Writing Lang

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

FILIPINO SA PILING LARANGAN

SENIOR HIGH SCHOOL GRADE 11,


SECOND SEMESTER

I. Pinagbuting Tama o Mali. Basahin at unawain kung tama o mali ang mga sumusunod na pahayag.
Bigyang pansin ang salitang may salungguhit. Isulat ang T kung wasto ang pahayag, kung di-wasto
palitan ng wastomg sagot ang salitang may salungguhit.

______1. Masasabing akademiko ang isang sulatin kung ito ay nakabatay sa isang tiyak na disiplina o
larangan na maaaring interdisiplinari o multidisiplina mula sa disiplinang siyentipiko, pilosopikal,
agham, humanistiko, at iba pa.
______2. Taglay ng akademikong sulatin ang mababang gamit ng isip upang maipahayag ang ideya
bilang batayan ng karunungan.
______3. Hindi maaring paghiwalayan ang pagsulat at kognisyon. Ang isip ang pinagmumulan ng
proseso ng kognisyon.
______ 4. Ang akademikong sulatin ay kaugnay ng akademikong disiplina at isinusulat sa iskolarling
pamamamaraan.
______ 5. Ang reaksiyon sa isang aklat, palabas, manuskrito, pahayag ng isang tao, at buod ng anumang
akda ay mga halimbawa ng primaryang sanggunian.
______6. Ang impormatibong pagsulat ay naghahangad na makapagbibigay ng impormasyon at mga
paliwanag
______7. Ang malikhaing pagsulat ay naglalayong makumbinsi ang mga mambabasa tungkol sa isang
katuwiran, opinion o paniniwala.
______ 8. Ang mapanghikayat na pagsulat ay pagpapahayag ng kathang-isip, imahinasyon, ideya,
damdamin o kumbinasyon ng mga ito.
______9. Ang pormularing pagsulat ay isang mataas at estandardisadong pagsulat katulad ng mga
kasulatan/ kasunduan sa negosyo/ bisnes at iba pang transaksyong legal.
______10. Personal na gawain ang pagsulat kung ito ay may layuning ekspresibo o pagpapahayag ng
iniisip o nadarama.
______11. Maihahalintulad ang yugto ng pagsulat sa isang proseso o siklo na may umpisa at katapusan.
Pinag-uugnay ugnay ang simula at wakas ng iba pang mga hakbang upang maging komprehensibo at
epektibo ang isang akademikong sulatin.
______12. Sandigan ang pagbuo ng unang draft ang dating kaalaman at karanasan ng isang indibidwal
na bubuo ng akademikong sulatin. Mas yumayaman ang dating kaalaman at karanasan mula sa
pagbabasa, panonood, at pakikinig.
______13. Bahagi ng unang yugto ang pagbabalik-tanaw at pagkilala sa sarili kung ano ang maaaring
ilagay sa gagawing sulatin.
______14. Bago sumulat, matiyagang iniisa-isa ang mga konsepto na lalamanin ng akademikong sulatin.
Mula sa binalangkas na konsepto na maaring papaksa o pangungusap, magiging gabay ito upang
pagyamanin ang nililinang na akademikong sulatin.
______15. Bukas ang unang draft sa pagbabago sa pagbabago upang lalong mapabuti ang akademikong
sulatin.
II. Malayang Pagpipilian.. Basahin at unawain ang tinutukoy sa mga sumusunod na pahayag. Piliin sa
loob ng kahon ang letra ng wastong sagot
A. Pagpaplano B. Pag-aayos C. Drafting D. Pagrerebisa E. Pinal na Pagbasa at Pagsusulat
F. Interview G. Sounding out Friends H. Listing I. Journal J. Brainstorming K. Observation L.
Karanasan M. Immersion N. Paksa at Tesis O. Nilalaman P. Lagom Q. Konklusyon
R. Pagsasalaysay S. Paglalarawan T. Talambuhay U. Talaarawan V. Repleksyon

______1. Mula sa ginawang proofreading maisasapinal ang akademikong sulatin taglay ang tamang wika
at nilalaman ng akademikong sulatin.
______2. Pagtatakda ng paksa, paraan ng pangangalap ng datos, pagsusuri, at panahon kung kalian
sisimulan at matatapos ang akademikong sulatin.
______ 3. Paghahanda ng sarili upang maayos na maisulat ang akademikong sulatin. Makatutulong ang
pagbabalangkas ng paksa sa bahaging ito. 4. Mula sa ginawang sariling pagtataya o ng iba ay babaguhin,
aauyusin, at pauunlarin ang akademikong sulatin.
______ 5. Panimulang pagsulat o pagmamapa ng mga ideya. Nasa istilo ng manunulat kung paano
lilikhain ang tentatibong sulatin.
______6. Paglilista ng mga posibleng makatutulong sa iyong gagawing sulatin
______7. Ang paggamit ng mga pandama katulad ng mga napansin sa paligid, mga naaamoy,
namamasid, at nahahawakang bagay ay makatutulong sa pagtitipon ng mga mapaghahanguan ng ideya
at kaalaman sa gagawing sulatin.
______ 8. Ang pakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan, kasambahay, o kapitbahay ay maaring
mapaghahanguan ng mga ideya sa gagawing sulatin.
______9. Ang iyong mga narinig, nabasa, napanood, at mga hindi makalimutang pangyayari ay maaring
mapaghanguan ng ideya sa gagawing sulatin.
______10.Ang pagtatanong o pagkuha ng impormasyon sa mga taong mas may higit na kaalaman at
karanasan sa paksa na ibinabalak na isulat ay makatutulong sa bubuuing sulatin.
______11. Ang mga naitagong pansariling tala na naglalaman ng mga obserbasyon, kaisipan, at
damdamin ng manunulat ay makatutulong sa kanyang gagawing sulatin.
______12.Ang pagpapahayag ng manunulat ng kanyang mga saloobin sa mga nangyayari sa paligid.
______ 13.Ang Pansariling tala ng mga pangyayari sa buhay ng isang nilalang.
______14.Layunin nito na magbigay na mabigyang-kahulugan ang iba’t ibang termino.Ito ay malaking
hawan upang mabigyang-daan ang lubos na pagkaunawa ng mga mambabasa sa teksto.
______15.Ito ay diskurso na naglalahad ng pangyayari. Naibabahagi, naihahatid, at napapahalagahan
dito ang impormasyon.
______16.Isang diskurso na nagbibigay hugis, anyo, kulay, at katangian. Dito naipapakita ang
kagandahan ng daigdig. Nagagawa nitong konkreto ang mga abstraktoong kaisipan.
______17.Malalim na pinag-iisipan an gang magiging nilalaman ng paksang isusulat.
______18.Ang pakikisalamuha sa mga tao at totoong pagdanas sa uri ng pamumuhay sa isang lipunan ay
makatutulong sa bubuuing sulatin.
______19.Dito nababasa ang buod ng buong sulatin na inilahad ng manunulat sa pinakamaikling paraan.
______20.Matutunghayan dito ng mambabasa ang mga kasagutan sa katanungan mula sa pagsusuri ng
mga nakalap na datos.

GOD BLESS!

You might also like