Alamat Ni Prinsesa Manorah

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Alamat ni Prinsesa

Manorah ng Thailand
Isinalin sa tagalog ni Dr. Romulo N. Peralta
Ito ay isang alamat na
nagpasalin salin na sa iba't
ibang henerasyon mula noong
panahon ng Ayutthaya na
itinatag noong taong 1350

Si Kinnaree Manorah ay ang


bunso sa pitong anak nina
Haring Prathum at Reynang
Jantakinnaree. Sila ay nakatira
sa maalamat na kaharian ng
Bundok Grairat. Ang pitong
magkakapatid ay kapwa mga
kinnaree o kalahating tao at
kalahating swan. Sila'y
nakakalipad at nagagawang
itago ang mga pakpak kung
kanilang naisin.

Sa loob ng kanilang kaharian ay


nakatago ang Himmapan, isang kagubatan na kung saan ay
naninirahan ang iba't ibang mga nilalang na di makikita sa daigdig
ng mga tao.

Sa Himmapan din nakakubli ang magandang lawa na kung saan ay


madalas dalawin ng pitong prinsesa lalo na sa araw ng Panarasi o
kabilugan ng buwan. Sa di kalayuan ng lawa ay nakatira ang isang
ermitanyong nagsasagawa ng meditasyon
Isang araw, naligaw ang isang binata na si Prahnbun sa kagubatan
ng Himmapan. Doon nya nakita sa ilog ang pitong prinsesa.
Nabighani sya sa taglay na ganda ni Prinsesa Manorah. Naisip nya
na kung mahuhuli nya si Manorah at maiuuwi ito kay Prinsipe
Suton ay tiyak na matutuwa ito.

Ngunit di tiyak ni Prahnbun kung paano nya mahuhuli ang


prinsesa kaya't humingi sya ng tulong sa ermitanyo.

Agad syang nagtungo sa ermitanyo at sinabihang mahihirapan


syang mahuli ang Prinsesa sapagkat ang mga kinnaree ay agad na
lumilipad kapag tinatakot. Nag suhestiyon ang ermitanyo na may
dragon na nakatira sa sulok ng gubat na maaring makatulong sa
binata.

Agad na lumisan si Prahnbun upang mahanap ang dragon. Hindi


pumayag ang dragon sa balak ng binata ng sabihin nito ang pakay
bagkus ay binigay nito ang makapangyarihang lubid na
makakatulong sa panghuhuli ng binata sa isang kinnaree.

Nagpasalamat ang binata at agad na nagtungo sa ilog kung saan


naroroon si Prinsesa Manorah. Habang abala sa paglalaro ang mga
kinnaree ay inihagis ni Prahnbun ang lubid at matagumpay na
nahuli si Manorah. Bagamat naawa ang ibang kapatid ni Manorah
ay wala itong nagawa at agad na nagsilipad dala ng takot.

Itinali ni Prahnbun ang pakpak ni Prinsesa Manorah upang di


makalipad at agad na naglakbay upang maibigay kay Prinsipe
Suton.

Si Prinsipe Suton ay naglalakbay din noon ngunit nakasalubong


nito si Prahnbun na dala dala si Prinsesa Manorah. Doon pa lamang
ay naakit na agad ang prinsipe sa ganda ni Prinsesa Manorah.

Doon ay nalaman ni Suton ang dahilan ni Prahnbun kung bakit nito


hinuli si Manorah.
Nagbalik ang prinsipe ng kanilang palasyo na kasama na si
Prinsesa Manorah na kung saan ay umusbong ang pag-ibig nila sa
isa't isa.

Nang sabihin ng prinsipe sa kaniyang mga magulang ang buong


pangyayari ay agad-agad nagbalak na magsagawa ng kasal para
kina Prinsipe Suton at Prisesa Manorah. Bumalik sila sa palasyo
kung saan isinagawa ang kasal sila'y at namuhay ng matiwasay.

You might also like