Debelopment NG Wika

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

Debelopment ng

Wika
“Nativist Theory” Language Acquisition

• Sa pananaw ni Noam Chomsky, ang dahilan


kung bakit marunong magsalita o nakabubuo
na ng pangungusap ang mga bata kahit wala
pang pormal na pag-aaral, iyon ay dahil likas
sa kanila na matuto ng wika. Iyon din ang
kanilang magsisilbing gabay sa pagbuo ng
mga pangungusap sa kadahilang may
nakabaong gramatika sa kanilang isipan.
Ayon kay Chomsky at ng iba pang
linggwista, sa kabila ng ating
pagkakaibang wika sa buong mundo na
umaabot ng 5000 hanggang 6000, may
pagkakatulad pa rin tayo sa pagbuo ng
pangungusap. Pinaniniwalaan ng mga
linggwista, ito’y isang “universal
grammar” na likas at nakaimbak sa utak
ng tao.
Kapag pinag-uusapan ang “universal
grammar”, kaakibat nito ang “nativist
theory” ni Noam Chomsky. Ibig
sabihin nito, ipinanganak tayo na may
kakayahang magsalita at bumuo ng
mga pangungusap kahit hindi tayo
tinuturuan ng ating mga magulang.
Ang pagkatuto natin sa wika ay
maihahalintulad sa ating
paghinga at paglakad. Hindi
tinuro sa atin ng ating mga
magulang, “Anak, inhale, exhale”
o kaya naman ay “Anak, hakbang
sa kanan tapos kaliwa”.
1. “Tay, gutom na po ako, kain na po tayo.”

2. “Tay, kumain na po ako, maaari na po ba


akong manood ng cartoons?”

3. “Ate, salamat po sa pasalubong. Mamaya


ko na lang po kakainin, kakakain ko lang po
kasi.”
Batay sa mga naibigay ng pangungusap,
“innate” o likas sa atin ang matuto ng wika
dahil pinaniniwalaan ni Noam Chomsky at ng
iba pang linggwista na may nakabaong
gramatika sa ating isipan. Dahil dito, hindi na
kinakailangan pang ituro sa atin ng ating mga
magulang ang wastong gamit ng aspekto ng
pandiwa: perpektibo, imperpektibo,
kontemplatibo, at katatapos .
Kung ang computer ay may motherboard na
nagsisilbing utak kung saan naiimbak ang lahat ng
datos na tinatayp ng tao, mayroon ding LAD
(Language Acquisition Device) kung tawagin, na
nakabaon sa bahagi ng utak natin mula pa nang
tayo’y isilang sa mundong ito. Pansinin ang
terminong ginamit, “acquisition” na ang ibig sabihin
ay “pagtatamo” at hindi “learning” na “pagkatuto”
kung isasalin sa wikang Filipino.
Samakatuwid, pinatutunayan nito na likas
talaga sa atin ang pagkatuto sa wika.
Wala pa tayong pormal na edukasyon ay
natamo na natin at nakakapagkomunika
na tayo sa iba. Hindi tayo tinuruan ng
ating mga magulang kung paano
maglakad at mas lalong hindi nila tayo
tinuruan kung paano ang magsalita.
Sa lahat ng teorya na tumatalakay sa pagtatamo ng
wika, ang Universal Grammar (UG) ang pinakatanyag at
katanggap-tanggap. Bilang patunay, pansinin ang mga
batang hindi kasama ang kanilang mga magulang at
hindi sila nakakausap ngunit nakakapagsalita pa rin. Sa
katunayan, nakabubuo pa sila ng sarili nilang salita o
kaya nama’y itatawag sa isang bagay. Nakaririnig man
sila ng mga salitang nanggagaling sa mga taong
nakapaligid sa kanila ngunit hindi nila ito basta-basta
ginagaya bagkus pinipili lamang nila ang kanilang
sasabihin.
• Sa paglipas ng panahon, sa walang humpay
na pakikisalamuha ng tao, unti-unti nang
naiimpluwensiyahan sa kanyang mga naririnig
na salita. Dumarating sa puntong ginagaya na
niya ang mga salitang kanyang naririnig at
inilalapat sa kanyang pang-araw-araw ng
pamumuhay at hindi namamalayan na mali na
pala ang kanyang gramatika.
• May pagkalito na sa kanyang isipan sanhi
ng hindi na niya matukoy kung ano o sino
ang tama. “Kung ano ang bigkas, siyang
sulat at kung ano ang bigkas, siyang
baybay” kaya tuloy nagkakaroon ng
kamalian pagdating sa pagsulat ng
sanaysay.
• Bukod dito, ang patuloy na
pagkahumaling ng kabataan sa mga
makabagong teknolohiya ang isa sa
mga salik kung bakit nakakaligtaan na
nila ang pagsulat na isa sa mga
makrong kasanayan.
• Ang pagte-text ay isa pang dahilan kung bakit
mali-mali na ang kanilang paraan ng
pagbabaybay at hanggang sa pagsulat ay
nailalapat nila. Sa tuwing pinag-uusapan ang
sanaysay, pumapasok dito ang kasanayang
gramatikal. Kasanayan sa nilalaman,
paggamit ng salita, paraan ng kanilang
pagsusulat, at maging ang kanilang paraan ng
pagbabaybay.

You might also like