Unang Mahabang Pagsusulit
Unang Mahabang Pagsusulit
Unang Mahabang Pagsusulit
PAGSUSULIT
I. Panuto: Tukuyin ang ipinapahayag sa bawat bilang.
____1. Ito ay isa sa mga 3k na tumutukoy sa pagkakaroon ng malinaw na paglalahad ng
katotohanan at opinion ng sulating akademiko at pagkakaroon ng matibay na patunay,
pantay ng paglalahad ng ideya at paggalang sa ibang pananaw.
____2. Tinutulungan nito ang mga mambabsa na madaling matukoy ang layunin ng pag-aaral.
____3. Isang sulatin na nakabatay sa isang tiyak na disiplina o larangan na maaring interdisiplina
o multidisiplinari.
____4. Sa yugtong ito, inaayos ang unang draft. Iniwawasto ang mga kamalian tulad ng baybay,
bantas at mismong ang nilalaman ng aksademikong sulatin.
____5. Ito ay pagbibigay pugay sa isang mahalagang tao sa pamamagitan ng pagkukuwento ng
nakatatawang karanasan.
____6. Ito ay buod ng kaisipan na may layuning humihikayat, tumugon, mangatwiran,
magbugay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng panimula.
____7. Ito ay pang-araw araw na tala ng mga pansariling karanasan, damdamin at kaisipan ng I
isang tao.
____8. Layunin nitong makapagbigay ng pangkaisipang imahen gamit ang hugis, anyo, kulay,
katangian ng mga tao, bagay, lugar o pangyayari.
____9. Ito ay uri ng diskurso na nagpapaliwanag. Ang layunin nito ay magpaliwanag at magsuri
ng mga impormasyon sa pamamagitan ng paglalahad ng ideya, mahalagang ebidensya at
angkop na pagtatalakay.
____10. Uri ng talumpati ayon sa layunin na naglalahad ng mga kaalaman tungkol sa isang
partikula na paksa
II. Panuto: Basahin mabuti ang mga dalawang pangungusap. I
Isulat ang letrang A kung mali ang unang pangungusap ngunit tama ang pangalawang
pangungusap. Isulat ang letrang B kung tama ang unang pangugusap ngunit mali ang pangalawang
pangungusap at C kung tama ang parehong pangungusap at D kung parehong mali ang
pangungusap.