Filipino Akademik Week 2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

1

Pangalan: ___________________________________
Runnel T. Dela Merced Guro: ______________
Baitang at Seksyon: __________________________
12-ABM (Lucio Tan) Petsa: _____________

Aralin Ang Akademikong Sulatin: Layunin, Gamit,


Katangian, at Anyo
2 Isinulat ni Jeane Cristine G. Villanueva

Mga
Mga Inaasahan
Inaasahan

Sa araling ito, malalaman mo ang uri ng mga akademikong sulating


ginagamit sa iba’t ibang larangan at disiplina. Bago mo simulan ang pagsulat ng
mga akademikong sulatin, mahalagang malaman mo muna ang mga detalyeng
nakapaloob sa bawat isa. Huwag mabahala kung wala kang alam paano
sisimulan ang pagsulat ng mga ito. Gagabayan ka ng modyul na ito sa mga
dapat mong gawin.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang kasanayan


na:
Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:
(a) Layunin, (b) Gamit, (c) Katangian, at (d) Anyo (CS_FA11/12PU-0a-d-90)

Bago mo simulan ang modyul na ito nais ko munang malaman ang iyong
nalalaman sa paksang ating aaralin. Madali lang! Sagutan mo muna ang unang
gawain.

Paunang Pagsubok
Paunang Pagsubok

Basahin ang sumusunod na tanong at ilagay ang tamang sagot sa nakalaang


patlang.

_______1. Pokus nito ay masining at malikhain imahinasyon ng manunulat, anong


anyo ng akademikong sulatin ang nagtataglay na pukawin ang damdamin
ng mambabasa?
A. Abstrak C. Replektibong sanaysay
B. Sintesis D. Talumpati

_______2. Bawat isang indibidwal ay may napiling propesyon na tatahakin. Upang mas
maging epektibo at produktibo ano ang isang katangian na dapat taglayin sa
larangang napili?
A. Husay sa akademikong pagsulat C. Husay sa pagbuo ng teksto
B. Husay sa pagguhit ng larawan D. Husay sa pagbigkas

_______3. Ang pagiging ____________ ay isa sa mahalagang katangian ng akademikong


sulatin.
A. masining C. may pokus
B. obhetibo D. malikhain

Modyul sa Senior High School - Filipino


Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
2

_______4. Ano ang isang anyo ng akademikong sulatin na naglalayon na maipaglaban


kung ano ang alam na katotohanan at nagtatakwil ng kamalian o mga
kasinungalingang impormasyon?
A. Bionote C. Lakbay sanaysay
B. Agenda D. Posisyong papel

_______5. Ang ______ ay isang paraan na ginagamit sa mga pulong upang ipakita ang
inaasahang paksa at usaping tatalakayin sa pulong.
A. Bionote C. Lakbay sanaysay
B. Agenda D. Posisyong papel

_______6. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa dapat taglayin akademikong


sulatin?
A. Ito ay gumagamit ng intelektwal ng pamamaraan sa pagsulat.
B. Ito ay naglalahad ng malinaw at mahahalagang paksa.
C. Ito ay sumusunod sa proseso ng pagsulat ayon sa anyo nito.
D. Ito ay tumatanggap ng opinyon ng iba.

_______7. Alin sa sumusunod ang HINDI paraan upang malinang kasanayan sa


pagsulat ng mga akademikong papel?
A. Pagsulat ng mga payak na ulat
B. Pagsasagawa ng pananaliksik sa aklatan
C. Pagbabasa ng mga tekstong di-akademiko
D. Pagsasanay sa paglutas ng mga suliranin sa Matematika, Agham
at iba pang asignatura.

_______8. Alin sa sumusunod ang maaaring gamiting matibay na ebidensya para sa


argumento?
A. Sariling karanasan C. Narinig na kuwento
B. Balitang napanood D. Likhang kuwento

_______9. Ano ang pagkakaiba ng talumpati at posisyong papel?


A. Ang talumpati ay isinulat upang bigkasin samantalang ang
posisyong papel ay isinulat upang basahin lamang.
B. Ang talumpati ay gumagamit ng pagsasalaysay habang ang
posisyong papel ay gumagamit naman ng pangangatwiran.
C. Ang talumpati ay dapat makahikayat ngunit ang posisyong papel
ay dapat maglarawan ng isang partikular na isyu.
D. Ang talumpati ay walang limitasyon samantalang ang posisyong
papel ay limitado.

_______10. Alin sa mga pangungusap ang TAMA ayon sa mga akademikong sulatin?
A. Mas epektibo ang posisyong papel kung mabulaklak ang pananalita
upang maitago ang tunay na kahulugan ng mga pahayag.
B. Ang talumpati ay isang akademikong teksto na binibigkas sa harap
ng mga tagapakinig.
C. Ang tekstong naglalarawan ay nagkukuwento ng isang pangyayari o
mga pangyayari magkakaugnay at may karakterisasyon o pag-unlad
ng tauhan.
D. Agenda ang tawag sa mga paksa o aksyong gagawin na makikita sa
katitikan ng pulong.

Modyul sa Senior High School - Filipino


Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
3

Ngayon naman, bago tayo magpatuloy sagutan mo muna ang pagsasanay


bilang balik-aral sa nakaraang aralin.

Balik-tanaw
Balik-tanaw

Isulat ang letrang T kung tama ang isinasaad ng sumusunod na pahayag sa ibaba
at M naman kung mali. Isulat ang sagot sa patlang.

______1. Ang akademikong pagsusulat ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto,


paniniwala, at pag-aaral sa paraang nakalimbag.

______2. Ang paglalarawan ay may layuning manghikayat at magpapaniwala sa


pamamagitan ng pagbibigay ng mga rason at ebidensya.

______3. Ang malikhaing pagsulat ay ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang


pampanitikan na ang layunin ng awtor ay magpahayag ng kathang-isip,
imahinasyon, ideya, damdamin at kumbinasyon ng mga ito.

______4. Humanities ay ang akademikong disiplina na nakatutok sa pag-aaral


kaugnay sa wika, panitikan, sining, linggwistiks, pilosopiya at iba pa.

______5. Ang impormatibong pagsulat ay naghahangad na makapagbigay


impormasyon at mga paliwanag.

Pagpapakilala
Pagpapakilalangng
Aralin
Aralin

Mahusay! Sa pagkakataong sisimulan na natin ang panibagong aralin,


handa ka na ba? Tara! Alamin natin ang tungkol sa layunin, gamit, katangian,
at anyo sa pagsulat ng mga akademikong papel.

AKADEMIKONG PAGSULAT
Ang akademikong sulatin ay uri ng pagsulat ng mga Papel na Akademiko gamit
ang intelektwal na pamamaraan sa pagsulat, pagpoproseso at paglalathala. Layunin
nitong mapataas ang kalamaan at mapalawak ang kaisipan ng manunulat ukol sa
iba’t ibang paksa at larang. Ang mga sulating ito ay ginagamit sa akademya upang
makapagpahayag ng impormasyon, edukasyon at saloobin na pinagtitibay ng mga
katiwatiwalang sangguniang materyal mula sa mga luma at bagong pananaliksik.
Ayon kay Karen Gocsik (2014), isa sa mahahalagang konsepto ng akademikong
pagsulat ay nararapat itong maglahad ng importanteng argumento na naglalaman ng
obhetibo, may paninindigan at pananagutan na higit na makatutulong na maihayag
ng mas malinaw ang nilalaman ng paksa.

Bukod sa akademya kung saan ginagamit ang iba’t ibang akademikong sulatin,
itinuturing din itong isang paghahanda na magagamit sa trabahong papasukin ng
mga mag-aaral sa hinaharap na aangkop sa napiling larang.

Ang kasanayan sa pagsulat ng mga akademikong papel ay malilinang sa


pamamagitan ng mga sumusunod na mungkahing paraan;
1. Pagbabasa ng mga tekstong akademiko,

Modyul sa Senior High School - Filipino


Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
4
2. Pagsulat ng mga payak na ulat,
3. Pagsasagawa ng pananaliksik sa aklatan

4. Pagsasanay sa paglutas ng mga suliranin sa Matematika, Agham at iba pang


asignatura, at
5. Pagsasanay sa paggamit ng iba’t ibang hulwaran sa pagsulat ng komposisyon
katulad ng:
a. Paghahambing at Pagkokontrast g. Paglalapat ng impormasyon sa
bagong konteksto,
b. Pagsusunod-sunod ng mga ideya h. Pagbibigay- kahulugan sa datos mula
sa mga graf at tsart,
c. Paglalarawan ng proseso, i. Pag-uulat ng pagpapaliwanag ng
datos,
d. Paghihinuha at paghula, j. Paglalahad at pagtatanggol ng
opinyon,
e. Pagsusuri ng suliranin at pagpoproseso k. Pagbibigay depinisyon at
ng solusyon,
f. Pagkaklasifika ng mga datos, l. Pagbuo ng haypoteses at konklusyon

Mga Katangian ng Akademikong Pagsulat


1. Eksplisit- Mahusay na pag-oorganisa ng mga impormasyon sa pagtukoy sa
pagkakaugnay at paghihinuha.

2. Kompleks- Paglalaan ng masusing pananaliksik at pagtuklas nang mas maging


malawak ang kaalaman at mga bokabularyo.

3. May malinaw na layunin – Ipinapakita ang mahusay at maayos na paglalahad ng


kaisipan upang maging malinaw ang teksto sa mga mambabasa

4. May malinaw na pananaw –Naisasakatuparan ang mensaheng nais maunawaan


ng mga mambabasa.

5. May pokus – Iwasan ang pagbibigay ng mga paksa na taliwas sa pangunahing


paksa at pagbibigay ng mga impormasyon na walang kinalaman sa paksa.

6. Obhetibo- Dumaan sa pagsusuri batay sa nakalap na datos at pananaliksik.

7. Pormal– Gumagamit ng mga salitang angkop sa nilalaman ng sulatin na naaayon


sa larang, at disiplinang tinatalakay.

8. Responsible- Ang may akda ng sulatin ay dumaan sa tamang proseso ng pagsulat


upang mas mabigyang pansin ang nilalaman at pagbibigay pagkilala sa mga
sanggunian na pinagkunan ng facts at mahahalagang detalye.

9. Tumpak- Ang mga impormasyong nakalap ay nakabatay sa mapagkakatiwalaang


sanggunian.

10. Wasto- maingat na pagpuna ng manunulat sa wastong gamit ng mga salita,


gramatika at mga bantas na nasa sulatin.

Ang Akademikong Sulatin: Layunin, Gamit, Katangian, at Anyo


ANYO LAYUNIN GAMIT KATANGIAN
Abstrak Layunin nitong Karaniwang gamit sa Sinusunod ng
maipakita ang pagsulat ng akademikong sulatin na ito
maikling paglalahad papel na kalimitan ding ang siyentipikong
ng kabuoan ng isang inilalagay sa mga tesis, pamamaraan ng
pag-aaral. pananaliksik, mga pormal paglalahad ng

Modyul sa Senior High School - Filipino


Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
5
na papel siyentipiko, at mga nilalaman at
mga teknikal na papel, datos nito.
mga lektyur, at pati sa
mga report.
ANYO LAYUNIN GAMIT KATANGIAN
Sintesis/ Naglalayon na Ginagamit ito upang Kalimitang
buod mabigyan ng ipabatid sa mga ginagamit sa mga
pinaikling bersyon o mambabasa ang tekstong
buod ang mga teksto kabuoang nilalaman ng naratibo.
na maaaring teksto sa maikling Naglalaman ng
pinanood, pamamaraan. mahahalagang
napakinggan, o ideya at mga
nakasulat na akdang sumusupotang
tuluyan o prosa. ideya at datos.
Bionote Layunin nitong Ginagamit ito talaan Maikling
magbigay tungkol sa kwalipikasyon deskripyon sa
makatotohanang at kredibilidad ng isang mga
impormasyon ng taong panauhin sa isang pagkakakilanlan
isang indibidwal kaganapan o kaya’y ng isang
ukol sa mga nakamit manunulat ng aklat. manunulat na
at nagawa bilang matatagpuan sa
isang propesyunal sa likod na pabalat
napiling larangan. ng aklat o
impormasyon
ukol sa guest
speaker.

Panukalang Proposal sa Ito ay ginagamit sa gabay


Katangian nitong
Proyekto proyektong nais sa pagpaplano at
ipakita ang
ipatupad na pagsasagawa nito para sakabuoang detalye
naglalayong isang establisyemento o sa gagawing
mabigyan ng resolba institusyon. proyekto tulad,
ang mga suliranin. badyet,
proponent,
deskripyon at
bunga ng
proyekto.
Talumpati Layunin ng sulatin Ang sulatin na ito ay Maaaring pormal
na ito na ginagamit sa pagbibigay at nakabatay sa
magpapaliwanag ng pugay at pagbabahagi ng uri ng mga
isang paksang mga karanasan. tagapakinig at
nanghihikayat, may malinaw ang
tumutugon, ayos ng ideya.
mangatwiran at / o
magbigay ng mga
kabatiran o
kaalaman sa mga
mambabasa.

Katitikan Layunin na magtala Ginagamit ito upang Katangian nitong


ng pulong o irekord ang mga ipaalam sa mga pagtibayin ang
mahahalagang kasangkot ang mga nilalaman ng
puntong nailahad, nangyari sa pulong at mga usapin sa
diskusyon at magsilbing gabay upang pulong sa

Modyul sa Senior High School - Filipino


Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
6
desisyon ng mga matandaan ang mga pamamagitan ng
dumalo sa isang detalye ng pinag-usapan. mga lagda ng
pagpupulong. dumalo.

ANYO LAYUNIN GAMIT KATANGIAN


Posisyong Layunin ng sulatin Karaniwang ginagamit Ito ay pormal at
papel na ito na ang sulatin na ito sa organisadong
maipaglaban kung akademya, politikal at isinusulat ang
ano ang alam na batas pagkakasunod-
katotohanan. Ito ay sunod ng mga
nagtatakwil ng ideya.
kamalian o mga
kasinungalingang
impormasyon.

Replekti- Isang uri ng Isang sulatin na Ang sanaysay na


bong sanaysay na kinapapalooban ng mga ito ay masining
sanaysay naglalayong reaksyon, damdamin at at malikhain ang
magbabalik tanaw ng mga opinion ng may pagkakasulat
ang may akda at akda sa isang pangyayari. ukol sa isang
nang may kaganapan.
pagninilay.
Agenda Ang layunin nito ay Ito ay ginagamit sa mga Isang maikling
ang ipabatid ang pulong upang ipakita ang sulatin na
paksa na tatalakayin inaasahang paksa at nagpapabatid ng
sa pagpupulong at usaping tatalakayin. lalamanin ng
para na rin sa pulong
kaayusan at
organisadong
pagpupulong.
Pictorial Layunin nito ng Ginagamit ang litrato Mas maraming
essay o makabuluhang at upang magbigay ng kulay litrato ang laman
Sanaysay oraganisadong at kahulugan sa ng sanaysay
na pagpapahayag sa paglalahad ng isang kaysa sa mga
Piktoryal mga litrato. usapin o isyu. salita.

Binubuo ng may
3-5 na
pangungusap
ang paliwanag sa
bawat litrato.
Lakbay- Isang uri ng Ginagamit ng may akda Ito ay
sanaysay sanaysay na ang kanyang karanasan ginagamitan ng
naglalayong sa paglalakbay na mga tekstong
makakapagbalik- kanyang isinusulat at diskriptiv kaysa
tanaw sa ibinabahagi sa iba. sa mga larawan.
paglalakbay na
ginawa ng may akda.

Mga Gawain
Modyul sa Senior High School - Filipino
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
7

Gawain 1.1 Paglinang ng Talasalitaan


Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salita at gamitin ito sa pagbuo ng sariling
pangungusap.
Mga Salita Kasingkahulugan Gamitin sa pangungusap
1. Eksplisit
2. Kompleks:
3. Obhetibo
4. Haypoteses
5. Essay

Gawain 1.2 Graphic Organizer


Basahin ang teksto at tukuyin ang pagkakakilanlan ng akademikong sulatin
gamit ng graphic organizer. Gagamitin ang pamantayan na nasa ibaba sa
pagmamarka ng iyong sagot.

Matapos mong aralin ang anyo, layunin, gamit at katangian ng


akademikong pagsulat, ikaw ngayon ay babasa ng isang teksto na may
kinalaman sa kasalukuyang kinakaharap na pagbabago ng ating bansa at ng
buong mundo. Nais kong matukoy mo ang pagkakakilanlan ng teksto!

Ang “New Normal” sa Pilipinas


Jeane Cristine G. Villanueva

Maraming nagbago, maraming naiba, mula sa kinasanayan patungo sa


kasalukuyan. Mga pagbabagong tatatak sa kasaysayan ng ating henerasyon.
Itinuturing itong isa sa pinakamabisang paraan para labanan ang kaaway na
mapamuksa, corona virus. Ikaw, ramdam ang mga pagbabagong ito?

Sa panahon ng new normal ang mga kabataang nag-aaral ay binigyan ng iba’t


ibang pamamaraan upang maipagpatuloy ang edukasyon kahit wala sa loob ng
paaralan, yaong may mga kapansanan, mga matatanda na kinakailangang manatili sa
loob ng tahanan upang makaiwas sa pagkahawa ng sakit. Mga indibidwal na nawalan
ng trabaho dahil sa pagsasara ng ilang kumpanya. Paglilimita sa pagpasok sa ibat’
ibang probinsya at rehiyon. Ilan lamang ito sa kaganapan sa new normal upang
mapanatili ang social distancing.

Bumabalik sa aking alaala yung mga panahon na araw-araw akong pumasok


upang magturo sa aking mga mag-aaral. Mga araw na naririnig mo ingay sa loob ng
mall kasama ang buong pamilya, mga sandaling nagpaplano magkita-kita ang buong
barkada. Mga oras na nakalaan upang dumalo ng misa sa simbahan. Nang dahil sa
mapamuksang sakit lahat ito ay nag-iba.

Hindi lamang ako, marahil ikaw rin ay may mga alaalang nais balikan bago ang
pandemyang dulot ng covid 19 at bago harapin ng buong bansa at buong mundo ang
“new normal”.

Modyul sa Senior High School - Filipino


Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
8

Gamit ng teksto

Layunin ng Katangian ng
teksto teksto
Anyo ng tekstong
binasa ________

Rubriks sa pagpapaliwanag ng kasagutan


Pamantayan Napakahu- Mahusay- Mahusay Katamtaman Nangangailangan
say husay 3 2 ng pagpapahusay
5 4 1

Naipaliwanag ng
maayos ang sagot
batay sa
nilalaman ng
akademikong
papel.

Gawain 1.3 Pagsagot sa mga Tanong


1. Ano ang mahalagang layuning nililinang ng pagsulat ng akademikong papel?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2. Bakit kailangang gumamit ng iba-ibang anyo sa pagsulat sa iba’t ibang larang


at disiplina?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

3. Ano-ano ang mahahalagang bagay na dapat mong tandaan sa pagsulat ng


akademikong papel?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

4. Bakit mahalagang matutuhan ang ganitong uri ng sulatin?


_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Modyul sa Senior High School - Filipino


Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
9
5. Ano ang mahahalagang sangkap na dapat mayroon sa mga akademikong
sulatin? Bakit?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Ikinagagalak ko na natapos mo ang mga pagsubok para sa ating aralin.


Mas lalo mo pang palawakin ang iyong kaalaman.

Tandaan
Tandaan

Matapos mong pag-aralan ang akademikong sulatin at pag-alam sa layunin,


gamit, katangian, at anyo ng mga ito, narito ang mga dapat mong tandaan.

1. Ang bawat akademikong papel ay may kaniya-kaniyang layunin, gamit, at


katangian sa pagsulat.
2. Kinakailangang tiyak ang mga impormasyon na isusulat sa akademikong papel.
3. Tiyakin na dadaan sa tamang proseso ng pagsulat ang kahit anomang paksa
upang maging maayos ang kalalabasan ng iyong isinulat.
4. Sundin ang iba’t ibang hulwaran sa pagsulat upang malinang ang iyong kritikal na
pag-iisip.
5. Ugaliin ang pagbabasa ng iba’t ibang tekstong pang-akademiko nang mas lalo
pang mapaunlad ang kasanayan sa pagsulat.

Natutuwa akong makita ang iyong pagtitiyaga sa pag-aaral. Isang gawain pa


ang inilaan ko para sa iyo upang mailapat mo ang iyong mga natutuhan.

Pag-alamsa
Pag-alam samga
mgaNatutuhan
Natutuhan

Sagutin ang tanong:


Ipaliwanag ang sagot gamit ang mga tinalakay sa buong kabanata. Isulat na hiwalay
na papel ang sagot. (10 puntos)

1. Bakit mahalahang matutuhan ang pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating pang-
akademiko?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Modyul sa Senior High School - Filipino


Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
10
Rubriks sa pagsulat ng mapiling akademikong sulatin
Pamantayan Napakahusay Mahusay- Mahusay Katamtaman Nangangailangan
5 husay 3 2 ng pagpapahusay
4 1

Naipaliwanag
ng maayos ang
sagot batay sa
nilalaman ng
akademikong
papel.

Pangwakas
Pangwakas na
na Pagsusulit
Pagsusulit

Basahin at unawain ang nilalaman ng bawat bilang sa ibaba. Tukuyin at isulat


ang wastong sagot sa patlang.

May malinaw na pananaw Responsible kompleks

May malinaw na layunin Pormal Eksplisit

Tumpak Wasto May Pokus Obhetibo

_________1. Naisasakatuparan ang mensaheng nais maunawaan ng mga


mambabasa.

_________2. Paglalaan ng masusing pananaliksik at pagtuklas nang mas maging


malawak ang kaalaman at mga bokabularyo.

_________3. Ipinapakita ang mahusay at maayos na paglalahad ng kaisipan upang


maging malinaw ang teksto sa mga mambabasa

_________4. Mahusay na pag-oorganisa ng mga impormasyon sa pagtukoy sa


pagkakaugnay at paghihinuha.

_________5. Iwasan ang pagbibigay ng mga paksa na taliwas sa pangunahing paksa


at pagbibigay ng mga impormasyon na walang kinalaman sa paksa.

_________6. Dumaan sa pagsusuri batay sa nakalap ng datos at pananaliksik.

_________7. Masiping pagpuna ng manunulat sa wastong gamit ng mga salita,


gramatika at mga bantas na nasa sulatin.

_________8. Gumagamit ng mga salitang angkop sa nilalaman ng sulatin at


naaayon sa larangan at disiplinang tinatalakay.

_________9. Ang mga impormasyong nakalap ay nakabatay sa mapagkakatiwalaang


sanggunian.

________10. Ang may akda ng sulatin ay dumaan sa tamang proseso ng pagsulat


upang mas mabigyang pansin ang nilalaman at pagbibigay pagkilala
sa mga sanggunian na pinagkunan ng facts at mahahalagang detalye.

Modyul sa Senior High School - Filipino


Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
Unang Markahan: Ikalawang Linggo
11

Pagninilay
Pagninilay

Subukin mong sumulat ng isang akademikong sulatin sa isang malinis na papel


gamit ang iyong mga natutuhan bilang paghahanda sa mga susunod na aralin.
Pumili ng isang kaganapan sa iyong komunidad na maaaring maging paksa
katulad ng “Anti- Terrorism Bill”. Gamitin ang rubriks bilang gabay sa iyong
pagsulat (10 Puntos)

Pamantayan sa Pagsulat ng Akademikong papel


Krayterya bahagdan iskor
Nilalaman at makabuluhang kaisipan 30%
Takbo ng teksto ay naaayon sa paksang napili 30%
Tamang baybay at gamit ng mga salita 15%
Nasusunod ang mga dapat gawin ayon sa anyo, 10%
layunin gamit at katangian
Bantas at gramatika 15%
KABUOAN 100

Binabati kita sa ipinakita mong pagtitiyaga at kahusayan. Kung


mayroong bahagi sa modyul na ito na hindi mo naunawaan mangyaring
makipag-ugnayan ka sa iyong guro.

Modyul sa Senior High School - Filipino


Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
Unang Markahan: Ikalawang Linggo

You might also like