Kabanata 2 Aralin 3

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 36

ANG PEKE

‘’ANG BUHAY AY HINDI LAMANG


PAGKAIN, PAGTULOG, AT
PAGBIBIGAY SA KATAWAN, GAWIN
ITONG MAKABULUHAN, HANAPIN
ANG TUNAY NA KAHULUGAN.’’
A. Nagbibigyang-kahulugan ang mga salitang
iba-iba ang digri o antas ng kahulugan
(pagkiklino)

May ilang salitang may halos


magkakaparehong kahulugan subalit may
magkakaibang digri o antas ng kahulugan.
Lagyan ng bilang 1 hanggang 3 ang mga
patlang: 1 para sa pinakamababaw at 3 sa
pinakamatindi ang digri o intensidad.
Gamiting gabay ang pangungusap kung saan
nagamit ang salitang nakadiin.
_________ Damang-dama ang labis na bigat ng
kalooban ng dalaga sa kanyang malakas na
paghagulgol nang pilitin siyang ipakasal sa hindi
niya iniibig.
_________ Tahimik na paghikbi ang maririnig sa
dalaga nang kausapin siya ng ina.
_________ Hindi napigil ng dalaga ang pag-iyak
dahil hindi na niya kayang itago ang sama ng
loob sa kagustuhan ng ina.
_________ Nakaramdam si Mayang ng inis sa
tuwing makikita niya si Goryong, ang lalaking
gusting ipakasal sa kanya ng magulang.
_________ Nakadama ng galit si Mayang nang
ayaw pakinggan ng ina ang kanyang paliwanag.
_________ Labis na pagdaramdam ang nadama
ni Mayang dahil ipakakasal siya sa lalaking hindi
niya iniibig kapalit ng isang kalabaw.
_________ Ang lalong paglalapit ng
kalooban nila ni Mayang ay nagpasaya kay
Felix.
_________ Nagpangiti kay Felix ang
pagbibigay sa kanya ni Mayang ng bahaw na
kanin at daing.
_________ Labis na kaligayahan ang
nadama ni Eling nang ikasal sila ni Mayang.
B. Napipili ang angkop na salitang pupuno sa
diwa ng pangungusap

Ang mga bagong salita mula sa babasahing


dula ay binigyang-kahulugan sa ibaba. Mula
sa mga ito’y piliin ang salitang aangkop sa
diwa ng mga pangungusap. Isulat sa linya ang
titik ng tamang sagot.
a.bisig-braso j. mayabong-malago
b.Bituin-tala k.nababanas-naiinis
c.Buntal-suntok l. magsadya-magpunta
d.Bulawan-ginto m.nagsususpetsa-nagdududa
e.Dalisay-puro, malinis n.nalulumbay-nalulungkot
f. Daungan-pantalan o. pag-aaruga-pag-aalaga
g. Kahihinatnan-kahahantungan p.pinakamasahol-pinakamalala
h.Maglakbay-magbiyahe q. pusali-putik,burak
i. Manggagamot-doctor r. tanglaw-ilaw
1. Isang ______ ang kinonsulta ni Eling para
malunasan ang kanyang karamdaman.
2. Pinayuhan nito si Eling na ______ sa iba’t
ibang bansa sa mundo.
3. Sinabi ni Eling na labis siyang ______ dahil
wala na siyang kamag-anak at tila nawalan
na siya ng interes sa lahat ng bagay.
4. Pati sa pagdalo sa mga party o kasayahan
ay ______ na rin siya kaya’t ayaw na ayaw
niyang dumadalo sa mga ito.
5. Wala rin siyang tiwala sa tao at lagi siyang
______ sa totoong intension ng tao sa
paglapit sa kanya.
6. Ang hanap niya’y ______ na pag-ibig mula
sa isang tunay na nagmamahal.
7. Sinabi ng doctor na ang sakit niya ay
______ sa lahat dahil hindi basta-basta ang
lunas para ditto.
8. Kakailanganin daw niya ang ______ sa
kaniyang madilim na daraanan.
9. Sinabihan din siyang mas mabuti pa ang
mga kargador sa ______ dahil ang
paghihirap nila sa pagdadala ng mga
kargada sa mga barko ay may pinaglalaanan.
10. Katulad niya’y isang mataas at
______ na puno subalit ang mga damo
sa lilim nito’y pawing nangangamatay.
A. Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Anong uri ng sakit ang ikinonsulta ni Don


Felix o Eling kay Dr. Casas?

2. Ano-ano ang mga itinanong ng doktor kay


Eling? Bakit kinailangan niyang itanong ang mga
bagay na ito sa kanyang pasyente?
3. Batay sa mga isinagot ni Eling,
anong pagkatao niya ang makikita
sa auri ng kanyang pamumuhay?

4. Pagkatapos makuha ang mga


sagot sa tanong niya, ano ang sinabi
ng doktor patungkol sa sakit ni
Eling?
5. Bakit niya nasabi kay Eling na ‘’may sakit ka
pero walang sakit’’ subalit ‘’ang sakit mo’y higit
na malala kaysa pinakamasahol na sakit?’’

6. Totoo nga ba ang nasabi ng doktor na kahit


mayaman si Eling ay hindi ito nagkakahalaga ng
kahit isang sentimo at bakit kaya higit na may
halaga pa raw kaysa sa mayamang binata ang
isang simpleng kargador sa daungan?
7. Totoo nga bang walang silbi at
maituturing na taong ‘’peke’’ si
Eling? Bakit?

8. Ano raw ang dapat gawin ni Eling


kung nais niyang maging totoong tao
at maging maligaya?
9. Bakit tinanggap ni Eling ang
hamon para mapatunayan niyang
siya’y magiging totoong tao at hindi
‘’peke’’? Paano niya nagawang
maging masaya at magkaroon muli
ng makabuluhang buhay?
PAGSULAT NG EDITORYAL
O PANGULONG-TUDLING

Ang editorial na tinatawag ding pangulong-


tudling ay bahagi ng pahayagang nagsasaad
ng mapanuring pananaw o kuro-kuro ng
pahayagan tungkol sa isang isyu. Itinuturing
itong tinig ng pahayagan dahil ditto
mababasa
Ang paninindigan nila ukol sa isang
napapanahong isyu. Ito rin ay
naglalayong magbigay-kaalaman,
magpakahulugan. Humihikayat, at kung
minsa’y lumilibang sa mambabasa.
Tatlong Bahagi ng Editoryal o
Pangulong-Tudling

May tatlong bahagi ang editorial o


pangulong-tudling. Ito ay ang sumusunod:

1. Panimula- Dito binabanggit ang isyu o


balitang tatalakayin.
2. Katawan- Sa bahaging ito ipinahahayag ang
opinion o kuro-kuro ng patnugot. Maaaring
ilahad ito sa pamamagitan ng paglalarawan ,
gayundin ang pro(pagpanig) o
con(pagsalungat) sa isyung tinatalakay.

3. Wakas- Dito ipinahahayag ang bahaging


panghihikayat o paglagom upang mabuo sa
isipan ng mambabasa ang pananaw na nais
ikintal ng editoryal.
Mga Uri ng Editoryal o
Pangulon-Tudling
May iba’t ibang uri ng editorial o pangulong-
tudling. Nakabatay sa layunin ang uri ng
pangulong-tudling na isusulat ng editor.
Naririto ang ilan sa mga uri ng editorial o
pangulong-tudling:
1. Nagapabatid- Ipinaliliwanag o
nililinaw ang isang isyu sa hangaring
higit na maunawaan ang balita o
pangyayari.
2. Nagpapakahulugan- Binibigyang-
kahulugan ang isang pangyayari o
kasalukuyang kkalagayan sang-ayon
sa paningin o pananaw ng
pahayagan.
3. Namumuna- Isang hayagang panunuri
ngunit di naman pagbatikos tungkol sa isang
mainit na isyu. May layunin itong
magmungkahi sang-ayon sa paninindigan ng
pahayagan.

4. Nanghihikayat- Mabisang nanghihikayat sa


mga mambabasa upang sumang-ayon sa
isyung pinapanigan o pinaninindigan ng
pahayagan.
5. Nagpaparangal o Nagbibigay-puro- Nag-
uukol ng papuri o karangalan sa isang tao o
kapisanang nakagawa ng kahanga-hanga.

6. Nanlilibang- Nahahawig ito sa sanaysay na


impormal. Tumatalakay ito sa anumang panig
ng buhay, kaya’t madalas na nakawiwili ang
paksa, nakalilibang sa mambabasa, o
nakapagbabalik ng masasaya o maging
sentimental na alaala.
7. Nagpapahalaga sa natatanging araw-
Tinatalakay nito ang mga pambansang
pagdiriwang gaya ng Pasko, Mahal na Araw,
Todos Los Sanios, Bagong Taon, at iba pa.
Mga Tuntuning Dapat Sundin sa Pagsulat ng
Editoryal o Pangulong-Tudling

1. Magkaroon ng kawili-wiling panimulang


maikli lamang upang maakit ang atensyon
ng mambabasa.
2. Buoin ang katawan sa pamamagitan ng
paglalahad ng mga katibayan sa paraang
maayos at malinaw.
3. Iwasan ang pagbibigay ng pangkalahatang
patakaran. Sa halip,
a. Gumamit ng mga halimbawa at
paglalarawan upang pagtibayin ang
simula;
b. Gumamit ng paghahambing at pag-iiba-
iba
c. Gumamit ng magkakatulad na
kalagayan;at
d. Banggitin ang pinagmulan ng mga
inilalahad na kalagayan.

4. Tapusin nang naaangkop. Bigyan ng


mahusay na pagwawakas.

5. Tandaang ang pinakamahalagang


bahagi ay ang panimula at ang wakas.
6. Huwag mangaral o magsermon (no
preaching). Ilahad lamang ang mga patunay
at katwiran at hayaan ang mambabasang
gumawa ng sariling pagpapasiya.

7. Sundin ang lahat ng simulain sa mabisang


pagsulat- kaisahan (unity), linaw (clarity),
pagkakaugnay-ugnay (coherence), at diin
(emphasis).

You might also like