ESP9 - MODYUL 9 - Pakikilahok at Bolunterismo PDF

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

Aralin 8

PAKIKILAHOK AT BOLUNTERISMO
Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos.
Balik-aral:
• Ang paggawa ay resulta ng pagkilos ng tao na may
layuning makatugon sa pangangailangan ng kapwa.
• Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para
sa paggawa. Hindi maaaring ituring ang tao bilang
isang kasangkapan
• Ang paggawa ay higit sa pagkita lamang ng salapi;
tunay na pinakamataas na layunin ng paggawa ay
ang pagkamit ng kaganapan bilang tao.
Panimula
• Hindi mainam na mag-isa ang
tao bibigyan ko siya ng
makakasama at
makakatulong (Genesis 2:18).
• Ito ang dahilan kung bakit ang
tao ay may kapwa sapagkat
hindi siya mabubuhay na
mag-isa.
• Ang bawat tao ay may
pananagutan sa kanyang
kapwa.
Panimula:
• Mahalaga sa pagpapakatao ang
pagkilala ng tao na kailangan
niya ang lipunan dahil binubuo
siya ng lipunan at binubuo niya
ang lipunan.-Manuel Dy
• Nagkakaroon ng saysay ang
kanyang buhay kung ito ay
ginagamit nang makabuluhan
tuwing siya ay nagbabahagi ng
kanyang sarili para sa kapwa.
Ano ang dignidad?
• Ito ang pagiging karapat-dapat nang tao sa
pagpapahalaga at paggalang ng kaniyang
kapwa.
• Lahat ng tao ay may dignidad. Dahil sa
dignidad nangingibabaw ang paggalang at
pakikipagkapatiran, dahil sa mata ng Diyos,
ang lahat ay pantay-pantay.
Ano ang pakikilahok?
• Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang
isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at
pananagutan tungo sa kabutihang panlahat.
• Ito ay mahalaga sapagkat maibabahagi ang sariling
kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng kabutihang
panlahat.
• Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangan mong
gawin sapagkat nagbibigay ito sa tao ng makabuluhang
pakikitungo sa lipunan na kung saan ang bawat
nakikilahok ay dapat tumupad sa kaniyang tungkulin
para sa kabutihang panlahat.
Ano ang pakikilahok?
• Ang pakikilahok ay makakamit
lamang kung kinikilala ng tao ang
kanyang pananagutan. Mula dito
makakamit ang Kabutihang Panlahat.
• Mula sa Pakikilahok, nahuhubog ng
tao na mapukaw ang kanyang
damdamin at kaisipan na siya ay
kasangkot at kabahagi ng kanyang
lipunan sa pagpapalaganap ng
pangkalahatang kabutihan.
Antas ng Pakikilahok
• Impormasyon. Matuto siyang magbahagi ng
kanyang nalalaman o nakalap na impormasyon.
Makatutulong ito upang madagdagan ang kaalaman
ng iba.
• Konsultasyon. Ito ay mas malalim na
impormasyon. Ito ay bahagi na kung saan hindi lang
ang sarili mong opinion o idea ang kailangang
mangibabaw kundi kailangan pa ding makinig sa
mga puna ng iba na maaring makatulong sa
pagtatagumpay ng isang proyekto o gawain.
Antas ng Pakikilahok
• Sama-samang Pagpapasya. Sa pagpapasya
kinakailangang isaalang-alang ang kabutihang
maidudulot nito hindi lamang sa sarili kundi sa mas
nakararami.
• Sama-samang Pagkilos. Hindi magiging
matagumpay ang anumang gawain kung hindi
kikilos ang lahat.
• Pagsuporta (Support). Ang isang gawain kahit ito
ay mahirap ay napapadalikung ang bawat isa ay
nagpapakita ng malasakit dito.
Ano ang bolunterismo?
• Ang Bolunterismo ay isang paraan ng paglilingkod
at pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa at sa
lipunan.
• Ito ay pagbibigay ng sarili na hindi naghahangad ng
anumang kapalit.
• Ito ay marami ding katawagan tulad ng Bayanihan,
Damayan, Kawanggawa o bahaginan.
• Naiaangat ang pagkatao ng tao at nagiging
mapanagutan siya sa kanyang lipunan na nagiging
daaan tungo sa kabutihan ng lahat.
Mga Kabutihan ng Bolunterismo
1. Nagkakaroon ng kasiyahan ang isang tao kapag
siya ay naglilingkod.
2. Nagkakaroon siya ng personal na paglago.
3. Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa
pagpapabuti ng lipunan.
4. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo
ng suporta at relasyon sa iba.
5. Nagkakaroon siya ng panahon na higit na makilala
hindi lamang ang iba kundi pati na ang kanyang
sarili.
Pagkakaiba ng Pakikilahok sa
Bolunterismo
• Sa Pakikilahok nagiging konsiderasyon ang personal na
interes o tungkulin. Kailangan mong gawin dahil kung
hindi, mayroong mawawala sa iyo.
• Sa Bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka
apektado, kundi yaong iba na hindi mo tinulungan. Kung
ikaw man ay managot; ikaw ay mananagot sa iyong
konsensiya sapagkat hindi ka tumugon sa
pangangailangan ng iyong kapwa.
• Hindi lahat ng pakikilahok ay may aspekto ng
bolunterismo pero lahat ng bolunterismo ay may aspekto
ng pakikilahok.
3 Ts ng Pakikilahok at Bolunterismo
• Time (Panahon). Ang panahon ay mahalaga sapagkat
kapag ito lumipas hindi na ito maibabalik.
• Talent (Talento). Ang paggamit ng iyong talento ay
makatutulong hindi lamang sa iba kundi ito ay
makatutulong din sa iyo upang higit kang magkaroon ng
tiwala sa iyong sarili.
• Treasure (Kayamanan). Sa pagbibigay hindi tinitingnan
ang laki nito sapagkat gaano man ito kaliit ang mahalaga
ay kusa mong ibinigay ito ng buong puso para sa
nangangailangan.
3 Ts ng Pakikilahok at Bolunterismo
• Mula sa 3T’s na ito makikita natin na ang Pakikilahok at
Bolunterismo ay dapat ginagawa na buong husay
kasama ang puso at nang may pananagutan para
makamit ang kabutihang panlahat.
• Sinabi ng Diyos na anumang bagay ang gawin mo sa
pinakamaliit mong kapatid ay sa akin mo na rin
ginagawa.
TAKDA:
PAGPAPAHALAGA

• Ano ang pinagkaiba ng pakikilahok sa


bolunterismo? Magbigay ng halimbawa.
• Paano mo gagamitin ang talento sa
iyong pagsasagawa ng pakikilahok at
bolunterismo?
References:
• Edukasyon sa Pagpapakatao 9– Modyul para sa
Mag-aaral Unang Edisyon 2015 , DepEd
• https://s-media-cache-
ak0.pinimg.com/736x/4e/a2/3a/4ea23a120515a88b0
4aa82d531e6a49e.jpg
• https://thecord.ca/wp-
content/uploads/2014/08/Volunteerism-Lena-
Yang.jpg

You might also like