Panitikan Sa Panahon NG Amerikano-Nasyonalismo

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

PANITIKAN SA PANAHON NG AMERIKANO

KALIGIRANG KASAYSAYAN
Ang mga Pilipinong mapanghimagsik ay nagwagi laban sa mga Kastila na sumakop sa atin
nanghigit sa tatlong daang taon. Naiwagayway ang ating bandila noong ika-12 ng Hunyo 1898,
tandang pagkakaroon natin ng kalayaan.Nahirang si Hen. Emilio Aguinaldo noon bilang
unang pangulo ng Republika ng Pilipinas, subalit ang kalagayang ito’y naging panandalian
lamangsapagkat biglang lumusob ang mga Amerikano. Nagkaroon ng digmaang Pilipino-
Amerikano nasiyang naging sanhi ng pagsuko ni Hen. Miguel Malvar noong 1903. Gayun pa
man, angkilusang pangkapayapaan ay nagsimula noong pang 1900.
MGA KATANGIAN NG PANITIKAN
1. Hangaring makamit ang kalayaan2. Marubdob na pagmamahal sa bayan3. Pagtutol sa
kolonyalismo at imperialismo
DIWANG NANAIG
1. Nasyonalismo2. Kalayaan sa pagpapahayag3. Paglawak ng karanasan4. Paghanap at paggamit
ng bagong pamamaraan
MGA IMPLUWENSYA SA PANANAKOP NG MGA AMERIKANO
1. Pagpapatayo ng mga paaralan2. Binago ang sistema ng edukasyon3. Pinaunlad ang kalusugan
at kalinisan4. Ipinagamit ang wikang Ingles5. Pagpapalahok sa mga Pilipino sa pamamalakad ng
pamahalaan6. Kalayaan sa pagpapahayag na may hangganan
MGA PAHAYAGAN SA PANAHON NG AMERIKANO
1. EL GRITO DEL PUEBLO (Ang Sigaw/Tinig ng Bayan) itinatag ni Pascual Poblete
noong1900
 
2. EL NUEVO DIA (Ang Bagong Araw) itinatag ni Sergio Osmena noong 19003. EL
RENACIMIENTO (Muling Pagsilang) itinatag ni Rafael Palma noong 19004. Manila Daily
Bulletin-1900
3 PANGKAT NG MGA MANUNULAT
1. Maka-Kastila2. Maka-Ingles3. Maka-Tagalog
MGA DULANG IPINATIGIL
1. KAHAPON, NGAYON AT BUKAS – sinulat ni Aurelio Tolentino2. TANIKALANG
GINTO- ni Juan Abad3. MALAYA –ni Tomas Remegio4. WALANG SUGAT – ni Severino
Reyes
PANITIKAN SA KASTILA
1. CECILIO APOSTOL- may pinakamabuting tulang papuri kay Jose Rizal ; OBRA-
MAESTRA- A Rizal2. FERNANDO MA. GUERRERO- unang hari ng panulaan sa
Kastila; OBRA-MAESTRA-Crisalidas (Mga Higad)3. JESUS BALMORI – “Batikuling”;
OBRA-MAESTRA- El Recuerdo y el Olvido; nahirangsiyang “poeta laureado” sa wikang
Kastila4. MANUEL BERNABE- makatang liriko5. CLARO M. RECTO-Obra-maestra-BAJO
LOS COCOTEROS ( Sa Lilim ng Niyugan)6. TRINIDAD PARDO DE TAVERA- ang
nagpasok ng titik W at K sa abakadang Pilipino
IBA PANG MANUNULAT SA WIKANG KASTILA
1. ADELINA GURREA – kauna-unahang makatang babae sa Pilipinas na magaling sa
Kastila;Obra-maestra- EL NIDO2. ISIDRO MARPORI –obra-maestra-AROMAS DEL
ENSUENO ( Halimuyak ng Pangarap)3. MACARIO ADRIATICO –obra-maestra-alamat”LA
PUNTA DE SALTO ( Ang Pook naPamulaan )4. EFIFANIO DELOS SANTOS- nakilala sa
tawag na DON PANYONG; kilala bilang mahusayna mananalambuhay5. PEDRO AUNARIO –
sumulat ng DECALOGO DEL PROTOCIONISMO
 
PANITIKAN SA TAGALOG
= Ang “FLORANTE AT LAURA” ni Francisco Balagtas at “URBANA AT FELIZA”niModesto
de Castro ang naging inspirasyon naman ng mga manunulat sa Tagalog= Inuri ni Julian
Balmaceda sa tatlo (3) ang mga makatang Tagalog. Narito ang mga sumusunod:= MAKATA NG
PUSO : Lope K. Santos; Inigo Ed Regalado;Carlos Gatmaitan; PedroGatmaitan; Jose Corazon de
Jesus; Cirio H. Panganiban; Deogracias A. Rosario; IldefonsoSantos; Amado V. Hernandez;
Nemecio Carabana; Mar Antonio
Panitikang FilipinoPanitikan ng Panahon Bago Dumating Ang Kastila
A. Kapaligirang Pangkasaysayan1. Ang mga negrito o Ita
Ang kauna-unahang mga nanirahan sa Pilipinas ay ang Negrito o Ita. Walang sarilingkulturang
masasabi ang mga Ita. Wala silang nalalaman sa agham, sa paghahanap buhay, sa pamahalaan, sa
sining, sa pagsusulat at sa pamumuhay. Sa panitikan ay wala silang nalalamankundi ilang awitin
at pamahiin.
2. Ang Pagdating ng mga Indonesyo
Ang unang sapit ng mga Indonesyo ay may lahing Mongol at Kaukao kaya’t sila’ymapuputi at
manilaw-nilaw ang mga balat. Walang masasabi gaanong kultura ang kanilangdinala rito liban
sila’y marunong nang mamahay ng sarili, marunong magtanim ng mga halamanat marunong
nang magisda. Pagkaraan ng 4000 taon ay dumating naman ang ikalawang sapit.Iba ang mga
hitsura nito kaysa mga unang Indonesyong nandarayuhan sa atin. Ang mgaIndonesyong ito’y
nakahihigit ng kalinangan kaysa doon sa una. Sila’y may sarili nang sistemang pamahalaan, may
mga hanapbuhay, marunong magluto ng pagkain at may dalang panitikanggaya ng epiko,
kuwentong bayan, mga alamat, mga pamahiin at pananampalatayang pagano. Silaang mga
ninuno ng mga Ipugaw.
3. Ang Pagdating ng mga Malay
Tatlong pangkat ng mga Malay ang nakarating sa Pilipinas. Ang unang pangkat aynakarating
dito noong kumulang humigit sa 200 taon bago namatay si Kristo at 100 taon pagkamatay ni
Kristo. Ang mga Malay na ito’y nagdala ng kanilang pananampalatayang paganoat mga awiting
pangrelihiyon. Sila’y nangagtira sa kabundukan ng Luzon at sila ang mga ninunong mga Igorot,
Bontok at Tinguianes.Ang ikalawang pangkat ay dumating dito mula noong 100 hanggang 1300
taon pagkamatay ni Kristo. Sila ang mga ninuno ng mga Tagalog, Bisaya, Ilokano at mga iba
pa.Sila’y may dalang wika, alpabeto, awiting bayan, kuwentong bayan, mga alamat at
mgakarunungang bayan. Sila ang nagdala ng Baranggay.Ang ikatlong pangkat ay ang mga
Malay na Moslem. Nagdala sila dito ng epiko, alamat,
 
kuwentong bayan at ng pananampalatayang Moslem.
4. Ang mga Intsik 
Ang mga Intsik ay nagdala ng kanilang wika- kaya’t mahigit sa 600 salitang Intsik ay bahagi na
ng wikang Pilipino. Ang mga salitang gusi, susi, mangkok, talyasi, kawali, kawa, bakya, tingi,
Ingkong, Impo, bayaw, inso, kuya, diko, sangko at mga iba pa ay nanggaling saIntsik.
5. Impluwensiya ng mga Bumbay
 Nagdala sila ng pananampalatayang Bramanistiko at panitikang epiko, awiting bayan atliriko.
Marami ding mga salitang Bumbay o Hindu na bahagi na ng wikang Pilipino. Ang mgaito’y,
guro, bansa, mukha, likha, hukom, dukha at iba pa.
6. Mga Arabe at Persiyano
 Nagdala sila ng mga epiko, kuwentong bayan, dula at alamat.
7. Impluwensiya ng Imperyo ng Madjapahit
Ang Imperyo ng Madjapahit na ang pinaka sentro ay Java sa Indonesya ay
nagingnapakamakapangyarihan at maraming mga kalapit bansa ang nasakop. Kabilang dito ay
IndoTsina, Cambodia, Siam, Anam, Tonkin at Pilipinas. Kaya’t ang Pilipinas ay nagkaroon
ngimpluwensiya ng mga bansang nabanggit lalo na sa panitikan. Ang mga kuwentong bayan
ngCebu, Panay, Negros at Palawan ay katulad ng mga kuwentong bayan ng mga nabanggit na
mga bansa.
8. Ang Imperyo ng Malacca
 Nagtatag sila ng pamahalaang pinamumunuan ng mga Sultan o Rajah. Sinasabing
angkaraniwang pahayag na “Alla-eh” sa Batangas ay impluwensiya ng Imperyo ng Malacca.
B. Mga Bahagi ng Panitikang Pilipino Bago Dumating ang mga Kastila1. Panahon ng mga Alamat at
Mga Katangian Nito
Ang panahon ng mga alamat ay sumasakop mula sa panahon ng pagdating ng ikalawang pangkat
ng mga Malay. Ang kanilang panitikan ay pasalita lamang na binubuo ng mgamitolohiya,
alamat, kuwentong bayan, mahiya, seremonya sa pananampalataya’y sumasambasila sa
punongkahoy, sa araw at sa iba pang mga anito. Naniniwala rin sila sa pamahiin.
a. Bulong
Ang bulong ay isang uri ng tradisyonal na dula at ito’y labis na pinaniniwalaan ng mgaunang
Pilipino. Isa pang pagbulong ay paghingi ng pahintulot sa pinaniniwalaan nilang nuno sa punso.
b. Kasaysayan ng Alamat
Bago pa dumating ang mga Kastila ay mayaman na ang mga Pilipino sa alamat. Angalamat ay
isang uri ng panitikang tuluyang kinasasalaminan ng mga matatandang kaugaliangPilipino at
nagsasalaysay ng pinagbuhatan ng isang bagay, pook o pangyayari. Ang pangyayari’yhindi
makatotohanan at hindi kapanipaniwala.
2. Ang Mga Kuwentong Bayan
Bago pa lumaganap ang panitikang paulat ay laganap na sa Pilipinas ang kuwentong bayan. Ito’y
isang tuluyang kuwentong nagsasalaysay ng mga tradisyong Pilipino. Karamihan ngmga
kuwentong baying Pilipino ay tungkol sa kanilang mga Diyos, at mga ispiritu na
siyangnagtatakda ng kapalaran ng tao.Ang mga kuwentong bayang ito’y naglalarawan ng mga
kaugalian, pananampalataya atmga suliraning panlipunan ng panahong yaon. Kahit na ang mga
kuwentong ito’y may mgakababalaghan at di kapanipaniwalang mga pangyayari, marami ang
nagbibigay ng aral.
 
3. Panahon Ng Mga Epikoa. Mga Katangian ng Panahong Ito
Sa panahong ito dumating ang mga Malay na may sarili nang alpabeto na tinatawag naAlibata.
Sila ang mga Malay na Muslim na maalam nang magsulat. Ito ang alpabetong Arabe nahanggan
ngayon ay ginagamit pa ng mga Muslim sa Mindanaw at Sulu. Hinalinhan ng Kastilaang tawag
sa alpabetong ito at tinawag na Baybayin at ngayon ay siyang tinatawag na Abakada.Ang
epiko’y isang tulang pasalaysay na ang karaniwang paksa’y tungkol sa pakikipagsapalaran,
katapangan at kabayanihan ng mga tao noong unang panahon. May mga pangyayari ditong hindi
kapani-paniwala at maraming kababalaghan. Maraming mga epikongisinalin ng mga
misyonerong Kastila, gayon din ng mga pokloristang Amerikano nguni’t marami pa rin ang hindi
naisalin sa kakulangan ng mga mag-aaral sa lingguwistika. Kaya’t ang maramisa epikong
Pilipino ay nakikilala lamang sa pamagat.
4. Ang mga Awiting Bayan
Ang awiting bayan ay isang tulang inaawit na nagpapahayag ng damdamin, kaugalian,karanasan,
pananampalataya, gawain o hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa isang pook.Maraming mga
uri ng mga awitin. May mga awit tungkol sa pagdakila sa kanilang Bathala, pagawitsa pagsisisi
sa kasalanan, pag-awit upang sumagana ang mga ani, pag-awit tungkol sakatapatan ng pag-ibig,
pag-awit sa pakikidigma, pag-awit sa tagumpay, pag-awit sa pagpapatulogng bata, pag-awit sa
kasal, pag-awit bilang pagpuri sa kanilang mga ninuno. May mga awitnamang malaswa ang
sinasabi at may kagaspangan ang mga pananalita.
5. Ang mga Karunungang Bayan
Ang mga karunungang bayan ay binubuo ng mga bugtong, salawikain, sawikain,kasabihan at
palaisipan. Karamihan ang mga ito’y nanggaling sa mga Tagalog at hinugot sa mgamahahabang
tula. Ang mga unang salawikain at sawikain ay may pagkakatulad sa ma tula ngIndiya,
Indonesya, Burma at Siyam. Ito’y nagpapatunay lamang na noong unang panahon aynagdala ang
mga bansang nabanggit ng impluwensiya ng kanilang panitikan sa Pilipinas.
a. Ang Bugtong
Ang mga bugtong ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Ito’y binibigkas ng patula at
may lima hanggang labindalawang pantig. Ang mga Tagalog ang pinakamayaman sa bugtong.
b. Ang Salawikain
Ang salawikain ay isang patalinhagang pahayag na ginagamit ng mga matatanda noongunang
panahon upang mangaral at akayin ang mga kabataan sa mabuting asal. Ito’y patulang binibigkas
na may sukat at tugma. Ito ang nagsilbing batas ng magandang kaugalian at pagkilosnoong
panahon ng ating mga ninuno.
k. Ang Mga Sawikain
Ang sawikain, bagaman patula rin at may sukat at tugma ay iba kaysa salawikainsapagkat’t ito’y
nagpapahayag ng katotohanan at nagpapakilala ng gawi o ugali ng isang tao.
d. Ang Mga Kasabihan
Ang mga kasabihan ay karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa isang gawi okilos ng
ibang tao. Ito’y patula rin.
e. Ang Palaisipan
Ang palaisipan ay nasa anyong tuluyan. Ito’y gumigising sa isipan ng tao upang bumuong isang
kalutasan sa isang suliranin. Kahit na sa paaralan ngayon ay ginagamit na ang palaisipan
sapagka’t ito’y isang paraan upang tumalas ang isipan ng mga mag-aaral.
 
g. Ang Mga Unang Dulang Pilipino
Ang unang dulang Pilipino ay patula rin ang usapan. Nang dumating ang mga Kastila aymay
nadatnan na silang mga dulang ginaganap sa iba’t-ibang pagkakataon. Ang mga ito’yginaganap
na kaugnay ng mga seremonya sa pananampalataya at pagpaparangal sa kani-kanilangmga
pinuno at bayani.
Panitikan ng Panahon ng Kastila
Maagang nagtatag ng mga paaralan ang simbahan. Sinumulan ito ng mga misyonaryosapagkat
ang pangunahing layunin ng mga kastila ay mapalaganap ng pananampalatayangkatolisismo ang
edukasyong ibinigay sa mga Pilipino ay balot ng mga araling panrelihiyon.
Ang mga Imlpuwensiya ng Kastila sa Panitikang Pilipino
1. Ang pagkakapalit ng alibata sa alpabetong Pilipino2. Ang pagkakasulat ng aklat pambalarila
sa iba’t-ibang wikaing Pilipino gaya ngtagalong, ilukano, cebuano at hiligaynon.3. Ang malaking
ginawang pagtulong sa simbahan sa pagsulat ng iba’t-ibang uri ng panitikan.4. Ang pagkakaturo
ng doctrina cristina.5. Ang pagsisinop at pagkakasalin ng mga makalumang panitikan sa
tagalong at sa ibangwikain.6. Ang pagkakadala sa pilipinas ng mga alamat sa Europa at ng
tradisyong Europeo nanagging bahagi ng panitikang Pilipino sa ngayon, gaya ng awit,corridor at
moro-moro.7. Ang wikaing kastila na siyang wika ng panitikan nang panahong yaon at marami
sa mgasalitang ito ang nagging bahagi na rin ng wikang Pilipino.
Uri ng Panitikang Lumaganap
1. awit2. corridor 3. duplo4. karagatan5. comedia6. moro-moro7. cenakuloi8. saruwela
Mga Unang Aklat
1. Doctrina Cristiana by: Padre juan de plasencia at padre domingo de nicua2. Nuestra Se.ora del
Rosario by: padre blancas de san jose at juan de vera3. Ang Barlaan at Josaphat isinalin ni padre
Antonio de borja4. Ang Pasyon by: gaspar aquino de belen, don luis guian, padre aniceto de la
merced at padre mariano pilapil5. Ang Urbana at Felisa by: padre modesto de castro ay tinawag
na “ ama ng klasikongtuluyang tagalong” Iba pang isinulat niya:-coleccion de sermons tagalog-
exposicion de las siete palabra en tagalog
 
-novena de san isidro en tagalog6. Ang Dalit kay Maria- flores de mayo by: padre mariano
sevilla
Mga Akdang Pangwika
1. Pag-aaral ng Barirala sa Tagalong2. Talasalitaan sa Tagalog3. Mga Barirala sa mga
ibang Wikain
Mga Kantahing Bayan
Bago pa dumating nag mga kastila mayroon nang mga awiting bayan ang mga Pilipino at
angmga ito’y isinalin nila sa mga sumusunod na salin lahi. Nang dumating ang mga kastila’y
lalo pang nadagdagan ang mga kantahing bayan ng mga Pilipino. Ang mga kantahing bayan
ay bunga ng kulturang silangan at kanluran narito ang ilang halimbawa :2. Kundiman- awit ng
pag-ibig3. Paghehele ng bata- awit sa pagpapatulog sa bata4. Balitaw- awit sa paghaharana5.
Paghahanapbuhay- awit sa pagtatrabaho6. Paninitsit-7. Colado- awit ng mga taong hindi
inaanyayahan sa kainan8. Panunukso- awit sa mga bata kung nagtutuksuhan9. Pangangaluluwa-
awit sa araw ng mga patay10. Panunuligsa- awit laban sa mga babaeng masasagwa11.
Pananapatan- awit ng mga binata sa dalagang pinipintuho.
Mga Aklat Pangwika
Upang ang mga pilipino’y maturuan ng dasal, ang mga misyonaryo ay nagsulat ng mgaaklat na
pangwika gaya ng :1. bokabularyo2. balirala3. nobela4. dasal5. talambuhay ng mga santo6.
misteryo
Ang mga Awit at CorridoCorrido
Ang mga paksa ng corrido ay galing sa Europe na dinala sa Filipinas ng mga kastila.Karamihan
sa mga corridor ay walang nakasulat ng may akda. Ang mga manunulat ng corridor ay sina: jose
de la cruz, ananias zorilla at Francisco balagtas. Ang corridor ay may 8 panting bawat taludtod.
Ang mga corridor ay:· Ang ibong adarna by: Francisco balagtas· Don juan ti.oso· doce pares de
francia· Rodrigo de villa by: jose dela cruz· Bernando del carpio by: jose dela cruz· Do.a ines by:
ananias zorilla· Ang haring patay· Principe orentis
Awit
Ang corridor at awit ay magkatulad ng paksa, ang pagkakaiba lamang ay ang awit ay
 
 binubuo ng 12 panting at ang corridor ay may 8 panting bawat taludtod. Ang mga sumusunod
aymga popular na awit:· Florante at laura· Doce pares sa kaharian ng pransiya· Salita at buhay ni
segismundo· Bernando carpio· Principe florino by: ananias zorilla· Se don juan tenorio· Principe
igminio
Francisco Balagtas
Wala pang makakapantay ng kalagayanginabot ni balagtas sa Panitikang Pilipino. Mgasinulat ni
balagtas:· La India elegante y el negrito amante· Oarsman at zafira· Don nuno at zelinda· Clara
balmori· Nudo gordeano· Almonzar at rosemando· Auredato at astrono· Abdol at miserena·
Mahomet at constanza· Bayaceto at dorlisca
Ang mga dulang patula
Hindi totoong ang pagpasok ng relihiyong katoliko sa pilipinas ay napawi dahil ang mgaritwal at
seremonya sa pagkamatay ay isang tao ay nagpatuloy padin. Dalawang uri ngseremonya:
Karagatan
Ang karagatan ay nanggaling sa isang alamat tungkol sa isang dalagang nawalan ngsingsing.
Ang mga binatang maghahanap ng singsing dapat sasagot ng patula kapag nahanap angsingsing
matutuloy ang kasalkasalan kapag hindi malulunod ang binata.
Duplo
Isang madulang pagtatalong patula karaniwang ginaganap sa maluluwang ang bakuran.
Ang Tibag
Pagsasadula ng paghahanap ng krus na pinagpakuan kay kristo nina reyna Elena at principe
constantino. Ito ay ginaganap sa buwan ng mayo.
Ang Panunuluyan
Isang prosisyong ginaganap kung bisperas ng pasko. Isinasadula dito ang paghahanap nghabay
na matutuluyan ni maria para sa nalalapit niyang panganganak.
Ang Panubong
Ay isang mahabang tulang paawit bilang handog at pagpaparangal sa isang dalagang
magkaarawan.
Ang Karilyo
Isang dulang ang mga nagsisiganap ay mga tautauhang karton.
Ang Cenaculo
Isang dulang naglalarawan ng buong buhay sa muling pagkabuhay n gating panginoon.Ito rin
ang pasyon. Dalawang uri ng cenaculo:
 
· Hablada- hindi inaawit kung hindi patula· Cantada – ito ang inaawit katulad ng pasyon.
Ang Moro-Moro
Dula-dulaang ang usapan sa moro-moro ay patula at karaniwang matataas ang tono
ngnagsasalita. Ito ay nag mula sa Europa. Ang mga banyagang pamagat ng mga moro-moro:·
Amedato at antone· Adbal at miserena· Rosalona, mohamet at constanza· Do.a ines cuello de
garpa at principe nicanor · Do.a beatriz at haring ladislaw· Cleodovas at felipe· Arasnan at
zafira· Rodolfo at rosamunda· Clavela at segismundoLumaganap ang moro-moro kaya ang mga
negosyante naman ay sinamantala ang pagkahilig naito at nagpatayo ng mga teatro. Ang mga
unang teatrong natatag ay:-teatro cornico-tondo teatro-primitivo teatroAng manunulat ng moro-
moro ay sina at ang kanilang mga naisulat:
Jose dela cruz o huseng sisiw
· La Guerra civil de Granada· Hernandez at galisandra· Reyna encantada· Rodrigo de vivar 
Honorato de Vera
· Do.a ines cuello de garga y el principe nicanor 
Juan crisostomo o crisot na taga pampangga
· Ang sultana· Parla· Zafiro at rubi
Padre Jorge fajardo kilala sa panitikang pampangga
· Vida de gonzalo de cordova
Nicolas Serrano na taga bicol
· Pantinople at aduana· Orentis orantias
Eriberto gumban ama ng panitikang bisaya taga ilo-ilo
· Carmelina· Felipe· Cladones
Zarzuela
Isang dulang musical o isang melo dramang may tatlong yugto na ang mga paksa aytungkol sa
pag-ibig, panibugho at paghihiganti. Ito’y naglalarawan din ng pang araw-araw na buhay ng mga
pilipino. Sa makatuwid ang zarzuela ay iba sa moro-moro sapagkat buhay Pilipinona ang
tinatalakay. Upang lalong magustuhan ng mga manonood ang zarzuela ay may
kasamangkatatawanan na lagging ginagampanan ng mga katulong sa dula. Nagmula sa Europa .
 
Panitikan sa Panahon ng Propaganda
Sa biglang tingin ay tahimik at takot ang bayan sa ibayong higpit at pagbabanta ng
mgakastilangunit sa katotohanan ay ditto nagsimula ang pagpapahayag ng kanilang
mapanlabangdamdamin. Nagkaroon ng bagong kilusan sa pulitika at sa panitikan. Ang dating
diwangmakarelihiyon ay naging makabayan. Ang kilusang propaganda ay naglalayon ng
pagbabago. 1. panumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa kortes ng Espanya.
2. pagkakapantaypantayng mga Pilipino at kastila sa ilalim ng batas. 3. gawing lalawigan ng
espanya ang pilipinas. 4. Sekularisasyon ng mga parokya sa kapuluan. 5. kalayaan ng mga
mamamayangPilipino sa pamamahayag,pananalita at pagtitipon. Upang lumaganap ang kanilang
simulain atmaipaabot ang kanilang mithiin para sa bayan, ay gumawa sila ng mga hakbang gaya
ng pagsanib sa masonaria, mga asosasyon laban sa pamamalakad ng prayle.
Jose Rizal
· Noli me tangere at El Filibusterismo- ang dalawang nobelang ito ay tuwirang naglalahadng
sakit ng lipunan, maling pamamalakad ng pamahalaan at simbahan, depekto saedukasyon sa
kapuluan, paniniil ng mga mapagsamantala at pagnanasang pakinggan ngmga maykapangyarihan
ang hinaing ng bayan.· Sa Mga Kababaihang Taga-Malolos- isang sulat na bumabati sa mga
kababaihang tagamalolosdahil sa kanilang paninindigan at pagnanais matuto.· Hingil sa
Katamaran ng mga Pilipino- sanaysay na napalathala sa La Solidaridad ang pahayagan ng
kilusang propaganda.· Pilipinas sa loob ng Sandaang Taon- isa pa ring sanaysay na nailathala sa
Sol. Ito’y isang pagpapauna sa haharapin ng pilipinas· Brindis- isang talumpati at tagayang alay
sa dalawang nanalong pintor na Pilipino saMadrid.· Awit ni Maria Clara- buhat sa isang
kabanata ng noli. Ang tula ay pagsisiwalat ngkaniyang damdamin tungkol sa sariling bayan.· Mi
Ultimo Adios- kahulihulihang tula ni rizal.· Pinatula ako- tulang nilathala sa Sol. At La
Independencia, inulit sa republica Filipina atsa iba pang mga pahayagan sa pilipinas.
Marcelo H. Del pilar
Isang mananangol at mamayahag ay napatanyag sa bansag na plaridel. Itinatag niya
at pinamatnugutan ang diarong tagalog.· Caiigat Cayo-.librong ikinalat ni Del pilar na
nagtatanggol sa noli ni Rizal.· Dasalan at Tuksohan- isang parodying gumagagad sa nilalaman
ng aklat-dasalan.· Dupluhan- mga sinulat na patula. Naglalarawan ng kalagayan ng bayan.· La
Soberania Monacal En Filipinas- sanaysay na tumutuligsa sa mga prayle atnagpapalayas sa mga
ito upang mawala ang mga hadlang sa kaunlaran at kaligayahan ng pilipinas.· Sagot ng Espanya
sa Hibik nang Pilipinas-ito’y naglalayong humingi ng pagbabagongunit ipinahayag na di
makapagkakaloob ng anumang tulong ang espanya.· Ang Kalayaan-bahagi ng kabanata ng aklat
na nais niyang sulatin upang maging hiling
 
habilin, ngunit din a niya natapos pagkat binawiin na siya ng buhay.
Graciano Lopez Jaena
Isa sa pangunahing repormista; hinangad niya ang pagbabago sa pamamalakad ng pamahalaan at
simbahan sa ating bayan.siya ang nagging unang patnugot ng La Solidaridad.· Fray Botod-isang
paglalarawang tumutuligsa sa kabalayan, kamangmangan at pagmamalabis ng mga prayle.· La
Hija Del Fraile- nobelang nang- uuyam sa mahalay na Gawain ng mga prayle.· Mga Kahirapan
sa Pilipinas- tumutuligsa sa maling pamamalakad at edukasyon sakaniyang bayan.· Sa mga
Pilipino- talumpating naglalayong mapabuti ang kalagayan ng kaniyang mgakababayan.
Mariano Ponce
Ang tagapamahalang patnugot, mananalambuhay at mananaliksik ng kilusang propaganda
aynagkubli sa mga sagisag na tikbalang, kalipulako at naming.· Mga Alamat ng Bulkan-
katipunan ng mga alamat at kwentong bayan ng kaniyanglalawigang sinilangan.· Pagpugot kay
Longino- isang dulang tagalong na itinanghal sa liwasan ng malolos, bulakan.· Sobre Filipinas·
Ang mga Filipino sa Indo Tsina· Ang Panitikan ng Kilusang Propaganda
Antonio Luna
Sa ilalim ng sagisag na taga-ilog , isang parmasyotikong dinakip at ipinatapon sa
espanya aysumanib sa kilusang propaganda at nag-ambag ng kaniyang mga sinulat sa Sol.·
Noche Buena-isang akdang naglalarawan ng aktual na buhay pilipino.· La Tertulia Pilipina-
nagsasaad ng kahigtan at kabutihan ng kaugaliang Pilipino kaysakastila.· La Maestro de Mi
Pueblo- pumipintas sa sistema ng edukasyon para sa mga kababaihan.· Todo Por el Estomago-
tumutuligsa sa mga patakaran sa pagbubuwis.· Impresiones- paglalarawan sa ibayong kahirapang
dinanas ng isang mag-anakang naulilasa amang kawal.
Pedro Peterno
Isang iskolar, mananaliksik dramaturgo, at nobelista ng pangkat ay sumapi rin sa kapatiranng
mga mason at sa Asociacion hispano- Pilipino upang itaguyod ang layunin ng mgarepormista.· A
Mi Madre- nagpapahayag ng kalungkutan kung wala ang ina.· Ninay- kaunaunahang nobelang
panlipunan sa wikang kastila na sinulat ng isang Pilipino.· La Cristiano y la Antigua Civilization
Tagala- nagsasaad ng impluwesya ngkristiyanismo sa kabihasnan at kalinangan ng mga tagalog.·
La Civilization Tagala “El Alma Filipino at Los Itas- mga pananaliksik nanagpapaliwanag na
tayong mga Pilipino ay may katutubong kultura.· Sampaguitas y Poesias Varias-katipunan ng
kaniyang mga tula.
Jose Maria Panganiban
Tagapag-ambag ng mga sanaysay at lathalain sa pahayagan ng mga proppgandista, sa ilalimng
sagisag na jomapa. Kilala sa pagkakaroon ng “ memoria Fotografica”ang kaniyang mgasinulat
na tula ay:
 
· ANnuestro Obispo· Noche de Mambulao· Ang Lupang Tinubuan· Sa Aking BuhayAng kaniya
namang mga sanaysay:· El Pensamiento· La Universidad de Manila· Su Plan de Estudio
Isabelo Delos Reyes
Isang manananggol, mamahayag, manunulat at lider ng mga manggagawa. Nagtatag ng “Iglesia
Filipina Independente”. Ang kanyang mga sinulat:· El Folklore Pilipino· Las Islas Bisayas en la
Ecopa de la Conquista· Historia de Ilocos· La Sensacional Memoria sobre la Revolucion
Filipina.
Panitikan sa Panahon ng HimagsikanAndres Bonifacio
Ang nagtatag ng katipuna, isang karaniwan ngunit magiting at dakilang mamamayan ng bansang
Pilipino ay nagkubli sa sagisag na Agapito, Bagumbayan at may pag-asa· Katapusang Hibik ng
Pilipinas- isang tulang nagpapahayag ng poot at pagbabanta sa mgasumasakop sa ating bansa.·
Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog- isang panawagang sa kaniyang mga kababayanupang
buksan ang isip at hanapin ang katwiran.· Pag-ibig sa Tinubuang Lupa- isang tula ng pag-ibig sa
bayan. Walang kailangangmamatay kung ang dahilan ay pagtatanggol sa kalayaan.·
Katungkulang Gagawin ng mga Z,LL,B(anak ng bayan)- inihanda niya ito upang
magingkautusan ng mga kaanib sa katipunan ngunit dahil sa pagbibigay at paggalang kayJacinto
ay ang kartilang ginawa ng huli ang isinaalang-alang.· Katipunan Marahas ng mga Anak ng
Bayan- isang panawagan sa mga kababayan upangihanda ang loob sa pakikihimok.· Tapunan ng
Lingap- humihingi siya ng lingap sa maykapal upang mapagtagunpayan ang pakikitunggali sa
manlulupig at matamo ang katahimikan at kalayaan ipinaglalaban.
Emilio Jacinto
Ang utak na katipunan ay siya ring patnugot ng Kalayaan, nag kubli sa sagisag na Dimasilaw· Sa
may Nasang Makisanib sa Katipunan Ito- sinulat upang maging pamantayan ng mgadapat ugaliin
ng mga sasapi sa Katipunan.· Mga Aral ng Katipunan ng mga A.N.B- ito’y ang kartilyang
naglalaman ng mga kautusansa mga kaanib ng Katipunan.· Liwanag at Dilim- and kodigo ng
rebulusyon. Katipunan ng mga sanaysay na may ibatibang paksa gaya ng “ang ningning at
liwanag,akoy umaasa ,kalayaan, ang taomagkakapantay, ang pag-ibig ang gumawa, ang bayan at
ang mga pinuno, ang maling pananampalata· Sa Anak ng Bayan- isang tulang nagpapahayag ng
pag-alaala sa mga kababayan.· Pahayag- isang manipestong humihikayat sa kaniyang mga
kababayan upang ipaglaban
 
ang kalayaan at humiwalay sa Espanya.
Apolinario Mabini
Ang dating kasapi sa la liga na palihim na gumagawa upang magkaroon ng pagbabago
sa pamahalaan, siya ang nagging utak ng himagsikan.· Programa Constitucional de la
Republica Filipina- ito’y palatuntunang pansaligang-batasng republican ng pilipinas.· El
Desarollo y Caida de la Republica Filipina- ito’y naglalaman ng paliwanag tungkol sa pagtaas at
pagbagsak ng republika ng Pilipino.· Sa Baying Filipino- salin niya buhat sa kaniyang
akdang sinulat sa kastila “ El PuebloFilipino.· El Simil de Alejandro- nalathala sa pahayagang “
El Liberal” ito’y tumutuligsa sa pamahalaang Amerikano at nagbigay diin sa karapatan ng tao.·
Ang Tunay na Sampung Utos ng Diyos- salin sa tagalong ng kanyang “El VerdaderoDecalogo.
Jose Palma
Kasama sa paghihimagsik laban sa mga amerikano tagalibang sa mga kasamahang kawal
sa pamamagitan ng kaniyang mga kundiman.· Melencholias- pamagat ng aklat na pinagtipunan
niya ng kaniyang mga tula.· De Mi Jardin- isang tulang nagpapahiwatig ng pangungulila sa
minamahal.· Himno Nacional Filipina- ang mga titik nito ang pinakadakila niyang ambag sa
ating panitikan. Na nilapatan ng musika ni Jualin Felipe.
Iba pang mga manunulat ng Awit
· Julian Felipe – Sa Biak na Bato· Lucino Buenaventura – Liwayway· Pedro Paterno – Himno de
la Revolucion· Domingo Enrile – El Anilli de la Dalaga de Marmol· Joaquin choco – Pepita at
Jocelynang Baliw.
Ang mga pahayan sa panahon ng himagsikan
· Heraldo de la Revolucion· Indice Official· Gaceta de Filipinas· La Independencia· La
Republica Filipina· La Libertad· Ang Kaibigan ng Bayan· La Oportunidad· La Revolucion·
Kalayaan
PANITIKAN SA PANAHON NG AMERIKANO
Isang mahalagang pangyayari sa panahong ito’y ang mabilis na pagdami ng mga babasahim,ang
pagkaakroon ng kalayaan sa pag sasalita, sa p[ahayagan, sa paniniwala at sa mgasamahan ng
ipinag utos sa panahon ng amerikano. Ang pagkakaroon ng ganitong kalayaan, ng
 
 bagong panginoon ay malaking bagay sa kalingngan n gating panitikan, ang totooy
maramingnaniwalang higit na maraming nalimbag mula sa pagdating ng mga amerikano kaysa
sa mahigitna tatlong daang taong pagkasskop ng mga kastila.Ang mga moro moro at senakulo
noong panahon ng kastila ay unting unting pinalitan ng mga makabagong dula at saesuwela.
Mga katangian ng panitikan saq panahong ito:
Una, sa panahong ito dumami ang limbag na panitikan. Ito ang ‘bunga ng kalayaan
sa pamamahayag, sa salita, sa relihiyon, at sa mga samahan. Sa paglaya nila sa mga paraan
ng pagsulat, at sa mga paksa ng relihiyon ang mga manunulat ay nagpasok ng mmga
bagong panananaw at pakasa tulad ng sa pamahalaan, kalikasaan at mga sanaysay na personal
naginamitasn ng kani kanilang istilo.Ikalawa, ang pagdami ng mga samahan sa panitikan. Ang
pagdami ng mga samahan sawika ay nakatulonh nang malakai sa paglinang sa panitikan. Ang
mga samahang ito’y may kanikanyuang saliganbatas at siyang nag pasimuno sa ibat ibang
palatuntunan, paligsahang pampanitikan tungkol sa mga sanaysay,mga tula, nobela, dula at
balagtasan, bukod sa mga bilang ng musikal,ang mga pinakilalay ang samahan ng mga
Mananagalog; ilaw at panitik;akademya ng wikang tagalong; kapulungan balagtas; aklatang
florante; aklatang bayan; atbp.Ikatlo; lumitaw din ang makatotohanang panitikan. Ang
panitikang nagpapakita ng tunayna mga pangyayari sa mga tao ay nag mualt sa siglong ito.
Lumitaw din ang mga satiriko at mgakatatawanang tula sa mga pahayagan. Ang mga nobela
kahit na maromansa ay di nakaligtaanggawing makatotohanan. Nagging kilala rin ang mga aklat
tungkol sa pulitika’t lipunan atrelihiyon.
Panitikan sa kastila
SA larangan ng panitikang Pilipino sa kastila naipakita ng mga manunulat natin ang likasna
kakayahang sumulat sa banyagang wika. Ang mga sumusunod ay kinilala sa larangan ng pagtula.
Cecilio Apostol(1877-1936)
 Naging mamahayag siya sa la union noong 1902, at nang bandang huli bapabilang siyang
manunulat ng el Renacimiento. Sa larangan ng pagtula siya ayhigit na nakilala. Sa paligsahang
itinaguyod ng “Club International”noong 1902, siya ang nanalong unang gantingpala sa tula
niyang “mi Raza”. Siya ay sumulat ng tulang handog kina Gat.Joserizal, Emilio jacinto,
Apolinario mabini. At sa lahat ng mga bayaning Pilipino. Ang sumusunoday halimbawa ng
tulang panghandog ni Apostol.· “A RIZAL”· “A Emilio Jacinto”· “SOBRE EL PLINTO”
Fernando Maria Guerrero (1873-1899)
Siya ay nnaging kinatawan sa kapulungan pambansa at patnugot ng “La Opinion”nagging
kasama din siya ni Antonio Luna sa pahayagang “La Independencia” . Si Guerrero’y binawian
ng buhay noong ika-12 ng hunyo, 1929.Ang pinalagay na malaking tula ni Fernando Ma.
Guerrero ay tinipon sa isang aklat na pinamagatang “Crisalidas” .
Jesus Balmori (1886-1948)
Ang unang aklat ng tula niyang pinamagatang “Rimas Malaya” ay lumabas noong 1904nang
siya’y labing pitong taong gulang lamang. Nag lingcod siya sa ibat ibang pahayagang kastila
tulad ng “La Vanguardia”, “El Debate”at “La Voz de Manila”. Sa “la Vanguardia” siya nag
karoon ng tudling na pang araw-araw na
 
may pamagat na “Vida Manilenia” na pawing tulang mapanudyo at mapagpatawa. Sa tudling
naito’y gumanit siya ng sagisag-panulat na “BATIKULING”. Nag wagi siya sa maraming
paligsahan. Noong 1908 ang kanyang “Gloria!” ay nanalo sa paligsahang inilunsad ng “El
Renacimiento”. Noonga1902, ang dalawang tulang”A NuestroSenior Don Quijote de la Mancha”
at “Triptico Real” ay kapawa nanalo sa paligsahang pinamamahalaan ng “Caza Espania”.Ilan sa
pinakamasining niyang mga tula ang “La Venganza de las Flores”; “El Volcan deTaal”; “En el
circo”; “Buenaventuranza”; “Canto a Espania”; at iba pa.Si Balmori’y nahirang maging kagawad
ng Philippine Historical committee at katulongtekniko sa tanggapan ng pangulo hanggang siya’y
namatay noong ika-23 ng mayo, 1948. sa pamamagitan ng isang huling tulang hinabi niya sa
banig ng karamdaman. Ang tulang ito na pinamagatang “A Cristo” ay lumabas na “Voz de
Manila” sa araw ng kanayang kamatayan.
Ang mga sumusunod ay talaan ng kanyang mga sinulat:
1. “ Rimas Malayas”(mga tugmang Malaya, 1904)2. “Vidas Manilenias”(buhay maynila, 1928)3.
“Balagtasan”(1937)4. “Mi Casa de Nipa”(ang bahay kong pawid, 1938)nag tamo ng unang
gantimpala satimpalak ng komonwelt.
Mga tulang nagwagi sa timpalak-panitik ng “El Renacimiento”, 1908:
1. “Specs” (Mga pananaw) unang gantimpala2. “Vae Victis” (Pala ng natalo)3. “Himno a
rizal”(Awit kay Rizal)Mga Nobela;1. “Bancarrote de Almas”2. “Se Deshojo la Illor”3. “La
Suerte de la Fea”
Manuel Bernabe
Sa labanan nina Balmori at Bernabe sa isang balagtasan noong 1920 sa paksang “ElRecuerdo y
el Olvido” ay walang nahayag na nanalo sapagkat kapwa magaling ang dalawa. Ang panig ng
“Gunita” ay ipinagtanggol ni Balmori at ang “Limot” ay kay Bernabe. Ayon sa ugongng
palakpakan pagkatapos ng balagtasan na si Bernabe ang nakaakit sa madla.Ang kanyang mga
tula ay tinipon at ipinaaklat at pinamagatang “Cantos del Tropico“. Isa pang aklat na may
pamagat na “Perfil de cresta” ay naglalaman ng salin niya sa “Rubaiyat” niOmar Khayyam at
prologo ng yumaong Claro M. Recto.Ang mahuhusay at kilalalang mga tula niya ay ang mga
sumusunod; “El Imposible”, !Canta Poete!” “Soldado-Poerta”, “Blason”, “Mi Adios a Iloilo”;
“Castidad”, “Espania enFilipinas”, “Excelsitudes”, “No Mas Armor Que El Tuyo” at sa kanyang
natagpuan ni de laCamara ang isang karangalan ng pinakamagaling na makata sa kastila.
Claro M. Recto(1890-1960)
Ang itinatag niyang partido Demokrata ay nagging subyang pamumuno ni Manuel L.quezon na
noo’y puno ng partidong nasyonalista at pangulo ng mataas na kapulunga(senado)
ng pilipinas.Mga sinulat ni Recto;· “ANG DAMPA KUNG PAWID”· “ANINO AT PAG-ASA”
Zoilo J. Hilario (1891-1963)
 
Ang unang aklat ng tula na inalathala ni Hilario noong 1911 ay may pamagat na“Adelfas”
sinundan ito ng “Patria Y Redencion” noong 1914. naputungan siya ngkarangalan”makatang
Laureado” sa lalawigan ng pampanga noong 1917 sa kanyang tulang“Almas Espaniola” at ng
sumunod na taoon pamuling pinarangalan siyang “Makatang Laureado”sa tulang “Jardin de
Epicureo”. Nagging patnugot-tagapagmathala si Hukom Hilario ng “New Day”. Ang hulinh
aklat naipinalimbag niya ay ang “Bayung Sunis”
Rosa Sevilla Alvero (1879-1954)
Sa larangan na panitikan, nakilala siya sa pagiging manunulat at mambibigkas sa kastilaat
tagalog. Nagging patnugot siya sa “Vida Filipina”; isang taong nagging patnugot ng
“BuhayPilipino”, patnugot ng “Pangina de la Mujer” na “La Vanguar dila”; manunullat din sa
taliba; “ElDebate”; “La Opinion” at iba pang mga pahayagan at magasin.Higit siyang kilala sa
wikang kastila. Ang mga sumusunod ay ilan sa kanyang mga dula:“La Mejor Ofreda”, “El Sueno
fel Poeta”; “Los Reina del Carnaval”; “Prisonera de amor” at “LaLoca de Hinulugang Taktak”
dalawang aklat sa “Gramatica Kastellano” ang isinulat niya at nganak niyang si Aurelio.
Ang mga sumusunod ay talaan ng ilan pang mga makatang Pilipino na sumulat ng tulangkastila:
1. Isidro Marfori: napabantog siya sa apat na aklat ng tula na kanyang naisulat“Aromas de
Ensueno”1915: “Cardencias” 1917 “Bajo El Yugo fel Dolar”;1933 at “ElDolor de Amor”.2.
Adelina Currea: kauna unahang pilipina na sumulat ng tula sa wikang Josekastila.Ang tulang-
awit niyang “El Nido” ay nagkamit ng “Gantimpalang Zobel”3. Alejo Pica Valdez: Ang
napbantug na tula ni Valdez ay ang “Oracion”; “El Amor delos amores”; “Electa”; “Intimas”:
Dalawa sa mga akda niya ang naitanghal ang“Sinceridades”; at “Prevario de Amor”4. Jose
Hernandez Gavira; tatlong aklat ng mga tula sa kastila naipalimbag ni Gaviraang “Del MI Jardin
Sinfinico”, 1921: “Cantame un Canto en Espaniol”, 1934, at “MiCopa Bohelia”; 1937.nag salin
din si Gavira ng “Ultimo Adios” ni Rizal sa tagalong atHiligaynon.5. Jose Teotico: Ilan sa mga
tula sa kastila na nagdala kay Jose Teotico sa tagumpay angmga sumusunod: “Sal Modias
Nocturnas”: “La Dalaga de Mi Tierra”; “Dolor deSoledad”; “at “Homenaje”. Nagsulat din siya
sa pahayaganng “ El RenacimientoPilipino”.
PANITIKAN SA INGLES
 Noong una ang mga sulatin sa wikang ingles ay pormal na mapanggaya. Mapapansin parin ang
paggamit ng mga salitang kastila paminsan minsan. Nahirapan sila sa paggamit ng mga pang-
ukol at mga panghalip. Malaki ang naitulong ng mga pahayagan at mga samahangnagbibigay ng
pabuya sa magagaling na manunulat katulad ng “The philippine Herald”“Philippine Education
Magazine’ “The Manila Tribune” “Graphic” “the women’s Outlook” “Thewoman’s home
journal” “the free Press” “, at sa mga samahan na may “The Philippine writer’sassociation” “The
Writer’s Club” sa U.P at iba pa. Nakilala sa panahonh ito sina Paz MarquesBenitez, Paz
Latoreba, Loreto Paras Sulit, Jose Garcia Villa, Casiano T, Calalang, Jose Dayrit,Jose
Pangniban, REmidios Mijares, Aurelio S Alvero, Mercedes grau, Clemencia Joven, Sol
H,gwekoh, Arturo B. Rotor, D.H, Soriano, Augusto C. Catanghal, at Amador Daguio.Ang unang
tatlumpung taon ng panitikang Pilipino sa ingles ay di gaanong nagkaroon ng
 
dula at nobela sa ingles. Halos hindi napagukulan ang dula sapagka’t ang mga dula sa
sarilingwika aty mga sarsuwela ang kinagiliwang panoorin. Ang kauna-unahang nobelang
pilipinongnasulat sa ingles ay ang “A Child of Sorrow”, noong 1924 at “Nadia” noong 1929 na
pawing kayGalang.Mula noong 1900 hanggang 1930 ay maraming naisulat na mahahalagang
sanaysay,maiikling kuwento at mga tula. Ang ilan sa mag sanaysay ay maagang unawain at
mgakatatawanan, samantalang ang iba nama’y nag-ukol sa mga paksang pormal katulad
ngedukasyon, kasaysayan, pulitika at mga suliraning panlipunan. Ang ilan sa mga sanaysay
sawikang ingles ay sina F.M. Africa, Francisco Benitez, Jorge Bocobo, AmadorDaguio,
Jose Maria Rivera
 —si jose maria rivera ay nag sulat ng mga tula, maiikling kwento,sanaysay subalit ang higit na
pinag ukulan niya ay dula. Nakasulat siya ng may 25 dula at ilan sa pinakamahalaga ay “mga
kamag anak”, “mga pagkakataon”. “panibugho”, “mga bingi”, at“sinemategrafo”. Lumabas na
ang pinakamaganda ay ang “mga kamag anajk”,
Hermogenes Ilagan
 —Si Hermogenes lalagan ay nakilala sa tawag na Ka Moheng. Natuto siyang sumulat ng dula sa
sariling pag sisikap. Siya ang nagtatag ng “Compania Ilagan”,Sa laki ng paniwala ng kanyang
mga anak at apo sa kanyang kakayahan, sila ay sumunod din sakanyang hilig, Ang pag sulat at
pagpapalabas ng dula at sarsuwela. Ilan sa mga dulang naisulat niHermogenes Ilagan ang
“despues de dios el dinero”, “dalawang hangal”, “biyaya ng pag ibig”,”dalagang bukid”, at
“lucha electoral”.
ANG NOBELANG TAGALOG
Ang nobela ay kuwentong pinahaba na maaring hindi makakatotohanang kasaysayansubalit
maaari rin namang mangyari. Ito ang madalas gamiting behikulo sa pag uyam., pagtuturo, pag
papaliwanag sa pulitika at relihiyon o pag bibigay ng mga impormasyong teknikal.
Ang pangunahing layunin nito’y ang manlibang sa pamamagitan ng sunod sunod na pang yayari
ayinilalarawan ng kalikasan at mga hibla ng madamdaming pag uulat. Ang ganitong sunod
sunodat masalimuot na mga pangyayari ang ikinaiiba sa maikling kuwento.Ang ganitong uri ng
sulatin ay lumaganap sa pilipinas pagkasakop ng amerika sa ating pulo at ang nobela ay nahahati
sa dalawa ang nobelang pang lipunan at naobela ng pag ibig.
Nobelang panlipunan
 —ang ganitong ui ng salaysayin ay naiiba sa maromansa sapagkatang mga kilos ditoy hindi
personal. Kundi kumakatawn sa lipunan o ekonomiya nanagpapaligsahan upang mapabuti ang
baway panig.
Lope K. Santos
 —Si Lope K. Santos ang “Ama ng balarila”, makata,nobelista,kuwentista, gurro at at pulitiko ay
isa ring batikang mamahayag. Sa buong pagsusulatniya ay ibat ibang sagisag panulat ang
kanyang ginamit katulad ng Sekretong Gala, Verdugo,Anak Bayan,, Hugo Verde, Doktor Lukas,
Lakan Dalita, Lukan Diwa, Lukas, Panginorin,Pangarap, Perfecto Makaaraw, Poetang Peperahin,
Taga Pasig, Talinghaga, Kulodyo at Gulite.Ang pinakamagandang halimbawa ng nobelang
panlipunan na naisulat ni Mang upeng ayang “Banaag at Sikat”. Ang pagiging pangulo niya sa
“Union ng mga Manggagawa”.
Faustino Aguilar
 —ang mga pangyayari sa kanyang panahon ang nag udyok sa kanyangisulat ang “Pinaglahuan”.
Katulad ng “Banaag at Sikat” ang “Pinaghaluan” ay nag lalarawan dinsa mga kaawa awang
kalagayan ng mga mahihirap at naglayong iangat sila kahit kaunti..Angkanyang “Nangalunodsa
Katihan” ay isang nobelang pang ibig. Ang “Lihim ng isang pulo” aytungkol sa isang raha sa
pagdating ng mga kastila. Ang sa “Ngalan ng Diyos” ay isang nobelanglaban sa relihiyon.
Nobelabg pag ibig
 —ang uri ito ng nobela ay nagbibigay halaga s autos ng puso,damdamin at pag kahumaling
kaysa katalinuhan. Ilan sa maaring banggitin magagaling na mga
 
nobelista sa uring ito sina Valeriano Hernandez Penia ,Inigo Ed Regolado, Faustino
Aguilar,Remigio Mat Castro, Roman Reyes at Fausto Galauran.Valeriano Hernandez Penia
 —Si Valeriano Hernandez Penia ay isang manunulat at
nobelista. “Kinti Kulirat” sa pitak niyang buhay maynila sa Muling Pagsilang”.
Si Nena at si Neneng
 —ang nobelang ito ay tungkol sa pagkikipag kaibigan. Ayon kayDr.Victoriano Yanzon. Ang
nobelang itoy pilipinung Pilipino sa mga tauhan, pakikipag talo,silo, at wika, at may
orihinalidad.
Maiikling katha
 Naging maunlad ang pagsusulat ng maiikling katha sa panahon ng Amerikano sapagkatmalaki
ang naitulong ang mga pahayagang tagalong, ingles at kastila na may kaalinsabay na
mgamagasin na naglalaman ng maakling katha. Halos lingguhan, buwanan, at taunan
ang pagbbibigay nila ng gantimpala sa pinakamagandang katha na napili.
Katangian ng maikling katha:
1. maikli2. may orihinalidad3. napapanahon upang magkaroon ng interes ang mga mambabasa4.
may pag kakaisa. Ang kuwento ay dapat na magkaroron lamang ng isang pangyayari,tuloy tuloy
hanggang marating ang kasukdulan,5. may pagkilos.Simula nang isulat ang maiikling kuwento ni
Patricio Mariano na pamamagatang“Sumpa kita “ at “Dalawang puso sa liwang ng buwan”
noong mga unang taon pagsakop ngAmerika ay marami na ang nagisusunod na mga babae at
lalaking manunulat.Dumatibng ang panahon na biglang nanghina ang pagsulat ng maikling
kuwento. Sa pagdating ng ibang mga pahayagan at mga babasahing tulad ng “Taliba”, “Ang
bansa”,“Pagkakaisa”, “Liwayway”; at “Alitaptap” ay sumigla na naman ang mga kuwentista.
Ang mgakabataang manunulat ay higit na nag ukol sa mga suliranin ng puso kaysa sa udyok ng
isipan.ibinilang ang mga sumusunod ng mkga manunulat ng maikling kuwento: Jovita
Martinez,Deogracias del Rosario, Engracio Valmonte, Remigio Mat Castro, Rosalia de
Leon,Aguinaldo at Nieves Baens del Rosario, Hernando Ocampo, Antonio Rosales, Brigido
Batungbakal, Narcisoreyes at iba pa.Ilan sa mga naipalimbag na aklat ng maiikling kuwento ang
mga sumusunod:1. “Mga kuwentong ginto (1936) may 25 magagandang kuwento sa panahong
1925hanggang 1935 na pinamatnugutan nina Abadilla at del Mundo.2. “50 kuwentong
ginto”(1936) na pinamutnugutan ni Pedrito Reyes.3. “Ang maikling Kuwento ng tagalong, 1886-
1948”ay pinamutnugutan ni Teodoroagoncillo (1949). Kasama sa aklat na ito ang ilang tunay
naming magandang kuwentokatulad ng mga sumusunod:1.”Akoy mayroong Ibon” ni Deogracias
del Rosario (1932)2. “Nagbibihis ang Nayon” ni Brigido C. Babtung Bakal (1937)3. “Bahay na
bato” ni Antonio Posales (1937)4. “Walong Taong gulang” ni Genoveva D. Edrosa (1938)5.
“bakya” ni Hernando Ocampo (1939)6. “Ang pusa sa aking Hapag” ni Jesus A. Arce (1939)4.
“Kaaliwan at palakuwentuhan (1970) na ipinalimbag ni Inigo Ed Regalado. Itoy naglalaman na
tatlumpung maiikling kuwento.
 
Dumating ang panahon nang lingguhang liwayway ay nagkaloob ng unajng gantimpalasa
pinakamabuting kuwento noong 1920—sai Cirio J. Panganiban ang kinikilalang kuwentista
ngtaon dahil sa kanyang “Bunga ng kasalanan”. Si clodualdo del Mundo ay Lumikha naman
ng“Parolang ginto” noong 1930 na naglalaman ng pinaka mabuting kuwento noong 1927
hanggang1929 at nilikha ni Alejandro Abadila ang “Talaang Bughaw” noong 1932. Upang
mapasigla angmga kuwentista. Nag kakaloob ng mbedalyang ginto ang “Katipunan ng
Kuwentista “mula 1932hanggang 1935. ang mga sumusunod ang mga nagtagumpay1.”Wala
Nang Lunas”ni Amado V.Hernandez.2.”Aloha” ni deogracias A. rosario (1933)3.”Sugat ng
alaala” ni fausto Galauran (1834)4. “AY! AY!” ni Rosalia Aguinaldo (1935)
Mga tula
Kahit na ang panulaan ay sintada ng kasaysayan at gamiting gamitin ng , sa tuwinglilitaw ay
nagpapakita ito ng katamisan, kagandahan, at kalamyusan. May napapabilang sa mgamakatang
liriko, makatang mapanudyo at mga makatang pambalagtasan.
Mga Tulang Liriko.
Ang ganitong uri ng tula ay ililalaan sa mga uring inaawit. Karamihan ng mga tulangnasulat
nang dumating ang mga amerikano ay nabibilang sapagkat na ito. Si Patricio Marianoang
nagsimula noong ikadalawampung siglo sa kanyang tulang “Hindi Sayang”. Ang tulangliriko ay
nagging popular at nagging libangan ng mga makata. Si Pedro Gatmaitan na
kinilalang pinakamabuting makata sa liriko ay maraming naisulat na tula.Si
Gatmaitan
ay nagging mamahayag, reporter at editor at alitaptap. Isa pang makata sa pangkat na ito ay si
Inigo Ed Regalado.Sinasabi ng mananalam buhay ni Regalado na bukod sa pagiging nobelista ay
makata at magaling na manunulat din siya. Ang tula niyang nagbigay ng dikakaunting
karangalan ay ang “laura” tumanggap siya ditto ng unang gantimpala na kaloob ng“Samahang
Mananagalog”. Ang paksa ng tulang ito ang mga katangian ni Laura, ang musa niBalagtas sa
kanyang “Florante at Laure”. Ang istilo ay madaling maunawaan, nakawiwili atnakabibighani.Si
Lope K. Santos
ang pinakakilalang nojbelista ng lipunang pampulitika at “Ama ngBalarila” ay maituturing na isa
pinakamagaling sa tulang liriko. Ilan sa mga mahahalagang tulaniya ang “Kalansay”, “Butil”,
“Abo”, “Aso”, “Sinulid”, at “Bagting”,.bilang makata sa liriko punong puno siya ng pilosopiya
madaling basahin at unawain at nakawiwili.Si
Juan Cruz Balmaceda
ay isa ring makatang liriko. Ang kanyang dalawangmahahalagang tulang liriko ay ang “Bukas”
at “Ulila”. Ang unay isinulat na pambalagtas nakalaban niya sina Benigno ramos at Inigo Ed.
Regalado. Si Balmaceda ang nanalo salabanan.Ang “Ulila ay maikling tula, isang biglaan at
maikling kasiglahan kaya’t maliwanag atmalarawan.
Jose Corazon de jesus
 —Isinilang sa Sta. Maria, Bulakan noong ika 26 ngdisyembre,1896. nagging pangulo siya ng
“Samahang Bulakan” sa loob ng tatlung taon sa“Pintik” ng isang taon , sa “apolo” isang taon at
pangalawang pangulo sa “kapulungang balagtas” ng isang taon din.madalas siyang nanalo sa
balagtas at noong taong 1932, siya ang naging “Hari”. Naging artista rin siya sa pelikula
sa “Oriental school” at sa dulaan ay makalawa;sa “Alamat sa Nayon” at sa “Maria Luisa”
Tulang pasalaysay
 —Ang layon ng mga tulang pasalaysay ay mag-ulat ng mga pangyayari sa pamamagitan ng
berso. Sa lahat ng panahon ay magkakatulad antg mga tulang pasalaysay. Ang pagkakaiba
lamang sa ganitong uri ng tula at samantalang ang mga
 
kurido.awit,pasyon ay may paksang relihiyon ang mga sumunod na mga tula ay walang tiyak
na paksa. Maaring ang paksa’y tungkol sa mga tungkol sa mga tunay na pangyayari, pantahanan
omga pangyayari sa lipunan.Ang ganitung uri ng tula ay unang ipinakilala ni Pedro Gatmaitan sa
kanyang “AngKasal”. Sumunod si Patricio Mariano sa kanyang “Ang mga anak dalita.” Si Lope
K. Santosnaman sumulat ng “Ang Pangginggera”.Si Julian Cruz Balmaceda ay malaki din ang
naitulong sa paglinang sa ganitong uri ngtula. Ang “Sa Bayan ni Plari del” ay isang pag
sasalaysay ng pagliliwaliw ng ginawa ng“Samahan ng Mananagalog sa bulakan sa pook nin del
Pilar. Ang “Naku! Ang Maynila!” ayisang katatawanang nangyari sa isang probinsiyano na
nagtungo sa maynila. Ang nakahihigit salahat ay ang “Ang Anak ni Eva” na may 6,600na
taludtod na may labing walung pantig ang bawat taludtod.
Panitikan sa Panahon ng Hapon
Ang Bansang Hapon ay malaki ang pagnanais na siyang maghari sa buong Asya. Lihim

You might also like