LeaP Filipino G8 Week 4 Q3edited

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Learning Area Filipino Grade Level 8

W4 Quarter 3 Date

I. LESSON TITLE Paksa, Layon at Tono


II. MOST ESSENTIAL LEARNING
Nahihinuha ang paksa, layon at tono ng akdang nabasa.
COMPETENCIES (MELCs)
III. CONTENT/CORE CONTENT Paksa, Layon at Tono
Suggested
IV. LEARNING PHASES Timeframe
Learning Activities
A. Introduction 10 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Pamilyar ka ba sa nasa larawan ?
Panimula Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit ito pinapanood ng
mga tao? Punan ng angkop na kasagutan ang mga patlang.
Sagutan sa sagutang papel.

Ang mga pelikulang ito ay tungkol sa at


. Ito ay pinapanood ng mga tao dahil
nais nitong magbigay ng .Kinapapalooban
ito ng mga damdamin ng pagka
at .
B. Development 40 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin at unawain ang teksto sa
Pagpapaunlad ibaba. Suriin kung ano ang paksa, gamit ng salita, tono, layon at
mensahe. Piliin ang titik ng tamang sagot. Sagutan sa sagutang papel.
Pagpaplano ng Pamilya
Sa kasalukuyan ay pahirap nang pahirap ang buhay, dahil
sa mabilis na pagdami ng tao. Hindi lumalawak ang lupa sa daigdig
kaya dumarami ang suliraning kinakaharap ng mga tao. Sinasabing
ang Pilipinas ay pang labing-anim sa pagdami ng tao sa daigdig.
Kung magpapatuloy ang ganitong kabilis na pagdami ng mga
kababayan natin ay mahaharap tayo sa mabigat na krisis sa darating
na panahon. Ang lunas sa problemang ito’y ang “Pagpaplano ng
Pamilya”. Hindi lamang malulunasan nito ang pandaigdig na suliranin
sa pagdami ng tao kundi maging sa maginhawang kinabukasan ng
mga anak. Kaya simulan na ang pagpaplano ng pamilya.
1. Ang paksa ng teksto ay tungkol sa
A. paghirap ng buhay C. pagpaplano ng pamilya
B. pagdami ng tao D. pamilya
2. Layon ng teksto .
A. manghikayat C. mag-ulat
B. magbabala D. magturo
3. Ang tonong nangingibabaw sa teksto ay .
A. pangamba B. takot C. ligalig D. pag-asa
4. Ang pananaw sa teksto .
A. mahirap ang buhay
B.sumisikip ang mundo sa pagdami ng tao
C.buhay ay giginhawa pag nagplano ng pamilya
D.magplano ng pamilya
5. Ang antas ng wikang ginamit sa akda ay
A. pormal B. impormal C. pampanitikan D. kolokyal
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe

Paksa, Layon at Tono

Paksa- tema ng isang akda ;tungkol saan ang akdang nabasa


(halimbawa: Pamilya, Edukasyon, Kasarian, Politik
Layon-layunin o dahilan ng pagkakasulat ng akda
(manghikayat, magturo, magbigay-aral o manlibang)
Tono- saloobin ng may-akda sa kanyang tinalakay
(masaya, malungkot, galit)

C. Engagement 50 minuto Gawain sa Pagkatuto Bilang 3 : Basahin ang talata sa ibaba. Sagutin
Pakikipagpalihan ang mga tanong upang makabuo ng paghihinuha tungkol dito. Isulat
sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
COVID-19
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang sakit na COVID-19. Ito
ay isang bagong uri ng corona virus na nakaaapekto sa iyong
baga at mga daanan ng hininga. Ang corona virus ang nagiging
sanhi ng mga karamdamang gaya ng karaniwang sipon. Marami
ang gumagaling subalit dumarami pa rin ang kaso ng mga
namamatay.
Matinding pag-iingat ang kailangan upang makaiwas sa sakit. Ilan
sa mga iminungkahi ng pamahalaan ay ang pananatili sa bahay lalo
na ang mga matatanda na may edad 60 pataas at mga batang 15
pababa. Patuloy pa rin ang pagpapaalala na palagiang
maghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask at face shield at
ang pagdistansya ng isang metro kapag haharap sa iba’t ibang tao.
Hindi biro ang ganitong karamdaman kaya kailangan ng
pakikiisa na pangalagaan ang sarili sapagkat hindi lamang nito
malulunasan ang pandaigdig na suliranin sa pagdami ng
nagkakasakit kundi sa maginhawang kinabukasan ng bawat
mamamayan.

1. Ang paksa ng teksto ay tungkol sa


A. COVID-19 C. pangangalaga sa sarili
B. Pandaigdig na suliranin D. Sakit
2. Ang layon ng teksto ay
A. magturo C. manghikayat
B. manlibang D. magsalaysay
3. Ang tonong nangingibabaw sa teksto ay
A. pangamba B. sigla C. pag-asa D. galit
4. Ang pananaw sa teksto ay
A. makiisa sa pagharap sa COVID-19
B. mag-ingat sa COVID-19
C. lumayo sa mga taong may COVID-19
D. magsuot ng face mask
5. Ang antas ng wikang ginamit sa akda ay
A. pormal B. impormal C. pampanitikan D. kolokyal
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Basahin ang talata sa ibaba. Sagutin
ang mga tanong upangmakabuo ng paghihinuha tungkol dito. Isulat
ang titik sa sagutang papel.

Pangarap... Isang Paglalakbay


Ang pangarap ay simula ng lahat. Anumang bagay sa
daigdig ay nagpasimula sa pangarap lamang. Halimbawa ay ang
isang makabuluhang makina o ang isang madamdaming awitin.
Bunga ang mga ito ng pangarap ng isang imbentor at ng isang
kompositor. Ang mga pangyayari man sa kasaysayan ay likha rin ng
maraming pangarap, tulad ng marating ang buwan, makalipad sa
himpapawid at ang pangarap ng isang karaniwang mamamayan
na ang kanyang bayang tinubuan ay maging malaya sa
pagkabusabos ng mga dayuhan. Ang pangangarap sa sandaling ito
ay nagagawa mo ang lahat, mapagtatagumpayan ang anumang
balakid at ikaw ang idolong hinahangaan ng lahat.

1. Ang paksa ng teksto ay tungkol sa .


A. pangarap B. paglalakbay C. kasaysayan D. Idolo
2.Ang tonong nangingibabaw sa teksto ay
A. lungkot B. sigla C. pag-asa D. pagkabigo
3. Ang mensahe sa teksto ay .
A. masama ang walang pangarap
B. libre ang mangarap
C. malayo ang nararating ng may pangarap
D. ang pangarap ay simula ng lahat
4. Ang karaniwang salitang ginamit sa kabuuan ng talata?
A. pormal B. Kolokyal C.pampanitikan D. di-pormal
5. Ang layon ng tekstong binasa ay
A. magbigay ng impormasyon B. manuligsa
C. manghikayat D. magbigay-babala)

D. Assimilation 50 minuto Panuto: Bumuo ng isang sanaysay na binubuo ng 2-3 talata may
Paglalapat kaugnayan sa iyong mga nararanasan sa kasalukuyang panahon,
Ang Panahon Ng Pandemya. Kinakailangang tiyak ang paksa, layon
at tono ng iyong Sanaysay.

Pamantayan sa Pagmamarka:
Nilalaman(Kaangkopan ng nilalaman sa pamagat)-7
Presentasyon(kailinisan at maayos na banghay)- 4
Wastong baybay at gamit ng bantas- 4
KABUOAN 15 Puntos

V. ASSESSMENT 30 minuto Panuto: Basahin ang akdang “Online Learning sa New Normal ng
(Learning Activity Sheets Edukasyon”. Punan ng angkop na datos ang talahanayan sa ibaba,
forEnrichment, ayon sa iyong natutuhan sa araling ito.
Remediation or
Assessment to be given Online Learning sa New Normal ng Edukasyon
on Weeks 3 and 6) Magi Gunigundo (People’s Tonight)

Grabe ang epekto ng COVID-19 pandemic sa larangan ng


edukasyon sa buong mundo at ang anyo ng bagong normal sa
edukasyon ay malayong malayo sa dating normal. Sa ayaw man o
sa gusto ng mga guro, magulang, estudyante at mga opisyales ng
Kagawaran ng Edukasyon, CHED at Tesda, mas dadalas at magiging
pangunahing pamamaraan sa paghahatid ng karunungan ang
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
“online learning” na dati’y madalang gamitin.
Hindi na uubra ang dating normal na tanging sa silid paaralan
lang maghaharap ang guro at mga estudyante upang maganap
ang edukasyon. Ang online learning ay gumagamit ng teknolohiya
na mag-uugnay at maghaharap sa dalawa sa pagsasalin ng
karunungan at kasanayan, at sa tagisan at palitan ng kuro-kuro.
May distance o remote learning kung saan mananatili sa
bahay ang mga estudyante upang aralin ang mga learning modules
na ipapadala sa kanila ng titser gamit ang teknolohiya tulad ng email,
viber, telegram, at FB PM. Maaari din bahay bahayin ng guro ang
paghahatid ng mga modules na ito. Maaari din gumamit ng TV at
Radio learning broadcast upang maihatid ang aralin sa mga bata.
Sa Inglatera, mga sikat na atleta at artista ang kanilang isinamadito
para mahikayat ang estudyante na manood at makinig sa mga
learning broadcasts. Pagkaraan nito, maaaring mag video
conference o virtual meeting o di kaya bibisita ang guro sa bahay ng
estudyante para magkaroon ng “one on one” sa estudyante.
May “blended learning” o pinaghalong online at distance
learning. Mayroon din “flipped classroom” , isang uri ng blended
learning kung saan manonood ang mga estudyante sa online
lecture, magbabasa ng mga itinakdang aralin, may video chat ang
mga magkaklase upang talakayin ang aralin o magtulong-tulong sa
pagsasaliksik sa internet ng mga materyales na kailangan upang
lalong luminaw, lumawak at lumalim ang kanilang pagkaunawa sa
mga konsepto na tinatalakay ng titser.
Mayroong dalawang puna ang mga nangangamba na hindi
magtatagumpay ang online learning sa Pilipinas: una, mabagal ang
internet sa Pilipinas, at pangalawa, maiiwanan ang mga mahihirap sa
bagong normal sa edukasyon.
Ayon kay Antonio Contreras (Manila Times, Mayo 7,2020),
noong 2017, 80% ng mga Pilipino na ang edad ay 18-24 ay
nakakapag-online. Sinabi ni Contreras na malaking hamon paano
mabubuksan ang isipan ng age group na ito na ang internet ay
tagapaghatid din ng edukasyon at hindi lamang ito kasangkapan ng
libangan, aliwan ,at pakikipag ugnayan sa mga FB friends at mga
followers nila. Minungkahi niya na pagsamahin ang edukasyon at
libangan sa pagdisenyo ng mga programa sa online at offline
learning sapagkat “learning should be fun”.
Sabi ni Alfred Mercier, dapat maging masayang karanasan
ang pag-aaral upang hindi makalimutan ng mag-aaral ang kanyang
natutuhan. Kung susundin ng DepEd, CHED at Tesda ang mungkahi
ni Contreras, hindi mababagot ang mga batang mag-online para
mag-aral. Ang bagong normal sa edukasyon ay dapat maging isang
masayang karanasan ng bata at titser.

Online Learning sa New Normal ng Paliwanag


Edukasyon

Paksa
Tono
Layon
Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
VI. REFLECTION 20 minuto • Ang mag-aaral ay susulat sa sagutang papel ng kaniyang
natutunan mula sa aralin gamit ang mga gabay sa ibaba:
Naunawaan ko na .
Napagtanto ko na .
Kailangan ko pang malaman na .

Prepared by: Vernadette D. Sacro Checked by: Victoria B. Castillo


(Quezon NHS)
Joseph E. Jarasa
SDO-Quezon

Personal na Pagtataya sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral

Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa


pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang
deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili.

-Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsagawa nito. Higit


na nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.

-Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa


nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.

-Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi


ko naunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o
dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.

Gawain sa pagkatuto LP Gawain sa pagkatuto LP Gawain sa pagkatuto LP Gawain sa LP


pagkatuto
1 2 3 4

You might also like