Esp Quarter 2 Week 6

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

School: Dońa Rosario Elementary School Grade: 3

Teacher: Ms. Vicky B. Lungan Learning area: ESP


Teaching dates: Quarter: Second

Aralin 5 – Maging Sino Ka Man, Dapat Igalang

UNANG ARAW

I. KASANAYAN:

Nakapagpapakita ng malasakit sa may mga kapansanan sa pamamagitan ng:


- Pagbibigay ng pagkakataon upang sumali at lumahok sa mga palaro at iba pang paligsahan sa
pamayanan.

II. PAKSANG ARALIN:

Kagamitan: larawan ng babaeng nagpapakita ng pagmamalasakit sa may kapansanan


Panahon: Ikalawang Markahan
Aralin 5: Maging Sino Ka Man, Dapat Igalang!
Paksa: Paggalang (Respect )
Sanggunian: ESP 3 LM pp. 94 – 107; TG pp. 42-45
Konsepto: Pagmamalasakit

III. PAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Pagpapalagayang – loob
2. Pagbabahaginan
3. Pamantayan sa Gawain at Talakayan
4. Balik – Aral
Paano niyo ipinapakita ang pagmamalasakit sa mga kaibigan o kaklaseng may kapansanan?

B. Alamin Natin

1. Pagganyak
Naranasan mo na bang tumulong sa may kapansanan? Bakit mo ginagawa ito?

2. Paglalahad:
Ipabasa ang diyalogo “ Natatanging Kaibigan.”

3. Pagtatalakay:
- Sino ang iyong natatanging kaibigan?
- Ano ang natatanging kakayahan ni Gina?
- Bakit pupunta si Bibo sa bahay ni Gina?
- Ano ang katangiang ipinakita ni Bibo sa diyalogo?
- Kaya mo rin bang gawin ang pagmamalasakit na ginawa ni Bibo kay Gina? Bakit ?

4. Pagbuo ng Konsepto
Magiging masaya ang bawat isa kung maipapakita ang kabutihang-loob sa kapwa.

5. Pagpapahalaga:
Kung ikaw si Bibo/Gina, ano ang iyong mararamdaman kapag ikaw ang pinahahalagahan o
nagbbibigay impormasyon sa iba? Patunayan ito.

IV. MASTERY LEVEL

V. REMARKS
IKALAWANG ARAW

I. KASANAYAN

Nakapagpapakita ng malasakit sa may mga kapansanan sa pamamagitan ng:


-Pagbibigay ng pagkakataon upang sumali at lumahok sa mga palaro at iba pang paligsahan sa
pamayanan.

II. PAKSANG ARALIN

Kagamitan: larawan ng babaeng nagpapakita ng pagmamalasakit sa may kapansanan


Panahon: Ikalawang Markahan
Aralin 5: Maging Sino Ka Man, Dapat Igalang!
Paksa: Paggalang (Respect )
Sanggunian: ESP 3 LM pp. 94 – 107; TG pp. 42-45
Konsepto:Paggalang sa Kakayahan ng may Kapansanan

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagpapalagayang-loob
2. Pagbabahaginan
3. Pamantayan sa gawain at talakayan
4. Balik-Aral
Sa paanong paraan ninyo naipapakita ang pagpapahalaga sa kakayahan ng mga may
kapansanan?

B. Isagawa Natin
1. Pangkatang Gawain
Pagpa-pangkat-pangkat sa apat (4) ang mga mag-aaral. Ang bawat pangkat ay makatatanggap ng
isang activity card kung saan nakasulat ang dapat nilang gawin.
2. Pag-uulat ng grupo
3. Pagtalakay
- Ano-anong mga paggalang o pagmamalasakit sa mga may kapansanan ang nabasa mo sa
mga ibinigay na sitwasyon?
- Base sa mga isinagawa ninyong pagpapangkat-pangkat, naranasan ninyong maging bulag,
pipi, pilay at bingi. Paano mo maipakikita ang pagmamalasakit sa may kapansanan tulad nila?
- Dapat ba nating igalang ang kakayahan ng mga taong may kapansanan?
- Bakit kailangan natin silang igalang, irespeto sa kabila ng kanilang tinatamasang
kapansanan?
- Ang paggalang ba sa kanilang kakayahan ay isang mabuting kaugalian? Bakit?
4. Pagbuo ng Konsepto
Ang pagmamalasakit na may paggalang sa may kapasanan ay naipakikita sa pamamagitan
ng pagbibigay natin ng pagkakataon sa kanila, nagiging kabahagi sila ng pamayanan na walang
itinatangi at sinisino.
5. Pagpapahalaga
Isagawa ang mga natutunan ukol sa paggalang o pagrespeto sa mga taong may kapansanan.
Ipadama sa mga may kapansanan na sila ay hindi iba sa atin.

IV. MASTERY LEVEL

V. REMARKS
IKAAPAT NA ARAW

I. KASANAYAN
Nakapagpapakita ng malasakit sa may mga kapansanan sa pamamagitan ng:
- Pagbibigay ng pagkakataon upang sumali at lumahok sa mga palaro at iba pang paligsahan sa
pamayanan.
II. PAKSANG ARALIN
Kagamitan: larawan ng babaeng nagpapakita ng pagmamalasakit sa may kapansanan
Panahon: Ikalawang Markahan
Aralin 5: Maging Sino Ka Man, Dapat Igalang!
Paksa: Paggalang (Respect )
Sanggunian: ESP 3 LM pp. 94 – 107; TG pp. 42-45
Konsepto: Pagmamalasakit

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagpapalagayang – loob
2. Pagbabahaginan
3. Pamantayan sa Gawain at Talakayan
4. Balik – Aral
May malasakit ba kayo sa mga kamag-aral ninyo na may kapansanan?

B. Isabuhay Natin
1. Pagganyak
Ano ang masasabi ninyo sa salitang ito na galling sa ating Panginoon “ ang kagandahang loob ay
huwag ipagkait sa kapwa kung ikaw ay may kakayahang ito ay magawa, gawin mo ito nang
mahusay at tama.”
2. Paglalahad:
Paano mo ipakikita ang pagsasaalang-alang sa katayuan/kalagayan ng kapwa bata? Isulat ang
bawat gagawin sa bawat sitwasyon.
Mga Sitwasyon Dapat Gawin
(Tingnan ang kabuuan ng tsart at mga sitwasyon sa LM pahina 106 ).
3. Pagtatalakay:
- Naawa ba kayo sa mga bata sa bawat sitwasyon?
- Ano ang dapat gawin upang matulungan ang mga bata?
- Ano ang ginagawa kapag malapit na ang Pasko sa mga kilalang kainan gaya ng Jolibee?
- Maaari magsagawa ng “outreach program.”
- Magdala ng isang malaking kahon at used gift wrappers.
- Maaaring manghingi ng tulong sa mga kapatid na tulungan sila sa pagbibigay ng donasyon
tulad ng damit at laruan na hindi na naila ginagamit.
- Bigyang diin din na mas maraming madadalang damit at laruan, mas maraming batang may
kapansanan ang kanilang mapapasaya.
- Ano ang inyong nararamdaman sa gagawing “outreach program.”
4. Pagbuo ng Konsepto
Ang pagbibigay ng tulong sa kapwa ay dapat nating ipagpatuloy sapagkat ito ay kalugod-lugod
na gawain.

5. Pagpapahalaga:
Ipaunawa sa mga mag-aaral na ang pagmamalasakit sa mga may kapansanan ay pagpapakita sa
lubos na paggalang. Ipagpatuloy pa ang “outreach program” sa iba pang mga kamag-aral.

IV. MASTERY LEVEL

V. REMARKS
IKALIMANG ARAW

I. KASANAYAN
Nakapagpapakita ng malasakit sa may mga kapansanan sa pamamagitan ng:
- Pagbibigay ng pagkakataon upang sumali at lumahok sa mga palaro at iba pang paligsahan sa
pamayanan.

II. PAKSANG ARALIN


Kagamitan: larawan ng babaeng nagpapakita ng pagmamalasakit sa may kapansanan
Panahon: Ikalawang Markahan
Aralin 5: Maging Sino Ka Man, Dapat Igalang!
Paksa: Paggalang (Respect )
Sanggunian: ESP 3 LM pp. 94 – 107; TG pp. 42-45
Konsepto: Pagmamalasakit
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagpapalagayang – loob
2. Pagbabahaginan
3. Pamantayan sa Gawain at Talakayan
4. Balik – Aral
Ipagpatuloy ang pagbibigay-tulong sa kapwa. Ipagpatuloy ang “outreach” program para sa mga
batang nangangailangan.

B. Subukin Natin
1. Pagganyak
May pagsasaalang-alang ba kayo sa kalagayan ng mga kapwa ninyo bata?
2. Paglalahad:
- Sagutin ang pagtataya na nakasulat sa kagamitan ng mag-aaral pahina 107.
- Ipabasa at ipaliwanag sa mga mag-aaral ang panuto.
- Ipasulat ang sagot sa isang buong papel.
3. Pagtatalakay:
- Pagsagot sa mga tanong.
- Binibigyan ba ninyo ng pagkain ang mga nagugutom? Bakit?
- Sinasarili ang panonood ng TV sa bahay upang inggitin ang kalaro?
- Hinahatian ng baon ang isang kalaro na walang makain at nagugutom?
- Sumasali sa mga “outreach program” sa paaralan/sa barangay.
4. Pagbuo ng Konsepto
Ang pagtulong sa mga may kapansanan , pagbibigay ng oras , at pagbabahagi sa mga bagay na
meron ka ay pagpapakita ng pagmamalasakit.
5. Pagpapahalaga:
Binabati ko kayo at naging kahanga-hanga kayo dahil sa matiyaga ninyong matapos ang araling
ito. Nawa’y maging handaka sa susunod na aralin para patuloy mong maisalang-alang ang
katayuan at kalagayan ng kapwa mo bata.

IV. PAGTATAYA NG ARALIN


PANUTO: Iguhit ang masayang mukha kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng
pagsasaaalang-alang sa katayuan o kalagayan ng iyong kapwa bata at malungkot na
mukha naman kung hindi.
______1. Binibigyan ng pagkain ang batang nagugutom.
______2. Pinasasaya ang bata sa lansangan sa pamamagitan ng pagbigay ng mga
pangangailangan tuwing may okasyon.
______3. Sinasarili ang panonood ng telebisyon sa bahay upang inggitin ang mga kalaro.
_______4. Hinahatian ng baon ang isang kalaro na walang makain at nagugutom.
______5. Sumasali sa mga outreach program ng barangay, nagpapadala ng pagkain at mga damit
sa mga batang nasa malalayong lugar

IV. MASTERY LEVEL

V. REMARKS
IKALIMANG ARAW

You might also like