Masining Na Pagpapahayag

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

The

Writing
Stage

Mga Lohikal na
Tanong na Dapat
Sagutin Ukol sa
Pagsulat
Paano ko sisimulan ang komposisyon?

Paano ko aayusin ang katawan?

Paano ko wawakasan ang komposisyon?

Tila isang biyaya! Ito ay isang


biyayang ipinagkaloob ng Poong
Maykapal.
Ang
pagdating
ni
Jemmarie sa aking buhay ay wariy
ang pinakamagandang nangyari sa
akin. Sa halik niyang may dalisay at
sa yakap niyang may igting, nabubuo
ang aking pagkatao.
Sino nga ba siya? Sino siya na
ang tanging ibinibigay sa akin ay
saya at ginhawa? Sino siyang parang
anghel na bumagsak mula sa
kalangitan upang sagutin ang aking
mga dasal at hinaing sa Lumikha?
Sino siya na ang pag-ibig ay walang
katumbas na pera at mukha?

Ang

Pagmamahal ni
Jemmarie

Ang pagmamahal ni Jemmarie ay


ang dugong dumadaloy sa aking
katawan Ito ang bukal na siyang
nagbibigay sa akin ng lakas upang
harapin ang araw-araw

Pagsisimula:

Paano ko sisimulan ang


Ang
panimula ang buhay ng
komposisyon?
anumang komposisyon o akda.

1. Gumamit ng isa o serye ng


mga tanong retorikal.
Ano nga ba ang wika? Bakit dapat nating
liwanagin ang nauukol dito? Ano nga ba ang
kaugnayan ng wika sa baying pinag-uugatan ng
wikang iyan? Iyan ang mga katanungang dapat
sagutin ng bawat isa. Iyan ang mga katanungang
dapat ihanap ng kasagutan.
- mula sa Ang Kaugnayan ng Wika sa Bayan
ni Rolando Bernales

2. Gumamit ng
pangungusap na sukat
makatawag-pansin.
Hindi ito himala. Pero ngayong
Kapaskuhan, ang basura ay puwedeng
maging pera o bigas.
- mula sa Basura = Pera o Bigas
ni Alcuin Papa

3. Gumamit ng pambungad na
pagsasalaysay.
Napatingin ako sa dakong sisikatan ng araw. Nakita
kong unit-unti nang namimitak ang haring araw.
May tuwang pumintig sa aking puso. Napangiti ako.
Naunawaan kong hindi pa huli ang lahat.

4. Gumamit ng salitaan.
Nakasimangot kayo, Ka Ambo? bungad ni
Tata Orong. Kasi ba naman, nakaiinis ang naririnig
kong balita sa radio. Na, ano ho?
Nag-walk-out daw ang mga congressman sa
sesyon ng kamara dahil ginamit ng presider ang
Filipino.

5. Gumamit ng isang sipi.


O Diyos ko, O Diyos ko, bakit mo ako
pinabayaan?
Masidhi ang pagtaghoy ko upang ako ay
tulungan:
Ngunit hindi dumarating ang saklolong
hinihintay,
Araw gabiy dumarating, tumatawag ako,
Diyos
Hindi ako mapanatag di Ka pa rin sumasagot!
Ito ang sinambit ni Haring David bilang simula ng

6. Banggitin ang kasaysayan o


mga pangyayaring nasa likuran
ng Noong
isang
paksa.
Nobyembre 10, 1948, ang mga
kinatawan ng Nagkakaisang mga Bansa ay
nagpalabas ng kinikilala ngayong Universal
Declaration of Human Rights. Nilalaman nito ang
lahat ng karapatan ng mga tao na maaaring
maisip.

7. Tahasang ipaliwanag and


suliraning ipaliliwanag.
Ang paglalahad sa mga Pilipinong Muslim ay
paglalahad tungkol sa tatlong bagay. Una, ang
tungkol sa kanilang sining; pangalawa, ang tungkol
sa kanilang relihiyon; at pangatlo, ang tungkol sa
kanilang panlipunang katauhan. Bagaman
malaking bahagi ng panayam na ito ay tungkol sa
panrelihiyon at panlipunang kahulugan ng kanilang
sining-buhay.
- mula sa Muslim Folk Arts in the Philippines
Ni Eric Casino

8. Gumamit ng salawikain o
kawikaan.

Aanhin pa ang damo kung patay na ang

kabayo. Tamang-tama ang kawikaang ito sa


maraming tao ngayon. Kung kalian huli na at saka
naman nag-uumahit sa pagkakaloob ng tulong.

9. Gumamit ng pasaklaw o
panlahat ng pahayag.
Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas
ang binubuo ng kabataan. Kaya tuwing may krisis
na tumatama sa ekonomiya ng Pilipinas, isa sa
mga labis na naapektuhan ay mga bata.
- mula sa Isang Library na May Apat na Gulong,
Inquirer Libre, Disyembre 20, 2001

10. Magsimula sa pamamagitan


ng buod.
Nilayasan na ng veteran rocker na si David

Bowie ang kanyang recording company at nagtayo


na ng sarili niyang kumpanya.
- mula sa Bowie, Tinalikuran ang Virgin Records

11. Gumamit ng tuwirang sabi.


Theyre liars! Ito ang mariing sinabi kahapon ni
Senador Wigberto Taada sa mga U.S. officials
- mula sa Abante, Nobyembre 23, 1991

12. Maglarawan ng tao o pook.


Isang pader mataas at makapal! Sa likod nito
ay may itinatagong samut saring kwento ng
buhay. Mapapansin mo ang pag-asang bumabalot
sa katauhan ng ilan sa mga naririto, samantalang
kabit-kabit ang maaaninag mo sa karamihan sa
kanila. Naghihintay ng hatol sa nagawa nilang
kasalanan.
- mula sa The Makati Colegian, Disyembre 2001

13. Gumamit ng analohiya.


Ang buhay ay gulong umiikot, mabilis,
mabagal, pumapailalim, pumapaibabaw

14. Gumamit ng isang salitang


makatatawag ng kuryosidad.
Luha!
Salitang may apat na titik lamang datapwat
naglalaman ng isang libot isang kahulugan.
- Alejandro, 1948

Pagsasaayos ng Katawan:
Paano ko aayusin ang
May ibat ibangkatawan?
paraan ng maaring gamitin sa
paghahanay ng mga kaisipan, alinsunod sa
paksa, layunin at pinag-uukulan.

1. Iayos ang mga datos ng


pakronolohikal.
Kahapon sana siya makukumpirma sa
Commission on Appointments, pero hindi pumayag
si Sen. Sergio Osmea dahil ibig daw nitong Makita
muna ang mga kopya ng kontratang pinirmahan ni
Reyes noong siya pa ang Armed Forces Chief.
Inabot ng anim na oras ang deliberasyonsa
confirmation ni Reyes.
Halos naubos ni Osmea ang oras dahil sa
pagtatanong niya kay Reyes tungkol sa pagbili ng
apat na C-130 eroplano mula sa Lockheed Martin at
ng surveillance equipment sa halagang 641
milyon.
- mula sa Reyes Confirmation, Nabalam Inquirer

2. Iayos ang mga datos nang


palayo o palapit, pataas o
pababa,
papasok
palabas.
Mula sa malayoy
tanawona
tanaw ko ang maiitim
niyang buhok na tila sumasayaw sa hangin. Hindi ko pa
mabanaag nang malinaw ang kanyang mukha ngunit
nahihiwatigan ko na ang kanyang angking ganda.
May kumurot sa aking puso nang may limang dipa
na ang agwat ko sa kanya. Namamasdan ko na ang
kanyang katawan. Hapit na hapit ang kanyang
malulusog na dibdib sa suot niyang tube blouse na pula
at ang kanyang balakang sa stretched niyang maong.
Nang makaharap ko siya nang malapitan ay di ko
mapigilang mapabulong sa aking sarili: Ang ganda ng
text-mate ko!

3. Iayos ang mga datos ng


pasahol.

Halimbawa, bagamat malaki ang pagpapahalagang

binigay sa edukasyon ng mga Pilipino, marami sa ating


mga bata ang napipilitang tumigil sa pag-aaral dahil sa
matinding kahirapan o di kayay sa kakulangan ng mga
pampublikong paaralan.
Sa katunayan, sa bawat sampung batang nabibigyan
ng libreng edukasyon mula sa pamahalaan, anim lang
dito ang nakapagtatapos ng grade school. Yun naming
masuwerteng nakakaraos ay dumadaan naman sa
limitadong bilang ng oras, kakulangan sa mga
kagamitan, masisikip sa classroom at karaniwang
mababang kalidad ng edukasyon.

4. Iayos ang mga datos ng


pasaklaw.

Subalit hindi sinasadyang ginalit ni Sto. Tomas ang

mga Pilipina nang ipahiwatig niyang baka lisanin ng


kanyang mga kababayan ang Hong Kong kung
babawasan nang malaki ang pasuweldo sa kanila.
Ang kanyang nasambit? Kung talagang mahirap
mangyari ang ating hinihiling, may posibilidad na
sabihin na lang natin, Ok, kung hindi kayo kailangan sa
Hong Kong, siguro rapat na kayong umuwi sa Pilipinas,
ani Sto. Tomas.
Binatikos ng mga aktibista na sumusuporta sa mga
katulong ang pahayag ni Sto. Tomas. Anila, isang
walang pakundangan at iresponsable ito.

5. Paghambingin ang mga datos.


Di tulad ng mga tradisyunal na museo kung
saan yung mga bagay-bagay ay naka-display lang
sa likod ng mga salamin upang matyagan lang at
hindi hawakan, ang Museong Pambata ay
naglalaman ng mga bagay na pwedeng hawakan,
usyusohin, pakiaalaman, galawin at paglaruan ng
mga bata upang makatulong sa pagpapalawak ng
kanilang imahinasyon at pag-iisip.

6. Isa-isahin ang mga datos.


Balak ng Mobile Library Program na maitanim ang hilig sa pagbabasa
at pag-aaral sa mga bata particular na roon sa mga lalong
nangangailangan.
Kabilang din sa mga pakay ay:
1. Magkaroon ng mga special reading activities para sa mga out-ofschool youth at mga batang lansangan para ma-engganyo silang
bumalik sa pag-aaral.
2. Matulungan ang mga mababang paaralang pampubliko sa
kampanya nilang maisaayos ang kaugaliang pagbabasa ng mga
estudyante.
3. Hikayatin ang mga nakatatanda na engganyuhing magbasa ang
mga bata.
4. Makapa-organisa ng mga programang pang-edukasyon para sa
mga batang nasa ospital at bahay-ampunan.

7. Suriin ang mga datos.


Kabilang sa mga pelikulang hindi
makakalimutan dahil sa magaling na pagganap ni
Amy ay ang Paano Ba ang Mangarap (1985),
Hinugot sa Langit, at Anak (2000).
Dito sa Bagong Buwan, na sinulat ni Marilou
kasama si Ricky Lee at Jun Lana at gawa ng Star
Cinema at bahagi ng Bahaghari Productions, tiyak
na mapapansin na naman ang galling ni Amy sa
kanyang pagganap bilang Fatima, ang Muslim na
nurse na asawa ni Cesar.

You might also like