Activity

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

Pangalan:______________________________________________________

Baitang:________________________ Petsa:____________________

Unang Markahan-Unang Linggo

ARALING PANLIPUNAN
ANG KOMUNIDAD
Ano ang Komunidad?

Mahalagang malaman at maunawaan mo ang kahulugan ng komunidad. Marapat na kilalanin


ang mga bumubuo at uri ng komunidad upang higit na maunawaan ang kahulugan nito.

Ito ang halimbawa ng isang komunidad.

Maaaring matagpuan ang komunidad sa kapatagan, kabundukan, tabing dagat, tabing lawa,
talampas, industriyal at lungsod.
Ang komunidad ay binubuo ng paaralan, pamilihan, sambahan, pook libangan, sentrong
pangkalusugan at mga panahanan na tulad ng nasa larawan. Mayroon din namang mga
komunidad hindi lahat makikita ang mga ito.

Paaralan Palengke o Pamilihan Bahay Pamahalaan

Palaruan Ospital o Paggamutan Mga Bahayan


TANDAAN:
Ang komunidad ay binubuo ng pangkat ng mga tao na naninirahan sa isang pook na
magkatulad ang kapaligiran at pisikal na kalagayan.

Ang komunidad ay binubuo ng pamilya, paaralan, pamahalaan, simbahan, sentrong


pangkalusugan, pook libangan at pamilihan.

Maaaring matagpuan sa tabing dagat o ilog, kapatagan, kabundukan, lungsod o bayan


ang isang komunidad.

Sagutin:

1. Ano ang iyong nakikita salarawan ng komunidad?

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

2. Saan maaaring matatagpuan ang isang komunidad?

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

3. Ano-ano ang bumubuo sa isang komunidad?

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

4. Ganito rin ba ang makikita sa iyong komunidad?

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

4. Magkakapareho ba ang mga komunidad? Paano sila nagkakapareho o nagkakaiba?

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

5. Ano ang kahulugan ng komunidad?

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________
Iguhit sa papel ang bumubuo sa iyong komunidad.Kulayan.

Kulayan ang larawan na katulad ng kinaroroonan ng iyong komunidad.

Buuin ang kahulugan ng komunidad. Piliin ang wastong sagot sa loob ng


kahon.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

SARILING KAKAYAHAN
Tayong lahat ay may natatanging mga kaloob, talento, at kakayahan na ibinigay sa atin ng ating
Ama sa Langit. Noong isinilang tayo, taglay na natin ang mga kaloob, talento, at kakayahang ito.
Bawat isa sa atin ay biniyayaan niya ng kakayahan o talento.
Katulad ng mga bata sa larawan, mayroon ka ring taglay na kakayahan. Sino sa kanila ang kaya
mong gayahin?

Pag-awit Husay sa isports Pagsasayaw Husay sa pagsasalita Pagguhit

Lahat tayo ay may kani-kaniyang kakayahan o potensiyal na maari nating ibahagi sa lipunan sa
iba’t ibang paraan.

Paano natin mapapaunlad ang ating mga talento?

Tungkulin nating paunlarin ang mga talentong ibinigay sa atin. Kung minsan iniisip nating wala
tayong maraming talento o na biniyayaan ang ibang tao ng mas maraming kakayahan kaysa sa
taglay natin. Kung minsan hindi natin ginagamit ang ating mga talento dahil natatakot tayong
baka mabigo tayo o mapulaan ng iba. Hindi natin dapat itago ang ating mga talento. Dapat
nating gamitin ang mga ito. Sa gayon ay makikita ng iba ang ating mabubuting gawa

May ilang bagay tayong kailangang gawin upang mapaunlad ang ating mga talento.
• Kailangan nating tuklasin ang ating mga talento. Dapat nating suriin ang ating sarili upang
malaman ang ating mga kalakasan at kakayahan. Matutulungan tayo ng ating pamilya at
mga kaibigan sa paggawa nito. kailangang handa tayong mag-ukol ng panahon at
pagsisikap upang mapaunlad ang talentong nais natin.
• Kailangan matutuhan natin ang mga kasanayang kailangan para mapaunlad ang ating mga
talento. Maaari nating gawin ito sa pamamagitan ng pag-enrol sa isang klase, pagpapaturo
sa isang kaibigan, o pagbabasa ng aklat.
• Magsanay tayo sa paggamit ng ating talento. Kailangang pagsikapan at pagtrabahuhan ang
bawat talento upang mapaunlad ito.
• Ibahagi natin ang ating talento sa iba. Sa pamamagitan ng paggamit ng ating mga talento
humuhusay ang mga ito
Iguhit sa loob ng bilog ang iyong paraan ng pagpapakita ng iyong kakayahan.

Iguhit sa lob ng kahon ang iyong talent o kakayahan at isulat kung paano mo ito ipinapakita.

________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________
Tukuyin ang talento ng mga sumusunod na kilalang tao sa industriya.

1. Sarah Geronimo = ________________________________

2. Manny Pacquiao = ________________________________

3. Maja Salvador = ________________________________

4. Regine Velasquez = ________________________________

5. Fernando Amorsolo = ________________________________

Panuto:
 Basahin ang bawat pahayag at sagutan ng TAMA kung ito ay nagpapakita ngpagsangayon, at
Mali kung ang pahayag ay hindi tama.Isulat ang tamang sagot sapatlang.

 _______ 1. Lahat tayo ay may angking talent o natatanging kakayahan.


 _______ 2.May kanya-kanya tayong galling o husay na maari nating maipamalas sakapwa.
 _______ 3. Nagiging iritable ka kapag ipinakita mo ang iyong talento.
 _______ 4. Huwag magtanghal sa palatuntunan ng paaralan dahil may talento ka na.
 _______ 5.Manatili na lamang na nakatago ang talento mo para sa iba.
 _______ 6. aghandaan ang sasalihang paligsahan.
 _______ 7. Kilalanin ang ibang talento na hindi mo pa taglay.
 _______ 8. Maaaring magsanay sa talento na hindi mo pa taglay.
 _______ 9. Malaki ang naitutulong ng pamilya at paaralan sa paghubog ng iyongtalento.
 _______ 10. Magsarili sa talentong taglay mo na.
ENGLISH

ENGLISH ALPHABET

The English alphabet consists of 26 letters. Each letter has an


uppercase ("capital letter") and a lowercase ("small letter") form.

Notes
•Five of the letters in the English Alphabet are vowels: A, E, I,
O, U.
•The remaining 21 letters are consonants: B, C, D, F, G, H, J, K,
L, M, N, P, Q, R, S, T, V, X, Z, and usually W and Y.
Answer the following questions:

1. What is the 2nd letter in the alphabet? ________________


2. What is the 20th letter in the alphabet? ________________
3. How many letters are there in the alphabet? ________________
4. What is the first letter in the alphabet? ________________
5. What is the 26 letter in the alphabet? ________________
6. How many vowels are there? ________________
7. How many consonants does the alphabet has? ________________
8. What are the 5 vowels? ________________

Write the small letters of each big letters.


Write a word that starts with the given letter.

1. B= ___________________

2. D= ___________________

3. W= ___________________

4. T= ___________________

5. H= ___________________

6. Y= ___________________

7. V= ___________________

8. S= ___________________

9. Q= ___________________

10. G= ___________________
FILIPINO
PAGSULAT NG GUHIT
Mga dapat tandaan sa pagsulat:

1. Hawakan ang lapis nang isang pulgada ang layo mula sa dulo ng daliring hinlalaki,
hintuturo, at gitnang daliri.
2. Iayos ang papel sa desk. Ipatong sa bandang itaas nito ang kanan o kaliwang kamay.
3. Magsulat mula kaliwa-pakanan.
4. Magsulat nang marahan at may tamang diin. 5. Umupo nang maayos sa upuan.

Mga Tanong:
1. Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat?
___________________________________________________________

___________________________________________________________

2. Bakit may mga dapat tandaan sa pagsulat?


___________________________________________________________

___________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, ano ang mangyayari kung hindi natin ito isasagawa?
___________________________________________________________

___________________________________________________________

TANDAAN:
Mahalaga na sundin ang mga panuntunan sa pagguhit upang matutunan ang tamang
pamamaraan at maging malinis at maayos ang sulat o guhit.

Gumawa ng pataas-pababang guhit. Gawin sa papel nang limang beses. Gayahin ang modelo.
MAGALANG NA PANANALITA

Basahin ang diyalogo.

Nagkasalubong sa paaraalan sina Lina at Marlon. Narito ang usapan nila.

Lina: Magandang umaga, Marlon.


Marlon: Magandang umaga rin naman sa iyo Lina.
Lina: Kumusta ka ?
Marlon: Mabuti naman. Maraming salamat. Ikaw, kumusta ka?
Lina: Mabuti rin naman.
Marlon: Paalam na Lina. Lina: Paalam, Marlon

Sagutin ang mga tanong: Isulat ang sagot sa papel.

1. Ano-anong pagbati ang ginamit sa diyalogo?


2. Kailan natin ginagamit ang magandang umaga? Kumusta ka? Paalam? Salamat?
3. Bakit kailangan nating gamitin ang mga ito?
4. Ano-ano pang pagbati ang ginagamit natin? Halimbawa ay sa hapon? Sa tanghali? Sa gabi?
5. Kapag di sinasadya ay nakasakit ka ng kapwa?
6. Ano naman ang sinasabi kapag binigyan ka ng isang bagay o regalo?
7. Kapag may nag-uusap at dadaan ka sakanilang pagitan?
8. Ano-ano ang pananalitang ito?

Ang magagalang na pananalita ay ginagamit sa iba’t ibang paraan. Sa kabuuan, ang paggamit ng
mga ito ay nagpapakita ng respeto at paggalang sa kausap.
 Narito ang magagalang na pananalita at pagbati na ginagamit sa iba‟t ibang sitwasyon

po, ho, opo (pangsagot sa tanong o tawag)


Makikiraan (po) (pakikiraan)
Salamat (po) (pagpapasalamat)
Maaari (po) ba? (paghingi ng pahintulot)
Walang ano man. (pagsasagot sa pasasalamat)
Magandang umaga/hapon/gabi/araw (po) (pagbati)
Pasensiya na (po) (paghingi ng paumanhin)
Paki… (paghingi ng pabor o tulong)
Kamusta po? (pagtatanong ng kalagayan)
Paalam po (Pagpapaalam sa pag-alis)

Tandaan!

Bigkasin ang magagalang na pagbati at pananalita nang may wastong tono, ekspresyon, at
pagpapangkat ng mga pantig at salita.
Isinusulat ang mga magagalang na pananalita nang may wastong bantas, espasyo ng mga letra,
at salita.
GAWAIN:
I. Basahin sa sarili ang mga pangkatang salita. Lagyan ng ekis ang naiiba ang bigkas.

1.salamat salamat salabat salamat


2.umaga umupa umaga umaga
3.hapon kahapon kahapon kahapon
4.tanghali tanghalan tanghali tanghali
5.paalam paalam palaka paalam

II. Isinusulat ang mga magagalang na pananalita nang may wastong bantas, espasyo ng mga
letra, at salita.

1. _____________________________________

2. _____________________________________

3. _____________________________________

4. _____________________________________

5. _____________________________________

III. Basahin ang mga magagalang na pananalita sa Hanay A at Hanay B. Itambal ang bawat isa sa
pahayag na angkop sa paraan ng paggamit. Pagkabitin ng guhit.

Hanay A Hanay B
1. Nakita ko itong naiwan mong aklat. Heto, o A. Walang ano man.
2. Magandang gabi po. B. Mabuti naman.
3. Salamat sa paghahatid mo sa aking kapatid. C. Salamat sa iyo.
4. Aray! Natapakan mo ako D. Magandang gabi rin sa iyo.
5. Opo, ligtas kaming nakauwi. E. Pasensiya na. Hindi ko sinasadya.

IV. Isulat sa loob ng kahon ang pananalitang magalang na angkop gamitin sa sitwasyon o
pahayag na hawak ng katambal nito.
Magtulungan Tayo

Tayo nang maglinis ng ating bakuran


Dapat alagaan, mahalin ang kalusugan
Hirap at sakit ating maiiwasan
Kung tayo ay laging nagtutulungan.

Kaya nga, kumilos bata man matanda


Huwag hintayin, sakit ay mapala
Laging isaisip, maglinis sa tuwina
Pagtutulungan ang susi para guminhawa.

Sagutin:

1. Kanino ipinatutungkol ang tula?

_______________________________________________________________________
2. Bakit kailangang maglinis ng paligid?

_______________________________________________________________________
3. Ano ang nais gawin ng sumulat ng tula?

_______________________________________________________________________
4. Ano ang pangunahing ideya ng tula?

_______________________________________________________________________
5. Saang bahagi ng tula makikita ang pangunahing ideya?

_______________________________________________________________________
6. Batay sa iyong karanasan, ano ang maaaring gawin upang makatulong sa kalinisan ng
paligid?

_______________________________________________________________________

TANDAAN:

Ang teksto ay may ipinahahayag na ideya. Nakatutulong ang pagbibigay ng


pangunahing ideya upang maintindihan ang nilalaman ng narinig o binasa. Ang
pangunahing ideya ay maaaring matagpuan sa pamagat, unahan, gitna, at huling
bahagi ng teksto. Nakatutulong sa pag-unawa ng pinakinggan ang pag-uugnay ng
narinig sa sariling karanasan.
All
A. Isulat ang tsek (/) sa sagutang papel kung naranasan mo na ang pahayag at ekis (x)
naman kung hindi.

_________1. Nagtatapon ako ng basura sa tamang tapunan.


_________ 2. Iniuuwi ko ang aking basura.
_________ 3. Tumutulong ako sa proyektong pangkalinisan sa aming barangay.
_________ 4. Inihihiwalay ko ang nabubulok sa dinabubulok na basura.
_________ 5. Tinatakpan ko ang basurahan upang hindi mangamoy at maiwasan ang
pagkalat ng mikrobyo.

B. Basahin at piliin ang pangunahing ideya o kaisipan ng teksto. Bilugan ang wastong
letra ng sagot.

1. Ang dengue ay maiiwasan kung ibayong pag-iingat ay isasaalang-alang. Palitan


nang madalas ang tubig sa plorera. Linisin ang loob at labas ng bahay. Maging
malinis sa tuwina.

a. Maglinis ng kapaligiran upang maiwasan ang dengue.


b. Palitan lagi ang tubig sa plorera.

2. Kapag may sipon o ubo, iwasan ang pagdura kung saan-saan. Takpan ang bibig at
ilong kapag umuubo o bumabahing nang hindi makahawa ng iba. Uminom ng
maraming tubig at magpahinga.

a. Mga dapat gawin kapag inuubo at sinisipon


b. Uminom ng maraming tubig at magpahinga.

3. Ugaliin ang pagkain ng mga prutas at gulay. Maraming bitamina ang nakukuha sa
mga ito. Nakatutulong din ang mga ito upang mapanatiling malusog ang katawan.

b. Ang mga prutas at gulay ay may maraming bitamina


c. Kumain ng prutas at gulay upang maging malusog ang katawan

4. Uminom ng walo o higit pang baso ng tubig sa araw-araw. Nakatutulong ito para sa
mabilis na pagtunaw ng ating kinain. Nasosolusyunan nito ang pagtigas ng dumi sa loob
ng katawan.

a. Kabutihang dulot ng sapat na pag-inom ng tubig


b. Bilang ng iinuming tubig araw-araw

5. Iwasang kumain ng junk food at pag-inom ng nakalatang inumin. May mga kemikal
ito na hindi mabuti sa katawan.

c. Iwasang kumain ng junk food at pag-inom ng nakalatang inumin.


d. May mga kemikal na makukuha sa junk food at nakalatang inumin.
MAHALAGANG DETALYE NG ISANG TEKSTO

Ang mahahalagang detalye ay nakatutulong upang masagot ang mga tanong sa pinakinggan o
binasang teksto. Ang hinuha ay pagbibigay ng kasalukuyang nadarama, iniisip, katangian, o
nangyayari batay sa paglalarawan ng mga detalye sa isang sitwasyon. Maaaring itong positibo o
negatibo.

PANUTO: Isulat ang Tama o Mali sa sagutang papel.

_________________1. Ang mahahalagang detalye ay makatutulong upang masagot ang


mga tanong sa kuwentong binasa.
_________________ 2. Ang sulat at balat ay magkapareho ang tunog sa hulihan.
_________________ 3. Ang pangngalan ay tumutukoy sa tao lamang.
_________________ 4. Ang aklat ay ngalan ng hayop.
_________________ 5. Sa pagsipi ng salita, dapat ay may tamang layo ang bawat letra

Basahin ang kwento:

Maalagang Ina

Handang-handa na sina Nanay Carmen at Tatay Ramon. Dadalo sila sa pagtitipon nina Lolo
at Lola. Anibersaryo ng kasal nila. Dapat ay naroon ang buong pamilya. Tinawag ni Aling Carmen
ang mga anak. “Fe, Rey, nasaan na ba kayo? Bihis na kami ng Tatay ninyo.” “Nanay, may sinat po
si Rey. Isasama pa po ba ninyo kami?” tanong ni Fe. Dali-daling pumunta si Aling Carmen sa
silid ng anak at hinipo ang ulo ni Rey. Nalaman niyang may sinat ito. Lumabas siya at nang ito’y
bumalik, nakabihis na ito ng damit pambahay. May dalang palangganang may tubig, botelya ng
gamot, at yelo.

Sagutin ang mga tanong:

1.Saan pupunta ang mag-anak ni Aling Carmen?


_____________________________________________________________________________
2.Sino ang nagkaroon ng sakit?
_____________________________________________________________________________
3.Mahalaga ba ang kanilang pupuntahan? Bakit?
_____________________________________________________________________________
4.Ano ang ipinasiyang gawin ni Aling Carmen nang malamang may sakit si Rey?
_____________________________________________________________________________
5.Ano ang masasabi mo kay Aling Carmen?
_____________________________________________________________________________
6.Magagalit kaya sina Lolo at Lola sa hindi pagdating ng mag-anak?
_____________________________________________________________________________
7.Ano kaya ang sumunod na nangyari sa kuwento?
_____________________________________________________________________________
MATHEMATICS

PAGSULAT NG NGALAN NG MGA NUMERO

Panuto: Isulat ang mga ngalan ng mga sumusunod na numero sa Tagalog at Ingles.

Halimbawa: 20 = dalawampu = twenty

a. 36 =__________________________________=___________________________________

b. 12 =__________________________________=__________________________________

c. 18 =__________________________________=__________________________________

d.40 =__________________________________=__________________________________

e. 30 =__________________________________=__________________________________

f. 13 =__________________________________=__________________________________

g. 8 =__________________________________=__________________________________

h. 19 =__________________________________=__________________________________

i. 4 =__________________________________=__________________________________

j.27 =__________________________________=__________________________________

k. 3 =__________________________________=__________________________________

l.48 =__________________________________=__________________________________

m. 0 =__________________________________=__________________________________

n.5 =__________________________________=__________________________________

o. 11 =__________________________________=__________________________________
Gawain 1

Bilangin ang mga nakalarawang bagay at isulat ang katumbas na bilang nito.

3.

sagot:_________________ sagot:_________________ sagot:_________________

4. 5.

sagot:_________________ sagot:_________________

Gawain 2. Iguhit ang sumusunod na bilang sa iyong papel. Maaring


gumamit ng kahit anong larawan.

Halimbawa: 410 =

1. 691= ___________________________________________________

2. 572= ___________________________________________________

3. 860 ___________________________________________________
Gawain 3 Bilangin ang mga nakalarawan bagay sa Hanay A at itambal ang angkop na bilang nito sa
Hanay B. Isulat ang titik nang tamang sagot sa iyong sagutang papel.

Gawain 4. Bilangin ang mga nakalarawang bagay at isulat ang katumbas na bilang nito sa iyong
papel.

You might also like