Mga Pagbabago Sa Wika

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Publications

MGA PAGBABAGO sa WIKA


ni Agosto J. Gabaya Guro sa Pilipino Limay National High School Ano kaya ang magiging hitsura ng daigdig kung ang mga naninirahan ay walang gingamit na wika sa pakikipagtalastasan kundi pawang sensyas lamang. Maaaring may pagkakaunawaan ngunit ito ay hindi lubos. Tunay na napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika sa pakikipagugnayan ng tao sa kanyang kapwa, sa paaralan, sa mga pagpupulong, sa pangaraw-araw na buhay at ito ay nagsisilbing daan o tulay sa pakikipagugnayan ng tao sa Dakilang Lumikha. Dahil sa wika ang mga tao ay naipahahayag ang kanyang malayang isipan, ideya, opinyon o mga panukala. Ating isipin kung wala tayong wika papaano kaya tayo uunlad? Papaano kaya tayo makikipagugnayan sa ibat-ibang lahi sa ibang panig ng mundo? Alam nating di-sapat ang senyas, drowing, pausok, krokis, mga winawagayway na kapirasong tela, paggawa ng tunog at iba pang paraan na maaaring likhain ng tao. Ano ang kahihinatnan ng mga rekord o tala sa larangan ng siyensya, kultura, panitikan, lipunan, simabahan, ekonomiya, pulitika at iba pang disiplina? Ayon kay Sapin (1961) tanging tao lamang ang nakagagawa ng wika at sa paraang hindi katutubo o likas sa taoy naipahahayag ang kanyang isip, damdamin at mga ninanais sa pamamagitan ng mga sadyang isinagawang simbolo. Matatagpuan sa wika ang mga tanda o simbolo na nagkakaroon ng kahulugan ayon sa mga gumagamit nito. Sinasabing ang mga taoy nabubuhay sa mga simbolo na knikontrol naman nila. Ang kakayahan ng tao na kontrolin ang mga simbolong itoy nagpatangi sakanya sa iba pang nilikha. Ito rin ang ikinaiba ng tao sa hayop. Tulad ng ibang aspeto ng kultura, ang lenggwahe ay napag-aaralan sa pamamagitan ng obserbasyon ng asal o ugali ng tao lalot higit sa pagsasalita. Sa kasalukuyang panahon sa ating bansa ay lumitaw at kasalukuyan pang naglilitawan ang iba-ibang uri ng lenggwahe. Ayon sa mga obserbasyon ang mga sumusunod ay laganap na at patuloy na lumalaganap pa. 1. Lenggwahe sa Short Message Service (SMS) o Text Message Maaaring itoy pinagsamang titik o bilang, binagong baybay, pinaikli, pinagsamang Ingles at Tagalog Halimbawa: Wait - W8 Time- Taym Dito - D2 Dito na me! Wer na u? Kamusta? Musta? Why?- Y?

6 March 2014

Publications
2. Taglish/ Engalog o Code Switching- Ito ay pinagsamang dalawang wika o lenggwahe. Maaaring nasa gitna, unahan o hulihan ng salita ang switching. Halimbawa: Its so hot naman here! Join kayo sa group naming. What time kayo dating? Our project is so hirap. How about yours? Magiinterview tayo tomorrow. That;s our assignment. Do you think tama ang answer natin? 3. Gay Language o lenggwahe ng mga bakla Halimbawa: Malaysia- Malay ko Pakistan- Walang pakialam 4. Mga Pinagsamang Salita Halimbawa: Apartment at Hotel- Apartelle Television at Serye- Teleserye Television at Nobela- Telenobela Tapa, Sinangag, Itlog- Tapsilog Tagalog-English- Taglish Low battery- lowbat 5. Mga Pinausong Salita Halimbawa: Selfie- Self Picture Wacky- Kanya-kanyang pose sa larawan Unlitext- Unlimited Text Unlimited Call- Unlicall Ang wika ay buhay. Patuloy na umuunlad at yumayabong. Higit sa lahat, anupamang panahon ang wika ay mananatiling kasangkapan sa kaunlaran ng lipunan. Mga Sanggunian: Lachica, Veneranda S. Komunikasyon at Linggwistika, Binagong Edisyon MK Print, Sta. Cruz, Manila, 1998 Panimulang Linggwistika, Quezon City: Rex Printing Co., Inc., 1979. Sapir, Edward, Language: An introduction To the Study of Speech. New York Harcourt

Pangit- Chaka Walang pera- Wapepoy

6 March 2014

You might also like