Wika

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 53

Sanggunian:

Mga Aklat

Catacataca, P., Belvez, P. & Villafuerte P. (1984). Masaklaw na Pilipino .


“Batayan ng Wikang Pambansa” Echanis Press Inc. p. 3-4
Constantino, E., dela Cruz, P., & Sikat, R.(1974). Filipino o Pilipino?. “Ang
“Universal Approach” at ang Wikang Pambansa ng Pilipinas. P.20
Constantino, E., dela Cruz, P., & Sikat, R.(1974). Filipino o Pilipino?. “Pilipino o
Filipino?” at ang Wikang Pambansa ng Pilipinas.
Perez, A. & Santiago A. (1976) Mga Babasahin sa Filipino. “Galing sa Isang
Angkan ang mga Wika sa Pilipinas” Rex Printing

Internet:

http://www.rabernalesliterature.com/?s=pahapyaw
http://tl.w3dictionary.org/index.php?q=lingua+franca
http://tl.wikipedia.org/wiki/Wikang_Filipino
http://tl.wikipedia.org/wiki/Wikang_Tagalog
http://thelance.letran.edu/aug2005/f1 aug2005.htm

Badayos, Paquito B. (2010).Yaman ng Pamana. Vibal . Publishing House


Inc.Hous
Badayos, Paquito B. (2000).Filipino sa Ibat-ibang Disiplina. Grandwater
Publication and Research Corporation, Quezon City.
Tumangan, Alcomtizer P. et al. (1997) R etorika sa Kolehiyo. Grandwater
Publication and Research Corporation, Quezon City.
Palazo, Maribel Z. et. Al.(2012).(2012). Pagbasa at P Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik (Worktext). IPM Publishing Kuliat Tandang Sora, Quezon
Lachica, Veneranda S. Ph.D. (2005). (2005).Komunikasyon at Linggwistika. Rex
Printing Company Inc. 84-86 P. Florentino S. Quezon City.
Santiago, Alfonso O.(2007).(2007).Panimulang Linggwistika.P Rex Printing
Company Inc. 84– – 86 P. Florentino St. Quezon City.
http://www.slideshare
Http://aha.tusda
http://mamsha.tripod.com/id22.html
 Wika
- ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw.
Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag
ang nais sabihin ng kaisipan.

MGA ANTAS NG WIKA

1. Balbal
- salitang kalye
- pinakamababang uri wikang ginagamit ng tao, nabuo sa kagustuhan ng isang
partikular na grupo na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan
 Halimbawa:
 lespu (pulis)
 epal (mapapel)
 chibog (pagkain)
2. Kolokyal
- Salitang ginagamit sa pangarawaraw ng pakikipagusap
 Halimbawa:
 kumare
 pare
 tapsilog
3. Lalawiganin
- Salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan
 Halimbawa:
 adlaw (araw)
 balay (bahay)
 babaye (babae)
4. Pambansa
- Ginagamit ng buong bansa
- Mga salitaing kabilang sa wikang Filipino
 Halimbawa:
 malaya
 sabaw
 paniwala

5. Pampanitikan
- ginagamit ang mga salita sa iba pang kahulugan
- ginagamit pangkatha ng dula at iba pang likhang pampanitikan
 Halimbawa:
 sanggunian
- tahanan
 kabiyak

Limang Antas ng Wika


1. pabalbal
2. lalawiganin
3. kolokyal
4. pampanitikan
5. pambansa/neutral

1.) Balbal - ang unang antas ng wika-ito ang pinakamababang antas ng wika.

2.) Lalawiganin - ang pangalawang antas-ito ay kabilang sa antas ng mga salitain ng


mga katutubo sa lalawigan.

3.) Kolokyal - ordinaryong wika na ginagamit ng mga kabataan sa kanilang pang-araw-


araw na pakikipag-usap na kadalasang malayang pinagsasama ang mga wikang
Ingles at Filipino

4.) Pampanitikan - ang pang apat-ito ay ang pinaka mayamang uri,madalas itong
ginagamitan ng mga salitang may iba pang kahulugan.ginagamit dito ang mga
idioma,tayutay,atbp.

5.) pambansa antas -ang antas na ito ay laman parin ang pagtatalo kung ano ang
kasama sa antas na ito.marami ang nagsasabing wikang filipino ang wikang
pambansa,samantalang tagalog naman ang sa iba.ngunit wikang filipino parin ang
naitala bilang wikang pambansa.
 Pormal
- Ito ay antas ng wika na istandardm kinikilala/ginagamit ng nakararami.
1. Pambansa - Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila para
sa paaralan at pamahalaan.
 Halimbawa:
Asawa, Anak, Tahanan
2. Pampanitikan o panretorika - ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat. Ang
mga salita ay karaniwang malalim, makulay at masining.
 Halimbawa:
Kahati sa buhay
Bunga ng pag-ibig
Pusod ng pagmamahalan

 Impormal
- Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas
gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.
1. Lalawiganin - Ito ay gamitin ng mga tao sa partucular na pook o lalawigan,
makikilala ito sa kakaibang tono o punto.
 Halimbawa:
Papanaw ka na ? (Aalis ka na?)
Nakain ka na? (Kumain ka na?)
Buang! (Baliw!)
2. Kolokyal - Pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti, maari
rin itor refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o
higit pang titik sa salita.
 Halimbawa:
Nasan, pa`no,sa'kin,kelan
Meron ka bang dala?
3. Balbal - Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas
na ito; ikalawa sa antas bulgar.
 Halimbawa:
Chicks (dalagang bata pa)
Orange (beinte pesos)
Pinoy (Pilipino)
 Teorya ng Wika

1. TEORYANG BOW – WOW


Ginagaya nila ang tunog na nililikha ng mga hayop gaya ng tahol ng aso,
tilaok ng manok at huni ng ibon.
Ginagaya naman daw ng tao ang tunog ng kalikasan at paligid gaya ng
ihip ng hangin, patak ng ulan at langitngit ng kawayan.

2. TEORYANG DING DONG


Lahat ng bagay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa bawat isa
at ang tunog niyon ang siyang ginagad ng mga sinaunang tao na kalauna’y
nagpabago-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.

May sariling tunog na kumakatawan sa lahat ng bagay sa kapaligiran.


Tinawag din ito ni Max Muller na simbolismo ng tunog.
 Halimbawa:
tsug- tsug ng tren,
tik- tak ng orasan
3. TEORYANG POOH -POOH
Nakalilikha ng tunog sanhi ng bugso ng damdamin. Gamit ang bibig,
napabubulalas ang mga tunog ng pagdaing na dala ng takot, lungkot, galit, saya at
paglalaan ng lakas.
4. TEORYANG TA-RA-RA- BOOM DE
Ay Ang wika ng tao ay nag –ugat sa mga tunog na kanilang nilikha sa
mga ritwal na kalauna’y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
Halimbawa: pagsayaw, pagsigaw at incantation o mga bulong na ginagawa tuwing
makikidigma, pagtatanim at iba pa.

5. TEORYANG SING-SONG
minungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa
paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas-
emosyunal.
Iminungkahi pa niya na taliwas sa iba pang teorya, ang mga unang salita
ay sadyang mahahaba at musikal, at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng
marami. TEORYANG SING-SONG
6. TORE NG BABEL
Teoryang nahalaw mula sa Banal na Kasulatan. Nagkaroon ng panahon
kungsaan ang wika ay iisa lamang. Napag-isipang magtayo ng isang tore upang
hindi na magkawatak-watak at nang mahigitan ang Panginoon.
Nang malaman ito ng Panginoon, bumababa Siya at sinira ng tore. Nang
nawasak na ang tore, nagkawatak-watak na ang tao dahil iba-iba na ang wikang
kanilang binibigkas kaya nagkanya-kanya na sila at kumalat sa mundo.

7. TEORYANG YOO HE YO
Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S Diamond (2003) na ang tao ay
natutong magsalita bunga diumano ng kanyang puwersang pisikal.

8. TEORYANG TA -TA
Ayon sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang
ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng
pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y nagsalita.
Tinatawag itong ta-tana sa wikang Pranses ay nangangahulugang paalam
o goodbye sapagkat kapag ang isang tao nga namang nagpapaalam ay
kumakampay ang kamay nang pababa at pataas katulad ng pagbaba at pagtaas na
galaw ng dila kapag binibigkas ang salitang ta-ta.

9. Teoryang Mama
Nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling pantig ng
pinakamahahalagang bagay.
Pansinin nga naman ang mga bata. Sa una’ y hindi niya masasabi ang
salitang mother ngunit dahil ang unang pantig ng nasabing salita ang
pinakamahalaga diumano, una niyang nasasabi ang mama bilang panumbas sa
salitang mother.

10. Teoryang Hey you!


Iminungkahi ng linggwistang si Revesz na bunga ng interpersonal na
kontak ng tao sa kanyang kapwa tao ang wika.
Ayon kay Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng
pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas din tayo bilang
pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!). Tinatawag din itong teoryang kontak.
11. Teoryang Coo Coo
Ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol. Ang
mga tunog daw na ito ang ginaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan sa mga
bagay- bagay sa paligid, taliwas sa paniniwala ng marami na ang mga bata ang
nanggagaya ng tunog ng mga matatanda.

12. Teoryang Babble Lucky


Ang wika raw ay nagmula sa mga walang kahulugang bulalas ng tao. Sa
pagbubulalas ng tao, sinuwerte lamang daw siya nang ang mga hindi sinasadya at
walang kabuluhang tunog na kanyang nalikha ay naiugnay sa mga bagay-bagay sa
paligid na kalaunan ay naging pangalan ng mga iyon.

13. Teoryang Hocus Pocus


Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan ng wika ay tulad
ng pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating
mga ninuno.
Maaari raw kasing noo’y tinatawag ng mga unang tao ang mga hayop sa
pamamagitan ng mga mahikal na tunog na kalaunan ay naging pangalan ng bawat
hayop.

14. Teoryang Eureka!


Sadyang inimbento/nilikha ang wika ayon sa teoryang ito ayon kay
(Boeree, 2003). Maaari raw na ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda
ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay.
Nang ang mga ideyang iyon ay nalikha, mabilis na iyong kumalat sa iba
pang tao at naging kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay- bagay.

 Mga tungkulin ng wika


interaksyonal - nakapagpapanatili, nakapagpapatatag ng relasyong sosyal.
Instrumental - tumutugon sa mga pangangailangan ng nga tao sa paligid.
Regulatori –wikang gumagamit ng kondisyonal . kumokontrol, gumagabay sa
kilos/asal ng iba.
Ayon kay Michael A.K. Halliday

1. Personal - nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.


2. Imajinativ - nakapagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan.
 Halimbawa:
mga tula,
awit atbp.
3. Heuristik - naghahanap ng mga informasyon/datos at gamit ng mga taong nais
magkamit ng kaalamang akademiko at/o profesyonal.
4. Informativ – ito ay naglalarawan na kung saan mayroong nailalalhad din dito ang
lugar, araw tao at batay na rin sa tunay na pangyayari at nagbibigay ng
informasyon/datos. Ginagamit ito sa pagtuturo, mga talumpati, pagbabalita atbp.
Gamit ng Interaksyonal
 Halimbawa:
Pagbati,
pagpapaalam,
Pagaanyaya
pagbibiro
A. Sa magkakaibigan, pagbibiruan at panunukso
B. Sa mga magkakamag-anak, nariyan ang paanyaya at pasasalamat
C. Sa mga pangkat panlipunan, nariyan ang mga salitang
pangkabataan,wika ng mga bakla, at mga propesyonal na jargon
Instrumental.
 Halimbawa:
Pagmumungkahi,
Paguutos
paghihikayat.

Ayon kay Roman Jakobson

1. Kognitibo/Reperensiyal/Pangkaisipan
- pagpaparating ng mensahe o impormasyon.
2. Conative
- paghimok at pag-impluwensya sa iba sa pamamagitan ng mga paguutos o
pakiusap.
3. Emotive
- pagpapahayag ng damdamin,saloobin at emosyon.
4. Phatic
- pakikipagkapwa tao.
5. Metalinggwal
- paglinaw sa mga suliranin.
6. Poetic
- patula,paggamit ng wika para sa sariling kapakanan.

Ayon kay W.P. Robinson

1. Estetiko – Paggamit ng wika sa paglikha ng panitikan


2. Ludic – Pagtutugma, paggawa ng mga salitang walang katuturan o kawawaan,
pagsubok sa mga posibilidad ng wika habang natututuhan ito, pagbibiro.

3. Pag – alalay sa pakikisalamuha at pakikipagkapwa-tao – paggamit ng wika


upang simulan, alalayan at tapusin ang pagkikita (nangyayari kapag ang
dalawa o higit pang tao ang nagkikita), mga ritwal sa wika (kumusta/pagbati), wika
bilang kagandahang –asal (kumusta ka?); pagbati, pasasalamat, pagpapahayag ng
kalungkutan o pakikiramay.

4. Pag-alalay sa iba – Paggamit ng wika upang alalayan o impluwensiyahin ang kilos


o damdamin ng iba – paggamit ng mga tuntunin at ekspresyon ng tungkulin/
obligasyon – pag-uutos, pakiusap, pagbababa, pagpuna, pagpapalakas ng loob,
panghihikayat, pag-aanyaya, pagpapahintulot, panghihiram, pagtawad.

5. Pag-alalay sa sarili – Kaugnay ang ugali at damdamin “Pagkausap sa Sarli” nang


tahimik o mag-isa, pagpaparating sa iba ng ating iniisip, pagbibigay ng opinyon,
pangangatwiran, pagpapaliwanag.

6. Pagpapahayag ng Sarili – Pagpapahayag ng sarili, katauhan at damdamin –


tuwiran sa pamamagitan ng pandamdam, paggamit ng mga salita tungkol sa
damdamin; di-tuwiran sa pamamagitan ng bilis, taas ng tinig, tunog ng tinig (voice
quality).

7. Pagtatakda sa tungkulin o Papel sa lipunan – paggamit ng wika upang itakda o


ipahayag ang kaugnayang pansosyal ng mga tao – mga ginagamit kapag nakikipag-
usap sa isang tao at mga ginagamit kapag nagsasalita tungkol sa iba (G. Gng.
Bb…)

 Wikang Pambansa

Kasaysayan ng Pag-unlad
ng Wikang Pambansa sa
Pilipinas

 Nobyembre 1936 - Inaprobahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184


na lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa na naatasang
gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili ng
isa na magiging batayan ng wikang pambansa.
 Disyembre 30, 1937 - Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134
ng Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa
Tagalog.
 Abril 1, 1940 - Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nag tadhana
ng paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa
Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo ang wikang
pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula
noong Hunyo 19, 1940.
 Hunyo 7, 1940 - Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na
simula sa Hulyo 4, 1946. Ang Wikang Pambansa ay isa sa
mga opisyal na wika ng bansa.
 Marso 26, 1954 - Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon
Magsaysay sa taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang
Pambansa mula sa
 Marso 29 - Abril 4- Subalit ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-
19 tuwing taon.
 Agosto 12, 1959- Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni
Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang
Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang ito, kaylaman at
tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin.
 Oktubre 24,1967- Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang
nagtatadhana na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan
ng pamahalaan ay panganlan sa Pilipino.
 Marso, 1968 - Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang
isang kautusan na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga
kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay maisulat sa
Pilipino.
 Agosto 7, 1973- Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang
resolusyong nagsasaad na gagamiting midyum ng pagtuturo
mula sa antas elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng
paaralang pambayan o pribado at pasisimula sa taong
panuruan 1974--75.
 Hunyo 19, 1974 - Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng
Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg.25
para sa pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa lahat ng
kolehiyo at pamantasan.
 Agosto 25, 1988 - Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ay ipinalabas at
nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino na nagtatadhana ng
paglikha ng Komisyong Pangwika na siyang magpapatuloy ng
pag-aaral ng Filipino. Gayon din, pinagtibay ang paggamit ng
Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan sa mga
piling asignatura.

- Pagkatapos ng Rebolusyon ng Edsa, bumuo muli ang pamahalaang


rebolusyonaryo ng Komisyong Konstitusyonal na pinamunuan ni Cecilia Palma.
Pinagtibay ng Komisyon ang Konstitusyon at dito nagkaroon muli ng pitak ang tungkol
sa Wika:
Artikulo XIV - Wika

 Sek. 6

- Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang,


ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa
iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng Batas at sang-ayon sa nararapat na
maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan
upang ibunsad at paspasang itaguyod ang paggamit ng Pilipinas bilang midyum na
opisyal na Komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

 Sek. 7
- Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang
opisyal ng Pilipinas ay Filipino at , hanggat walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang
mga wikang panrelihiyon ay pantulong ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at
magsisilbi na pantulong sa mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at
opsyonal ang Kastila ng Arabic.

 Sek. 8
- Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat
isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.

 Sek. 9
- Dapat magtatag ag Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa
na binubuo ng mga kinatawan ng ibat ibang mga rehiyon at mga disiplina na
magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba
pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanitili.

Tagalog, P
ilipino at Filipino: May Pagkakaiba ba?
 Tagalog, Pilipino at Filipino: May Pagkakaiba ba?

Hindi natin maipagkakailang hindi lahat sa atin ang nakakaalam kung ano ang
ating pambansang wika. Kung tatanungin nga siguro ang lahat ng mga mag-aaral sa
elementarya, may mga magsasabi pang tagalog, o di kaya nama’y tatahimik na lamang
dahil sa pagkalito.
Tagalog nga rin ang tawag ng mga foreigners sa ating pambansang wika. Ilang
taon na rin ang nakakaraan ng ito’y baguhin mula Pilipino (na batay sa Tagalog) sa
pagiging Filipino, ngunit masasabi pa rin nating hindi pa rin tayo nakakawala sa anino
ng Tagalog. Tagalog, Pilipino, Filipino, ano nga nga ba ang kanilang pagkakaiba?

Wikang Tagalog

Ang Doctrina Cristiana (Doktrinang Kristiyano) na siyang unang librong nailimbag


sa bansa sa taong 1593 ay nakasulat sa Tagalog. Tagalog rin ang sinasalita ng
maraming Pilipino sa pagdating nina Miguel Lopez de Legaspi noong 1565 sa Maynila.
Mahihinuhang ang Tagalog ay isang wikang natural at may sariling mga katutubong
tagapagsalita.

Ang salitang tagalog na hinango sa salitang taga-ilog, ay ang wika sa Metro


Manila, Bulacan, Batangas, Rizal, Laguna, Quezon, Cavite, Mindoro, Marinduque at
ilang parte ng Puerto Princesa at Nueva Ecija. Ito’y isang wikang sinasalita sa mga
etnolinggwistikong grupo sa bansa.

Wikang Tagalog bilang batayan sa Wikang Pambansa

Nang idineklara ni Presidente Manuel L. Quezon ang Wikang Pambansa na


batay sa Tagalog noong Disyembre 30, 1937 sa pamamagitan ng Executive Order No.
134, maraming umalma at tumutol na mga mamayan ng bansa.

Ang Surian ng Wikang Pambansa ang naatasang pumili ng isang katutubong


wika na gagamiting basehan para sa pagbabalangkas at pagpapatibay ng wikang
pambansa.
Ang Surian ng wikang pambansa ang siya ring inatasan na magbigay ng
preperinsiya sa pinakamaunlad sa kayarian, nilalaman at panitikan na tinatanggap at
ginagamit ng pinakamaraming bilang ng mga Pilipino.

Gumawa ng rekomendasyon sa Pangulong Manuel L. Quezon ang Surian ng


Wikang Pambansa na ang tagalog ang gawing saligan ng wikang pambansa. Ang
Tagalog, diumano ang tumutugon sa lahat halos ng kinakailangan ng Batas Komonwelt
Blg. 184.

Ngunit idinemanda ang Surian dahil sa kuwestiyon ng legalidad ng pagkapili ng


Tagalog bilang base ng wikang pambansa gayon din ang pagpapalaganap ng Pilipino
bilang wikang pambansa. Pinagwagian ng Surian ang kaso sa Hukumang unang
dinulugan, sa Hukuman sa Paghahabol at sa Korte Suprema. At noong Hulyo 15, 1970
ay nagpasya ang Korte:

“Ang Tagalog bilang batayan ng ating wikang pambansa (na pinatunayan sa ulat
ng Kawanihan ng Senso na siyang pinakamalaganap na sinasalita sa ating katutubong
wika), ang hayag na pagpapahayag at pagkilala rito ng bayan at pamahalaan, sa
kapahintulutan ng Batas ng Komonwelt Blg. 570 na pinagtibay ng Kongreso na
nagpapahayag na ang wikang pambansang Pilipino ay isa sa mga wikang opisyal ng
Pilipinas na may bisa noong Hulyo 4, 1946, ay nakapaglagay na isyu ng katalinuhan at
kaangkupan sa pagpili ng Pilipino, batay sa Tagalog bilang wikang pambansa natin, na
lampas na sa autoridad ng mga hukuman upang rebisahin at isaisantabi.
Dahil sa pangyayaring nabanggit, sa kasalukuyan, ang pinakaangkop na kahulugan ng

wikang pambansa ay ang wikang pinagtibay ng pamahalaan na ginagamit sa


pamamahala at pakikipag-ugnayan ng mga mamamayan. Dahil dito, patuloy pa rin ang
paglaganap ng wika sa mga lugar ng mga etniko na gumagamit ng katutubong wika.
Isaalang-alang pa rin ang puspusang paggamit at pagpapalaganap ng wika bilang
matatag na pundasyon at pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang larangan-pampolitika,
panlipunan, pang-media, pampanitikan, pang-edukasyon at iba pa”.

Wikang Pilipino bilang Wikang Pambansa

Taong 1943 nang tinukoy na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Pilipino, na


ibabatay sa Tagalog, alinsunod sa ipinasa ni kalihim Jose Romero (Department Order
No. 7) ng Kagawaran ng Edukasyon. Simula 1959, ito na rin ang ginamit sa pagtuturo
sa paaralan, ngunit nahinto nang pagtibayin ang wikang Filipino bilang Wikang
Pambansa alinsunod sa Article 14 Sec. 6 ng 1987 Konstitusyon.
Nang ipinatupad ang ang pagiging pambansang wika ng wikang Pilipino, umani ito ng
malakas na pagtutol. Ang pagpili sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa ay
lumikha ng malakas na oposisyon sa mga di-tagalog at pro-ingles.

Madalas naipapahiwatig ang oposisyong ito sa mga sulat sa editor ng mga


peryodikal at sa mga paulit-ulit na habla at salita laban sa Pilipino. Sa paggamit ng
Pilipino na batay sa Tagalog, ang mga di-Tagalog ay nakadarama ng damdaming
kakulangan o ng damdaming napapailalim sa mga Tagalog. Nadarama nila ang
panibugho na sila’y dayuhan sa isa’t isa.

Pangunahin sa pagtutol dito ay ang mga Cebuano. Anila, ang Pilipino (1959) na
siyang nahirang na Wikang Pambansa ay Tagalog din. Hindi sila masisisi sa bagay na
ito sapagkat nang likhain nga naman ang Balarila ng Wikang Pambansa ilang taon na
ang nakalilipas ay naging Tagalog-na-Tagalog. Ito’y isang pagkakamali na lalong
nagpalala sa suliranin hinggil sa pagkakaiba at pagkakakilanlan ng Pilipinong batay sa
Tagalog at ng Tagalog mismo.

Ang mga hindi-tagalog ay hindi nabigyan ng pagkakataon na maging parte ng


pagpapayaman at pagpapaunlad ng Pilipino.

Ngunit sa likod ng mga tabing masisilayan kung bakit ibinatay ang pambansang
wika sa Tagalog. Sa katunayan, Tagalog ang piniling saligan ng Wikang Pambansa sa
kadahilanang ito’y nahahawig sa maraming wikain sa bansa. 59.6% sa Kapampangan,
48.2% sa Cebuano, 44.6% sa Hiligaynon at iba pa. Sa madaling salita’y hindi magiging
mahirap unawain at pag-aralan ang Tagalog para sa mga di-Tagalog dahil nahahawig
ito sa kanilang wikain.

May dahilan kung bakit nagkakahawig-hawig ang mga wika sa Pilipinas. Lahat
ng mga katutubong wika sa Pilipinas ay buhat sa iisang angkan ng wika. Ang isang
angkan ng wika ay isang klasipikasyon ng iba’t-ibang wika na pinapaniwalaang
nagmula sa iisang wika. Ang orihinal na wikang pinagmulan ng iba’t-ibang wika ay
karaniwang tinatawag natin na wikang proto ng angkan. Noong mga dakong una ay
may iisang wikang proto na tinatawag nating Proto-Austronesian.
Nagmula sa Proto-Austrenesian ang Malagasy, ang mga wikang Cham ng
Vietnam, ang mga wikang katutubo ng Taiwan, ang mga wika sa Pilipinasat iba pa. Ang
isa sa mga anak na wika ng Proto-Austronesian ay pinagmulan ng halos ng wika sa
Pilipinas. Ang wikang proto na pinagmulan ng wika sa Pilipinas ay tinatawag nating
Proto-Philippine. Ito ay isang wikang haypotetikal lamang o isang wikang pinapalagay
ng mga dalubwika na lumitaw ng mga dakung una, na sa paglipas ng panahon ay
nagkaroon ng mga pagbabago, hanggang nagkaroon na ng sariling tatak ng pagkawika
ang bawat isa.

Pinatutunayan din ng maraming pag-aaral na ang Tagalog ang pinakamaunlad


na wika sa bansa at siyang ginagamit ng higit na nakararami sa pakikipagtalastasan, sa
panitikan, sa kalakalan at sa iba pang disiplina’t larangan.

Matagal din ang pamamayagpag ng Wikang Pilipino. Ang pagtawag ng konkon


noong 1971 ang nagbigay ng pinakahihintay na pagkakataon sa mga di-tagalog at sa
mga pro-ingles na baguhin o patayin ang wikang pambansang batay sa isang wika.

Sa mga una pa lamang na sesyon ng konkon, malinaw nang lumabas ang


malakas na pagkontra o pagtanggi ng mga karamihan sa mga delegado sa konkon(na
mga di-tagalog) sa patuloy na paggamit sa Pilipino bilang wikang pambansa ng
Pilipinas.

Dahil sa naisantabi ang mga wikang malawak din ang gamit gaya ng Cebuano,
Hiligaynon at Ilokano, nag-udyok ito ng pagpapalit sa Wikang pambansa mula Pilipino
tungo sa Filipino sa 1973 at 1987 Konstitusyon.

Nabago man ito dahil sa ginawang batas, hindi naman ito agarang nabura sa
isipan ng mga tao. “Tagalog Imperialism” kung ito’y tawagin ni Prof. Leopoldo Yabes,
isang Ilokanong manunulat at naging dekano ng College of Arts and Sciences sa
Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Nakondisyon na ang mga tao sa tagalog kung kaya’t
kahit na binago ito, tagalog pa rin ang itinawag dito hindi lang ng mga Pilipino bagkos,
ng mga dayuhan rin.

Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa

Ang wikang Filipino ang ating kasalukuyang wikang pambansa at wikang opisyal
na ginagamit bilang transaksyunal na wika sa mga pang-gobyernong pasilidad at
opisina.
Pambansang lingua franca kung ito rin ay maituring. Ngunit ano nga ba ang kahulugan
ng lingua franca?.

ang salitang lingua franca ay mula sa salitang aleman na nangangahulugang


working language na ang ibig sabihin ay isang wikang nag-uugnay sa mga taong may
kanya-kanyang dayalek. Ang pagiging lingua franca ng isang wika ay ang pagiging
pangalawang wika nito kung saan ito ay nagiging medyum upang ang mga may iba’t-
ibang dayalek ay magkaintindihan.
 Halimbawa
ang dayalek ng Davao ay Davaoeño samantalang Chavacano naman ang
sa Zamboanga. Hindi sila magkakaunawaan kung gagamitin nila ang kanilang
sariling dayalek, ngunit kung gagamitin nila ang wikang Filipino na siyang lingua
franca ng ating bansa, ang komunikasyon ay nagiging posible.

Ang wikang Filipino ay multi-base language in nature. ang ganitong ideya ay


naglalayong luminang ng Wikang Pambansa para sa Pilipinas na hindi lamang batay sa
Tagalog, kundi batay sa maraming wikain sa bansa kasama ang mga salitang banyaga
na naging at nagiging bahagi na ng ating kabihasnan.
Marami ang nagpapalagay na ang ganitong kaayusan ay nagpapakita ng
pagiging dinamiko ng isang wika. Idinadahilan nila na hindi lamang iisa ang dapat
maging estilo ng Wikang Pambansa na batay sa iba’t ibang wikain, tayo’y higit na
magkakaunawaan bilang mga mamamayang Pilipino – Tagalog, Cebuano, Ilocano,
Ibanag, Kapampangan, Muslim, lahat.

Ang Tagalog at Filipino ay hindi pareho, ngunit hindi rin magkaiba. Paanong
nangyari ito? Sapagkat ang Filipino ay pinaunlad (o pinauunlad) na Tagalog salig sa
mga umiiral na wika sa Pilipinas. Hindi sila pareho sapagkat higit na mayaman ang
bokabularyo ng Filipino kaysa sa Tagalog dahil sa impluwensya ng iba’t ibang wikain at
wikang banyagang maluwag na nakakapasok sa bokabularyo nito, bagamat hindi ito
sapat upang hindi magkaunawaan ang nagsasalita ng Tagalog (katulad ng salitang
lalawiganin) ang hindi maituturing na salitang Filipino sapagkat hindi angkop ang
salitang ito sa istandardisasyon at/o intelektwalisasyon ng Filipino, ang higit na
mahalaga’y maraming mga salitang banyaga tulad ng Ingles, Italyano, Franses, Latin at
iba pa at mga salitang mula sa iba pang wikain sa Pilipinas ang mga maituturing na
bahagi na ng bokabularyong Filipino (sapagkat nauunawa’t ginagamit) ngunit di ng
Tagalog
Miskonsepsyon sa Filipino

Sa pag-aakala ng iba, hinango ang salitang Filipino mula sa salitang Ingles na


nangangahulugang mamayan ng bansa. Akala rin ng iba na, sa Ingles din galing ang F
dito. Ilan lamang ito sa mga miskonsepsyon na nanatili pa rin sa iilan, hanggang sa
ngayon.

Pinalitan ang P ng F upang maging simbolo ng hindi lang Tagalog ang batayan
ng wikang ito sapagkat, walang ganitong tunog sa Tagalog. Ito’y sumisimbolo sa
akomodasyon ng wikang pambansa sa iba pang mga dayalek.

Nadagdagan rin ng walong letra ang alpabeto. Ang mga ito ay, c, f, j, ñ, q, v x, at
z. Dahil dito, ang dating Dabaw ay nagiging Davao na. Naisusulat na rin ang
selebrasyon ng mga Ifugao na tinatawag na cañao.

Sa pamamagitan ng Filipino bilang wikang panturo, tayo’y higit na


magkakaunawaan bilang mga mamamayang Pilipino-Tagalog, Ilokano, bisaya, lahat!
Bigyang diin ang pagkakaunawaan sa pamamagitan ng sariling wika- ang Filipino!
“Gisingin natin ang lahat ng mga Juan de la Cruz na nahihimbing pa”.

 ANG ALFABETO ATORTOGRAPIYANG FILIPINO

Maikling Kasaysayan ng Ortograpiyang Filipino

 Bago pa man dumating ang mga Kastila, may sarili natayong panitikan, baybayin o
alpabeto na tinatawag na Alibata.
 Nang mandayuhan ang mga Indones, tinangkilik natin ang kanilang wika na

 Bahasa Indonse
 Tinangkilik din natin ang wikang Malay mula sa Alphabet ng Malays.
A. Ang Alibata
- ipinalalagay na katutubo atkauna-unahang abakada o alpabetong Filipino
- binubuo ng tatlong patinig at 14 na katinig
B. Alpabetong Tagalog
- binubuo ng limang patinig at 15 katinig
patinig:
a, e ,i, o, u
katinig:
b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y
C. Modernisasyon ng Alpabeto ng Wikang Pambansa
- Isinagawa ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP) ang “Modernisasyon ng
Alpabeto ng Wikang Pambansa” (Oktubre 4, 1971).
- Nagpalabas sila ng “Mga Tuntunin sa Ortograpiyang Filipino” sa
pamamagitan ng Memorandum ng DECS Blg. 194 (1976).
- Idinagdag ang mga letrang c, ch, f , j, ll, v, ñ, rr, v, x, at z

Ilang tuntunin sa pagbabaybay ng salita

1) Sa pangkalahatang pagbaybay ng mga karaniwang salitang mula sa iba’t ibang


katutubong wika, dapat sundin ang simulaing isa-sa-isang tumbasan o kung ano ang
bigkas ay gayon din ang baybay; sa pasubali, na maaaring manatili ang katutubong
baybay ng mga salitang isinasama sa bokabularyo ng Filipino buhat sa iba’t ibang wika.

2) Ang mga bagong salitang banyaga ay isinusulat alinsunod sa baybay nito sa


wikang pinanghiraman. Dito’y maaaring gamitin ang mga letrang c, ch, f, j, ll, ñ, q, rr, v,
x,a z

3) Ang mga simbolong pang-agham ay dapat manatili sa anyong internasyonal,


bagaman ang salitang kinakatawan ng bawat sagisag ay maaaring tumbasan sa Filipino.

4) Ang mga pangngalang pantangi ay karaniwang binabaybay ayon sa


nakamihasnang baybay bagamat binabaybay ang ilang salita ayon sa

 Tuntunin 1.
D. 1987 Alpabeto at Patnubay sa Pagbaybay
- Idinaos ang “SImposyum Ukol sa Repormang Ortograapiko” upang mapag-
aralan kung paano babasahin at gagamitin ang mga letrang mapapasama.
Mga kabilang na letra: a, b, c, d, e, f, g, h, i, j, k, l, m, n, ñ, ng, o, p, q, r, s, t, u, v, w, x,
y ,z
Ilang tuntunin:
1) Sa pagsulat ng mga katutubo at mga hiram na karaniwang salita ay susundin pa rin
na kung ano ang bigkas ay siyang sulat at kung ano ang sulat ay siyang basa.
2) Ang dagdag na walong letra ay gagamitin sa pagbaybay ng:
a. pantanging ngalan tulad ng tao, lugar, gusali, sasakyan, at
b. salitang katutubo mula sa ibang wika sa Pilipina
3) Sa panghihiram mula sa Ingles at iba pang banyagang wika, ang pagbabaybay ay
naaayon sa sumusunod na paraan:
a. kung konsistent sa Filipino ang baybay ng salita, hiramin ito nang walang
pagbabago.
 Halimbawa:
Reporter
Editor
Soprano
Memorandum
b. kung hindi konsistent ang baybay ng salita, hiramin ito at baybayin nang
konsistent, ayon sa simulaing kung ano ang bigkas ay siyang sulat at kungano
ang sulat ay siyang basa.
 Halimbawa:
control-kontrol
leader-lider
candy-kendi
c. May mga salita sa Ingles o iba pang banyagang wika na makabubuting
pansamantalang hiramin sa orihinal na anyo tulad ng mga salitang malayo na ang
baybay ayon sa alpabeting Filipino.
 Halimbawa:
clutch
brochure
doughnut

E. 2001 Alfabeto at Binagong Patnubay sa Pagbaybay


- Pinamunuan ng Komisyon ng Wikang Filipino sa pangunguna ni Rosario E.
Maminta
- Hinati sa dalawang pangkat ang walong dagdag na letra
- Unang pangkat: f, j, v, z
- may ponemikong katangian at may sariling tunog na hindi nagbabagu-
bago kaya sa pagbaybay ng mga hiram na salita , gagamitin lamang ang
mga letrang ito
 Halimbawa:
Formalismo
sabjek
volyum

- Ikalawang pangkat: c, ñ, q, x
- kumakatawan sa mahigit pa sa isang tunog. Hindi ito kumakatawan sa
iisa at tiyak na yunit ng tunog sa palatunugang
Ingles, kundi nakatutunog pa ng isang letra
 Halimbawa:
central-sentral
cabinet-kabinet

Mga Tuntuning Panlahat


sa Ispeling o Pagbaybay

1. Ang Pasalitang Pagbaybay

- Tulad sa Ingles, patitik ang pasalitang pagbabaybay sa Filipino.


Isa-isang bibigkasin sa maayos na pagkakasunod-sunod ang mga letra na bumubuo
sa isang salita, pantig, daglat, akronim, inisyal o simbolong pang-agham at iba pa.

2. Ang Pasulat na Pagbaybay


- Tulad sa pagsasalita, ang pagbabaybay sa pagsulat na anyo ay
mananatili sa isang tumbasan ng tunog at letra.
 Komunikasyon

Uri ng komunikasyon

Berbal na Komunikasyon
 Ginagamit ang makabuluhang tunog at sa paraang pasalita.
 Tumutukoy sa pagpaparating ng ideya o mensahe gamit ang salitang nagririprisinta
sa mga kaisipan
 Halimbawa:
Gising na! Tanghali na!, baka mahuli ka sa klase, aalis na
ako, mag-ingat, umuwi ka agad

Denotatibo at konotatibo
Denotatibo
- ay ang sentral o ang pangunahing kahulugan ng isang salita.
 Halimbawa:
Simbahan – isang gusali na itinayo upang doon magsimba ang tao.
Tao – nilikha ng Diyos, binigyan ng buhay, kaluluwa at isip.

Konotatibo
- maaring magtaglay ng mga pahiwatig na emosyon o pansaloobin.
- proseso ng pagpapahiwatig ng karagdagan o kahulugang literal.
- ang pagkakahulugang konotatibo ay maaring magiba-iba ayon sa saloobin,
karanasan at sitwasyon ng isang tao.
 Halimbawa:
Bundok – mataas, marumi, madawag, masukal, naggugubat
at iba pa.
Puti – kalinisan
Berde – Malaswa o Kabastusan
Pula – maalab, nag-aapoy, apoy, galit, pag- ibig
Dilaw – pagseselos, pagdududa at iba pa

Paraan ng Pagpapakahulugan o Interpretasyon


ng mga Simbolong Verbal

1. Referent
- tawag sa bagay o ideyang kinakatawan ng isang salita tiyak na aksyon,
katangian ng mga aksyon, ugnayan ng bagay sa ibang bagay.
2. Komong Referens
- ang tawag sa parehong kahulugang ibinibigay ng mga taong sangkots a
proseso ng komunikasyon.
3. Kontekstong Berbal
- ang tawag sa kahuluganng isang salita na matutukoy batay sa ugnayan
nito sa iba pang salita.
4. Paraan ng Pagbigkas o Manner of Utterance(Paralanguage)
- maaari ring magbigay ng kahulugang konotatibo.

Di-Berbal na Komunikasyon
 Ito ay pagpapalitan ng mensahe o pakikipagtalastasan na ang daluyan o channel ay
hindi lahat lamang ng sinasalitang tunog kundi kasama ang kilos ng katawan at ang
tinig na iniaangkop sa mensahe
 Halimbawa:
kumpas ng kamay
galaw ng braso
taas ng kilay
iba-ibang uri ng pagtingin at pagtitig at iba pa.

Mga Uri ng Komunikasyong Di Berbal

1. Galaw ng Katawan (Kinesics) 6. Katahimikan


2. Proksemika/Espasyo (Proxemics) 7. Kapaligiran
3. Oras (Chronemics) 8. Simbolo (Iconics)
4. Pandama (Haptics) 9. Kulay (Colorics)
5. Paralanguage 10. Bagay (Objectics)

1. Galaw ng Katawan (Kinesics)


- Pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan. May kahulugan ang paggalaw na
iba’t ibang bahagi ng ating katawan.
a. Ekspresyon ng Mukha - “Nagpapakita ng Emosyon”
 Halimbawa:
masaya kung siya ay naka ngiti, malungkot kung umiiyak.
b. Galaw ng Mata - Nagpapakita ng katapatan ng isang tao, nag- iiba ang
mensaheng ipinahahayag batay sa tagal, direksyon at kalidad ng kilos ng mata.
c. Kumpas “Galaw ng Kamay”
- ay maraming bagay at kapamaraanang magagawa.
a. Regulative – kumpas ng isang pulis o kumpas ng isang guro.
b. Descriptive – kumpas na maaring naglalarawan sa isang bagay.
 Halimbawa:
laki, haba, layo, taas at hugis ng isang bagay
c. Emphatic – Kumpas na nagpapahiwatig ng damdamin
 Halimbawa:
paghampas ng kamay sa mesa, pagpalakpak, pagtaas ng kamay
d. Tindig o Postura - Tindig pa lamang ng isang tao ay nakapagbibigay
na ng hinuha kung anong klaseng tao ang iyong kaharap o kausap.
2. Proksemika (Proxemics)
- “Pag – aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo, isang katawagang
binuo ni Edward T. Hall (1963), isang antropologo.
-
-
Uri ng Proxemic Distance

1. Espasyong Intimate up to 1- ½ ft.


2. Espasyong Publik- 12 ft. o higit pa
3. Espasyong Sosyal- 4 -12 ft.
4. Espasyong Personal- 1- ½ - 4 ft.

3. Oras / Kronemika (Chronemics)


a. Teknikal o siyentipikong oras - ginagamit lamang ito sa laboratoryo atkaunti
lamang ang kaugnayan nito sapang- araw-araw nating pamumuhay.
b. Pormal na Oras - tumutukoy kung paano binibigyan ng kahuluganang kultura at
kung paano ito itinuturo.Halimbawa, sa kultura ng ating oras, hinahati ito sa segundo,
minuto, oras, araw, linggo, buwan at taon. Sa eskwelahan
c. Impormal na Oras - medyo maluwag sapagkat hindi eksakto
 Halimbawa: Magpakailanman, agad-agad,sa madaling panahon
atngayon din
d. Sikolohikal na Oras- tumutukoy sa kahalagahan ng pagtatakda ng oras sanakaraan,
sa kasalukuyan at sa hinaharap.

4. andama o Paghawak (Haptics)


- Ito ay isa sa pinaka-primitibong anyo ng komunikasyon. Minsan, ito
ay nagpapahiwatig ng positibong emosyon. Nangyayari ito sa mga taong malapit sa
isa’t isa gaya ng mga magkakaibigan o magkakapalagayang-loob.
 Halimbawa:
Pagyakap
Paghaplos
Pisil
Tapik
Batok
Haplos
hipo at iba pa.
5. Paralanguage

- tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng isang salita pagbibigay diin


sa mga salita.
 Halimbawa:
bilis ng pagbigkas,paghinto sa loob ng pangungusap, lakas ng
boses, kasama rin sa bahaging ito ang pagsutsot, buntung-hininga, ungol at
paghinto
6. Katahimikan / Hindi Pag-imik
- may mahalagang tungkulin ding ginagampanan ang dipag-imik/
katahimikan pagbibigay ng oras o pagkakataon sa tagapagsalita namakapag-isip at
bumuo at mag-organisa ng kaniyang sasabihin
- sandata rin ang katahimika
- tugon sa pagkabalisa o pagkainip, pagkamahiyain o
- pagkamatatakutin

7. Kapaligiran
- ang pagdarausan o lugar na gagamitin sa anumang pulong,
kumperensya,seminar at iba pa ay tumutukoy sa uri ng kapaligiran Pormal/ di
pormal kaayusan ng lugar.
8. Simbolo (Iconics)
- mga simbolo sa paligid na may malinawna mensahe
 Halimbawa:
Sa palikuran, bawal manigarilyo atbp.

9. Kulay (Colorics)
- nagpapahiwatig ng damdamin o oryentasyon.
 Halimbawa:
kulay asul at pula sa bandila ng pilipinas
10. Bagay (Objectics)
- Tumutukoy sa paggamit ng mga bagay sa pakikipagtalastasan. Kabilang
rito ang mga elektronikong ekwipment

 Ang Apat na Makrong Kasanayan

 PAKIKINIG

- Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon .


Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pandinig
at pag-iisip. Aktibo ito dahil nagbibigay-daan ito sa isang tao na pag-isipan, tandaan at
suriin ang kahulugan at kabuluhan ng mga salitang kanyang napakinggan.
- Ang pakikinig, samakatuwid, ang pag-unawa sa kahulugan ng mga tunog na
napakinggan. Nangangahulugan ito ng pakikinig nang may layunin- ang pag-unawa sa
kahulugan ng mga salita at pangungusap na narinig. Inuunawa ang mga katotohanan at
ideya na nakapaloob sa mga salitang napapakinggan.

Ayon kay Yagang (1993)


- ang pakikinig ay kakayahang matukoy at maunawaan kung ano ang sinasabi ng
ating kausap.

Ayon kina Howatt at Dakin (1974)


- nakapaloob sa kasanayang ito ang pag-unawa sa diin at bigkas, balarila at
talasalitaan at pagpapakahulugan sa nais iparating ng tagapagsalita.
Bahagi ng tainga

 kahalagahan ng pakikinig

 mabilis na pagkuha ng impormasyon


 daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan at magkaroon ng mabuting
palagayan
 sa pakikinig kailangan ng ibayong konsentrasyon sa pag-unawa, pagtanda o
paggunita sa naririnig.
 nakakatulong sa pagpapalawak ng kaalaman  ang pakikinig ay nakakatulong sa
pag-unawa ng damdamin, kaisipan at maunawaan ang kinikilos gawi at paniniwala.
 lumilikha ito ng pagkaka-isa, sa loob ng tahanan, sa paaralan, at sa pamayanan.
 Pamaraan sa mabuting pakikinig

 Maging handa sa pakikinig


 Magkaroon ng layunin sa gagawing pakikinig
 Bigyang pansing ang agwat o pagkakaiba ng pagsasalita sa pakikinig
 Kilalanin ang mahalagang kaalaman/impormasyon
 Unawaing mabuti ang sinasabi ng nagsasalita
 Iwasan ang pagbibigay ng puna habang hindi pa tapos ang nagsasalita

 Pagsasalita

Mga Kasangkapan sa Pagsasalita

 Masusukat ang bisa ng isang tagapagsalita sa lakas ng kanyang panghikayat sa


kanyang tagapakinig o di kayay sa kakayahan niyang mapanatili ang interes ng kanyan
g tagapakinig sa kanyang makikita.

1. Tinig
- Ito ang pinakamahalagang puhunan ng isang nagsasalita. Sa maraming pagka
kataon,kinakailangan ang tinig ay maging mapanghikayat at nakaakaikit pakinggan

- May mga sitwasyong nangangailangan ngmalakas na tinig ngunit may ilan na


mahinang tinig lamang. Ano’t ano man ang lakas ng tinig na gagamitin , kailangang ma
ging angkop iyon sa partikular na sitwasyon at sa damdaming nais na ipahiwatig ng isa
ng nagsasalita.

- Kaakibat ng tinig ay ang himig,May himig na mabagal, may himig na pataas at


mayroon ding pababa.Katulad ng lakas,kinakailangang inaangkop din ang himig ng pag
sasalita sa sitwasyon at damdamin at maging sa kaisipan at mensaheng ipinapahayag
ng isang nagsasalita.
2. Bigkas
- Napakahalaga namaging wasto ang bigkas ng nagsasalita. Kailngang maging
mataas at malinaw ang pagbigkas niya sa mga salita .

- Ang maling pagbigkas niya sa mga salita ay maaaring magbunga ng ibang pag
papakahulugan ng salitang iyon lalo pa’t ang wika natin ay napakaraming homonimo(m
ga salitang pareho ang baybay ,ngunit magkaiba ng paraan ng pagbigkas at may magk
aibang kahulugan).

- Maaari din maging isang katawatawa ang tagapagsalita kung laging mali ang p
agbigkas niya ng mga salita. Kaugnay nito kailanagang maging maingat din siya sapag
bibigay ng diin(stress) sa mga salita sa paghinto at paghinga sa loob ng mga salita at ta
lata sapagkat nakatutulong din ito upang maging malinaw ang mensahe ng kanyang pa
hayag.

3. Tindig
- Sa isang tagapagsalita,lalo na sa isang pagtitipon o sa mga timpalak-
pambigkasan napakahalaga ng tindig .

- Kinakailangang may tikas ika nga, mula ulo hanggang paa: Hindi magigiling ka
panipaniwala ang isang mambibigkas kung siya ay nanghihina o kung siyay mukhang s
akitin.Sapagkat ang isang ntagapagsalita ay kailangang maging kalugodlugod hindi lam
ang sa pandinig ng mga tagapakinig.

- Kailangan din nyang maging kalugodlugod sa paningin upang siyay maginng hi


git na mapanghikayat.

4. Kumpas
- Ang kumpas ng kamay ay importante sa nagsasalita.
- Kung wala ito ang nagsasalita ay magmumukhang tuod o robot. Ngunit ang ku
mpas ng kamay ay maging angkop sa salita o mga salitang binabanggit.
- Tandaan na anng bawat kumpas ay may kaakibat din na kahulugan. Kung gay
on ang kahulugan ng mga kumpas ay tumutugma sa kahulugan ng mga salitang binibig
kas kasabay ng mga kumpas.
- Tandaang kailngan din mgaing natural ngmga kumpas.Dapat iwasan ang pagig
ing mekanikal ng mga ito. Hindi rin magandang tignan ang labis maging ang kulang o al
anganing kumpas ng mga kamay.
5. Kilos
- Sa pagsasalita,ang ibang bahagi ng katawan ay maaari din na gumalaw Ang m
ga mata, balikat,paa at ulo
- ang pagkilos ng mga ito ay maaring makatulong o makasira sa isang nagsasali
ta.

 Halimbawa:
Ang labis na pagagawala ng mga mata o kawalan ng panuunan ng paningin
sa kausap o madlang tagapakinig ay malamang na magsilbing distraksyon
sa halip na pantulong sa isang tagapagsalita Samantala,ang mabisang pag
papanatili ng ugnayan sa tagapakinig sa pamaamgitan ng panuuunan ng pa
ningin ay maaaring makatulong sa kanya.Ang labis na paggalaw ng ulo lalo
na ang hindi angkop na pagtango at pag-
iling ay maaaring makapagpalabo sa mensaheng ipinahahatid ng isang nag
sasalita .

 Samantala ang mabisang paggamit ng galaw ng balikat ay maaari naman


g makatulong sapagpapahayag ng pagsuko,panghihinayang,kwalan o panliliit. Kung lab
is na magiging malikot naman ang nagsasalita .
 Halimbawa:
Kung siya ay paroot parito sa pgalalakad, malamang mahilo na ang kanya
ng kinakausap o ang madalng tagapakinig niya.Kung magkakakgayon ay hi
ndi niya epetibong maipapahatid ang mensaheng kanyang ipinapahayag.

 Fonetics

 Ang tawag sa sangay na ito ng lingwistiks. Pinag- aaralan dito ang mga katangian
ng mga tunog ng wika at kung paano binibigkas ang mga ito.
 Pag- aaral sa mahahalagang tunog na nagbibigay ng kahulugan sa pagsambit ng
salita o nagpapabago sa kahulugan ng mga salitang halos magkatulad ang
kaligirang baybay.
 Pag- aaral ng mga patern ng tunog.
 Pag-aaral sa mga ponema (tunog), paghinto (juncture), pagtaas-pagbaba ng mga
pintig (pitch), diin (stress) at pagpapahaba ng tunog (prolonging/lengthening).
 Ang praktikal na bentahe nito’y hindi lang sa pag-aaral at pagtuturo ng mga wikang
banyaga, kundi sa speech therapy rin, at ngayon sa mga makabagong sistemang
pangkomunikasyon na pinaaandar ng boses ng tao.

Ang unang layunin ng Fonetiks- ay kilalanin at ilarawan ang mga tunog sa isang
partikular na wika o sa mga wika sa pangkalahatan. Dahil ang mga tunog sa
pagsasalita ang ginagamit para maghatid ng impormasyon.

TATLONG PERSPEKTIB
SA PAGTINGIN SA MGA TUNOG

I. Artikulatori-Fonetiks
 pinag- aaralan ang pisikal na mekanismo ng prodaksyon ng mga tunog, sa
madaling salita, kung papano binubuo ng nagsasalita ang mga tunog.

II. Akustiks- Fonetiks


 pinag- aaralan ang transmisyon ng mga tunog bilang mga alon na nagdadala ng
mga tunog.

III. Perseptwal –Fonetiks


 tinitingnan kung papano nauunawaan at nakikilala ng nakikinig ang mga tunog.

Tatlong Bahagi ng Artikulatori Fonetiks

1. Tinitingnan natin ang artikulasyon o prodaksyon ng mga tunog o kung pano binubuo
ang mga ito sa bibig at lalamunan.
2. Sa pagbigkas ng alinman sa mga yunog ng sariling wika, sangkot ang dila’t mga labi
bukod sa hangin o hiningang pinalalabas sa bibig o di kaya sa ilong.
3. Ikaklasify ang mga tunog ayon sa kanilang katangian.

 FONETIK NA TRANSKRIPSYON

ay katulad ng palatuldikan. Ito ay ginagamit bilang giya o patnubay Kung paano


bibigkasin nang wasto ang mga salita sa isang wika, Karaniwan, hindi sitematik na
nirerepresent ang mga tunog ng mga salita sa Ortografi ng maraming wika. Siguro
masasabing pumapangalawa lamang ng wikang Ingles sa wikang Franses sa pagiging
komplikado sa bagay na ito.
Ang di- pagkakaayon ng ispeling at ng mga tunog ang pinagsimulan ng kilusan
ng mga pagbabago sa ispeling sa mga nasabing wika na naglalayong makabuo ng
isang Fonetik Alfabet kung saan tumutugon sa isang tunog ang isang letra, at ang isang
letra sa isang tunog (Fromkin at Rodman 1988).
Dalawang klase ng transkipsyon

1. Ponemikong transkripsyon - Sa ponemikong transkripsyon, ang lahat ng


makabuluhang tunog o kinikilalang ponema sa isang wika ay binibigyan ng
kaukulang simbolo.

Ang ginagamit na pangulong sa mga salita ay mga pahilis na guhit o virgules //.

 ang tuldik na paiwa /’/ ay nagrereprisinta sa impit na tunog na matatagpuan sa mga


pusisyong midyal at pinal na isinusulat nang nakahanay sa ibang ponema.
 ang /һ/ ay nagpapahag ng impit na pahinga na salita o glottal na pasutsot.
Kadalasan itong nilalagay sa hulihan ng salitang nagtatapos sa patinig.
 ang /ŋ/ ay katumbas ng “ng”. Ang “ng” ay isang digrapo o dalawang simbolo na
kumakatawan sa isang ponema.
 ang tuldok /•/ ay kumakatawan sa pagpapahaba ng patinig na palaging inilalagay
pagkatapos ng mahabang patinig.

 Halimbawa:
• buhay-/bu•hay/-life alagad-/alagad/
• -/buhay/ -alive mabuti-/ mabu•ti/
• basa-/ba•saһ/ -read langoy-/laŋoy/
• -/basa’/ -wet

2. Ponetikong transkripsyon - sa transkripsyong ponetiko, lahat ng tunog na marinig


ng nagsusuring linggwist, makahulugan man o hindi, ay kanyang itinatala. Kaya
nga’t sa transkripsyong ito, hindilahat ng tunog na binigyan ng kaukulang simbolo ng
isang nagsusuri ay makahulugan o ponemiko.

ang ginagamit na pangulong sa mga salita ay braket [….].


 sa mga mag-aaral at guro ng wika, hindi ito pinag-uukulan ng
masusing talakay sapagkat ang mga linggwist lamang ang
gumagamit at nag-aaral sa ponetikong transkripsyon.
 sa transkripsyon, mahalaga na malaman ang mga sumusunod:
 Kung nagsasagawa ng transkripsyon, de letra o script ang dapat na
gamitin at hindi “patakbo” o cursive.
 ang salita, parirala o pangungusap na itinatranskribe ay dapat
kulungan ng dalawang guhit na pahilis.
 hindi gumagamit ng malaking titik sa transkripsyon.

 Halimbawa:
• palatuntunan -/pala•tuntu•nan/
• magpapakamatay-/magpa•pakamatay/
• nagsasalita -/nagsa•salita’/
•isang basket -/isaŋ bas•ket/ • bagong kain -/ba•goŋ ka•in/
•iniibig ko ang pilipinas. Aking lupang sinilangan
•/ini•i•big koһ aŋ pilipi•nas/
•/a•kiŋ lu•paŋ sini•la•ŋan
Dalawang Sistema ng Representasyon
ng Tunog sa Pagsasalita

A. Ang IPA na syang ipinakakilala at pangunahing sistema na gamit sa buong


mundo ng sinumang gustong isimbolays ang salitang oral.
B. Ang mga simbol na gamit ng mga linggwist sa US sa halip ng mga simbol ng
IPA.

 Prodaksyon ng mga Tunog

Ang mekanismo ng prodaksyon ng salita ay binibuo:

A. sors ng hangin
B. sors ng tunog na nagpapagalaw sa hangin
C. set ng mga filter at mga resoneytor na nagmomodifay ng mga tunog sa iba’t ibang
paraan.
Mekanismo sa Pagsusuri ng Tunog

 Baga - nagsusuplay ng hangin


 Laringks - na tinatawag sa Ingles na Adam’s Apple ang sors ng tunog na kung saan
naroroon
 Vokal – kord isang pares ng manipis na masel na pinagagalaw ang daan ng hangin
Ang mga Filter naman ay ang mga organ sa itaas ng laringks:
A. Faringks – ang bahagi ng lalamunan sa pagitan ng laringks at ng oral –kaviti
B. Oral – kaviti
C. Neysal - kaviti na siyang daanan sa loob ng ilong.

KLASIPIKASYON NG MGA TUNOG O SEGMENT

1. Mga Katinig (voiced) - ay ganap na ginagawa ang pagsasara o pakipot sa vocal


track / b c d f g h j k l m n p r q s t v w x y z? /
2. Mga patinig ( Voiceless) - karaniwang may tunog ang gingawa sapagkat halos
walang gingawa sa vocal track / a, e, i ,o, u /
3. Mga Malapatinig (Glayd) - ay hindi katulad ng atinig na isang nucleus, ito ay mabilis
na binibigkas.
 Tagalog (y) – ( l ) kami’y tulay
 Waray ( w ) – (u) Wara- Wala
Tawo- Tao

 Artikulesyon ng mga konsonant

Mga Katinig

sinasabi ang Dila ang pangunahing artikulador maaari itong ilagay sa iba’t ibang
posisyon sa ating bibig.
Bahagi ng Dila
Tip - makitid na erya sa dulo
Bleyd - parteng kasunod ng tip
Katawan - pangunahing bahagi Likod- pinakalikod na bahagi
Ugat - parteng nakakabit sa lalamunan

Mga Punto ng Artikulesyon

1. Lebyal – sinasabing lebyal ang anumang tunog na gingawa ng makasara ang mga
labi.
Baylebyal- ang tawag sa mga tunog na gamit ang dalawang labi.Labyodental
naman ang tawag sa mga tunog kung nilalapit ang ibabang labi sa mga ngipin sa
itaas.
2. Dental – Sa paggawa ng mga tunog na dental, tinatamaan ng tip o bleyd ng dila
ang likod ng mga ngipin sa itaas.
Interdental - ang tawag sa mga tunog kung nilalagay ang tip ng dila sa pagitan
ng mga ngipin.
3. Alvyolar - tinatawag na alvyolar ang mga tunog kung tinatamaan ng tip o bleyd ng
dila ang alvyolar –rij.
4. Alvyopalatal - Sa pagitan ng alvyolar –rij at ngalangala , ang eryang kasunod o
pagkatapos ng alvyolar
rij - ang tinatawag na alvyopalatal . Kapag inaakyat ang tip o di kaya ang bleyd
ng dila sa alvyopalalatal ang tunog.
5. Palatal - Ang ngalangala ang pinakamataas na parte ng loob ng bibig.
Palatal - ang tunog kapag tumatama o lumalapit dito ang dila.
6. Velar – Velum ang tawag sa malambot na erya ng ngalangala na malapit sa
lalamunan. Tinatawag na
Velar - ang mga tunog kapag tumatama o lumalapiot ang likod ng dila sa velum.
7. Uvular- ang nakalawit na laman sa may velum ay tinatawag na uvula o Tag. Tilao/
tilaukan. Kapag tumatama o lumalapit dito ang likod ng dila , tintawag ang tunog na
uvular
8. Farinjal - ang faringks ang erya sa lalamunan sa pagitan ng uvula at ng laringks.
Farinjal ang tunog kapg inuurong ang ugat ng dila o di kaya ay sinisikipan ang
faringks. Matatagpuan ang mga ganitong tunog sa ilang mga wikang Semitik at
Arabik.
9. Glotal - maliban sa voysing nagagawa rin sa pag-impit ng glotis ang tinatawag n
glotal ng mga tunog
Mga Paraan ng Artikulesyon
Oral at Nesyal

A. Oral na Tunog - ang nagagawa kung sa bibig lamang dumadaloy ang papalabas na
hangin.
B. Tunog na Nesyal – resulta kung dumadaloy anng hangin sa neysal – kaviti kapag
nakababa ang velum at pinalalabas ang hangin sa ilong.
C. Mga Stap(Stop) – ganap na pagpigil o pagbara ng daloy ng hangin sa bibig sa
paggawa ng mga stap (minsan tintawag na plosiv)
D. Mga Frikativ- (Fricative) - pinapadaloy ang hangin sa masikip na daanan ngunit
tuloy- tuloy pa rin ang daloy nito at nagkakaroon ng hagod parang
sumsagitsit ang hangin dahil sa makitid na daanan nito.
E. Mga Afrikeyt (Africate) - May pagpipigil ng hangin sa simula at sinusundan kaagad
ng pagbibitiw nito tulad ng frivative.
F. Mga Likwid ( Liquid) - Nabibilang sa mga kontinuwant ,pero hindi sapat ang
obstraksyon ng daloy ng hangin sa bibig par magkaroon ng friksyon
gaya ng nangyayari sa frikativ.

Klase ng mga Likwid

1. Lateral - Sa paggawa ng tunog na ito, inaangat ang tip ng dila sa dental o alvyolar
na posisyon pero nakababa ang mga gilid kaya nakakalabas dito ang
hangin.

Palatal –Lateral- ginagawa nang nakaangat ang katawan ng dila sa ngalangala.


2. Mga iba’t ibang klase ng r – karaniwang voys ang r, pero may mga voysles din i, e.
May sari-saring r sa mga wika sa mundo:
A. Tap
B. Retroflex
C. Tril
D. Uvular
- Mga Silabik-Likwid at Neysal
- Mga Glayd o
- Semivawel/Semikonsonant
Mga Vawel - nagiging reasoning chamber ang bibig kapag binibigkas ang mga vawel
kaya nagiging buo ang mga tunog ng mga ito.
Monoptong - ay isang simpleng vawel
Diptong – ay sekwens ng vawel at glayd

 Deskripsyon ng mga Vawel


 Posisyon at Parte ng Dila
# pataas
# paharap
# Pababa
# Palikod
# pasentral

 fonema
 Ang Fonema ay yunit ng tunog o pinakamaliit na bahagi ng wika na may
kahulugang tunog.
 Ang makabuluhang yunit ng tunog na ito ang nagpapabago sa kahulugan ng
isang salita.
 Ang pag-aaral ng mahalagang yunit ng tunog o ponema ay binubuo ng mga
segmental at suprasegmental.
 Segmental ang mga tunay na tunog at ang bawat tunog ay kinakatawan ng isang
titik sa ating alpabeto.
 Ang suprasegmental ay pag-aaral ng diin (stress), pagtaas-pagbaba ng tinig
(tune o pitch), paghaba (lenghtening) at hinto (juncture).

Sa dalawampu’t walong (28) titik sa ating Bagong Alfabeto, walong titik ang
naidagdag sa ating dating abakada…(c, f, j, q, v, x, z, ñ)
Sa walong titik na iyon, apat lamang ang tiyak na fonemik ang istatus (may iisang
kinakatawang tunog ang mga letra)…(f, j, v, z)
Ang natitirang apat na letra, (c, ñ, q, x) ay mga redandant dahil hindi kumakatawan
sa iisa attiyak na yunit ng tunog kundi sa nakakatunog na isa pang letra o sunuran ng
mga letra.
Mga Suprasegmental
1. Tono
2. Haba
3. Stres

 Fonemang Segmental

 Ang Filipino ay may 21 ponemang segmental – 16 sa mga ito ay katinig at lima


naman ang patinig.
 Mga Katinig - /b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y, ?/
 Sa ating palabaybayan ang /?/ ay hindi binigyan ng katumbas na titik. Sa halip,
isinama ito sa palatuldikan at tinumbasan ng tuldik na paiwa /’/ sa dahilang ito’y hindi
normal na tulad ng ibang ponema.
 Mahalaga ang /?/ o tuldik na paiwa /’/ sapagkat nakapagpapaiba ito ng kahulugan
ng salita kapag inilagay sa huling pantig ng salitang nagtatapos sa patinig. Ang
tawag sa /?/ ay glotal o impit na tunog.
 Ang impit na tunog o glotal ay itinuturing na isang ponemang katinig sa Filipino
bagama’t hindi ito ipinakikita sa ortograpiya ng ating wika. Mahalaga ito sa isang
salita sapagkat nakapagbabago ito ng kahulugan ng dalawang salita na pareho ang
baybay.
 Halimbawa:
bata /h/ =robe, bata /’/ =child
 Mga Patinig - /i, e, a, o, u
 Itinuturing ang mga patinig na siyang pinakatampok o pinakaprominenteng bahagi
ng pantig. Walang pantig sa Filipino na walang patinig.
 Halimbawa:
b a – h a y, b a – b a – e , u – l o , d i - l a

 May kani-kaniyang tiyak na dami o bilang ng makabuluhang tunog ang bawat wika.
Makabuluhan ang isang tunog kapag nag-iba ang kahulugan nito sa sandaling alisin
o palitan ito. Halimbawa’y mag-iiba ang kahulugan ng salitang baso kapag inalis ang
/s/ at ito’y nagiging bao . Kapag pinalitan naman ang /s/ ng /l/, ito’y nagiging balo .
Samakatwid, ang /s/ ay makabuluhang tunog sa Filipino at tinatawag itong
ponemang segmental o ponema.

 Ponemang Suprasegmental

1. Ang Diin- bilang ponemang suprasegmental,


- ay lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa
salitang binibigkas. Halimbawa: sa salitang /kamay/, ang diin ay nasa huling pantig
na /may/.
- ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog, ang pagbabago ng
diin ay nakapagbabago sa kahulugan nito.
 Halimbawa:
1. Hiram lamang ang /BUhay/ ng tao.
2. Sila /LAmang/ ang /buHAY/ sa naganap na sakuna, kaya
masasabing /laMANG/siya.

2. Tono o intonasyon – pagtaas at pagbaba ng tinig na iniuukol sa pagbigkas ng


pantig ng isang salita, parirala o pangungusap upang higit na maging mabisa ang
ating pakikipag-usap sa kapwa.
- Parang musika ang pagsasalita nang may tono
- may bahaging mababa, katamtaman at mataas.
- Maaaring makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin, makapagbigay ng
kahulugan o makapagpahina ng usapan ang pagbabago ng tono/tinig.

 Halimbawa: 3 Antas ng tono


Pahayag: 2 ha 2 4 = Pinakamataas
Ka pon 3 = mataas
2 = katamtaman
Patanong: 4 1 = mababa
3 pon
2 ha
ka
3. Hinto o Antala – saglit na pagtigil ng ating pagsasalita upang higit na maging
malinaw ang mensaheng ibig nating ipahayag sa ating kausap.
Ang hinto ay paghahati ng salita na gumagamit ng sumusunod na mga pananda.
A. Maikling hinto: /I/=, (kuwit), /+/= isang krus na pananda
B. Mahabang hinto: ;=tuldok-kuwit, :=tutuldok,
_______=isang mahabang guhit, //=dalawang guhit pahilis, >=palaso, -=gitling,
…=tulduk-tuldok.
 Halimbawa:
1. Padre, Martin, ang tatay ko. (Ipinakikilala mo ang iyong ama sa isang
pari at sa kaibigan mo.)
2. Hindi, si Cora ang may sala. (ipinaalam na si Cora ang may kasalanan.
3. Magalis (puno ng galis)
mag-alis (maghubad, magtanggal at iba pa)
4. Haba – paghaba o pag-ikli ng bigkas ng nagsasalita sa patinig ng
isang pantig sa salita. Ginagamit ang ganitong notasyon /./ at /:/ na
siyang nagsasaad ng kahulugan ng salita

a. Likas na haba
 Halimbawa:
1. /asoh/ - usok
/a:soh/ - isang uri ng hayop
2. /pitoh/ - bilang na 7
/pi:toh/ - silbato

b. Panumbas na haba
a. /’aywan/ - /e.wan/ c. /tayo nah/- /te.nah/
b. /taingah/ - /te.nga/ d. /kaunti/ - /kon.ti/

c. Pinagsama na haba
1. magsasaka = /magsasa : ka/ = magbubukid
magsasaka = /magsa . sa : ka/ = magtatanim
2. Mananahi = /manana : hi/ = modista
mananahi = /mana . na : hi/ = magtatabas at bubuo ng kasuotan.
 Pagbasa

Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa

 Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan.


Pagpapakahulugan ito ng mga nakatitik na sagisag ng mga kaisipan.
 Ang pagbasa ay pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng pagtugon
ng damdamin at kaisipan sa mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina.
 Ang pagbabasa ay susi sa malawak na karunungan natipon ng daigdig sa
mahabang panahon.
 Ang pagbasa ay humuhubog ng pag-iisip.
 Sa mataas na lebel ay layuning maitaas ang antas ng pag-iisip, pagiging kritikal at
mapanuri.
 Ayon kina Curry at Palmunen (2007) nababago ang paraan ng pagbasa sa
kolehiyo. Hindi lamang nakatuon sa mga detalye kundi paano nagiging
makatotohanan ang isang impormasyon.
 Ayon kay Arrogante, ang pagbabasa ay nakapagpapalawak ng pananaw at
paniniwala sa buhay, nakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga di-inaasahang
suliranin sa buhay.
 Ang pagbasa ay nakapagpapataas ng uri ng panlasa sa mga babasahin.
 Ayon kay Thorndike, ang pagbasa ay hindi pagbibigay tanong lamang sa mga
salitang binabasa kundi pangangatwiran at pag-iisip.
 Ayon kay Toze, ang pagbasa ay nagbibigay ng impormasyon na nagiging daan sa
kabatiran at karunungan. Ito’y isang aliwan, kasiyahan, pakikipagsapalaran,
paglutas sa mga suliranin at nakapagdudulot ng iba’t ibang karanasan sa buhay.

Kahulugan ng pagbasa ayon sa IRA


(International Reading Association)

 Ang pagbasa-ay pagkuha ng kahulugan mula sa mga nakatalang titik o simbolo na


nangangailangan ng mga sumusunod:

 Ang paglinang at pananatili ng kawilihan sa pagbasa.


 Paggamit ng estratehiya upang makuha ang kahulugan ng teksto.
 Sapat na kaalaman o prior knowledge at bokabularyo na tutulong
sa pag-unawa ng teksto.
 Ang kakayahan sa matatas na pagbasa.
 Istilong gagamitin upang maunawaan ang mga salitang di pamilyar.
 Kakayahang umunawa sa mga nakatalang salita batay sa tunog o
pagbigkas nito.
 Ayon kay Frank Smith(1997) ang pagbabasa ay pagtatanong sa nakatalang teksto
at ang pag-unawa sa teksto ay pagsagot sa iyong mga tanong.

 Ang Proseso ng Pagbasa

 Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbibigay-kahulugan ng mga simbolo at salita.


Bilang proseso
 ito ay may apat na hakbang ayon kay William S. Gray(1950), ang kinilalang “Ama
ng Pagbasa”:
(1)persepsyon,
(2)komprehensyon,
(3)reaksyon,
(4)integrasyon
(Belvez, et al., 1990; Villamin, et al., 1994; Resuma at Semorlan, 2002).

I. Persepsyon
 Ito ay pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag na simbolo at kakayahan sa
pagbigkas ng mga tunog.

II. Komprehensyon
 Ito ay pag-unawa sa mga nakalimbag na simbolo o salita.

III. Reaksyon
 Ito ay kaalaman sa pagpasiya o paghatol ng kawastuhan, kahusayan,
pagpapahalaga at pagdama sa teksto.
IV. Integrasyon
 Ito ay kaalaman sa pagsasanib o pag-uugnay at paggamit ng mambabasa
sa kanyang dati at mga bagong karanasan sa tunay na buhay.
 Isang komplikado o masalimuot na proseso ang pagbasa sapagkat maraming
kasanayan ang nililinang at kailangang malinang dito upang magiging epektibo ang
pagbabasa.
 Isa kang mahusay at epektibong mambabasa kung natutukoy mo ang layunin ng
iyong binabasa, nagagamit ang mga estratehiya at teknik sa pagbasa, nakabubuo ng
hinuha o hula sa susunod na pangyayari at iniuugnay ang dating kaalaman at
karanasan upang maunawaan ang kahulugan ng binabasang teksto.

Mga Kasanayan sa Pagbasa

 Ang mga kasanayan sa pagbasa ay nahahati sa dalawang malawak na pangkat o


uri: (A) Kasanayan sa Bilis at (B) Kasanayan sa Pang-unawa.

a) Kasanayan sa Bilis
- Pagpansin o pagtingin nang higit na malawak ang agwat
- Pagtingin sa higit na maraming salita
- Pagbasa nang higit na mabilis
- Pagkakaroon ng mas kakaunting pagbabalik mata

b) Kasanayan sa Pang-unawa
- Paglilinang ng talasalitaan
- Pag-unawa ng talata
- Pagsunod sa hudyat o pahiwatig na palimbag
- Pagbasa namg pahapyaw at pasuri
- Pagbasa at pag-unawa sa mahihirap na babasahin

Ayon kay Lalunio (1985), ang bilis ay tumutukoy sa ikatatagal ng


mambabasa sa pagbabasa ng teksto. Ito ay ang bilang ng salitang nabasa sa loob ng
isang minuto. Ang mambabasa na may katamtamang bilis ay nakababasa ng 250 salita
bawat minuto.
Ang mahusay na mambabasa nakababasa ng 500 – 600 salita bawat
minuto. Ang napakahusay na mambabasa na may bilis ay nakababasa ng 1,000 salita
bawat minuto. Ang bilis sa pagbasa ay dapat mapag-iba-iba ayon sa layunin ng
mambabasa at kahirapan ng binabasa.
Wala ring kabuluhan ang mabilisang pagbasa kung hindi mauunawaan
ang binabasa, kaya pang-unawa ang siyang mahalagang bagay na isaalang-alang sa
makabuluhang pagbasa. Ang pang-unawa ay karaniwang inilalahad sa bahagdan kung
ilang bahagdan ang pang-unawang natamo ng mambabasa sa pagsusumikap niyang
maunawaan nang husto ang binabasa. Ang isang mahusay na mambabasa ay
nakatatamo ng 70 – 90% na pag-unawa sa teksto at 90 – 95% sa mga tekstong nasa
malayang antas.
Upang maging mahusay na mambabasa, dapat na alamin kung bakit ka
babasa at kung ano ang gusto mong malaman. Kapag may tiyak ka nang layunin sa
iyong pagbasa, dapat ding magkaroon ka ng lubos na pagkakakilala sa babasahin at
antas ng kahirapan nito.
Ang kuwento, editoryal, ang isang kolum; ang pagbasa sa pahayagan, sa
panitikan, sa agham, matematika, pilosopiya – ang bawat isa’y naglalahad ng iba’t
ibang suliranin. Bukod pa riyan, ang manunulat ay nagkakaiba ng estilo, talasalitaan at
pamaraan ng paglalahad. Dahil dito, makabuluhan ang pag-aakma ng bilis sa pagbasa
sa uri ng teksto.

 IBA’T-IBANG URI NG PAGBASA

1. ISKANING
 Uri ng pagbasa sa kung saan ang nagbabasa ay nagsasagawa ng paggalugad sa
materyal na hawak tulad ng pagbasa sa mga susi na salita o key word, pamagat at
sub-titles.
 Dito, Ang mahalagang salita ay di binibigyan pansin. Binibigyan pansin ang ganitong
pagbasa ang mahalagang mensahe sa pahinang binabasa o tinitingnan, halimbawa
nito ay pagtingin sa diyaryo upang alamin kung nakapasa sa isang Board
Examination, pagtingin ng winning number ng lotto.
 Ang scanning ay isang uri ng pagbasa ng nangangailangan hanapin ang isang
partikular na impormasyon sa aklat o sa anumang babasahin. Ginagawa ito ng isang
bumabasa sa pamamagitan ng palaktaw-laktaw na pagbuklat sa materyal at pag-
uukol ng mabilisang pagsulyap sa mga ito.
 Nakatuon ang kanyang mga mata sa partikular na impormasyon sa isang tiyak na
pahina ng materyal. Nagagamit ang ganitong pamamaraan sa pagbasa ng mga
nilalaman (table of contents), index, classified ads at sa paghahanap ng numero ng
isang taong nais makausap.

2. ISKIMING
 Ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya o
impresyon, o kaya’y pagpili ng materyal na babasahin. Ito rin ay pagtingin o
paghanap sa mahalagang impormasyon, na maaaring makatulong sa
pangangailangan tulad ng term paper o pamanahong papel, riserts at iba pa.
Ang skimming ay pinaraanang pagbasa at pinakamabilis na pagbasang magagwa
ng isang tao.
 Ang gumagamit ng kasanayang ito ay pahapyaw na bumabasa ng mga pahiwatig sa
seleksyon katulad ng pamagat at paksang pangungusap. Binabasa niya nang
pahapyaw ang kabuuan ng seleksyon at nilalaktawan ang mga hindi kawili-wili sa
kanya sa sandaling iyon.

3. PREVIEWING
 Sa uring ito, ang mambabasa ay hindi kaagad sa aklat o chapter.
 Sinusuri muna ang kabuuan at ang estilo at register ng wika ng sumulat. Ang
ganitong paraan ay makatutulong sa mabilis na pagbasa at pag-unawa sa babasa.
May iba’t ibang bahagdan ang pre-viewing gaya ng mga sumusunod:

a. Pagtingin sa pamagat, heding at sub-heding na karaniwang


nakasulat ng italik.
b. Pagbasa ng heding na nakasulat sa ng blue print.
c. Pagbasa sa una at huling talata.
d. Pagbasa sa una at huling pangungusap ng mga talata.
e. Kung may kasamang introduksyon o buod, larawan, graps at
tsart, ito ay binibigyan suri o basa.
f. Pagtingin at pagbasa ng table of contents o nilalaman.
4. KASWAL
 Pagbasa ng pansamantala o di-palagian. Magaan ang pagbasa tulad halimbawa
habang may inaantay o pampalipas ng oras.

5. PAGBASANG PANG-IMPORMASYON
 Ito’y pagbasang may layunin malaman ang impormasyon tulad halimbawa ng
pagbasa sa pahayagan kung may bagyo, sa hangarin malaman kung may pasok o
wala. Maaari rin ang pagbasa ng aklat sa layunin masagot ang takdang-aralin. Ito rin
ay pagbasa na may hangarin na mapalawak ang kaalaman.

6. MATIIM NA PAGBASA
 Nangangailangan ito ng maingat na pagbasa na may layuning maunawaang ganap
ang binabasa para matugunan ang pangangailangan tulad ng report, riserts, at iba
pa.

7. RE-READING O MULING PAGBASA


 Paulit na binabasa kung ang binabasa ay mahirap unawain bunga ng mahirap na
talasalitaan o pagkakabuo ng pahayag.
 Isinasagawa ang muling pagbasa upang makabuo ng pag-unawa o masakyan ang
kabuuang diwa ng materyal na binasa.

8. PAGTATALA
 Ito’y pagbasang may kasamang pagtatala ng mga mahalagang kaisipan o ideya
bilang pag-imbak ng impormasyon. Kasama rito ang paggamit ng marker para
bigyan ng pansin o highlight ang bahaging mahalaga sa binabasa lalo na’t ito’y
sariling pag-aari.

Limang Dimensyon sa Pagbasa

1. Unang Dimensyon -Pang-unawang literal


a. Pagpuna sa mga detalyeng nakalahad
b. Pagpuna sa wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sateksto
c. Pagsunod sa panutong nabanggit
d. Pagbubuod o paglalagom ng binasang tekstoe. Paggawa ng balangkas
f. Pagkuha ng pangunahing diwa o kaisipan
g. Paghanap ng tugon sa mga tiyak na katanungang inilahad
h. Pagbibigay ng katotohanan(facts) upang mapatunayan ang isangnilalamang
ipinahayag
i. Paghahanap ng katibayan para sa o laban sa isangpansamantalang
konklusyong inilahad
j. Pagkilala sa mga tauhang gaganap/ gumanap

2. Ikalawang Dimensyon - Pagkaunawang ganap sa mga kaisipan ng may-akdalakip


ng mga karagdagang kahulugan
a. Pagdama sa katangian ng tauhang gumanap
b. Pag- unawa sa mga tayutay at patalinghagang salitang ginamit
c. Paghinuha ng mga katuturan o kahulugan
d. Pagbibigay ng kuru- kuro at opinyon sa talataan
e. Paghula sa kalalabasan ng nobela/ teksto
f. Paghinuha sa mga sinundang pangyayari
g. Pagbibigay ng solusyon o kalutasan
h. Pagkuha ng pangkalahatang kahulugan ng isang binasa
i. Pagbibigay ng pamagat

3. Ikatlong Dimensyon – Pagkaalam sa kahalagahan ng mga kaisipan at ngkabisaan


ng paglalahad
a. Pagbibigay ng reaksyon sa teksto
b. Pag- iisip ng masaklaw at malawak na talasalitaan
c. Pagbibigay ng pagkakaiba at pagkakatulad ng pahayag
d. Pagdama o pagkaalam sa pananaw ng awtor.
e. Pag- unawa sa mga impresyon o kakintalang nadarama
f. Pagkilala sa pagkakaroon o kawalan ng kaisahan ng diwa ngmga
pangungusap na nasasaad
g. Pagkilala sa pagkakaugnay- ugnay ng mga pangungusap saisang talatang
inilahad
h. Pagtatalakayan tungkol sa mabubuting katangian ng kwentongbinasa
i. Pagpapasiya tungkol sa katumpakan ng pamagat ng binasangseleksyon sa
aklat
j. Pagpapasiya tungkol sa kabisaan ng paglalahad na isinagawa

4. Ikaapat na Dimensyon - Pagsasanib ng mga kaisipang nabasa at ng mgakaranasan


upang magdulot ng bagong pananaw at pagkaunawa
a. Pagbibigay opinyon at reaksyon sa binasa
b. Pag- uugnay ng binasang kaisipan sa kanyang sariling karanasan at sa tunay
na pangyayari sa buhay ng mag-aaral.
c. Pagpapayaman ng talakayan sa aralin sa pamamagitan ngpaglalahad ng mga
kaugnay na karanasan sa talakayan.
d. Pag - alaala sa mga kaugnay na impormasyon ng pag- aral
e. Pagpapaliwanag sa nilalaman o kaisipang binasa batay sasariling karanasan.

5. Ikalimang Dimensyon - Paglikha ng sariling kaisipan ayon sa


mga kasanayanat kawilihan sa binasang seleksyon
a. Pagbabago ng panimula ng kwento o lathalain
b. Pagbabago ng wakas ng teksto
c. Pagbabago ng pamagat ng teksto
d. Pagbabago ng mga katangian ng mga tauhang gumanap
e. Pagbabago ng mga pangyayari sa teksto
f. Paglikha ng sariling kwento batay sa binasang teksto

Iba’t- ibang Teorya sa proseso ng Pagbasa

1. ANG TEORYANG BOTTOM- UP


- ang tradisyunal na pananaw sa pagbasa na bunga ng impluwensyang teoryang
behaviorist na higit na binibigyang pokus angkapaligiran sa paglinang ng pag-unawa sa
pagbasa.
- Ang teksto ang pokus para maunawaan ang babasahin. Ang proseso ng pag-
unawa ayon sa teoryang ito ay nagsisimula sateksto ( bottom) patungo sa tagabasa
(up). Ang direksyon ng pag-unawa ay isa lamang : mula sa ibaba pataas.

2. ANG TEORYANG TOP- DOWN


 Nagagawang maunawaan ng isang taong nagbabasa ang balangkasng
isang kwento o nakapagbigay sya ng mga hinuhatungkol sateksto kapag naiugnay niya
ito sa kanyang dating kaalaman.
- Ang pagbasa ay maituturing na isang pagtuklas ng mgaimpormasyon
na maaring taglay na ng tagabasa at nakaimbak sakanyang dating kaalaman ( prior
knowledge).
- Nagsisimula sa isip ng tagabasa (top) tungo sa teksto(down).
3. ANG TEORYANG ISKEMA
 Ang ginagampanan ng dating kaalaman sa pag-unawa ang pangunahing
batayan ng teoryang iskema ( Barlett, 1932;Rumelhart, 1980). Isa sa mga pangunahing
simulain ng teoryangito ay ang paniniwala na ang teksto , pasalita o pasulat man,
aywalang kahulugang taglay sa kanyang sarili.
 Ang teoryang iskema ay paglilinaw sa organisasyon at pag- iimbakng
ating dating kaalama at mga karanasan.

 Pagsulat

Kahulugan ng Pagsulat

Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapangmaaaring


magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita,simbolo at ilustrasyon ng isang
tao o mga tao sa layuning maipahayagang nasa kanyang kaisipan (Sauco, et al., 1998).

Isang paraan ng pagpapahayag ng mag saloobin, damdamin atkaalaman ang


pagsulat katulad ng pagsasalita. Sa apat na makrongkasanayang pangwika (pakikinig,
pagsasalita, pagbasa at pagsulat),ang pagsulat ang sinasabing pinakamahirap
matutuhan. Di tulad ngpagsasalita, hindi mga tunog kundi may mga titik ang
simbolongginagamit ng manunulat upang makapagpahayag. Bumubuo siya
ngmakahulugang salita mula sa mga titik, at ng mga pangungusap atkabuuang diskors
mula sa mga salita.
Ang pagsulat ay ekspresyon ng pagpapagalaw ng isipan at emosyonng tao. Ang
mga bagay na hindi kayang sabihing pasalita ayginagawa sa paraang pasulat.
Maaaring sumulat ng pansarili opersonal; kasabay nang pag-unlad ng sariling ideya
tungkol sa sarili atkaranasan. Ang ganitong uri ng pagsulat ay makatutulong
sapagpapabuti ng kasanayang ito sapagkat ang paksang isinusulat aypinakamalapit sa
interes mo.
Nagsusulat ang isang tao upang makapag-ambag ng kaalaman okaisipang
maaaring mang-uudyok sa mambabasang sumulat nangmakabuluhan.
Kahalagahan ng Pagsulat

Inilahad ni Arrogante (2000) ang mga kahalagahan ng pagsulat:

A.Kahalagahang Panterapyutika
Ang taong may kahinaan sa pagsasalita ay mahilig sumulat paramailabas
lamang ang nasa kalooban may babasa man o wala.Gumagaan ang kanilang
pakiramdam pagkatapos makapagsulat.Para bang naibsan sila ng isang mabigat na
dalahin.

B.Kahalagahang Pansosyal
Sumusulat ang mga tao dahil may namamagitang katahimikan omga bagay na
siyang nagpapalayo sa isang relasyon ngunit likas ngtao ang magkarelasyon. Kung
nasasaktan ka at hindi mo masasabinang tuwiran ang iyong nadarama, isulat mo lang
iyon. Madali angugnayan sa pamamagitan ng pagsulat. Ang isang mamamayangsosyal
ay sandatang panulat ang ginagamit para maipadama angkanyang saloobin tungkol sa
mga pangyayari sa kanyang kapaligiran.

C.Kahalagahang Pang-ekonomiya
Ang tao’y sumusulat dahil kailangan para siya’y mabuhay, samadaling salita
ito’y nagiging kanyang hanapbuhay. Pang-araw-arawna gawain niya ang pagsusulat at
ang paghahanap ng mga dapatisulat, lalo na kapag may hinahabol na deadline.

D.Kahalagahang Pangkasaysayan
Ang panulat ay mahalaga sa pagreserba ng ating kasaysayangpambansa at ang
mga naisasatitik ay nagsisilbing dokumento para samga sumusunod na henerasyon.

You might also like