Fil7-Melc8 Q1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

LEARNING ACTIVITY SHEET

QUARTER I

Pangalan:____________________________Baitang/Seksyon: ______Iskor:______
Asignatura: FILIPINO 7 Guro: ________________Petsa: ______

I. Pamagat ng Gawain: Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao


II.Uri ng Gawain: √ Pagpapaunawa ng konsepto
Pangkalahatang Pagsusulit ( Gawaing Pasulat Gawaing Pagganap)

III. MELC: Nasusuri ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari batay sa


sariling karanasan. (F7PB-Ih-i-5)

IV. Layunin ng Pag-aaral:


1. Nakikilala ang mga bahagi ng isang dula.
2. Nasusuri ang pagkamakatotohanan o di makatotohanan ng mga pangyayari sa
akda.
3. Naiuugnay ang mga pangyayari sa dula sa kasalukuyan at sa sariling
karanasan.
4. Nasusuri ang pagkamakatotohanan ng mga tauhan sa dula batay sa papel na
ginampanan.
5. Naihahambing ang Pag-Islam ng mga Muslim sa kasalukuyang paraan ng
pagbibinyag sa ibang pangkat/relihiyon.

V. Sanggunian:

Para sa Print Material/s:(Isulat ang pamagat ng aklat, pangalan ng may akda, at pahina)

 Kayumanggi, Gabay ng Guro nina Perla Guerrero, Ruth Hernandez at Nina S.


Magalong, pahina 39-41, 44-46
 Pinagyamang Pluma 7, Ailene G. Baisa-Julian, et.al, pahina 115

Para Online Resource/s:(Isulat ang website, URL at petsa ng pagsangguni)


 https://www.slideshare.net/johnmichaelcepe/dula-121206051045phpapp02
(Hulyo 9, 2020)
 http://rosiefilipino10.weebly.com/dula.html#/ ( Hulyo 12, 2020)

1
VI. Pagpapaunawa ng Konsepto:

TANDAAN!
DULA
Ang dula ay hango sa salitang Griyego na “drama” na nangangahulugang gawin o
ikilos.Ito isang uri ng panitikang naglalantad ng mga pangyayaring hango sa tunay na
buhay. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang
mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok
sa tanghalan ng mga tauhan. Ang mga taong dalubhasa sa larangan ng pagsusulat ng
mga dulang itinatanghal ay tinatawag na mga mandudula, dramatista, o dramaturgo.
Ang dula ay isang uri ng sining na may layuning magbigay ng makabuluhang
mensahe sa manonood sa pamamagitan ng kilos ng katawan, dayalogo at iba pang
aspekto nito.Ito ay isang uri ng akdang may malaking bisa sa diwa at ugali ng isang
bayan.
May tinatawag ding katutubong dula na itinatanghal sa paraang paawit, patula o
pasayaw na naglalarawan ng paniniwala, pamumuhay pati na ang lahing
pagkakakilanlan mula noon hanggang ngayon sa kasalukuyan.

 Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad
sa dula
 Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang
mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama
sa dula
 Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang
suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring
mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari;
maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula
2
 Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa
suliraning nararanasan
 Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan
laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring
magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang isang dula
 Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa
sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin
o kaya’y sa pinakakasukdulan ang tunggalian
 Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos
sa mga tunggalian
 Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga
suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong
mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood

ELEMENTO NG DULA

Iskrip o nakasulat na dula – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na
isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip

Gumaganap o aktor – ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan
sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t ibang
damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula

Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay


tinatawag na tanghalan;tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang
dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase

Tagadirehe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang
nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga
tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende
sa interpretasyon ng direktor sa iskrip

3
Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi
ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dula’y
maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood

EKSENA AT TAGPO

Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang


tagpo nama’y ang pagpapalit o ang iba’t ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga
pangyayari sa dula.

Gawain 1: Kaya Mo Ito!

Panuto: Punan ng angkop na salita/mga salita/parirala ang bawat patlang upang


mabuo ang diwa ng teksto.

Ang (1)__________ ay isang uri ng panitikan na ang pinakalayunin ay


(2)______________________________. Sinasabing ito ay paglalarawan sa
madudulang bahagi ng (3)_____________. Mandudula,dramatista o dramaturgo
ang tawag sa (4)_________________________________________. May
tinatawag ding katutubong dula na itinatanghal sa paraang
(5)_____________________________________pati na ang lahing
pagkakakilanlan mula noon hanggang sa kasalukuyan.

Gawain 2:

Panuto: Ang tawag sa gawaing ito ay HANAP SALITA. Hanapin at bilugan ang mga
salitang may kaugnayan sa Dula. Simulan mo na ang paghahanap.

S O G B Y G A L A M A Y

A R I O O M L E W A R Y

N T S S G A I K P S Y A
N A A T A N G H A L A N
D U L A W D A O T O A T

A H U G K U S W U N B A

L K H P D D M G L G R W

O I E O B U I B A K E G

W D M B O L T L S O P A
I N I I W A N S A K L P

4
Gawain 3:

Panuto: Pagkatapos mong mabasa ang tungkol sa dula, isa-isahin ang mga katangian
nito gamit ang WORD WEB

1.

3.
DULA
2.

5.

4.

Gawain 4: Marami Ka Pang Magagawa!

Ang Mindanao ay mayaman sa likas na yaman at kulturang kakikitaan


ng magandang kaugalian at paniniwala ng mga taong namumuhay sa
nasabing lugar.
Ang magandang imaheng ito ay lalong pinatingkad ng mga akdang
pampanitikang nagmula sa isang bahagi ng Pilipinas at ang isa na dito ang
dulang nagmula sa Mindanao.

Panuto: Pagkatapos mong matutunan ang mga bagay tungkol sa Mindanao, sagutin
ang mga tanong na nasa ibaba.
1.2. Sa iyong palagay, napanatili ba ng dulang mula sa Mindanao ang kaugalian at
paniniwala ng rehiyong pingmulan nito? Bakit oo, bakit hindi?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3.5. Magiging katanggap-tanggap kaya sa ibang panig ng Pilipinas ang mga dulang
mula sa Mindanao? Ipaliwanag ang sagot.

_____________________________________________________________________

5
Gawain 5:

Panuto: Bigyang-pansin ang larawan sa ibaba at pagkatapos ay sagutin ang kasunod


na mga tanong.

1. Tungkol saan ang nakalarawan?


___________________________________________________________________
2.3. Ilahad ang mensaheng nasa larawan.
___________________________________________________________________
_________________________________________________________.
4.5. Paano nakatutulong ang mensahe ng isang larawan sa pagpapahalaga ng
kaugalian at paniniwala sa pook na iyong pinagmulan?
_________________________________________________________________
___________________________________________________

Gawain 6:

Panuto: Manood ng isang dula (maaring manood kahit sa Internet lamang). Bigyang-
pansin ang mga tauhang nagsisipagganap sa dula at ilarawan kung ang kanila
bang gawi at kilos ay akmang-akma at makatotohanan sa tauhang kanilang
ginampanan.

____________________________________________
Pamagat ng Dulang Napanood

Tauhan Papel na ginampanan Paglalarawan sa Kilos at


Gawi ng mga Tauhan
1. 2-3. 4-5.

6
Gawain 7: Subukin ang Iyong Sarili!

Napalawak mo na ang iyong kaalaman at pag-unawa ukol sa Dula.


Ngayon naman, isang buod ng dula mula sa Mindanao ang
matutunghayan mo. Simulan mo na ang pagbabasa.

Datu Mungalayon
Si Datu Mungalayon, isang datung Babaylan ay itinuturing na bayani at
tagapagtanggol ng karapatang pantribo ng mga Tagakaolo, isa ito sa mga kultural
na pamayanang Lumad sa Mindanao na nainirahan sa mga kabundukan ng
Kulaman sa kahabaan ng Saranggani Bay at ng Malalag sa Davao.
Isinalaysay sa dula ang paglalakbay at pakikihamok na isinagawa ni Datu
Mungalayon at ng mga katribo ng tangkaing sakupin ng mga Amerikano ang
kanilang lupain upang palakasin ng mga ito ang kanilang monopoly ng abaka.
Ginanap ang dulang ito sa maliit na purok ng Kibulan,Davao kung saan
ipinakita ang ritwal na may kasabay na sayaw na tinatawag nilang “mag-udol” isang
sayaw para sa pagdadalang-tao.

Panuto: Tiyak kong nagustuhan mo ang buod ng dulang “Datu Mungalayon”. Ngayon
naman para sa lubusan pang pag-unawa ay sagutin ang mga tanong sa
ibaba.

1. Bakit itinuturing ng mga Tagakaolo na bayani si Datu Mungalayon?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
___________________________________.

2-3. Ano-ano ang mga pagkakatulad mo kay Datu Mungalayon?

SARILI PAGKAKATULAD DATU MUNGALAYON

7
4-5. Patunayang may pagpapahalaga ang mga Tagakaolo sa kanilang kultura
at likas na yaman.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
______________________________________________.

Gawain 8:

Panuto: Punan ng mga hinihinging mga katangian at paliwanag tungkol sa


pangunahing tauhan gamit ang Character Trial Organizer.

Si Datu Mungalayon

ay
1. 2.

 3. 4. 5.

dahil sa

Gawain 9:

Panuto: Magtala ng tatlong pangyayari sa dula na maiuugnay sa mga naganap sa


Mindanao na maaaring nangyayari sa kasalukuyan.

8
Mga Pangyayari sa Dula Mga Pangyayari sa Kasalukuyan Kaugnay na Karanasan

Gawain 10: Dagdagan mo Pa

Marami ka nang natutunan tungkol sa Dula at Mindanao. Ngayon


naman, paigtingin ang hawak mong kaalaman at pag-unawa ukol sa isa
na namang halimbawa ng dula na iyong babasahin sa pamamagitan ng
pagtupad sa mga gawaing magpapatunay sa iyong kaalaman at pag-
unawa. Kaya mo Yan!

KALILANG
(Bahagi ng dulang Datu (Papasok si Datu Matu)
Taumbayan: (Awit at sayaw) Si Datu Matu
Tayo’y magsaya sa kalilang Sa Gumbaran namumuno
Magtugtugan, magsayawan Makapangyarihan, makatarungan
Pakita ang sagayan Sinusunod, tinitingala
Tugtugin ang kulintang Sa kaniya umiikot mundo’t bayan
Paliparin ang sambolayan Buhay, ang gabay.
Masaya ngayon!
Datu Matu:
Si Khalid, binata na Assalamo, Allaikum
` Panahon na, tuliin siya Taumbayan:
Sa kalinisan, pagpalain Allaikum, Assalam
Sa langit pakikinggan Abu:
Sa harap ni Allah at ng bayan. Datu. Si Datu Awalo ng Biwang
Datu Matu:
Mga babae: Lubos ang kasiyahan ko sa pagdalo
Binata na, iyong anak ninyo
9
Lubos ka nang nasisiyahan Isang malaking karangalan. Nawa’y
Ngunit ika’y nangangamba maging simula ito ng pagbibigkis ng
Datu Matu: (Bayok, awit)
Noon pa man, ang ating mga bayan Makinig sa kuwentong ito, isang
ay dati nang magkaibigan. Hindi bantog na namuno, isang mandirigma
maiiwasang nagkaaalitan nang kaunti at may tapang ng agila Datu Malik ang
nagkasugatan. Ngunit walang dahilan pangalan niya.
upang ‘di maghilom ang naiwang sugat at
muling maging magkaibigan. (Reaksiyon) Isang gabi, gaya ng gabing
Taumbayan: ito, niluwal ang isang sanggol. Lahat ng
Datu Matu, Datu Matu palatandaan ng langit ang nagsabing
Tuldok sa gitna ng bilog dakila ang batang ito. Lumaki na malapit
Taluktok n gaming bundok na malapit siya sa puso ng kaniyang ina,
Buhay sa iyo’y umiikot minahal siya nang lubos. Kinilala siya na
Datu Matu, Datu Matu mahusay na mangangaso noon pa man.
Sinusunod, tinitingala Ininat niya nag kanyang tirador at
Iginagalang na pangulo pinakawalan ang bato. Sa isang bato,
Mapalad ang aming bansa. tatlong ibon ang bumagsak.
Datu Matu: Isang umaga (Isasayaw ang
Wala akong pagsidhan ng bahaging ito,maindayog ang tunog ng
kasiyahan sa Pag-islam ng aking plauta) hindi huni ng ibon ang
binatang si Khalid. sumalubong sa kanya, dagundong ng
Ngayon nama’y marangal kong kanyon .
ibabalita sa inyo, ang pagdaraop ng Sa unang putok lamang tumimbuwang
palad ng aking anak na si Tarintang ang kaniyang ina. Nasugatan ang
at ng anak na si Datu awal na si kanyang ama, bago yumao ang kaniyang
Maduk. Magsisilbi itong tatak, ama, ibinigay ang kris sa kaniya.
mahigpit na pagkakaisa ng ating Sinasabing ang kris na minana niya ay
dalawang bansa. lumilipad ng kusa at nananalasa sa mga
Awalo: 10 kaaway, parang may sariling bait. Lumaki
Magkapatid tayo mula pa man. siyang may bait.
Lubos akong naliligayahan. Lumaki siyang matipuno at saksakan ng
.(Huhugutin ni Datu Matu ang kris, iaabot kay Khalid. Sasayaw si Khalid.
Sasama si Hassan, isang kunyaring paglalaban, ang sagayan. May pakiramdam ng
pagmamatyag. Karangyaan sa bansa, magtatawanan)

Datu Matu:
Bapa! Handa na si Khalid sa Ipa-tulod. Inaasahan na magiging isang
matapang na mandirigmang magtatanggol sa bansa. At lalong inaasahan ang
pagiging tapat bilang isang ganap na Muslim, Allahu Akbar!
( Ipatulod) Papasok si Khalid, tutuliin. Habang ginaganap ang ritwal mayroong mga
mandirigma sa kilos ng sagayan sa paligid.

Bapa Salilang:
O, tohan Ami, O, marina. Pangalagaan si Khalid, anak ni datu Matu. Naririto
ang isang agimat upang medaling mahilom ang sugat, upang walang masamang
espiritu sa iyo sisilong, upang bantayan ka na tonong. Allahu Akbar!

Taumbayan:
Tayo’y mag-aliw sa kalilang
Khalid lilinisin sa Pag-islam
Magsayawan, magtugtugan
Onor ritmo’y pagsasaluhan
Ipatulod nangangahulugang ganap
(Mga tunog ng ripple. Tunog ng tambol)

11
Panuto: Sanay nagustuhan mo ang binasang dula. Ngayon,ilahad ang nagingibabaw
na katangian ni Datu Matu. Kanino mo siya maaaring ihambing sa kilalang tao sa
ating lipunan sa kasalukuyan. Ipaliwanag ang sagot.

1. Nangibabaw 2. Kilalang 3-5. PALIWANAG


na katangian tao sa
D kasalukuyan
A
T
U

M
A
T
U

Gawain 11:
Panuto: Pumili ng dalawang panyayari sa dulang “Kalilang”. Suriin kung ito ay
makatotohanan o hindi. Ipaliwanag ang iyong sagot
M ga Pangayari sa Dula M akatotohanan Di-makatotohanan

Gawain 12:
Panuto: Ihambing ang Pag-islam sa paraan ng pagbibinyag sa ibang pangkat na may
ibang kaugalian o pananampalataya gamit ang kasunod na graphic organizer.

1. KATOLIKO

4. Iglesia ni Kristo
2. SAKSI NI JEHOVA
12
3.PAG-ISLAM

5. Church of the Latter Day Saints


(Mormons)

13

You might also like