Ang dokumento ay tungkol sa pagtuturo ng matatalinghagang pananalita o rhetorical devices sa mga mag-aaral. Binigyang-diin nito ang kahalagahan ng paggamit ng mga ito sa panitikan upang mapalutang ang sining at mahalina ang mga mambabasa. Ipinakita rin nito ang ilang halimbawa ng mga idyoma at tayutay pati na rin ang mga dapat tandaan sa paggamit ng mga matatalinghagang pananalita.
Ang dokumento ay tungkol sa pagtuturo ng matatalinghagang pananalita o rhetorical devices sa mga mag-aaral. Binigyang-diin nito ang kahalagahan ng paggamit ng mga ito sa panitikan upang mapalutang ang sining at mahalina ang mga mambabasa. Ipinakita rin nito ang ilang halimbawa ng mga idyoma at tayutay pati na rin ang mga dapat tandaan sa paggamit ng mga matatalinghagang pananalita.
Ang dokumento ay tungkol sa pagtuturo ng matatalinghagang pananalita o rhetorical devices sa mga mag-aaral. Binigyang-diin nito ang kahalagahan ng paggamit ng mga ito sa panitikan upang mapalutang ang sining at mahalina ang mga mambabasa. Ipinakita rin nito ang ilang halimbawa ng mga idyoma at tayutay pati na rin ang mga dapat tandaan sa paggamit ng mga matatalinghagang pananalita.
Ang dokumento ay tungkol sa pagtuturo ng matatalinghagang pananalita o rhetorical devices sa mga mag-aaral. Binigyang-diin nito ang kahalagahan ng paggamit ng mga ito sa panitikan upang mapalutang ang sining at mahalina ang mga mambabasa. Ipinakita rin nito ang ilang halimbawa ng mga idyoma at tayutay pati na rin ang mga dapat tandaan sa paggamit ng mga matatalinghagang pananalita.
Download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4
MALA-MASUSING BANGHAY ARALIN
FILIPINO 10 Seksyon: Petsa: St. Francis December 15,2021 St. Anthony December 13, 2021
I. LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang ;
a. Nakikilala ang matalinghagang pahayag na ginamit sa tula; b. Natutukoy ang uri ng matalinghagang pananalita c. Napupunan ng angkop na idyoma ang isang pahayag; d. Nagagamit ang matatalinghagang pananalita sa makabuluhangpangungusap; e. nakabubuo ng tula gamit ang mga matatalinghagang pananalita
A. Paksa : Ang Aking Pag-ibig (Tula)
II. PAKSANG B. Kagamitan: Powerpoint presentation ARALIN C. Sanggunian : Quipper at Pinagyamang Pluma 10
III. PAMAMARAAN: Panimulang Gawain:
Panalangin A. Pagganyak Pagtala ng lumiban sa klase
1. Ipagawa: Four Corners, 3 - 5 minuto (Slide 4)
● Babasahin ng guro ang mga saknong na may matatalinghagang pananalita. ○ Huwag kang iibig nang dahil sa pilak Pilak ay may pakpak Dagling lumilipad Pag iniwan ka na, ikaw’y maghihirap. - Sa Pamilihan ng Puso ni Jose Corazon de Jesus ○ Sa araw man o sa gabi yakap niya nagsisilbing kumot para sa akin Sa tag-ulan o tag-init nagsisilbing silong palaging nakaprotekta sa akin - Daang Balikuko ni J.H. ○ Sabay sa pagkulog, pagkidlat, Dumagundong ang langit, saki’y sumambulat, Sa ‘king pagbalik sa dating tagpuan, Ika’y wala na, ako’y iniwan, - Ulan sa Aking Puso ni J.C.D. Ramirez ● Ipatukoy ang opinyon ng mga mag-aaral kung sila ba ay “Talagang Sumasang-ayon”, “Sang-ayon”, “Hindi Sumasang-ayon”, at “Talagang Hindi Sumasang-ayon” sa pamamagitan ng pagpunta sa sulok na may pananda nito. 2. Itanong: ● Ano-anong mga damdamin ang nangingibabaw sa mga saknong? ● Sa inyong palagay, ano ang mensahe na ipinahihiwatig ng mga ito? ● Paano nakatulong ang paggamit ng mga matatalinghagang pananalita sa pagpapamalas ng kariktan ng tula?
Kahulugan ng Salita: Matatalinghagang Pananalita
B. Paglalahad ng Paggamit ng Matatalinghagang Pananalit aralin Ang mga matatalinghagang pananalita o rhetorical devices ay sangkap na C. Pagtatalakay ginagamit sa mga akdang pampanitikan upang mapalutang ang sining na taglay nito at mahalina ang mga mambabasa at tagapakinig. Ilan sa malimit gamiting na matatalinghagang pananalitaay nakapaloob sa tinatawag na tayutay at mga idyoma. Sa pag-aaral, higit sa walumpu ang tayutay na matatagpuan sa wikang Filipino. Bukod pa ang mga tayutay na kinikilala naman gamit ang wikang Ingles. Isa rin sa mga anyo ng matatalinhagang pananalita ay ang idyoma, kung saan ang mga pahayag ay nagtatago ng tunay nitong kahulugan.
Naririto ang ilang halimbawa ng mga idyoma.
Anghel ng tahanan – anak
Binuksan ang dibdib – ipinagtapat ang saloobin ‘Di-mahulugang karayom– maraming tao Durugin ang puso – pasakitan Guhit ng palad – kapalaran Lumaki ang ulo – naging mayabang Iguhit sa tubig – kalimutan May gatas pa sa labi – bata pa Magbuhat ng sariling bangko – nagyayabang Nagpanting ang tainga – nagalit; nainis Nagdilang anghel – nagkakatotoo ang sinabi Suntok sa buwan – mahirap abutin; malabong mangyari Magsunog ng kilay – mag-aaral nang mabuti Ningas kugon – panandalian Balat-sibuyas – sensitibo, iyakin Kahiramang suklay – matalik na kaibigan
Paggamit ng Matatalinghagang Pananalita
Dapat tandaan na ang paggamit ng mga matatalinghagang pananalita na ito
ay mayroong hinihinging pagkakataon. Sang-ayon sa kalikasan ng komunikasyon, mayroon tayong paghahati sa pagitan ng pagiging pormal at impormal nito. Hindi mo nanaising kausapin at paulanan ng mga idyoma ang isang kaibigang kinukumusta mo sa kantina, sapagkat maaari siyang magtaka sa hindi pangkaraniwan mong pakikipag-usap sa kaniya. Ang matatalinhagang pananalitang ito ay katanggap-tanggap gamitin at palutangin sa mga akdang pampanitikan, higit lalo sa mga tula at awit, sapagkat ito ang pinakalayunin ng isang tula–ang itago ang totoong kahulugan nito–upang maging mas masining at kaakit-akit para sa mga mambabasa.
Dahil nga ang layunin ng matatalinhagang pananalita ay magtago sa lantay
na mensahe, kailangan mong unawain ang kabuuan ng akda, gayundin sa mga idyoma, at iba pang matatalinhagang pananalita o rhetorical devices.
Mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Matatalinghagang Pananalita
1. Pumili ng napapanahon at kagiliw-giliw na paksa. 2. Bumuo ng mga pahayag na kakikitaan ng mga tayutay. 3. Gumamit ng angkop na idyoma sa paglalarawan ng ideya. 4. Suriin ang mga nabuong pahayag batay sa kasiningan nito. 5. Magkaroon ng rebisyon kung kinakailangan. D. Paglalapat
E. Paglalahat ● Ang mga matatalinghagang pananalita o rhetorical devices ay sangkap na
ginagamit sa mga akdang pampanitikan upang mapalutang ang sining na taglay nito at mahalina ang mga mambabasa at tagapakinig. ● Ang tayutay ay paraan ng pagpapahayag kung saan sadyang inilalayo sa karaniwan ang paglalahad ng mensahe. ● Kabilang dito ang pagtutulad, pagwawangis, pagsasatao, pagtawag, pagmamalabis, at pag-uyam. ● Ang idyoma ay mga mga pahayag na di- tuwirang nagbibigay ng kahulugan na hango sa iba’t ibang karanasan. ● Nakapaloob sa matatalinhagang pananalita ang kasabihan, kawikaan, at salawikain. Tukuyin kung sa anong uri ng tayutay nabibilang ang sumusunod na IV. PAGTATAYA matatalinghagang pananalita. _______1. Babaha ng alak sa darating na Biyernes, ang tinuran ni Pareng Andoy. _______2. Maganda ka naman, lalo kung malayo ka sa akin. _______3. Lungkot! Huwag ka nang bumalik! _______4. Para kang anghel na bumaba mula sa kalangitan. _______5. Sila‟y ilog na kay lalim kung tahimik at kay babaw kung maingay. _______6. Halos madurog ang puso ni Anton dulot ng kaniyang kabiguan. _______7. Nakikipaghabulan sa atin ang tadhana at panahon. _______8. Nakababasag ng tainga ang malamig mong tinig. _______9. Diwata siya ng gubat, bantay siya ng dagat. _______10. Ngumiti sa akin ang buwan hudyat na ako‟y kaniyang naunawaan. V. TAKDANG Ang paggawa ng mga tula ay hindi lamang nakalilibang kundi maaari ring ARALIN pagkakitaan. Sa gawaing ito, maaaring ipagawa ito sa mga mag-aaral at i- rehistro sa mga website tulad ng Hubpages, Poem Hunter, at Poetizer. Ito ay mga social media platform na maaaring pagbahaginan ng mga likhang tula na maaari ring pagkakitaan.