinulat sa Paris at ang isa pang ikaapat sa Alemanya. Ika-21 ng Pebrero 1877, natapos sulatin ang Noli sa Berlin. El Filibusterismo ang kasunod na aklat ng Noli Me Tangere. Noong ika-3 ng Hulyo, 1892 ay itinatag ni Dr. Jose Rizal sa Maynila ang Liga Filipina, isang kapisanang lihim sa pamamagitan ng mapayapang kaparaanan at di ng paghihimagsik. Samantalang nakikidigma ang Espanya sa Kuba, si Dr. Jose P. Rizal na noon ay nangangamba na mapapadamay siya sa kilusang ukol sa paghihimagsik. Piniit si Dr. Jose P. Rizal pagdating sa Maynila sa Real Fuerza de Santiago. Nang iharap sa hukumang militar at litisin ay hinatulan na barilin siya sa Bagumbayan. Ika-29 ng Disyembre, 1896 sinulat ni Dr. Jose P. Rizal ang kanyang Mi Ultimo Adios ( Huling Paalam ). Ika -30 ng Disyembre, 1896 , araw ng pagbaril kay Dr. Jose P. Rizal. Sagutin ang mga tanong:
1. Kailan isinilang si Dr. Jose P. Rizal?
2. Ano ang kanyang buong pangalan? 3. Sino-sino ang kanyang mga magulang? 4. Saan siya isinilang? 5. Ano-ano ang dalawang aklat na kanyang isinulat? 6. Saan siya ipiniit o ikinulong? 7. Kailan isinulat ni Dr. Jose Rizal ang Mi Ultimo Adios? Ang talambuhay o biography ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao batay sa mga tunay na tala, pangyayari, o impormasyon. Ang pagsulat ng isang talambuhay ay may dalawang paraan: maaari itong tungkol sa ibang tao o kaya sa manunulat mismo. Basahin ang journal ni Gyle sa buwan ng Agosto.
Agosto 24, 2020
Inihanda ko ang mga gamit para sa aming unang araw ng online class. Masaya ako ngunit kinakabahan din ng kaunti. Ano kaya ang masasabi ng aking mga kaklase, o ng aking mga guro sa bagong paraan ng pagkaklase ngayon? Ganap na ikasiyam ng umaga pa ang aming orientation program ngunit alas otso pa lang ngayon ay nakaharap na ako sa aking laptop. Naligo ako kanina at nagbihis ng aking uniporme. Pagbukas ko ng Zoom classroom namin ay marami na pala ang nag-aabang, kasama na rito ang aming guro. Binati namin si Sir. Halos sabay-sabay kaming nagsalita at nagtawanan kami. Na-realize ko na miss na namin ang isa’t-isa. Agosto 27, 2020 Eksaktong ikasiyam ng umaga nang pumasok ako sa aming klase. Nakauniporme pa rin ako. Nandoon na pala ang aking mga kaklase at nagkukuwentuhan pa. May tawanan ulit. Pagpasok ng aming propesor ay tahimik kaming lahat. Nagsimula na ang aming klase sa pananaliksik. Tinalakay kung ano ang pananaliksik at kung paano ito maisasagawa nang mahusay. Masaya ang aming naging talakayan sa klase, pinag-isip kami ng aming guro ng napapanahong paksa ngayon na mahalagang saliksikin. Iba-iba ang mga naisip namin. Nagkaroon kami ng pagsasanay na bumuo ng mga tanong na aming sasagutin tungkol sa paksa ng aming pananaliksik. Naging aktibo ang lahat. Marami kaming natutuhan. Natuwa rin an gaming guro dahil nagging kawili-wili ang aming online class sa araw na ito. Ang journal ay tala ng mga obserbasyon sa paligid na nakatawag ng atensiyon ng isang indibidwal. Maaaring ito ay isang repleksiyon ng mahahalagang pangyayari na naging gabay o nakapukaw sa isang damdamin. Basahin ang maikling anekdota. Sa isang paaralan, isang hapon nasa isang mahabang mesa ang mga guro upang magwasto ng mga modyul galing sa mga bata. Napansin ni Gng. Rosario na mabilis magtsek ang isang guro sa unang baitang. “Gng. Altar, ang galing mo naman. Mabilis ka ka magtsek.” Tatawa-tawang sumagot si Gng. Altar, “Ay sus, mare, mabilis ako kasi yung mga bayad ko ng utang ang nilalagyan ko ng tsek.” Dadag pa niya, “Natapos ko na kasi itsek ang ibang modyul kagabi kaya kaunti na lang din ang itse- tsek ko ngayon.” Ang anekdota ay maikling kuwento na isang nakawiwiling insidente sa buhay ng isang tao. Ang karaniwang paksa ng anekdota ay mga taong kilala. Layunin nito ang ipabatid ang isang katangian ng pangunahing tauhan ng anekdota. Minsan ang anekdota ay nagsasalaysay ng mga tunay na pangyayari at mayroon ding minsan na ang mga pangyayari ay bungang-isip lamang. Mayroon ding mga anekdota na hindi hango sa talambuhay. Ang layunin ng anekdota ay mang-aliw, makapagturo, at makapaglarawan ng ugali ng tauhan. Takdang Aralin : ( Performance Task No. 1) Panuto : Gumawa ng TALAARAWAN . Ang petsa ay magsisimula ngayong araw na ito . 1. Maaaring gumawa ng magandang disenyo na paglalagyan nito. Ilagay sa short bond paper. 2. Sulat-kamay ng mag-aaaral ang makikita ng guro. Picture then turn - in sa Filipino Classwork. Huwebes, Nobyembre 25, 2021 hanggang Martes, Nobyembre 30, 2021. ( 30 puntos )