Bulaklak NG Lahing Kalinis Linisan
Bulaklak NG Lahing Kalinis Linisan
Bulaklak NG Lahing Kalinis Linisan
LAKAN-DIWA: Yamang akoy siyang Haring inihalal Binubuksan ko na itong Balagtasan, Lahat ng makatay inaanyayahang Sa gawang pagtula ay makipaglaban. Ang makasasaliy batikang makata At ang bibigkasiy magagandang tula, Magandang kumilos, may gata sa dila At kung hindi ay mapapahiya. Itong Balagtasa'y galing kay Balagtas Na Hari ng mga Manunulang lahat, Itoy dating Duplong tinatawag-tawag Balagtasan ngayon ang ipinamagat. At sa gabing itoy sa harap ng bayan Binubuksan ko na itong Balagtasan Saka ang ibig kong ditoy pag-sapan: BULAKLAK NG LAHING KALINISLINISAN. Tinatawagan ko ang mga makata, Ang lalong kilabot sa gawang pagtula, Lumitaw na kayot ditoy pumagitna At magbalagtasan sa Sariling Wika. PARU-PARO: Magandang gabi sa kanilang lahat Mga nalilimping kawal ni Balagtas, Akoy paru-parong may itim na pakpak At nagbabalita ng masamang oras. Nananawagan po, bunying Lakan-Diwa, Ang uod na dating ngayoy nagmakata,
Naging paru-paro sa gitna ng tula At isang bulaklak ang pinipithaya. Sa ulilang harding pinanggalingan ko Laon nang panahong nagtampo ang bango, Ngunit aywan bagat sa sandaling ito Ay may kabanguhang binubuhay ako. May ilang taon nang nagtampo sa akin Ang bango ng mga bulaklak sa hardin, Luksang Paruparo kung akoy tawagin, mata koy luhaan, ang pakpak koy itim. Bunying Lakan-Diwa, dakilang Gat-Payo, Yaring kasawiay pagpayuhan, ninyo, At si Laka-ILaw ang gagamitin ko Upang matalunton ang naglahong bango. LAKAN-DIWA Sa kapangyarihan na taglay ko na rin Ikinagagalak na kayoy tanggapin, Magtuloy po kayo at ditto sa hardin, Tingnan sa kanila kung sino at alin. PARU-PARO: Sa aking paglanghap ay laon nang patay Ang bango ng mga bulaklak sa parang, Ngunit ang puso koy may napanagimpang Bulaklak ng lahing kalinis-linisan. Ang bulaklak ko pong pinakaiirog Ubod na ng gandat puti ang talulot, Bulaklak poi to ng lupang Tagalog, Kapatak na luhang pangalay kampupot.
Kung kaya po naman di ko masansala Ang taghoy ng dibdib na kanyang dinaya, Matapos na siyay diligan ng luha Nang siyay umunlad, nagtagonawala! Isang dapit-hapong palubog ang Araw Sa loob ng hardin, kamiy nagtaguan, - Paruparo, anya kitay tatalian, Akoy hanapin mot kung makitay hagkan. Isang panyong puting myay dagta ng lason Ang sa aking matay itinakip noon, At ang Bulaklak koy bumaba sa dahon, Nagtago pa mandin at aking hinabol. Hinabul-habol ko ang bango at samyo Hanggang makarating ako sa malayo, At nang alisin na ang takip na panyo Wala si Kampupot, wala yaring puso. Ang taguang biroy naging totohanan Hanggang tunay na ngang mawala sa tanaw, At ang hinagpis ko noong akoy iwan, Baliw na mistula sa pagsisintahan. Sa lahat ng sulok at lahat ng panig Ay siya ang laging laman niring isip, Matulog man akoy napapanaginip, Mistulang nalimbag sa sugatang dibdib. Sa apat na sulok ng mundong payapa Ang aking aninoy tulang nabandila, Paruparo akong sa matay may luha, Ang mga pakpak koy may patak na luksa. Ang sakdal kong ito, Lakan-Diwang mahal,
Ibalik sa akin, puso kong ninakaw, At kung si Kampupot ay ayw po naman, Ay ang puso niya sa akiy ibigay. BUBUYOG: Hindi mangyayari at ang puso niyay Karugtong ng aking pusong nagdurusa, Puso ni Bulaklak pag iyong kinuha Ang lalagutin moy dalawang hininga. Pusong pinagtali ng isang pag-ibig Pag pinaghiwalay kapanga-panganib, Dagat mat hatiin ang agos ng tubig, Sa ngalan ng Diyos, ay maghihimagsik. Ang dalawang ibon na magkasintahan, Papaglayuin mot kapwa mamamatay, Kambal na pag-ibig pag pinaghiwalay, Bangkay ang umalis, patay ang nilisan, Paruparong sawing may pakpak na itim Waring ang mata moy nagtatakipsilim, At sa dahil sa diwang baliw sa paggiliw Di man Kampupot moy iyong inaangkin. Dinaramdam ko rin ang dinaranas mo At sa kasawiay magkauri tayo, Ako may mayroong nawawalang bango Ng isang bulaklak kaya naparito. Buhat pa kanginang ikawy nangungusap Bawat salita moy matulis na sibat, Saka ang hanap mong mabangong bulaklak, Luksang paruparo, siya ko ring hanap. Ipahintulot mo, Paruparong luksa,
Dalitin ko yaring matinding dalita. Itulot mo rin po, Hukom na dakila, Bubuyog sa sawiy makapagsalita. PARUPARO: Di ko pinipigil ang pagsasalaysay Lalot magniningning ang isang katwiran, Ngunit tantuin mo na sa daigdigan Ang bawat maganday pinag-aagawan. LAKAN-DIWA: Magsalita kayo at ipaliwanang Ang ubod ng lungkot na inyong dinanas, Paano at saan ninyo napagmalas Na ito ang siya ninyong hinhanap? BUBUYOG: Sa isang malungkot at ulilang hardin Ang binhi ng isang halamay sumupling, Sa butas ng bakod na tahanan naming Ay kasabay akong isinisilang din. Nang iyang halamay lumaki, umunlad, Lumaki akot tumibay ang pakpak, At nang sa butas ko akoy makalipad Ang unang hinagkay katabing bulaklak. Sa kanyang talulot unang isinangla Ang tamis ng aking halik na sariwa, At sa aking bulong na matalinghaga Napamukadkad ko ang kanyang sanghaya. Nang mamukadkad na ang aking kampupot Sa araw at gabi akoy nagtatanod, Langgam at tutubing dumapo sa ubod Sa panibugho koy aking tinatapos.
Ngayon, tanda ko ngang kayoy nagtaguan Habang akoy kanlong sa isang halaman, Luksang paruparo nang ikawy maligaw Ang aking halakhak ay nakabulahaw. Ang inyong taguan, akala koy biro, Kaya ang tawa koy abot sa malayo, Nganit nang ang sayay tumagos sa puso Sa akin man pala ay nakapagtago. Lumubog ang araw hanggang sa dumilim Giliw kong bulaklak dir in dumarating, Nang kinabukasat muling nangulimlim Ay hinanap ko na ang nawalang giliw. Nilipad ko halos ang taas ng langit At tinalunton ko ang bakas ng ibig, Ang kawikaan ko sa aking pag-alis Kung dimakitay din a magbabalik. Sa malaong araw na nilipad-lipad Dito ko natunton ang aking bulaklak, Bukong sa halik kokaya namukadkad Di ko papayagang mapaibang palad. Luksang Paruparo, kampupot na iyan, Iyan ang langit ko, pag-asa at buhay, Ang unang balik kong katamis-tamisan Sa talulot niya ay nakalarawan. PARUPARO: Hindi mangyayaring sa isang bulaklak Kapwa mapaloob ang dalawang palad. Kung ikaw at akoy kanyang tinatanggap Nagkasagi sana ang kanitang pakpak.
Ikaw ay Bubuyog, sa urang sumilang Nang makalabas kay saka mo hinagkan: Ako ay lumabas sa kanya ring tangkay, Sino ang malapit sa pagliligawan? Una muna akong nag-uod sa sanga Na ballot ng sapot ng pagkaulila, Nang buksan ng Diyos yaring mga mata Bulot dahon naming ay magkasama na. Sa ugoy ng hanginsa madaling-araw Nagduruyan kaming dalawa sa tangkay, At kung bumabagyot malakas ang ulan, Ang kanya ring dahon ang aking balabal. Sa kanyang talulot kung may dumadaloy Na patak ng hamog, aking iniinom; Sa dahon ding iyon ako nagkakanlong Sa init ng Araw sa buong maghapon. Paano ngang siya ay pagkakamalan Sa kamiy lumaki sa iisang tangkay, Kaya nga kung akoy sa kanya nabuhay Ibig ko rin namang sa kanya mamatay. BUBUYOG: Huwag kang matuwa sapagkat kaniig Niyaring bulaklak na inaaring langit, Pagkat tantuin mo sa ngalang pag-ibig Malayo mat ibig, daig ang malapit. Saka ang sabi mong sa mutyang kampupot Nakikiinom ka ng patak ng hamog, Kaunting biyaya na bigay ng Diyos, Tapang ng hiya mong ikaw ang lumagok.
Ikawy isang uod, may bulo kang taglay; Sa isang bulaklak lasot kamatayan, At akong bubuyog ang dala koy buhay Bulong ng hiningang katamis-tamisan. PARUPARO: Akong malapit nay napipintasan mo, Ikaw na malayo naman kayay pano? Dalaw ka nang dalaw, di mo naiino, Ay ubos na pala ang tamis sa bao. Bubuyog na laging may ungol at bulong Ay nakayayamot saanman pumaroon, At ang katawan moy mayrong karayom Pano kang lalapit, di naduro tuloy? Di ka humahalik sa mga bulaklak, Talbos ng kamote ang siya mong liyag, Ang mga bintanay iyong binubutas, Doon ang bahay mo, bubuyog na sukab. Ikaw ay bubuyog, akoy paruparo, Iyong mgabulong ay naririnig ko; Kung dinig ng lahat ang panambitan mo Hiya ni Kampupot, ayaw na sa iyo. BUBUYOG: Kundi iniibig ang nakikiusap Lalo na ang tahimik na tatapat-tapat, Kung ang magsalitay di-magtamong-palad Lalo na ang dungong di makapangusap. Lilipad-lipad ka na payaot ditto Pasagilang-bingit, at patanaw-tao, Pagligaw-matandang sa panahong ito Pagtatawanan ka ng liligawan mo.
Ikawy paruparo, ako ay bubuyog Nilang ka sa tangkay, ako ay sa bakod, Ngunit saang panig nitong sansinukob Nakakatuwaan ang paris mong uod? Saka, Paruparo, dapat mong malamang Sa mulat mula pay di ka minamahal, Ang panyong panali nang ikaw ay takpan Ikaw ang may sabing may lason pang taglay. PARUPARO: Ganyan ang hinalangnamugad sa dibdib, Pagkat napaligaw ang aking pangmasid, Hindi pala lasot dagta ng pag-ibig Ang sa aking panyoy kanyang idinilig. BUBUYOG: Dadayain ka ngat taksil kang talaga At sa mga dahoy nagtatago ka pa. PARUPARO: Kung akoy dinayat ikaw ang tatawa Sa taglay kong bulo nilason na kita. BUBUYOG: Pagkat ikawy taksil, akin si Kampupot. BUBUYOG: Siyay bulaklak ko sa tabi ng bakod. PARUPARO: Bulaklak nga siyt akoy kanyang uod. LAKAN-DIWA: Tigil na Bubuyog, tigil Paruparo, Inyo nang wakasan iyang pagtatalo;
Yamang di-malan ang may-ari nito, Kampupot na iyay paghatian ninyo. BUBUYOG: Kapag hahatiin ang aking bulaklak Sa kay Paruparoy ibigay nang lahat; Ibig ko pang akoy magtiis ng hirap Kaya ang talulot niya ang malagas. PARUPARO: Kung hahatiin poy ayoko rin naman Pagkat pati akoy kusang mamamatay; Kabyak na kampupot, aanhin ko iyan O buo wala ngunit akin lamang. LAKAN-DIWA: Maging si Solomong kilabot sa dunong Ditoy masisira sa gawang paghatol; Kapwa nagnanasa, kapwa naghahabol, Ngunit kung hatiiy kapwa tumututol. Ipahintulot pong sa mutyang narito Na siyang kampupot sabihin kung sino, Kung sino ang kanyang binigyan ng oo, O kung si Bubuyog, o kung si Paruparo. KAMPUPOT: Ang kasintahan koy ang luha ng langit, Ang Araw, ang Buwan sa gabing tahimik, At si Bubuyog pot paruparong bukid, Ay kapwa hindi ko sila iniibig. PARUPARO: Matanong nga kita, sinta kong bulaklak, Limot mo na baga ang aking pagliyag? Limot mo na bagang sa buong magdamag
Pinapayungan ka ng dalawang pakpak? KAMPUPOT: Tila nga, tila nga sa akiy mayroong Sa hamog ng gabi ay may nagkakanlong, Ngunit akala koy dahon lang ng kahoy At di inakala na sinuman yaon. BUBUYOG: At ako ba, Mutya, hindi mo na batid Ang mga bulong kot daing ng pag-ibig, Ang akin bang samo at mga paghibik Na bulong sa iyoy di mo ba narinig? KAMPUPOT: Tila nga, tila nga akoy may napansing Daing at panaghoy na kung saan galing, Ngunit akala koy paspas lang ng hangin At di inakala na sinumat alin. BUBUYOG: Sa minsang ligayay tali ang kasunod, Makapitong lumbay o hanggang matapos. PARUPARO: Dito natunayan yaong kawikaan Na ang paglililoy nasa kagandahan. SABAY: BUBYOG AT PARUPARO: Ang isang sanglang naiwan sa akin Ay di mananakaw magpahanggang libing. LAKAN-DIWA: Ang hatol koy ito sa dalawang hibang Nabaliw nang hindi kinababaliwan: Yamang ang panahon ay inyong sinayang Kayat nararapat na maparusahan. Ikaw ay tumula ngayon, Paru-paro, Ang iyong tulain ay Pagbabalik mo, At ang Pasalubong sa babaing lilo, Bubuyog, tulain, ito ang hatol ko. (Pagkatapos makatula ni Paruparo) LAKAN-DIWA: Sang-ayon sa aking inilagdang hatol, Ay ikaw Bubuyog ang tumula ngayon; Ang iyong tulain ay ang Pasalubong Ng kabuhayan mong tigib ng linggatong. (Pagkatapos makatula ni Bubuyog) Minamahal namit sinisintang bayan, Sa ngayoy tapos na itong Balagtasan; At kung ibig ninyong sila ay hatulan, Hatulan na ninyo pagdating ng bahay,