Esp Las Module 8 1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

9

Learning Activity Sheet 4


PAKIKILAHOK AT BOLUNTERISMO

IVY JOY C. PUNTO


Writer
GLADELINE L. BIESCAS
Evaluator
Pangkalahatang Panuto: Maaari lamang isulat ang inyong sagot sa mga gawain
sa isang malinis na papel. Ingatan ang (LAS) na ito upang magamit din ng iba
pang mag-aaral na naghahangad ding matuto. Hangad naming mga kaguruan
ang tagumpay ng bawat isa.
A.

Panimula
Susing Konsepto (Key Concepts) 1:

Naranasan mo na bang makilahok at maging isang volunteer? Marami na


ang nagdaang kalamidad, krisis, at pagsubok na ating naranasan sa
bansang ating kinabibilangan. Maaaring ang mga ito ay napapanood mo
sa telebisyon, nababasa sa pahayagan o naririnig sa radyo. At sa tuwing
dumarating ang ganitong mga pagsubok sa ating bansa marahil ay
nasasabi mo sa iyong sarili ang mga katagang: “nakakaawa naman sila”,
“papaano na kaya sila”, “sana naman ay mayroong tumulong sa kanila”.
Ang mga ganitong kataga ang madalas na sambitin ng karamihang
kabataang katulad mo o ang iba ay marahil wala pa ngang pakialam ukol
dito. Nakalulungkot, hindi ba? Hindi maiibsan ang kalungkutan at
paghihirap ng mga taong naging biktima nito kung walang tutulong o
dadamay sa kanila. May iba pa nga na nagsasabi: “Ano ang magagawa ko,
malayo ako sa kanila!” o di kaya’y “ang bata ko pa, wala akong magagawa”.
Ngunit huwag sanang maging ganito ang iyong kaisipan sapagkat bilang
kabataan malaki ang iyong magagawa dahil ikaw ay bahagi ng lipunan.
Nang likhain ng Diyos ang tao sinabi Niya “hindi mainam na mag-isa ang
tao bibigyan ko siya ng makakasama at makakatulong” (Genesis 2:18). Ito
ang dahilan kung bakit ang tao ay may kapuwa sapagkat hindi siya
mabubuhay na mag-isa. Ang kapuwa ay bahagi rin ng lipunan, kung kaya’t
ang bawat tao ay may pananagutan sa kanya. Hindi makakamit ng tao ang
kanyang kaganapan kung hindi siya nakikipamuhay na kasama ng iba.

Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr., mahalaga sa pagpapakatao ang pagkilala ng


tao na kailangan niya ang lipunan dahil binubuo siya ng pananagutan na
magbahagi sa lipunan at binubuo niya ang lipunan. Sa lipunan
sumasakasaysayan ang tao. Ang ibig sabihin, nagkakaroon ang buhay ng
saysay sa kanyang sa lipunang kanyang nakaraan, kasalukuyan at
hinaharap. Tunay ngang nagkakaroon ng saysay ang buhay kung ito ay
ginagamit nang makabuluhan tuwing siya ay nagbabahagi ng kanyang
sarili para sa kapuwa, sa lipunan dahil bilang tao na nilikha ng Diyos, ang
tao ay may pananagutan na magbahagi sa kaniyang kapuwa at sa lipunang
kaniyang kinabibilangan.

Ang dignidad ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ang tao sa


pagpapahalaga at paggalang ng kaniyang kapuwa. Lahat ng tao, anuman
ang kaniyang gulang, anyo, antas ng kalinangan at kakayahan ay may
dignidad. Dahil sa dignidad nangingibabaw ang paggalang at
pakikipagkapatiran, dahil sa mata ng Diyos, ang lahat ay pantay-pantay.
Kailangang mapangangalagaan lamang ang tunay na dignidad ng tao sa
pamamagitan ng pagtingin sa bawat tao na kaugnay ng Diyos. Pinararating
nito na ang paggalang sa dignidad ng tao ang nagsisilbing daan upang
mahalin ang kapuwa tulad ng pagmamahal sa sarili.

Ang tao ay ipinanganak na isang panlipunang nilalang; hindi niya tunay


na makakamit ang kanyang kaganapan bilang tao kung hindi siya
makikipamuhay kasama ang kanyang kapuwa; kailangan niyang
makilahok sa lipunan. Ang lipunan ang natatanging lugar para sa mga
indibidwal upang makamit ang kanilang tunguhin. Kung kaya mahalaga
na makibahagi ang tao sa mga gawaing panlipunan upang makatulong ito
sa pagbuo ng kanyang pagkatao.

Ang Pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat


na mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat.
Ito ay mahalaga dahil:
● maisasakatuparan ang isang gawain na makatutulong upang
matugunan ang pangangailangan ng lipunan.
● magagampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong
pagtutulungan, at
● maibabahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng
kabutihang panlahat.

Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangan mong gawin sapagkat


kung ito ay hindi mo isinagawa ay mayroong mawawala sa iyo. Nagbibigay
sa tao ng makabuluhang pakikitungo sa lipunan na kung saan ang bawat
nakikilahok ay dapat tumupad sa kaniyang tungkulin para sa kabutihang
panlahat. Ang obligasyong ito ay likas dahil sa taglay na dignidad ng tao.
Ang pakikilahok ay makakamit lamang kung kinikilala ng tao ang kanyang
pananagutan. Mula dito makakamit ang kabutihang panlahat.

Narito ang mga antas ng pakikilahok na makatutulong sa pakikibahagi sa


lipunan ayon kay Sherry Arnsteinis na binanggit sa aklat nina Alagbate et
al. (2017).
1. Impormasyon. Sa isang tao na nakikilahok mahalaga na matuto siyang
magbahagi ng kanyang nalalaman o nakalap na impormasyon.
Makatutulong ito upang madagdagan ang kaalaman ng iba.

2. Konsultasyon. Ito ay mas malalim na impormasyon. Ito ay bahagi na


kung saan hindi lang ang sarili mong opinion o idea ang kailangang
mangibabaw kundi kailangan pa ding makinig sa mga puna ng iba na
maaring makatulong sa pagtatagumpay ng isang proyekto o gawain.
3. Sama-samang Pagpapasya. Upang lalong maging matagumpay ang
isang gawain
mahalaga ang pagpapasya ng lahat. Ito ay hindi lamang dapat gawin ng
isang tao kundi ng nakararami. Sa pagpapasiya kinakailangang isaalang-
alang ang kabutihang maidudulot nito hindi lamang sa sarili kundi sa mas
nakararami.

4. Sama-samang Pagkilos. Hindi magiging matagumpay ang anumang


gawain kung hindi kikilos ang lahat. Tingnan mo ang walis tingting. Hindi
ito makalilinis ng kalat kung isa lamang tingting ang gagamitin; ngunit
kung ang bawat tingting ay pagsasamasamahin mabilis itong makakalinis
ng paligid. Ganyan din ang tao. Kung ang bawat isa ay kikilos ng sama-
sama para makatulong sa kaniyang lipunan tiyak makikita natin ang
tunay na pagbabago nito.

5. Pagsuporta. Mapapadali ang isang gawain kahit mahirap kung ang


bawat isa ay nagpapakita ng suporta dito. Hindi ito tumutukoy sa tulong
pinansyal lamang. Ito ay maaring ipakita sa pagbabahagi ng talento o
kakayahan o anumang tulong basta’t ito ay nanggagaling sa iyong puso.

Mula sa Pakikilahok, nahuhubog ng tao na mapukaw ang kanyang


damdamin at kaisipan na siya ay kasangkot at kabahagi ng kanyang
lipunan sa pagpapalaganap ng pangkalahatang kabutihan. Ito ay
maipapakita sa pamamagitan ng:
a. Paggalang sa makatarungang batas
b. Pagsisikap na maging masigasig sa tungkulin tulad ng pagtataguyod ng
maayos na pamilya at pagiging tapat sa gawain

Sa pamamagitan ng pakikilahok, ang tao ay nagiging mapanagutan hindi


lamang sa kanyang sarili kundi sa kaniyang kapuwa. Nakilala niya ang
kaniyang mga kakayahan, talento at kahinaan na makatutulong upang
magkaroon siya ng tiwala sa kanyang sarili. Nakikibahagi siya sa lipunan
bilang isang aktibong kasapi nito at nagkakaroon ng kaganapan ang
kanyang pagkatao.
Ngunit hindi kaila na mayroong mga taong nakikilahok dahil sa kanilang
pansariling interes lamang o pansariling layunin. Tulad na lang halimbawa
ng:
● mga tao na naglilingkod o tumutulong sapagkat mayroon silang
kailangan o mayroon silang hinihintay na kapalit
● mga tao na ginagawa lamang ito bilang pampalipas ng oras
● mga tao na kung nakuha na nila ang kanilang nais o pakay ay humihinto
na sa kanilang ginagawa

Sa mga ganitong gawi ng ilang tao nawawala ang tunay na diwa ng


pakikilahok at napapalitan ito ng pansariling interes lamang.
C. Pamamaraan:

Gawain 1:
Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon. Pagkatapos, sagutin
ang mga tanong na kasunod nito. Isulat ang mga sagot sa
kuwaderno.

Isang araw, nagbigay ng pangkatang proyekto si Gng. Lipura sa kaniyang


mag - aaral na magsagawa ng paglilinis sa pamayanan. It
o ay may kaugnayan sa kanilang aralin tungkol sa kalikasan.

Pamprosesong Tanong:

1. Magkapareho ba ang pagtugon ng dalawang mag-aaral? Ipaliwanag.


2. Saan nagkaiba ng pananaw ang dalawa? Patunayan.
3. Kung ikaw ang nasa sitwasyon, ano ang magiging reaksiyon mo?
Bakit?
4. Ano ang kilos na hindi nangangailangan ng pag-utos kundi kilos ng
pagkukusa at agarang pagtugon sa pangangailangan ng kapuwa?

Susing Konsepto (Key Concepts) 2:

Ano nga ba ang bolunterismo? Ito ay isang paraan ng paglilingkod at


pagpapakita ng pagmamahal sa kapuwa at sa lipunan. Ito ay pagbibigay
ng sarili na hindi naghahangad ng anumang kapalit. Ito ay marami ding
katawagan tulad ng bayanihan, damayan, kawanggawa, o bahaginan.

Narito ang mga kabutihang naidudulot ng pagsasagawa ng bolunterismo:


1. Nagkakaroon siya ng personal na pag-unlad.
2. Nagkakaroon siya ng natatanging kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti
ng lipunan.
3. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at ugnayan
sa iba.
4. Nagkakaroon siya ng panahon na higit na makilala hindi lamang ang
iba kundi pati na ang kanyang sarili.

Mula sa benepisyo nito, naiaangat ang pagkatao ng tao at nagiging


mapanagutan siya sa kanyang lipunan na nagiging daan tungo sa
kabutihan ng lahat.
Ang bolunterismo ay paraan hindi lamang upang makita ang mga opsyon
na maaari mong pagpilian. Ito ay isa ring pagkakataon upang higit mong
makilalala ang iyong sarili. Ang bolunterismo ay pagkakataon din sa
personal na pag-unlad ng isang indibidwal. Ang pagtuklas sa mga bagong
kaalaman at kakayahan, maging ang mga reyalisasyon na ibinibigay ng
karanasan ay makadagdag sa iyong tiwala sa sarili.

May pagkakaiba ba ang pakikilahok sa bolunterismo? Sa Pakikilahok,


nagiging konsiderasyon ang personal na interes o tungkulin. Kailangan
mong gawin dahil kung hindi, mayroong mawawala sa iyo. Halimbawa: ang
paglahok sa halalan, paglahok sa pangkatang gawain na pinapagawa ng
guro, o paglahok sa pulong ng mga kabataan sa baranggay.

Sa Pakikilahok at Bolunterismo dapat makita ang tatlong Ts:

Panahon (Time). Ang panahon ay mahalaga sapagkat kapag ito lumipas


hindi na ito maibabalik. Sabi nga sa isang awit:
“Minsan lamang ako daraan sa daigdig na ito, kaya ano man ang mabuting
maaring gawin ko ngayon, O anumang kabutihan ang maari kong ipadama
itulot ninyong magawa ko ngayon ang mga bagay na to. Nawa’y h’wag ko
itong ipagpaliban o ipagwalang bahala sapagkat di na ko muling daraan sa
ganitong mga landas”.
Tunay ngang mahalaga ang panahon kung kaya’t hanggang maaga ay
gamitin mo ito ng buong husay sa iyong pakikilahok at pagbobolunterismo
para sa iyong lipunan.

Talento (Talent). Ang bawat isa ay binigyan ng Diyos ng talento at ito ay


iyong magagamit upang ibahagi sa iba. Iba-iba ang talento ng bawat isa.
Tinalakay ninyo ito sa inyong aralin noong ikaw ay nasa ika-pitong baitang
pa lamang. Ang paggamit ng iyong talento ay makatutulong hindi lamang
sa iba kundi ito ay makatutulong din sa iyo upang higit kang magkaroon
ng tiwala sa iyong sarili.

Kayamanan (Treasure). Maaring ang unang sasabihin ng iba ay wala


akong pera, mahirap lang kami, wala akong maitutulong, ngunit sa
pagbibigay hindi tinitingnan ang laki nito sapagkat gaano man ito kaliit
ang mahalaga ay kusa mong ibinigay ito ng buong puso para sa
nangangailangan.

Mula sa 3 T’s na ito makikita natin na ang Pakikilahok at Bolunterismo ay


dapat ginagawa na buong husay kasama ang puso at nang may
pananagutan para makamit ang kabutihang panlahat. Mula rito
nagkakaroon ang tao ng pagkakataon na ibahagi ang kanyang sarili sa
kapuwa at nagagampanan din niya ang habilin sa atin ng Diyos na mahalin
ang kapuwa tulad ng pagmamahal sa sarili. Sinabi ng Diyos na anumang
bagay ang gawin mo sa pinakamaliit mong kapatid ay sa kaniya mo na rin
ginagawa.

Gawain 2:
Panuto: Basahin at suriin ang isang tunay na kuwento ng isang kabataan
na sa kanyang murang edad ay nagpakita ng tunay na malasakit,
pagdamay, pagtulong, at pagmamahal sa kaniyang kapuwa. Sagutan ang
mga pamprosesong tanong sa ibaba. Isulat ang mga sagot sa patlang.

Ang Kuwentong Magic

Si Kevin Kaplowitz ay labinlimang taong gulang na magician sa Los


Angeles. Sampung taon pa lamang siya ay nagsimula na siyang magpakita
ng magic show sa mga pasyente sa ospital at nursing homes. Hindi niya
makalimutan na sa unang pagpunta niya sa isang burn unit sa isang
ospital doon ay nakilala niya ang isang batang babae na nakaranas ng
third-degree burns.
Gumawa siya ng isang imahe ng hayop mula sa isang lobo na kanyang
hawak. Nang ibigay niya ito sa bata ay tuwang-tuwa ito at nakita niya na
napawi ang sakit na kanyang nararanasan sa mga sandaling iyon. Dahil
mayroon siyang taglay na talento sa pagma-magic, siya ay pumupunta sa
mga kilala niyang kainan upang magsagawa nito. Labinlima hanggang
dalawangpung dolyares na kinikita niya dito ay ibinibigay niya sa mga
ospital at mga batang mahihirap.
Bakit kaya naging mulat si Kevin sa gawaing ito? Marahil ay nakikita niya
ang kanyang ina na boluntaryong nagtuturo sa mga bata sa kanilang lugar
gayundin ang kanyang nakatatandang kapatid na si Karen na sumasayaw
sa ospital upang pasayahin ang mga maysakit na naroon.
Ang tunay na magic sa kwentong ito ay wala sa pagsasagawa ni Kevin ng
iba’t ibang trick kundi sa kanyang pagiging sensitibo at mapagbigay sa
pangangailagan ng kaniyang kapwa. (Melannie Svoboda, Seeking the Holy
in All)

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang iyong damdamin pagkatapos basahin ang kuwento? Ano ang
sinabi nito sa iyo bilang panlipunang nilalang?
2. Ano ang tawag sa ginawang pagtulong ni Kevin Kaplowitz? Ipaliwanag
ang pagkakaunawa mo rito.
3. Ano ang kaniyang talentong taglay? Paano niya ito ginamit nang
makabuluhan?
4. Anong karanasan ang nakaimpluwensiya sa kaniya na nag-udyok
upang tumulong sa kapuwa?
5. Mayroon ka na bang ginawang tulad na ginawa ni Kevin? Ano ang maari
mong simulan gamit ang iyong talento?

Gawain 3: Pagsasabuhay ng Leksyon:

Panuto: Gumawa ng isang sanaysay tungkol sa iyong mga naging


karanasan at gawaing nagawa mo na may kaugnayan sa pakikilahok at
bolunterismo. Paano mo ito isinagawa? Maging malikhain sa paggawa.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

D. Rubrik sa Pagpupuntos

E. Pangwakas:

• Ang Pakikilahok ay hindi dapat minsanan lamang kundi isang


patuloy na proseso hangga’t kaya mo at mayroon kang kayang gawin
para sa ikababuti ng iyong lipunan. Dahil dito, nabibigyan ng saysay
ang iyong pagiging tao na nilikha ayon sa wangis ng Diyos.
• Sa pamamagitan ng bolunterismo, nagkakaroon ng kontribusyon sa
lipunan ang isang indibidwal. Naibabahagi niya ang kaniyang sarili
sa iba sa pamamagitan nito, nagkakaroon siya ng kontribusyon sa
pagpapabuti ng lipunan.

F. Mga Sanggunian:
Edukasyon sa Pagpapakatao 9: Self-Learning Module

You might also like