Filipino Sa Piling Larangan Exam

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

I. Panuto: Basahin at bilugan ang tamang sagot.

1. Layunin ang akademikong sulatin na ang magbigay ng –

a. Impormasyon
b. Saloobin
c. Panig
d. Palagay

2. Ito ay isang institusyon ng kinikilala at respetadong mga iskolar, artista at


siyentista na ang layunin ay isulong, paunlarin, palalimin at palawakin ang
kaalaman at kasanayang pangkaisipan upang mapanatili ang mataas na
pamantayan ng partikular na larangan.

a. Gobyerno
b. Akademiya
c. Komunidad
d. Paaralan

3. Ang mga sumusunod ay katangian ng akademikong sulatin maliban sa isa

a. Subhetibo ang pananaw


b. Obhetibo ang pananaw
c. Nakabatay sa pananaliksik
d. Plando at magkakaugnay ang ideya

4. Tumutukoy ito sa isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang


karanasang panlipunan na maaaring batayan ng marami pang pag-aaral na
magagamit sa ikatataguyod ng Lipunan

a. Kritikal na pagsulat
b. Malikhaing pagsulat
c. Akademikong pagsulat
d. Malayang pagsulat

5. Ito ay layunin ng pagsulat kung saan ang isinasatitik ay nakabatay sa


pansariling pananaw, karanasan, naiisip o nadarama ng manunulat.

a. Panlipunan
b. Personal
c. Pampaaralan
d. Pampanitikan

6. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng akademikong sulatin maliban sa


isa

a. Katitikan ng pulong
b. Lakbay-sanaysay
c. Tula
d. Talumpati
7. Ito ay tumutukoy sa katangian ng akademikong sulatin na dapat gumamit
lamang ng simple at madaling mauunawan ang salita at iwasan ang salitang
lokal at balbal.

a. Pormal
b. May pananagutan
c. Organisado
d. Obhetibo

8. Elemento ng abstrak na tumutukoy sa Sistemang ginamit para matapos ang


isang pag-aaral.

a. Introduksiyon
b. Saklaw at delimitasyon
c. Metodolohiya
d. Resulta

9. Ito ay layunin ng sanaysay na naglalahad ng isang paninindigan o posisyon


hinggil sa isang usapin.

a. Argumentatibo
b. Replektibo
c. Personal
d. deskriptibo

10. Ang lahat ay layunin ng sanaysay maliban sa isa.

a. Makabuluhan
b. Replektibo
c. Argumentatibo
d. Deskriptibo

11. Ito ang pangunahing ideya ng may akda na gamit ang sariling salita o
pangungusap ng isang indibidwal.

a. Sentesis
b. Buod
c. Bionote
d. Abstrak

12. Ito ay ang pagsama sama ng dalawa o higit pang buod upang makabigay ng
koneksyon sa pagitan ng isa o higit pang sulatin.
a. Buod
b. Sentisis
c. Bionote
d. Abstrak

13. Ang mga sumusunod ay mga hakbang sa pagbubuod maliban sa isa.

a. Dapat gamitan ito ng mga payak na pangungusap na sinulat sa isang


paraang madaling maunawaan ng babasa.
b. Basahin munang mabuti ang buong akda upang makuha at maunawaang
mabuti ang mga panggitnang kaisipan.
c. Hindi dapat na malayo ang diwa ng orihinal sa ginawang buod.
d. Ang mga salitang gagamitin ay dapat makabuluhan at may
patutunguhan.

14. Ito ay uri ng sentesis na nangangailangang pagsama-samahin ang mga


SANLIGANG impormasyon ukol sa isang paksa at inaayos ayon sa TEMA
at hindi ayon sa sanggunian.

a. Thesis-driven synthesis
b. Background synthesis
c. Synthesis for the literature
d. Formal synthesis

15. Ito ay anyo ng sintesis na naglalayong tulungan ang mambabasa o nakikinig


na lalong maunawaan ang mga bagay na tinatalakay

a. Argumentative synthesis
b. Explanatory synthesis
c. Thesis driven synthesis
d. Background synthesis

II. Panuto: Basahin ang pahayag at piliin ang sagot sa kahon. Isulat ang sagot sa patlang

Pormal Replektibo
Obhetibo deskriptibo
May paninidigan
____________ 16. Naglalarawan ng isang particular na bagay, konsepto o
pangyayari. deskriptibo
____________ 17. Ang mga ganitong uri ng sulatin ay pormal at hindi
ginagamitan ng mga impormal o balbal na pananalita. pormal
___________ 18. Ito ay sanaysay kung saan nakatuon ito sa paglilimi at
pagbubulay-bulay ukol sa isang paksa. replektibo
___________ 19. Ang layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang antas ng
kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang disiplina o larang. obhetibo
___________ 20. Ang akademikong pagsulat ay kailangang may paninindigan
sapagkat ang nilalaman nito ay pag-aaral o mahalagang impormasyon na dapat idinudulog
at dinepensahan, ipinaliliwanag at binibigyang-katwiran ang mahahalagang layunin, at
inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral. May paninidigan

III. Panuto: 21-26.- Magbigay ng mga katangian ng Abstrak.

• May 200 hanggang 250 na salita at naka dobleng espasyo.


• Ginagamitan ng mga simpleng pangungusap na malinaw at direkta.
• Nabanggit ang impormasyon sa papel. Hindi maaring maglagay ka ng mga detalye na
hindi nabanggit sa ginawang pag-aaral o sulatin.
• Madaling maunawaan at makuha ng mambabasa ang target. Huwag magpaligoy-ligoy at
gawing maikli pero komprehensibo para mapaintindi sa nagbabasa ang naging takbo,
bunga at resulta ng ginawang pananaliksik.
• Iwasang isulat ang iyong sariling opinyon at iwasang maglagay ng statistical figures.
• Maging obhetibo at isulat lamang ang mga pangunahing kaisipan. Hindi mo kailangang
ipaliwanag ang lahat.

IV. Panuto: 27.-30. Isa-isahin ang mga hakbang sa pagbubuod.

 Basahin munang mabuti ang buong akda upang makuha at maunawaang mabuti
ang mga panggitnang kaisipan.
 Hanapin din ang pangunahing kaisipan at mga pamuno o katulong na kaisipan.
 Dapat gamitan ito ng mga payak na pangungusap na sinulat sa isang paraang
madaling maunawaan ng babasa.
 Hindi dapat na malayo ang diwa ng orihinal sa ginawang buod

You might also like