Kontemporaryong Panitikan

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

KONTEMPORARYONG PANITIKAN

Layunin:
a. Matalakay ang iba’t ibang uri ng kontemporaryong panitikan;
b. Makasuri ng ilang halimbawa tungkol sa pagbabalita, magasin/ lathalain, at
vlogging; at
c. Makapagbahagi ng ilang halimbawa tungkol sa kontemporaryong
panitikan.

Saklaw ng Panahon: Tatlong Linggo


Mga Kagamitan: Mga papel para sa gawain, laptop, TV, projector
Mga Mungkahing Gawain: Maikling pasulit, bagyuhang-utak, palitang tanong-
sagot, oral na partisipasyon at pangkatang-gawain

Balita

➢ Ang balita ay napapanahon at makatotohanang ulat ng mga pangyayaring


naganap na, nagaganap at magaganap pa lamang.
➢ Ang balita ay isang ulat na hindi pa nailathala, hinggil sa mga ginagawa ng
mga tao na inaakalang pananabikang mabatid at mapaglilibangan ng mga
mambabasa (Alejandro)

➢ Ito ay maaaring isang ulat ng pakikipagsapalaran ng tao hinggil sa kanyang


layunin, pagnanais at pananaliksik.

➢ Maaari rin naman, ito ay ang anumang bagay na ngayon mo lamang


nalaman at bago sa iyong kabatiran na makapagdaragdag sa iyong
kaalaman.

➢ Ang mga pangyayari sa loob at labas ng bansa ay inihahatid sa atin sa


pamamagitan ng pahayagan, radio at telebisyon ng mga kulumnista at
announcer. Ang mga naganap o nagaganap sa ating paligid ay maayos na
tinitipon ng isang reporter at bibigyan naman ng mga taong may kaalaman sa
pagbabalita ng sariling interpretasyon.

➢ Ang balita ay inihahatid o ipinahahatid upang maabot ang bawat isang


mahalagang impormasyon. Maging ang isang tulad natin ay makapaghahatid
ng anumang balita, pasalita man o pasulat.

➢ Ito ay tungkol sa isang di-pangkaraniwang pangyayari na naganap nang hindi


pa natatagalan. Maaring ito ay narinig nang personal o kaya ay nabasa sa
pahayagan o narinig sa radio o telebisyon.
Ito ay maaaring maibahagi sa pamamaraang:

A. Pasalita
➢ Kung ang ginagawang midyum ay ang radyo at telebisyon
B. Pasulat
➢ Kung ito ay ipinalimbag sa pahayagan at iba pang uri ng babasahin
C. Pampaningin
➢ Kung ang midyum ay ang telebisyon at sine

Mga Katangian ng Balita

A. Kawastuhan
➢ Ang mga datos ay inilahad nang walang labis at walang kulang
B. Katimbangan
➢ Inilahad ang mga datos na walang kinikilingan sa alinmang panig na sangkot
C. Makatotohanan
➢ Ang mga impormasyon ay tunay at aktuwal at hindi gawa-gawa lamang
D. Kaiklian
➢ Ang mga datos ay inilahad nang diretsahan at hindi maligoy

Kahalagahan ng Balita
1. Nagbibigay-impormasyon

Halimbawa:

➢ Ang kababaihang regular na natutulog nang mas kukunti pa sa pitong oras gabi-gabi ay
may mas mataas na panganib sa pagtaas ng presyon ng dugo, ayon sa isang bagong
pag-aaral.

2. Nagtuturo

Halimbawa:

➢ Ang relaxation techniques ay isang mabuting paraan para labanan ang stress at
mapanatili ang magandang kalusugan.

3. Lumilinang

Halimbawa:

➢ Siyempre naman, nag-aalala ako nang malaman ko na kinagat ng pusa si Gladys Reyes
sa presscon ng My Only Love. Nakakaloka ang pusa dahil gumawa ito ng sariling eksena
para mapansin siya.

4. Nakakapagpapabago

Halimbawa:

➢ Matapos na masangkot sa anomalya ang mga pulis ng Manila Police District Station Anti-
illegal Drugs, iniutos ni Manila Mayor Alfredo Lim ang pagbalasa sa 11 police station ng
Manila Police District (MPD).
Bahagi ng Balita
A. Ayon sa estilo ng pagkalahad ng datos

1. Tuwirang Balita

➢ Diretsahan ang pagkahanay ng mga datos at ginagamitan ng kombensyonal o


kabuuang pamatnubay.

2. Pabalitang Lathalain

➢ Hindi diretsahan ang paglalahad ng datos at ginagamitan ng makabagong

pamatnubay.

B. Ayon sa lugar na pinangyarihan

1. Lokal na Balita

➢ Kung ang kinasasaklawan ng pangyayari ay sa pamayanang kinabibilangan o


tinitirhan ng tagapakinig o mambabasa.

• Pambaranggay • Panrehiyon
• Panlalawigan • Panlungsod
• Pambayan • Pambansa
2. Balitang pang-ibang Bansa

A. Ayon sa Nilalaman

• Pang-agham at teknolohiya
• Pangkaunlarang komunikasyon
• Pang-isports o pampalakasan
• Pampulitika
• Pang-edukasyon
• Pangkabuhayan
• Pang-aliw
• Pangtahanan
B. Ayon sa pinagbabatayan o pinagkukunan
1. Batay sa Aksyon
➢ Ang manunulat / mambabalita ay naroon mismo sa lugar na pinangyarihan ng aksyon
o pangyayari
2. Batay sa Tala
➢ Kung ang pinagbabatayan ng balita ay mga talang nakalap mula sa talaan ng pulisya,
ospital at iba pang ahensya.
3. Batay sa Talumpati
➢ Kung ang pinagkukunan ng datos ay ang talumpati ng mga kilalang tao.
4. Batay sa Pakikipanayam
➢ Kung ang mga datos ay nalikom sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga taong
sangkot o may alam sa pangyayari.
C. Ayon sa pagkakaayos o pagkakaanyo sa pahina
1. Balitang may iisang tala

➢ Tumatalakay sa iisang pangyayari lamang.


2. May maraming talang itinampok
➢ Naglalahad ng higit sa isang pangyayari na naganap sa iisang at halos
magkaparehong oras.
3. Balitang kinipil
➢ Balitang pinaikli na lamang dahil sa kawalan ng espasyo.
4. Dagliang balita
➢ Pahabol na balita na dahil sa kawalan ng espasyo ay nilagyan na lamang ng flash at
kasunod nito ang isang linya o talatang nilalaman.
5. Balitang pangkatnig
➢ Maikling balita na isinulat ng hiwalay ngunit kaagapay sa kaugnay na pangunahing
balita.
6. Bulitin
➢ Habol at karagdagan sa mahalagang balita at inilagay sa pangmukhang pahina na
nakakahon at nasa tipong mariin.
F. Ayon sa pagkalahad ng nilalaman
1. Balitang pamukaw-kawilihan
➢ Karaniwang maikling balita tungkol sa tao, bagay, hayop na umaantig sa damdamin
ng mambabasa.
2. Balitang magpapakahulugan
➢ Nagpapaunawa sa mambabasa tungkol sa dahilan, saligan, katauhan ng mga
pangunahing sangkot at kahalagahan ng isang pangyayari.

Elemento ng Balita
1. Kapanahunan/Napapanahon (Immediacy or Timeliness)
➢ Kailangan ang pagyayari'y kagaganap o katutuklas lamang. Napapanahon pa rin
ang balita kung ang pangyayari ay matagal nang naganap ngunit ngayon lamang
nabunyag o natuklasan.
2. Kalapitan (Nearness or Proximity)
➢ Higit na kinagigiliwan ng mga mambabasa ang mga pangyayari sa kanilang paligid
kaysa sa mga pangyayaring nagaganap sa malalayong pook . Ang kalapitan ay
maaring tumukoy rin sa kalagayang heograpiya (geographical nearness),
kaangkan (kinship), kapakanan (interest), atbp.
3. Katanyagan (Prominence)

➢ Kung ang paksa ng balita ay bantog o tanyag, ito ay nakaaakit at nakatatawag-


pansin. Maaaring ito'y ukol sa isang pinuno ng pamahalaan, lider ng purok,
mgataong kilala o dakila o tanyag sa lipunan. Maaari ring paksain ang isang
matulaing pook.

4. Tunggalian (Conflict or Struggle)

➢ Ano mang pangyayaring naglalarawan ng paglalaban, pagpapaligsahan at


pagsasapalaran ay balitang interesante. Ito'y maaaring pagtutunggali ng katawng
pisikal at mental; tao laban sa kapwa tao; tao laban sa hayop; tao laban sa
kalikasan; tao laban sa kanyang sarili.

5. Kahulugan o Kalabasan (Significance or Consequence)

➢ Kung ang isang pangyayari o bagay ay may ibubungang kabutihan o kasamaan


ay nakatatawag-pansin, ano ang kahulugan o kalalabasan kung ang Komunismo
ay ating tatangkilikin?

6. Di-karaniwan, Pambihira (Oddity, Unusualness)

➢ Mga bagay na pambihirang mangyari gaya ng isang tao na napabalitang


nagdadalantao, o ng isang taong patay na nabuhay at nang nakita niyang nasa
loob siya ng ataol, siya'y namatay uli dahil sa takot.

7. Pagbabago (Change)

➢ Ano mag pagbabago, maging sa pag-unlad o sa pagsama ay nakatatawag-pansin.

8. Pamukaw-Damdamin o Kawilihan (Human Interest)

➢ Ito'y umaantig ng damdamin at kaukulang reaksyon ng mambabasa upang siya ay


paiyakin, patawanin, pagalitan, pahangain, atbp.

9. Romansa at Pakikipagsapalaran (Romance and Adventure)

➢ Ang romansa ay hindi nauukol sa pag-iibigan lamang. Isang halimbawa nito ay


ang romansa ni Hemingway at ng karagatan; mga astronauts at ng kalawakan.

10. Hayop (Animals)

➢ Magandang paksa sa balita ang mga hayop na may katalinuhan.

11. Pangalan (Names)

➢ Kung marami ang mga pangalang nakalathala na nasasangkot sa balita,


dumarami rin ang mga mambabasa.

12. Drama (Drama)

➢ Ang daigdig ay isang dulaan at ang mga tao ay nagsisiganap ng dula ng tunay na
buhay. Ang misteryo, pag-aalinlangan (suspense) o komedya ay nagbibigay ng
kulay sa isang kuwento.
13. Kasarian (Sex)

➢ Ito'y nagbibigay ng kawilihan na karaniwang natutunghayan sa romansa, pag-


aasawa, paghihiwalay at pagdidiborsiyo. Nailalarawann rin ang mga kasarian,
halimbawa kung ang isang babae ang pinuno ng mga bandido o kung ang naihalal
na pangulo ng isang bansa ay babae gaya ni Gloria M. Arroyo.

14. Pag-unlad o Pagsulong (Progress or Advancement)

➢ Magandang paksa ng mga ito sa balita.

15. Mga Bilang (Numbers)

➢ Marami ang mahilig magbasa ng mga estatistiks tulad ng ulat sa pananalapi,


kinalabasan ng eleksyon, panalong numero sa sweepstakes, vital statistics ng
dalaga, atbp.

Uri ng Balita
A. Balitang Pambansa
➢ Ito ay tumutukoy sa mga pangyayari sa loob ng bansa na mahalaga sa nakararaming
mga mamamayan gaya ng eleksyon, rebolusyon o pag-aaklas, at iba pang paglalahad
maaaring magdulot ng epekto o impluwensya sa mamamayan ng bansa.

B. Balitang Pangkaunlaran
➢ Ito ay balitang kapupulutan ng mga aral at halimbawa tungo sa pagpapaunlad ng
buhay.

C. Balitang Pandaigdig
➢ Ang balitang tulad ng paglulunsad ng mga programa o pagpapasa ng mga batas na
sangkot ang iba't ibang bansa tulad ng United Nations, ASEAN, World Health
Organization (WHO) at iba pang organisasyong panrelihiyon at pampamahalaan.

D. Balitang Panlibangan
➢ Ang ganitong balita ay tumatalakay sa mga libangan, hobbies o recreation na
karaniwang kinatatampukan ng mga sikat na personalidad at naglalayong
makapagbigay ng impluwensya o kasiyahan.

E. Balitang Pampalakasan
➢ Ang mga halimbawa ng balitang ganitn ay mga ukol sa isports tulad ng basketbol,
boksing, bilyards dito man sa bansa o pandaigdig.

F. Balitang Pangkabuhayan
➢ Ang mga balitang ukol sa hanapbuhay gaya ng pagbaba ng halaga ng piso, pagtaas
ngpresyo ng mga bilihin at iba pang balita na may tiyak na epekto sa kaunlaran ng
bansa.
Magasin/
Lathalain

➢ Isang akdang batay sa misteryosong sangkap sa pamahayagan na tinawag na


pangkatauhang kawilihan – isang pangyayari ng nakagaganyak sa atin dahil
masasalamin natin dito ang ating sariling buhay.
➢ Kung ang balita ay tumatalakay sa mga mahahalagang pangyayari, ang lathalain
naman ay tumatalakay sa mga kawili-wiling bagay.
➢ Ang lathalain, katulad ng balita ay hindi lamang isinusulat upang magpabatis, kundi
lalo pa nitong pinalalawak ang balitang impormasyon sa pamamagitan ng kawili-wiling
pamamaraan. Ito ay nagdaragdag at nagpapatingkad ng kulay at buhay sa
pahayagan. Kaya ang istilo nito ay nakasalalay sa malikhaing isipan ng manunulat.

Katuturan ng Lathalain

➢ ang lathalain ay isang akdang naglalahad ng mga makatotohanang pangyayari batay sa


karanasan, pagmamasid, pag-aaral, pananaliksik o pakikipanayam at isinulat sa isang
kawili-wiling pamamaraan.

Mga Layunin ng Lathalain

• magpabatid
• magpayo at magbigay ng aral
• magturo
• mang-aliw

Mga Katangian ng Lathalain

1. May Kalayaan sa Paksa


➢ Kahit anong paksa ay maaaring isulat.
➢ Mula sa pinakakaraniwan hanggang sa pinakabagong aspeto ng buhay ay
maaaring paksain
➢ Kahit na ang mga pinakagasgas na paksa ay maaari pa ring mapaganda ng
manunulat sa pamamagitan ng kanyang mabisang istilo ng paglalahad.

2. Walang Tiyak na Haba


➢ Maaaring maikli o mahaba, depende sa nais itampok ng manunulat.
3. Maaaring Napapanahon o di-napapanahon
➢ Maaaring ang pinagbatayang paksa, impormasyon o balita ay matagal na o bago pa
lamang.
➢ Iba sa balitang napapanis na pagkatapos nitong mailahad, ang lathalain ay
karaniwang nagtatagal ang kawili-wili nitong kakanyahan.
➢ Laging batay sa katotohanan. Bagama’t kung minsan ay ginagamitan ng
maimahinasyong paglalahad, ang lathalain ay nakaangkla pa rin sa katotohanan.
➢ Karaniwang ginagamitan ng makabagong pamatnubay.
➢ Nasusulat sa pataas na kawilihan
➢ Maaaring pormal o di-pormal ang pamamaraan sa pagkakalahad ng mga tala o ideya,
maging sa paggamit ng salita.
➢ Maaaring gamitan ng pang-uri ng mga pangyayari, tayutay, dayalogo, katutubong
kulay at idyomatikong pahayag.
➢ Maaaring sulatin sa una, ikalawa o pangatlong panauhan.
➢ Bagama’t may kalayaan, naroon pa rin ang kaisahan, kaugnayan, kalinawan at ang
kariinan sa kabuuan ng akda.

Bahagi ng Lathalain/ Magasin

1. Pamagat
2. Panimula
• Panretorikong tanong
• Panggulantang na pahayag
• Pasalaysay na panimula
• Siniping sabi
• Kasabihan, salawikain talinghaga
3. Katawan
• Nilalaman ng lathalain
4. Wakas
• Buod ng artikulo
• Pinakamahalagang pahayag
• Katanungang nabuo
• Pag-uulit ng mga salita sa pamagat
• Angkop na sipi
Mga Uri ng Lathalain

1. Lathalaing Pabalita
➢ Ito ay batay sa napapanahong pangyayari o balita.
2. Lathalaing Nagpapabatid
➢ Ang binibigyang-diin dito ay ang impormasyon at ang sangkap ng pangkatauhang
kawilihan ay pangalawa lamang. Karaniwan, ito ay batay sa pakikipanayam o mula
sa pananaliksik. Ang ilang mga paksang nabibilang dito ay tungkol sa mga batang
lansangan, problema sa kawalan ng trabaho at mga napapanahong isyu.
3. Lathalaing Paano
➢ Ang layunin nito ay ilahad ang proseso o kung paano ginagawa ang isang produkto
o serbisyo. Kalakip din dito ang mga tips sa pagpapaganda, pag-alis ng mantsa,
pagtitipid at iba pa.
4. Lathalaing Pangkatauhang-dagli
➢ Ito ay isang paglalarawan ng mga kilalang tao – ang kanilang mga naging
karanasan sa buhay, ang kanilang pag-uugali, at ang kanilang paniniwala na
siyang dahilan ng kanilang tagumpay o kabiguan.
5. Lathalaing may Makataong Kawilihan
➢ Bagama’t walang nilalaman o kung mayroon man ay kakaunting halagang balita
lamang, ito ay kinagigiliwang basahin dahil sa taglay nitong kawili-wiling istilo na
pumupukaw sa emosyon ng mambabasa.
6. Lathalaing Pansariling Karanasan
➢ Ito ay tumatalakay sa mga di-karaniwang karanasan ng tao.
7. Lathalaing Pang-aliw
➢ Ang layunin nito ay libangin ang mga mambabasa sa kakaiba, hindi lamang sa
paksa, kundi sa istilo ng pagkakasulat at sa uri ng mga pananalitang ginagamit.
Maaari ding halimbawa rito ang mga crossword puzzle, maze at iba pa.
8. Lathalaing Pangkasaysayan
➢ Tinatalakay nito ang kasaysayan ng tao, lugar o bagay.
9. Lathalaing Pakikipanayam
➢ Tumatalakay sa opinyon, damdamin o kaisipan ng mga tao, awtoridad sa paksang
inilalahad sa pamamagitan ng pakikipanayam.
10. Lathalaing Paglalakbay
➢ Naglalahad ng mga katangi-tanging lugar o tao na narating sa pamamagitan ng
paglalakbay.
11. Lathalaing di-pangkaraniwan
➢ Ito ay tumatalakay sa mga bagay na paranormal at ‘di kapani-paniwala tulad ng
mga paksa tungkol sa engkanto, duwende, kapre at iba pang kauri nito.
12. Lathalaing Pang-agham
➢ Tumatalakay sa paksang pang-agham.
13. Lathalaing Pang-isports
➢ Nahihinggil ito sa mga paksang pampalakasan.

Iba’t Ibang Uri ng Magasin sa Pilipinas

Sinaunang Magasin
1. Lipang Kalabaw (1907)
➢ Ang magasin ay pag-aari ng editor din nito na si Lope K. Santos.
➢ Ito ay tumatalakay sa mga isyu ng politika, lipunan at kultura.
➢ Naging kontrobersyal ang magasing ito dahil sa mga
karikatura ng mga kilalang personalidad ng panahong
iyon.
➢ Ayon sa mga mananalaysay ng sining, ang mga
karikaturang ito ay iginuhit ni Jorhe Pineda.
➢ Tumigil ang operasyon ng magasin noong 1909 dahil sa
mga reklamo ng mga opisyal ng pamahalaan na parati
nitong tinutuligsa.
➢ Ito’y nailathala sa tatlong magkakaibang panahon: 1907-1909. 1922-1924, 1947-
1948 dahil sa paulit-ulit na pagpapatigil dito.
➢ Ilan sa mga tinuligsa nitong pulitiko ay sina Gobernador Leonard Wood.
➢ May mga komiks din na nailathala dito bilang isang “page filler” na tumutuligsa sa
pamumuno ng mga Amerikano.
2. Telembang (1922-1924)
➢ Isang satirikong lingguhang magasin na nasa sirkulasyon ng industriya noong
1922 hanggang 1924.
➢ Ang pangunahing editor sa magasing ito ay si Iňigo Ed Regalado.
➢ Ang magasing ito ay naglalaman ng mga nakakatawang mga kwento, mga
caricatures at mga cartoons.
➢ Ayon sa mga historyador ang mga cartoons sa magasing ito ay likha nina
Fernando Amorsolo at Jorge Pineda.
➢ Ang magasing ito ay naglalaman ng mga satirikong cartoons na laban sa
mga Amerikano at mga pederalista.
➢ Mayroong 111 isyu ang magasing ito.
3. Liwayway (1922)
➢ Naunag nakilala bilang “Photo News” ito’y naglalaman ng mga larawan, balita,
salaysayin, sanaysay, prosa at tula, at nasusulat sa tatlong wika.
➢ Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan
ang magasin sa Pilipinas. Naglalaman ito ng mga
maikling kwento at sunod-sunod na mga nobela.
Dahil dito, naging paraan ito para mabago ang
kamalayan ng mga Pilipino.
➢ Inilunsad ni Ramon Roces ang mga magasin na nasa
katutubong wika.
➢ Mayroon pa ring magasing Liwayway hanggang sa kasalukuyan.
Kasalukuyang Magasin

1. FHM (For Him Magazine)


Ang magasing ito ay tumatayo bilang mapagkakatiwalaan at puno
ng mga impormasyon na nagiging instrumento upang mapag-
usapan ng kalalakihan ang maraming bagay tulad ng buhay, pag-
ibig, at iba pa nang walang pag-aalinlangan.
2. Cosmopolitan
Magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo dito ay nagsisilbing gabay
upang maliwanagan ang kababaihan tungkol sa mga pinakamainit na isyu sa
kalusugan, kagandahan, kultura at aliwan.
3. Good Housekeeping
Isang magasin para sa mga abalang ina. Ang mga artikulong
nakasulat sa dito ay tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang
mga responsibilidad at maging mabuting maybahay.
4. Yes!
Ang magasing ito ay tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito ay
palaging bago, puno ng mga nakaw-atensyon na larawan at malalaman na
detalye tungkol sa mga pinaksikat na artista sa bansa.
5. Metro
Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu
hinggil sa kagandahan ang nilalaman nito.
6. Candy
Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan. Ito ay
gawa ng mga batang manunulat na mas nakauunawa sa sitwasyon ng mga
mababasa.
7. Men’s Health
Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa mga isyu ng
kalusugan. Mga pamamaraan sa pag-ehersisyo, pagbabawas ng
timbang, mga pagsusuri sa pisikal at mental na kalusugan ang
nilalaman nito, kung kaya ito ay naging paborito ng maraming
kalalakihan.
8. T3
Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang mga
pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may mga
napapanahong balita at gabay tungkol sa pag-aalaga ng mga
gadget.
9. Entrepreneur
Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng
negosyo.
Social Media

➢ Ito ay ginagamit upang makasagap ng mga balita sa llipunan, makapagkwentuhan sa


mga kaibigan, katrabaho o maging sa hindi mo kilalang tao. Tunay na iba na ang panahon
ngayon, naging sikat na social media na nagiging bahagi na ng buhay ng bawat isa. Kung
noon ay paglalaro sa labas ng bahay ang hanap ng mga kabataan, ngayon ay ang paggamit
na ng social media.

BLOG/ VLOG

o isang website na nagbibigay-daan sa paglikha at pagpapakalat ng nilalaman, sa


karamihan ng mga kaso, sa isang tiyak na paksa at kung saan ang kaalaman at
opinyon ay ibinahagi sa isang regular na batayan.
o tinatawag ding virtual log o virtual diaries, depende sa layunin na kanilang natupad
nang naging popular ang kanilang paggamit.
o nagmula sa salitang weblog. Ito ay ang pagbabahagi ng mga karanasan sa paraan ng
pagsulat. Sa pamamagitan nito, nakakapagbahagi tayo ng kaalaman, pananaw,
salaysay, at iba. Ito ay makikita sa internet o website ng isang tao. Ang mga halimbawa
nito ay personal blog, video blog o vlog, travel blog, informative blog.
o Sa paggawa ng blog, mayroong tinatawag na blogger o ang taong sumulat o gumawa
nito. Ang blogging naman ay ang buong proseso ng paggawa ng isang blog.

Mga Layunin

Layunin ng blog na gawin ang mga sumusunod:

1. Magbahagi ng karanasan
2. Magbigay ng kaalaman o impormasyon
3. Magsilbing gabay sa paggawa ng isang bagay o paglalakbay
4. Magbigay aliw
5. Magbigay ng pananaw o stand tungkol sa isang usapin

Pinagmulan ng Blog/ Vlog

➢ Ang kasaysayan ng pag-blog ay nagsisimula sa 1990s, at nauna sa mga forum sa


internet, kung saan ang mga gumagamit ay maaaring makabuo ng mga thread ng
komento.
➢ Ang unang mga blog ay lumitaw bilang isang pangangailangan para sa mga gumagamit
upang mapanatili ang isang personal na talaarawan online, na pinapayagan silang
basahin ng sinumang may koneksyon sa internet.
➢ Ito ay si Justin Hall, isang mag-aaral sa unibersidad mula sa Estados Unidos, na naging
isa sa mga pioneer ng format na ito, na nag-post ng mga detalye tungkol sa kanyang
buhay sa kanyang blog link.net , noong 1994.
➢ Sa paglitaw ng platform ng Blogger noong 1999, ang posibilidad na ang sinuman ay
maaaring lumikha ng kanilang sariling blog nang walang kaalaman sa teknikal na
catapulted hindi lamang mga virtual na blog, ngunit isang bagong paraan upang makabuo
ng digital na nilalaman.
➢ Ngayon, mayroong maraming mga uri ng mga serbisyo sa pag-blog, na nagpapahintulot
sa mga digital na mambabasa na ma-access ang isang malawak na pagkakaiba-iba ng
mga paksa, opinyon, at kaalaman na ibinahagi ng mga blogger mula sa kahit saan sa
mundo.
➢ Mula 2004 hanggang 2016, iginawad ng German international broadcasting service
(Deutsche Welle) ang gawain ng mga blogger na nakatuon sa pagpapalaganap ng
impormasyon na may kaugnayan sa karapatang pantao, kalayaan ng pagpapahayag,
politika at seguridad sa digital na may award na Best Of Online Activism (BOBS). .

Pagkakaiba ng Blog sa Vlog

➢ Ang isang blog ay “content” na naisusulat sa loob ng isang website. Kadalasan ito ay
napapaloob sa website na gumagamit ng WordPress o iba pang mga “hosting platforms”. Ito
rin ay ginagawa ng mga tao upang maipahayag ang kanilang damdamin o kaya magpalabas
ng opinyon tungkol sa isang bagay. Napapaloob din dito ang mga karanasan ng isang tao o
kaya’y mga alituntunin sa kung paano gawin ang mga partikular na bagay.
➢ Samantala, ang isang vlog naman ay katulad din ng isang blog. Ang pinagkaiba lamang nila
ay ang plataporma at paraan na kung saan ito ipinapakita sa publiko. Sa halip na pa sulat,
ang vlog ay naglalaman ng mga video na nilalagay sa mga video streaming website katulad
ng YouTube at Facebook. Kadalasan, makikita mo sa mga vlog sa YouTube ay tungkol sa
buhay at karanasan ng isang tao.

Mga Hakbang sa Paggawa ng Blog/ Vlog


A. Pagpili ng iyong Blog
1. Pumili ng isang host ng blog o host (web hosting). Ang isang host, sa kontekstong ito, ay
isang website na mayroong isang platform na magagamit mo upang lumikha ng iyong blog.
Mayroong maraming mga libreng host, pati na rin ang mga host na nagsisingil ng bayad sa
pananalapi. Narito ang isang listahan ng ilan sa mga ito:

Libreng Mga Host sa Blog: Bayad na Mga Host ng Blog:


• Wordpress • GoDaddy
• Blogger • Bluehost
• Posterous • HostGator
• Tumblr • Hostmonster
2. Alamin kung gaano karaming kontrol ang nais mong magkaroon sa iyong web
address o URL.
Kung gumagamit ka ng isang libreng platform sa pag-blog, ang iyong web address o
URL ay magmukhang katulad nito:
www.meublog.wordpress.com/

Kung nais mong mahigpit na personal ang iyong blog at wala kang anumang agarang
plano upang makabuo ng iyong sariling tatak o imahe o simulang maabot ang iba pang
mga blogger, gagawin ng isang libreng host o serbisyo sa pagho-host. Kung,
gayunpaman, naniniwala ka na nais mong ipakita ang iyong website sa iba at itayo
ang iyong online na pagkakaroon sa ilang mga punto sa hinaharap, ang isang bayad
na serbisyo sa host ay magbibigay-daan sa iyo upang lumikha ng isang blog na may
natatanging at isinapersonal na URL address. Sa kasong ito, ang iyong URL ay
maaaring magmukhang ganito:
www.nameofublog.com

3. Alamin ang tungkol sa iba pang mga pagkakaiba sa pagitan ng libre at bayad na host
service. Sa pangkalahatan, ang mga bayad na serbisyo sa pagho-host o pagho-host ay nag-
aalok ng higit pang kontrol sa hitsura ng website, pati na rin ang nag-aalok ng mas maraming
mga tool na maaari mong ipasadya ang iyong blog (plugin, mga widget, mga pindutan, atbp.).
Bagaman marahil hindi kailangan ng amateur blogger ng isang bayad na serbisyo sa pagho-
host, kapaki-pakinabang na malaman kung ano ang magagawa mo at hindi maaaring gawin
sa isang libreng platform.
Karaniwan, ang mga libreng serbisyo ng pag-host ay nag-aalok ng ilang mga
pangunahing paunang template o layout para sa mga blogger upang maaari silang
mapili ayon sa panlasa at istilo na nais para sa hitsura ng blog. Ang mga bayad na
serbisyo sa pagho-host ay karaniwang nag-aalok ng isang iba't ibang mga template
na pipiliin, pati na rin ang pagbibigay ng pagpipilian ng blogger upang lumikha ng
kanilang sariling disenyo.

B. Magsmula
1. Themes
Lumikha ng hitsura ng iyong blog. Sa tuwing mag-log in ka sa iyong blog, ang
disenyo o hitsura nito ay dapat mag-udyok sa iyo na magsulat. Para sa ilang mga tao,
ang isang simpleng background na pagsulat, paggaya ng isang blangko na pahina, ay
sapat na. Para sa iba, ang isang pattern ng checkerboard ay pinakamahusay na
gumagana.
Paano mo nais ang hitsura ng iyong blog?

✓ Inirerekumenda ng maraming mga tao ang pagpili ng isang simpleng background


sa halip na isang napaka-flashy, bagaman laging pinakamahusay na gawin ang
iyong gusto. Narito ang ilang mga ideya para sa mga simpleng background na
maaari mong isipin:
✓ Isang larawan mo at ng iyong pamilya na nagbabakasyon
✓ Ang isang simple at maingat na pattern na nagbibigay ng isang texture, ngunit
hindi hadlangan ang pagbabasa ng mga salita
✓ Ang imahe ng isang mapa
✓ Isang bagay, tulad ng isang panulat, makinilya o isang ream ng papel
✓ Isang simpleng background sa iyong paboritong kulay

2. Maghanap para sa isang checkbox na tinatawag na "panatilihing pribado" sa mga


pagpipilian sa pagsasaayos ng iyong host. Kung nais mong maging personal ang iyong
blog at hindi mai-index sa mga resulta ng paghahanap, upang makita mo lamang ito, suriin
ang pagpipiliang ito. Sa maraming mga blog, mayroon ding isang pagpipilian na
nagbibigay-daan sa iyo upang mapanatiling pribado ang iyong blog, kung saan
kinakailangan ang isang password upang ma-access ito. Maghanap para sa pagpipiliang
ito kung nais mong maging lihim ang iyong blog.
3. Idisenyo ang iyong blog para sa simpleng pag-navigate. Kung nais mong lumikha ng mga
kategorya kung saan mailalagay ang iyong mga post, subukang pag-uri-uriin ang mga ito
sa pamamagitan ng pagiging popular. Bakit ilagay ang mga post na binisita mo ng hindi
bababa sa tuktok, at ang pinakapasyal na mga post na malapit sa ilalim ng pahina?
Idisenyo ito upang gawing simple ang nabigasyon.
Bawasan ang kalat. Hindi ito dahil mayroon kang pagpipilian upang lumikha ng dose-
dosenang mga plugin at mga widget na kailangan mong gamitin ang mga ito. Kung
ang blog ay tungkol sa iyo at sa iyong mga saloobin, i-highlight ang mga ito sa halip
na i-highlight ang mga kakaibang bagay.
4. Lumikha ng iyong unang post sa blog. Sa maraming mga pampublikong blog, ang unang
post ay isang maikling paliwanag tungkol sa kung sino ka (itinatago ang ilang mga lihim)
at kung bakit ka nagpasya na mag-blog. Ito ay isang pangkalahatang pagpapakilala sa
online. Dahil lumilikha ka ng isang personal na blog, gayunpaman, hindi mo kailangang
maging pormal sa iyong unang post.
Sumulat tungkol sa kung ano ang nag-udyok sa iyo na magsimula ng isang blog.
Makakatulong ito upang mailagay ang mga bagay. Ito ay madalas na isang gawa ng
catharsis din, naglalabas ng ilang mga tensyon at stress. Subukan nang kaunti at
tingnan kung ano ang iyong nararamdaman.
Sumulat tungkol sa nais mong isulat. Dumiretso sa puntong. Ang iyong blog ay
maaaring maging isang uri ng talaarawan, o maaari itong maging isang lugar kung
saan nais mong mangalap ng mga kagiliw-giliw na artikulo mula sa internet at
magkomento sa kanila. Siyempre, maaari rin itong maging anumang bagay sa
pagitan. Sumulat o mag-post tungkol sa kung ano ang nagpapasaya sa iyo.

C. Pagpapanatili ng iyong Blog


1. Subukang mag-blog araw-araw. Kahit na walang masyadong kawili-wiling nangyayari,
mahalaga na maglaan ng oras upang mag-blog. Ang pagpasok sa ritmo ng isang blog ay
maaaring maging mahirap, ngunit sa lalong madaling panahon gagawin mo ito sa likas na
ugali: tulad ng unang araw sa paaralan, maaari itong maging isang maliit na awkward sa
una, ngunit sa lalong madaling panahon gumawa ka ng mga kaibigan at lumago nang
kumportable sa iyong bagong kapaligiran.
Mag-isip tungkol sa mga espesyal na araw na may temang pag-post. Kung nais mo,
halimbawa, maaari kang lumikha ng "Crazy Seconds", kung saan ang bawat segundo
ay magsusulat ka ng isang post tungkol sa isang tao na ang mga nakatutuwang ideya
ay nagbago sa mundo. Nagbibigay ito sa iyong blog ng ilang istraktura at tumutulong
sa iyo na mapanatili ang pagsusulat, kahit na hindi ka sigurado kung ano ang isusulat.
2. Kung nagkakaproblema ka sa pagsusulat, panatilihing maikli ang iyong mga post. Ang
isang blog ay maaaring magkakaiba sa isang talaarawan, eksibisyon o mapagkukunan ng
balita. Ginawa itong maging "digested" nang mabilis, mag-alok ng interlocking piraso ng
ebidensya at itali ang mga ito nang magkasama. Isaisip ang tatlong patnubay na ito kapag
sinimulan mo ang pag-blog:

Ang isang blog ay maaaring maging isang lugar upang mabasa. Gumawa ng mga
maikling tala sa ilang mga paksa kaysa sa pagsusulat ng mahabang teksto sa kanila.
Isang "Hoy, suriin mo ito!" tila mas epektibo sa isang blog kaysa sa isang "At ito ang
mga dahilan kung bakit ako mas mahusay kaysa sa iyo".
Gumamit ng mga link. Lumikha ng mga link sa iba pang nilalaman sa internet. Una,
makakatulong ito sa iyo na matandaan ang mga kagiliw-giliw na site na binisita mo.
Pangalawa, makakapagtipid ito ng oras upang mailalarawan ang nangyayari - maliban
kung iyon ang iyong hangarin!
Gamitin ang blog upang mai-relive ang mga lumang tema. Dahil sa nakasulat ka na
ng isang blog, hindi nangangahulugan na kailangan mong i-archive ito sa isang lugar
at iwanan ito upang lumikha ng magkaroon ng amag. Bisitahin muli ang iyong mga
damdamin tungkol sa artikulong iyon sa isang bagong artikulo, halimbawa.

3. Gumamit lamang ng mga unang titik ng mga pangalan kapag nagsusulat tungkol
sa ibang tao upang manatiling hindi nagpapakilalang. Halimbawa, "Ginawa ako ng
galit ng E.R. ngayon; iniwan niya ako dito sa kanyang pagiging makasarili." Tinitiyak nito
na walang nararamdamang masasaktan kung may mangyayari na basahin ito sa iyong
blog.
4. Maging tapat. Ang pakiramdam ay hindi laging may katuturan. Sa kabutihang palad, hindi
nila kailangang. Ang mahalaga ay ang iyong emosyon ay naka-blog sa halip na naging
ulser. Tandaan na umiiral lamang ang iyong blog bilang isang outlet para sa iyo. Hindi mo
kailangang mag-alala tungkol sa nakalulugod na mga tao kung hindi mo nais.

Madalas mong mahahanap na ang pakikipag-usap tungkol sa isang bagay ay


makakatulong sa iyo na maunawaan iyon. Kaya kahit na hindi mo pa ito naiintindihan,
ang pagiging matapat tungkol dito ay makakatulong sa iyo na maunawaan ito ng mas
mahusay. Ang pagsulat ay isang gawa ng pagtuklas sa sarili. Kung ikaw ay taos-puso
sa iyong isinulat, tiyak na matutuklasan mo ang mga bagay tungkol sa iyong sarili na
hindi mo pa alam.

5. Alamin mula sa iyong mga post. Pagkatapos mong mag-blog nang matagal, bumalik at
suriin. Nalaman mo ba ang tungkol sa mga mapagkukunan ng stress sa iyong buhay?
Maaari mong makilala ang anumang mga kasalukuyang isyu? Mayroon bang partikular
na masyadong nakakalason o nakakalason sa kanilang emosyonal na kalusugan?
6. Kung mayroon kang isang komunidad ng mga mambabasa at komentarista,
subukang makipag-ugnay sa kanila. Kahit na hindi ka nagpapakilalang, ang iyong blog
ay maaari pa ring tamasahin ng isang komunidad ng mga mambabasa at komentarista.
Madalas silang nag-iwan ng komento sa iyong artikulo na nagpapahayag ng kanilang mga
pananaw, opinyon o katanungan. Naiintindihan ng matagumpay na mga blogger na ang
pakikipag-ugnay sa mga mambabasa at tagahanga ng kanilang trabaho ay isang
mahalagang bahagi ng paghikayat sa mga mambabasa.

Tumugon sa karamihan ng mga komento, ngunit hindi lahat. Kadalasan ang


mambabasa ay mag-iiwan ng isang puna na naghihintay ng ilang puna mula sa iyo.
Ang isang simpleng "Salamat, masaya ako sa iyong puna" ay magiging isang
mabuting paraan upang tumugon. Sa ibang mga oras, ang mga tao ay magulo sa iba't
ibang mga paksa (off-topic) o magpahayag ng napaka kontrobersyal na mga opinyon.
Hindi kinakailangan upang tumugon sa bawat isa sa iyong mga komento kung hindi
mo nais na gawin ito.
Mag-isip tungkol sa pagsasama ng isang plano sa pagkilos sa pagtatapos ng isang
post (opsyonal). Malinaw, kung ayaw mong ipakita ang iyong blog sa iba, hindi
kinakailangan ang isang plano ng aksyon. Ngunit kung gusto mo ang ideya ng
pagtatanong sa iyong mga mambabasa para sa kanilang opinyon, isama ang isang
bagay tulad ng "Ano ang iyong paboritong regalo sa Pasko?" o "Ano sa palagay mo
ang kasalukuyang gobyerno ng Brazil?" sa isang naaangkop na post.

7. Isaalang-alang ang pagbabahagi ng iyong isinulat sa malalapit na kaibigan at


pamilya. Ang mga taong malapit sa iyo ay nagmamalasakit sa kung ano ang iyong iniisip
at nararamdaman. Bagaman malamang na nagsimula ka ng isang personal na blog bilang
isang lugar upang maipahayag ang iyong sariling mga saloobin at damdamin, maaari itong
mahusay na ibahagi ang iba pang mga karanasan sa iba. Ang ginagawa mo ay
nagsisimula ng isang pag-uusap, at ang anumang pag-uusap ay maaaring maging
maliwanagan at makakatulong.
Halimbawa, maaaring nasuri ka lang sa cancer at nagpasyang magsimula ng isang
blog upang idokumento ang iyong paglalakbay. Inilaan mo lamang na makita ka ng
blog na iyon.Ngunit ang iyong, sa pamamagitan ng pagkakataon, natutunan sa
pamamagitan ng pagsulat ay ang pagbabahagi ng iyong pinakadakilang takot at
kagustuhan na talagang nagdala sa iyo ng mas malapit sa mga tao sa paligid mo; na
lalo siyang naging tao. Ang pagbabahagi ng tagumpay na ito sa iyong pinakamalapit
na kaibigan at pamilya ay maaaring maging labis na pagpapalaya at pagtupad.

You might also like