KOMIKS
KOMIKS
KOMIKS
Filipino
8
Magandang Araw!
• Narito ako upang makibahagi at pag-
aralan ang aralin ngayon sa Filipino at
‘yon ay tungkol sa Komiks.
• Ang komik istripay kuwento sa paraang
pakomiks. Taglay nito ang mga larawang
dayalogo ng mga tauhang kalaho sa kuwento.
Ginagamit din ito sa pagbubuod ng
mahahabang salaysayin.
Kaligirang
Pangkasaysayan ng
komiks
Sinasabing ang bayaning si Jose Rizal
kauna-unahang gumawa ng komiks.
Sinasabing sa pagpasok ng dekada
otsenta unti-unting humina nag ang
benta ng komiks dahil sa itinaggal ang
ilan sa nilalaman at ipinag-utos ang
paggamit ng murang papel.Nagresulta
ito ng pag-alis ng ma dibuhista ng
komiks sa Pilipinas para magtrabaho sa
Amerika.
Sa kasalukuyan,marami pa ring ang
nagnanais na muling buhayin ang
industriya sa bansa.Isa na rito ang
kilala ng direktor na si Carlo J.
Caparas.Noong 2007,tinangka niyang
buhayin at pasiglahin ang tradisyunal
na komiks sa sirkulasyon sa
pamamagitan ng pagdaraos ng komiks
caravan sa iba’t ibang bahagi ng
Pilipinas.
MAGASIN
Hindi mawawala ang Liwayway kung
pag-uusapan ang magasin ng
Pilipinas.Naglalaman ito ng mga
maiikling kwento at sunod-sunod na
mga nobela.Dinala nito ang panitikan
sa mga kabhayan ng pamilyang
Pilipino.
Bunsod ng mabilis na pagbabago ng
panahon, unti-unting humina ang
produksiyon ng Liwayway.Nag-iba ang
panlasa ng mga Pilipino mula nang
magpasukan ang iba’t ibang magasin
sa ibang bansa.
FHM (FOR HIM MAGAZINE)-Ito ay
mapagkakatiwalaan at puno ng mga
impormasyon na nagiging instrumento
upang mapag-usapan ng kalalakihan
ang maraming bagay tulad ng buhay at
pag-ibig.
COSMOPOLITAN-Magasing
pangkababaihan.Ang mga artikulong
narito ay nagsisilbing gabay upang
maliwanag ng kababaihan ang tungkol
sa mga pinakamaiinit na isyu sa
kalusugan,kagnadahan,kultura at
aliwan.
GOOD HOUSEKEEPING-Magasin para sa
mga ina. Ang mga artikulong nakasulat
dito ay tumutulong sa kanila upang
gawin ang kanilang mga responsibilidad
at maging mabuting may bahay.
YES!-Ang magasin tungkol sa balitang
showbiz.Ang nilalaman nito ay palaging
bago,puno ng mga nakaw-atensyon na
larawan at malalaman na detalye
tungkol sa mga pinakasikat na artista sa
bansa.
METRO-Ito ay tungkol sa fashion,mga
pangyayari,shopping at mga isyu hinggil
sa kagandahan.
CANDY-Binibigyan ng pansin ang mga
kagustuhan at suliranin ng kabataan.Ito
ay gawa ng mga batang manunulat na
mas .
MEN’S HEALTH-Ito ay nakatutulong sa
kalalakihan tungkol sa mga isyu ng
kalusugan ang nilalaman nito,kung
kaya ito ay naging paborito ng
maraming kalalakihan.
T-3 –Isang magasin para lamang sa mga
gadget.Ipinakikita rito ang mga
pinakahuling pagbabago sa teknolohiya
at kagamitan nito.Ito rin ay may mga
napapanahong balita at gabay tungkol
sa pag-aalaga ng mga gadget.
ENTREPRENEUR –Magasin para sa mga
taong may negosyo o nais magtayo ng
negosyo.
PAHAYAGAN
Mula noon hanggang ngayon,malaki ang
ginagampanang papel ng mga balita sa
pang-araw araw nating
pamumuhay.Magmula sa pagbalikwas sa
higaan hanggang bago matulog ay
nakatutok tayong mga Pilipino sa
nangyayari sa ating paligid.Isa na ang
pahayagan bilang isang uri ng print media
ang kailanma’y hindi mamamatay at
bahagi na ng ating kultura.Pansinin ang
pagsusuring isinagawa ni William Rodriguez
mula sa kanyang blog sa Sanib-Isip tungkol
sa tabloid.
TABLOID:
ISANG
PAGSUSUR
Ni:William Rodriguez II
Buhay na buhay pa rin ang industriya ng
diyaryo sa bansa dahil sa abot-kaya lang ang
presyo. Ang katibayan nito ay ang dami ng
mga tabloid na makikita sa mga bangketa.
Bumebenta pa rin, kahit ang mga balita ay
unang lumalabas sa telebisyon at naiulat na
rin sa radyo.May sariling hatak ang nasa
print media dahil lahat ay 'di naman
naibabalita sa TV at radyo. Isa pa, hangga't
naitatabi ang diyaryo ay may epekto pa rin
sa mambabasa ang mga nilalaman nito.
Iba't iba ang dahilan ng mga tao kung bakit
nagbabasa ng diyaryo. Mayroong hanap
talaga ay balita, magbasa ng tsismis, sports,
literatura o 'di kaya'y magsagot ng
palaisipan. Pinagsama-sama na yata ang
lahat sa diyaryo para magustuhan ng mga
tao. Mainam itong pampalipas-oras kapag
walang ginagawa. Sinasabing ang tabloid ay
pang-masa dahil sa Tagalog ito nakasulat
bagama't ilan dito ay ingles ang midyum.
Hindi katulad sa broadsheet na ang
target readers ay Class A at B. "Yun nga
lang sa tabloid ay masyadong
binibigyang-diin ang tungkol sa sex at
karahasan kaya't tinagurian itong
'sensationalized journalism.' Bihira
lamang maibalita ang magagandang
kaganapan sa ating bansa.
Hindi katulad sa broadsheet na ang target
readers ay Class A at B. "Yun nga lang sa
tabloid ay masyadong binibigyang-diin ang
tungkol sa sex at karahasan kaya't
tinagurian itong 'sensationalized
journalism.' Bihira lamang maibalita ang
magagandang kaganapan sa ating bansa. Ito
kaya ay dahil sa itinuturo ng aklat ng
dyornalismo, na ang katangian ng
magandang balita ay nasa masamang
balita?
DALAWANG
URI NG
PAHAYAGAN
TABLOID-ay naglalaman ng popular na
balita. Maiikli ang artikulo ngunit mas
maraming larawanang ginagamit dito.
Halos ang mga balita ay tungkol sa
tsismis.
BROADSHEET-ay naglalaman ng kalidad
at seryosong pahayag. Mahahaba ang
artikulongunit gumagamit ng maliliit na
larawan. Halos ang pokus ng balita ay
usapingpolitika at internasyonal.
MGA BAHAGI
NG
PAHAYAGAN
PANGMUKHANG PAHINA o COVER
PAGE - naglalaman ito ng pangalan ng
pahayagan at ang mga pangunahin o
mahahalagang balita.
BALITANG PANDAIGDIG - naglalaman
ng mga balita mula sa iba't ibang bansa
at panig ng daigdig.
BALITANG PANLALAWIGAN -
naglalaman ng balita may patingkol sa
sariling bansa o lugar.
PANGULONG TUDLING - naglalaman ng
mga kuru-kuro o puna na isinulat ng
patnugot hinggil sa isang napapanahong
paksa o isyu.
BALITANG KOMERSYO - naglalaman ng
mga balita tungkol sa kalakalan,
industriya at komersyo.
ANUNSYO KLASIPIKADO - naglalaman
ng mga anunsyo tungkol sa
hanapbuhay, bahay, lupa, sasakyan at
iba pang kagamitang ipinagbibili.
OBITWARYO - nagsasabi ng mga taong
namatay na. Nakasaad dito kung saan
nakaburol at kung kailan ililibing ang
namatay.
LIBANGAN - nagsasaad ng mga balita
tungkol sa artista, pelikula, telebisyon
at iba pang sining. Naririto rin ang
krosword, komiks at horoscope.
LIFESTYLE - naglalaman ng mga
artikulong may kinalaman sa
pamumuhay, tahanan, pagkain,
paghahalaman at iba pang aspeto ng
buhay sa lipunan.
Isports- nagsasaad at nagkekwento ito
ng mga balitang may kinalaman sa
isport, kumpetisyon, o pampalakasan
ng mga atleta.
DITO NA PO
NAGTATAPOS ANG
AKING
PRESENTASYON…
MARAMING
SALAMAT!