FGrade 5
FGrade 5
FGrade 5
A.
Ang Regalo kay Lea
May biglang sumigaw sa labas ng bahay nina Lea. Narinig niya ang malakas
na ungol ni Dagul, ang alaga niyang tuta.
Dumungaw si Lea sa bintana. Nakita niya ang kanyang tuta sa daan.
Nakahiga at may dugo ito sa mukha. Tumakbo siya sa labas.
“Patay na si Dagul. Nasagasaan siya ng dyip,” malungkot na sabi ng
kanyang kapatid na si Bong.
“May bibilhin ako sa tindahan. Sumunod siya sa akin,” paliwanag ni Bong.
Bumalik si Lea sa bahay. Ayaw niyang kumain at maglaro. Naiisip niya si
Dagul.
Kinabukasan ay Pasko na! Nagising si Lea sa ingay. Sa tabi niya ay may
basket na may kard. Nakasulat sa kard ang “Para kay Lea, mula kina Daddy at
Mommy.”
Inalis ni Lea ang takip ng basket. Nakita niya ang isang magandang tuta.
Ito ay katulad na katulad ni Dagul. Inakap ni Lea ang tuta!
5. Bakit kaya inisip ni Tatay regaluhan si Lea ng isa pang tuta? (Pagsusuri)
a. dahil ito ang nasa tindahan
b. dahil mura lang bilhin ang tuta
c. para maibigay kay Lea ang hiningi niya
d. para makalimutan ni Lea ang nangyari
B.
Ang Regalo kay Lea
C.
Ang Matanda
Tanghaling tapat na. Marami sa mga mag-aaral ang nagmamadali nang umuwi.
Walang lilim na masisilungan kahit saan. Sa gitna ng initan ay may isang
matandang babaeng may dalang malaking balutan. Palinga-linga ang matanda.
Parang may hinahanap ito. Maraming batang mabilis na nagdadaan sa tabi niya.
“Mga bata, ” ang sabi ng matanda. Nguni't hindi siya pinapansin ng mga bata.
Paminsan-minsan, may ilang batang napapalingon sa kanya, ngunit patuloy pa rin
ang matulin nilang lakad. Dumating si Nelia. Nagmamadali rin si Nelia na
makauwi. Nagugutom na kasi siya. Napansin niya ang matanda. Nakita niya ang
nakakaawang ayos nito. “Bakit po, Lola?” ang tanong ni Nelia. “Ay Ineng” ang
sagot ng matanda. “Naligaw ako. Saan ba ang papunta sa istasyon ng bus?” “Doon
lang iyon sa kabilang kanto, Lola.” Kahit na pagod si Nelia, inihatid niya ang
matanda. Bago sumakay sa bus ang matanda ay hinaplos si Nelia sa ulo.
“Pagpapalain ka ng Diyos, Ineng,” ang sabi nito sa kanya.
13. Ano-ano ang hindi pinansin ni Nelia habang kinakausap ang matanda? (Paghinuha)
a. gutom at pagod
b. nanay at tatay
c. ang bitbit niyang mga gamit
d. kung saan ang istasyon ng bus
D.
Sinaunang Sistema ng Pagsulat at Panitikan
19. Ano ang sinasabi ng seleksyon tungkol sa mga ninuno natin? (Pagsusuri)
a. Mahilig sila sumulat ng mga alamat at epiko.
b. Nagtulungan sila kaya nabuo nila ang baybayin.
c. Hindi madali ang paghanap nila sa pansulat at susulatan.
d. Pinakita nila ang pagiging malikhain sa maraming paraan.
20. Ano ang ginamit ng may-akda ng seleksyon upang ipaabot ang mensahe nito? (Pagsusuri)
a. Naglarawan ito at nagbigay ng mga halimbawa.
b. Binanggit ang kasaysayan ng sinaunang sistema ng pagsulat.
c. Nakasaad ang mga dahilan ng sinaunang sistema ng pagsusulat.
d. Tinalakay nito ang sanhi at bunga ng sinaunang sistema ng pagsusulat.