Module 8

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 29

Inihanda ng:

Pangkat 5
-Genesis 2:18
-Dr. Manuel Dy Jr.
DIGNIDAD
PAKIKILAHOK
Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangan mong
gawin sapagkat kung ito ay hindi mo isinagawa ay mayroong
mawawala sa iyo. Ang Pakikilahok ay nagbibigay sa tao ng
makabuluhang pakikitungo sa lipunan na kung saan ang
bawat nakikilahok ay dapat tumupad sa kaniyang tungkulin
para sa kabutihang panlahat. Ang obligasyon na ito ay likas
dahil sa taglay na dignidad ng tao. Ang pakikilahok ay
makakamit lamang kung kinikilala ng tao ang kanyang
pananagutan. Mula dito makakamit ang Kabutihang Panlahat.
Impormasyon
Konsultasyon
Sama-samang Pagpapasiya
Sama-samang Pagkilos
Pagsuporta

Ayon Kay Sherry Arnnsteinis


Sa isang tao na nakikilahok mahalaga
na matuto siyang magbahagi ng
kanyang nalalaman o nakalap na
impormasyon. Makatutulong ito
upang madagdagan ang kaalaman ng
iba.
Ito ay mas malalim na impormasyon. Ito ay
bahagi na kung saan hindi lang ang sarili
mong opinion o idea ang kailangang
mangibabaw kundi kailangan pa ding
makinig sa mga puna ng iba na maaring
makatulong sa pagtatagumpay ng isang
proyekto o gawain.
Upang lalong maging matagumpay ang isang
gawain mahalaga ang pagpapasya ng lahat.
Ito ay hindi lamang dapat gawin ng isang tao
kundi ng nakararami. Sa pagpapasya
kinakailangang isaalang-alang ang kabutihang
maidudulot nito hindi lamang sa sarili kundi
sa mas nakararami.
Hindi magiging matagumpay ang anumang gawain kung
hindi kikilos ang lahat. Tingnan mo ang walis tingting.
Hindi ito makalilinis ng kalat kung isa lamang tingting
ang gagamitin; ngunit kung ang bawat tingting ay
pagsasamasamahin mabilis itong makakalinis ng paligid.
Ganyan din ang tao. Kung ang bawat isa ay kikilos ng
sama-sama para makatulong sa kanyang lipunan tiyak
makikita natin ang tunay na pagbabago nito.
Ang isang gawain kahit ito ay mahirap ay
napapadalikung ang bawat isa ay
nagpapakita ng pagsuporta dito. Hindi ito
tumutukoy sa tulong pinansyal lamang. Ito
ay maaring ipakita sa pagbibigay ng talento o
kakayahan o anumang tulong basta’t ito ay
nanggagaling sa iyong puso.
A.Paggalang sa makatarungang
batas.
B.Pagsisikap na maging masigasig sa
tungkulin tulad ng pagtataguyod
ng maayos na pamilya at pagiging
tapat sa gawain .
Ang pakikilahok ay hindi dapat minsanan laman kundi
patuloy na proseso hangga’t kaya mo at mayroon kang kayang gawin
para sa ikababuti ng iyong lipunan, sapagkat mula dito nabibigyan ng
saysay ang iyong pagiging TAO na nilikha ayon sa wangis ng Diyos.
Sa pamamagitan ng Pakikilahok ang tao ay nagiging
mapanagutan hindi lamang sa kanyang sarili kundi sa kaniyang
kapwa. Nakilala niya ang kaniyang mga kakayahan, talento at
kahinaan na makatutulong upang magkaroon siya ng tiwala sa
kanyang sarili. Nakikibahagi siya sa lipunan bilang isang aktibong
kasapi nito at nagkakaroon ng kaganapan ang kanyang pagkatao.
Mga tao na naglilingkod o tumutulong sapagkat
mayroon silang kailangan o mayroon silang
hinihintay na kapalit.
Mga tao na ginagawa lamang ito bilang
pampalipas ng oras.
Mga tao na kung nakuha na nila ang kanilang nais
o pakay ay humihinto na sa kanilang ginagawa.
Madalas na nakararanas ang ating bansa ng mga kalamidad tulad ng
Bagyong Ondoy, Pedring at Habagat at Yolanda. Sa ganitong mga
sitwasyon makikita ang kabayanihan ng ilang kababayan nating Pilipino na
kung saan sila ay nag-aalay ng kanilang panahon, sarili at yaman para sa iba.
Nakatutuwa sapagkat sa mga ganitong pagkakataon ay makikita ang
pagkilos ng mga kabataan
upang tumulong sa iba. Hindi lamang iyan nakikisangkot na rin ngayon ang
mga kabataan sa mga isyung hinaharap ng ating bansa upang pakinggan ang
kanilang tinig. Hinihimok ang lahat ng kabataan ngayon na makiisa at
magbigay ng sarili para sa kapakanan ng iba. Maraming maaaring magawa
kahit pa ito ay maliit lamang. Kung ito ay bukal sa iyong kalooban, ito ay
kapuri-puri sa ating Poong Maykapal.
Isang paraan ng paglilingkod at
pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa at sa
lipunan. Ito ay pagbibigay ng sarili na hindi
naghahangad ng anumang kapalit. Ito ay
marami ding katawagan tulad ng Bayanihan,
Damayan, Kawanggawa o bahaginan.
1. Nagkakaroon ng kasiyahan ang isang tao kapag siya ay
naglilingkod.
2. Nagkakaroon siya ng personal na paglago.
3. Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti
ng lipunan.
4. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta
at relasyon sa iba.
5. Nagkakaroon siya ng panahon na higit na makilala hindi
lamang ang iba kundi pati na ang kanyang sarili.
Sa Pakikilahok nagiging Sa Bolunterismo, kung hindi mo ito
konsiderasyon ang personal na gagawin, hindi ka apektado, kundi
yaong iba na hindi mo tinulungan.
interes o tungkulin. Kailangan
Kung ikaw man ay managot; ikaw ay
mong gawin dahil kung hindi, mananagot sa iyong konsensiya
mayroong mawawala sa iyo. sapagkat hindi ka tumugon sa
pangangailangan ng iyong kapwa.

Hindi Lahat Ng Pakikilahok Ay May Aspekto Ng Bolunterismo


Pero Lahat Ng Bolunterismo Ay May Aspekto Ng Pakikilahok.
Ayon naman kay Pope Francis sa
kanyang mensahe sa kabataan noong
nakaraang World Youth Day sa Rio de
Janerio Brazil noong June 24, 2013,
“Ang kabataan ang durungawan kung
saan ang hinaharap ay nagdaraan”
Katulad ng sinabi rin ng
ating bayaning na si Dr.
Jose Rizal, nasa kabataan
ang pag-asa ng bayan.
Ti m e ( P anahon )
Tal ent ( T a l e nt o )
Tr eas u re
( K ay amanan )
Ang Panahon ay mahalaga sapagkat kapag ito ay lumipas hindi na ito
maibabalik.
“Minsan lamang ako daraan sa daigdig na ito
kaya ano man ang mabuting maaring gawin ko ngayon,
O anumang kabutihan ang maari kong ipadama
itulot ninyong magawa ko ngayon ang mga bagay na ito
Nawa’y h’wag ko itong ipagpaliban o ipawalang bahala
sapagkat di kona muling daraan sa ganitong mg landas.”

Tunay ngang mahalaga ang panahon kung kaya’t hanggang maaga ay


gamitin mo ito ng buong husay sa iyong pakikilahok at pagbobolunterismo para
sa iyong lipunan.
Ang bawat isa ay binigyan ng Diyos ng
talento at ito ay iyong magagamit upang
ibahagi sa iba. Iba-iba ang talento ng bawat
isa. Ang paggamit ng iyong talento ay
makakatulong hindi lamang sa iba kundi ito
ay makakatulong din sa iyo upang higit kang
magkaron ng tiwala sa iyong sarili.
Maaring ang unang sasabihin ng iba ay
wala akong pera, mahirap lang kami, wala
akong maitutulong, ngunit sa pagbibigay
hindi tinitingnan ang laki nito sapagkat
gaano man ito kaliit ang mahalaga ay kusa
mong ibinigay ito ng buong puso para sa
nangangailangan.
Mula sa 3 T’s na ito makikita natin na ang
pakikilahok at bolunterismo ay dapat ginagawa nang
buong husay kasama ang puso at nang may
pananagutan para makamit ang kabutiaang panlahat.
Mula rito nagkakaroon ang tao ng pagkakataon na
ibahagi ang kaniyang sarili sa kapwa at nagagampanan
din niya ang habilin sa atin ng Diyos na mahalin ang
kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili. Sinabi ng Diyos
na anumang bagay ang gawin mo sa pinakamaliit
mong kapatid ay sa kanya mo na rin ginagawa.
 Gerald Ray S. Sitjar  Epifany M. Valdez
 Vren B. Pajarillo  Vhia Cheilo C. Navas

You might also like