NEW FILIPINO 8 Quarter 2 WEEK 4
NEW FILIPINO 8 Quarter 2 WEEK 4
NEW FILIPINO 8 Quarter 2 WEEK 4
Sarsuwela
Tuklasin!
Sa bahaging ito, may babasahin kang isang akda. Unawain mo ito pagkatapos ay sasagutin mo
ang mga sumusunod na katanungan.
Ako ay Ikaw
ni Hans Roemar T. Salum
“Ako’y isang Pinoy, sa puso’t diwa. Pinoy naisinilang sa ating bansa. Ako’y ‘di sanay sa wikang mga
banyaga, ako’y Pinoy na mayroong sarilingwika. Wikang Pambansa, ang gamit kong salita...” Hay,
napakasarap sapandinig ang awiting iyan ni Florante. Damang-dama ang pagmamahal ng mang-
aawit sa akin. Matagal na panahon na rin simula nang ako ay ipaglaban ni dating Pangulong Mauel L.
Quezon. Ang pakikipaglaban niyang ito ay daan upang ako ay umusbong, gamitin at tangkilikin. Ako
ang simbolong pagkakakilanlan ng ating bansa, ang Pilipinas. Ako ay ginagamit sa maraming
sitwasyon at pagkakataon. Ah, tunay ngang malayo na ang aking narating bilang isang instrumento
ng komunikasyon. Sa paglipas ng panahon ay mabilis na naging moderno na ang ating bansa.
Modernong kagamitan, pamumuhay, moderno na rin pati kabataan.Talagang ang mga Pinoy ay hindi
nagpapahuli. Subalit, kasabay ngpagbabago at pagiging modernong ito ay ginawa na rin akong
moderno. Pakiramdam ko ay binihisan ako upang sumabay sa makabagong panahon. Mayroong
wika ng kabataan ngayon, Taglish, mga jejemonwika nga. Ang salitang nanay sasabihing mudra, ang
tatay ay pudra. May magsasabi ring I wanna make bili that sapatos! Hay, kailanganb ang kasabay ng
pagbabago ay pagbabago sa akin? Nasaan na ang ipinaglabang wika? Mga kabataan, ako ay ikaw
na sasalamin sa ating bansa. Hindi masama ang pag-unlad at ang pagbabago kung ang
pagbabagong ito ay para sa ikabubuti at ikaaayos ng komunikasyon. (Ambat, Vilma C. et. al. 2015
Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral, Meralco Avenue Pasig City, Philippines. Vibal Group Inc.)
Alam mo ba ang pagkiklino ng mga salita? Ang klino ay ang pag-aayos ng mga salita
ayon sa tindi ng kahulugan. (https://brainly.ph/1876234)
4.2. Panuto: Gawin ang pagkiklino ng mga salita. Ayusin ang tindi o antas ng
kahulugan sa sumusunod. Iayos ayon sa mga gamit ang mga titik. (hal. c,d,a,b)(10pts)
1. a. nakabatay
b. naaayon
c. nakasaad
d. nagpapatungkol Sagot: ______
2. a. dalubhasa
b. sanay
c. bihasa
d. magaling Sagot: ______
3. a. tangkilikin
b. gamitin
c. palaganapin
d. paunlarin Sagot: ______
4. a. kumakatawan
b. sumisimbolo
c. nagrereprisinta Sagot: ______
5. a. dukha
b. mahirap
c. maralita Sagot: ______
Sanggunian:
A. Aklat
Ambat, Vilma C. et. Al (2015). Filipino Modyul para sa Mag-aaral. Meralco Avenue,
Pasig City. Philippines 1600. Vibal Group, Inc.
Enrijo, Willita A., et. Al.(2013). Panitikang Pilipino. Meralco Avenue, Pasig City,
Philippine. Book Media Press, Inc.
B. Internet
Lindaleebarrameda, access june 20, 2020, https://brainly.ph/1876234
KATUNAYAN
Ito ay nagpapatunay na ang aking anak ay matagumpay na isinagawa ang lahat ng
mga gawain na nakapaloob sa Learning Activity Sheet.
_______________________________________________ ________________
Pangalan at Lagda ng Magulang o Tagapangalaga Petsa ng
Paglagda