SALAWIKAIN

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

SALAWIKAIN: "Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala.

"

Ang salawikain na ito ay tungkol sa kasakiman at sa negatibong epekto ng paghahangad ng


sobra sobra. Ito ang nagsisilbing paalala na minsan hindi rin mabuti ang sobra dahil ito ay
nagdudulot ng hindi maganda sa atin at sa mga tao na nakapalibot sa atin. Magiging dahilan
ang ating kasakiman na makalimot tayo sa mga bagay na mas importante sa buhay kagaya ng
ating relasyon sa pamilya, pagtulong, at pagmamahal sa kapwa. Magiging dahilan ang ating
ambisyon na malayo ang ating loob sa mga mahal natin sa buhay at sa mga tao na ating
nakasalamuha dahil mas iniisip natin at kinokosidera ang mga bagay na gusto nating makuha
kapalit man nito ang relasyon natin sa iba. Dahil dito, imbes na tayo ay maging masaya sa
buhay ay mas lalo natin nararamdaman at mapagtanto na ang lahat ng meron tayo ay walang
kabuluhan at hindi nakapag kokontento sa atin dahil mas pinili natin ang mga bagay na lilipas
lang kaysa sa ating mga mahal sa buhay na siyang totoong nakapagbibigay natin ng kagalakan.
Ang salawikain na ito ay tugma sa panitikan na "Ang luha ng Buwaya". Si Donya Leona at Don
Severo Grande ay nag mamayari ng malawak na lupain sa Sampilong. Dahil gusto nila na sila
lang ang pinakamayan sa lugar na ito ay ginagamit ng mag-asawa ang kanilang salapi,
impluwensiya, at kapangyarihan upang paikutin at bulukin ang mga institusyong gaya ng
hukuman, simbahan, at pamahalaan nang mapanatili ang kanilang interes. Walang awa nilang
pinababayad ang mga magsasaka na gumagamit sa kanilang lupain at pinalayas ang sino
mang hindi nakapagbayad kahit ano man ang dahilan nito. Sa huli, napagtanto na ang lupa pala
ay hindi sa kanila mismo kung hindi kay Andres na isang magsasaka din. Pinagbilin lang pala
sa kanilang pamilya ang lupa iyon sa yumaong lola ni Andres. Ang mga Grande ay natalo sa
kaso laban sa mga magsasaka at kay Badong. Sila din ay nakaranas ng hindi mabuting
karamdam sa huli na naging patunay na wala na sa kanila ang lahat na dati nilang nararanasan.

You might also like